Kumunot ang noo ni Harvey York. Hindi niya inasahan na ganito kadeterminado ang mga York at ang Dragon Palace na ipasa ang lahat ng sisi kay Queenie York. Syempre, baka isa tong klase ng pagkainis oajltapos mawala sa kanila ang branch ng Dragon Palace. Pero para kay Queenie, masyado itong masama. Umaasa siya na pakakawalan siya ng mga York ay ng Dragon Palace para makita niya pa ang araw..."Kung sa tingin mo ay hindi to patas para sa'yo o hindi mo nagugustuhan ang sitwasyon mo ngayon, baka pwede mong ibuking si Vince York sa'min." Kalmadong tinignan ni Harvey ang mukha ng magandang babae. "Kapag ginawa mo yun at nagbigay ka ng kakailanganing pruweba, matitiyak ko sa'yo na papanatilihin kang ligtas ng Longmen at ng Dragon Cell. Mabubuhay ka nang buong dangal at kayamanan sa ibang bansa buong buhay mo." "Gusto mong ibuking ko si Vince?" Tumawa si Queenie. "Mahal kong Prince York, hindi ka pa nakikita ni Vince at hindi rin siya nagpapakita ng kahit na anong senyales para
Pagkaalis ni Harvey York, lumitaw si Peyton Horan sa interrogation room.Tumingin siya kay Queenie York nang interesado.“Gusto mo bang magpatayan si Harvey at Vince York kaya sinabi mo sa kanya ang ganito kalaking lihim bago ka makulong?“O may iba ka pang binabalak?”“Walang plano,” kalmadong sumagot kaagad si Queenie.“Ako ang sumalo ng lahat ng sisi, pero pinabayaan ako ni Vince na parang wala lang ako. Bakit ko pa itatago ang lihim niya pagkatapos nito?“Wala akong pake kung mapatay siya ni Harvey. Masaya na ako basta magulo ko siya.”Naningkit ang mata ni Peyton habang nakatingin siya sa Taiping Mountaintop.Kung hindi binangga ni Vince si Harvey, hindi sana mangyayari ang lahat ng insidenteng ito.Ngunit dahil kumilos siya, nalaman na ni Harvey ang katotohanan…Mapapahamak ang mga York ng Hong Kong! “Gayunpaman, diba si Vince na ang susunod na magiging Chief Instructor ng siyam na pinakamalaking military force sa Country H? Makakapalag ba sa kanya si Harvey?”Pagkaa
Naglakad ang dalawa sa isang maliit na hardin sa itaas ng Arcburn Mountain. Bihira dumalaw ang mga tao sa lugar na iyon. Isa itong kakaibang lugar. Isang dosenang guwardiya ang susunod sa kanila papasok, ngunit kaagad itong pinatigil ni Fabian Hamilton. Natural, mayroon itong gustong sabihin kay Harvey York nang pribado. "Dinala kita dito ngayon upang makausap ka nang masinsinan. "Una, nais kong humingi ng tawad para sa mga ingrato kong anak dahil sa pananakit nila sa itong kasintahan at sa paninira sa'yo," taos-pusong sinabi ni Fabian habang naglalakad sa hardin. Kumislap ang mga mata ni Harvey. "Hindi na kailangan. Para sa akin, ang hidwaan sa pagitan ng pamilya mo at pamilya ko ay maaayos pa naman. Basta hindi ako guluhin ng pamilya mo, hindi ko rin kayo guguluhin," kalmadong sagot niya. "Huwag kang mag-alala. Alam ng pamilya namin kung kailan sila titigil." Tumawa nang bahagya si Fabian. "Tinanong ko ang mga hangal na 'yun tungkol sa hinanakit nila sa'yo kaninang um
"Nawala ang mga tauhan mo?" Kumunot ang noo ni Harvey York. "Naibalita mo na ba ito sa awtoridad?" Umiling si Fabian Hamilton. "Hindi. Sa totoo lang, dahil malaki ang negosyong pinapatakbo ng pamilya ko, natural na mayroon kaming mga tinatago. Hindi ko pwedeng tawagin ang mga pulis kung kailan ko gusto. "Kahit na hindi ko ginawa 'yan, nag-imbita ako ng tatlong private detective mula sa Hong Kong at Las Vegas para tumulong, pero wala rin silang makita. Parang naglaho na lang nang parang bula ang mga tao ko. "Kung wala doon ang mga kwarto nila, magtataka pa kami kung talaga bang nandoon ang mga taong iyon simula pa lang. "Ngayon, dahil dito, natataranta na ang mga tao sa Hamilton Residence. May nagbabadyang panganib sa Hamilton family, at nararamdaman nila ito. "Pakiusap tulungan mo kami dito, Branch Leader York." Napukaw ang interes ni Harvey nang maisip niya ang sitwasyon. "Kung ayos lang sa iyo, pwede bang humanap tayo ng isang tahimik na lugar para matingnan ko an
"Ang kapal naman ng mukha mo?!" Nagwala sa galit any Three Demon Monks. Nang halos sabay-sabay, lumabas ang mga tungkod mula sa likuran nila. Naningkit nang bahagya ang mata ni Fabian Hamilton. "Hindi problema sa akin ang kalabanin niyo ako. Pwede natin itong idaan sa laban kung ito talaga ang gusto niyo. "Gayunpaman, inosente si Harvey York. Wala siyang kinalaman dito. Pakawalan niyo siya. "Pwede tayong maglaro pag-alis niya. "Higit sa lahat, siya ang prinsipe ng South Light at ang branch leader ng Longmen ng Mordu. Kapag namatay siya, mapapahamak kayo. "Sinasabi ko ito sa'yo para sa kapakanan mo!" Kalmadony sinabi ni Fabian, para bang hindi siya natatakot sa kamatayan. Napahamak si Harvey dahil sa usapan nila. Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang makatakas si Harvey kahit anong mangyari. "Masyado mo akong minamaliit, Mr. Hamilton!" kalmadong sinabi ni Harvey. "Marunong rin akong lumaban! At kahit hindi ako marunong, hindi kita pwedeng basta na lang iwan dito!
Bago pa mahimasmasan ang pinuno ng Demon Monk, sumugod paharap si Harvey York at humawi paharap.Sumigaw nang malakas ang Demon Monk, ngunit hindi ito nagkaroon ng pagkakataong iwasan ang atake ni Harvey. Hindi ito nagkaroon ng oras na itaas ang tungkod nito sa sandaling iyon. Ang nagawa lamang nito ay sumuntok paharap.Bang!Nagsiklaban ang dalawang atake nang magbanggaan ito, para bang nagbabanggaan ang dalawang martilyo. Sa sandaling iyon, isang malutong na tunog ang narinig.Krak! Kasabay ng tunog ng nabasag na buto, nagbago nang husto ang mukha ng Demon Monk. Kaagad nitong itinabi ang kanyang tungkod at nagsimulang umatake gamit ng dalawang kamay, sinusubukang pahinain ang mga palo ni Harvey.Pak pak pak pak! Maririnig ang mga tunog ng pag-atake, ngunit hindi ito tumalab. Hindi natitinag ang sampal ni Harvey, para bang nakatutok na kaagad ito sa mukha ng Demon Monk sa sandaling ihampas niya ito paharap.Swoosh!Tumutulo na ang malamig na pawis sa likuran ng Demon Monk.
“Kaya para sa magandang kinabukasan ng Thailand at ng aming hari…“Mamamatay ka tulad ni Fabian Hamilton!”Pinunasan ng pinuno ng Demon Monk ang dugo sa kanyang bibig nang mukhang marangal. Basta na lang hinagis ni Harvey York ang tisyu niya sa sahig habang mukhang interesado siya sa tatlo.“Sabay-sabay ba kayong aatake? O gusto niyong makipaglaban nang harapan?”Nagulantang nang sobra si Fabian nang makita niya ito. Natutukoy na niyang napakagaling ni Harvey sa pakikipaglaban.Higit sa lahat, ang pagiging branch leader ng Mordu ay sapat na para patunayan ang maraming bagay.Tumingin si Fabian sa Demon Monk at sinabi, “Ngayong alam mo na kung gaano talaga kalakas si Harvey, pakawalan mo na lang siya. “Higit sa lahat, ako ang pakay niyo ngayon. Bakit papahirapan niyo pa ang sarili niyo?” “Manahimik ka!” Sumama ang mukha ng Demon Monk nang marinig nito ang sinabi ni Fabian.“Fabian Hamilton, anong karapatan mong pagsabihan kami?!“Kung hindi dahil sa paulit-ulit mong pagt
“Tingin mo ba hindi ka namin kayang patayin?!”Umasal ang pinuno ng Demon Monk na parang narinig niya ang pinakamalaking biro ng taon pagkatapos marinig ang sinabi ni Fabian Hamilton. “Halos isang buwan ka na naming binabantayan para lang makahanap ng pagkakataong mapatay ka! “Nagtanong pa kami sa isang manghuhula tungkol sa aming kapalaran bago kami umapak dito. Sabi nito magiging maswerte daw kami. Kaya patay ka na!”Tumawa ang pangalawang Demon Monk.“‘Wag kang mag-alala, Fabian. Pagkatapos namin sa’yo, isusunod namin ang mga anak mo! Babae na lamang ang matitira upang magtaguyod sa pamilya mo! “Pagkatapos, pipilitin namin ang anak mo na pakasalan ang aming hari! Kahit sa ayaw o sa gusto mo, magiging amin na ang yaman mo! “Ang lahat ng ito ay alinsunod din sa batas ng Country H! Wala kaming nilalabag na kahit anong batas! Walang makakapigil sa amin kapag nangyari ito!”Tumawa ang pangatlong Demon Monk.“Tinadhana ka nang mamatay dito, pero ‘wag kang mag-alala. Sasabihan