“Sweetheart, klasmeyts mo sila. Para na kayong pamilya. Bakit kailangan mong lubhang makipagtalo sa kanila? Nagmumukha kang makasarili.” Si Jamie na tahimik na nakatayo sa likod ay humakbang upang yakapin si Nia.Kasabay nito ay ang kaniyang paghusga kay Mandy at siya nabalot ng pagtataka. Hindi naman magkalayo ang kagandahan at katawan ni Nia kay Mandy. Ang pinakamahalagang bagay ay marami nang naging karelasyon si Nia, ngunit ang kanyang ugali ay hindi ganoon kaganda.Si Mandy ay pambihira sa usaping kagandahan at disposisyon. Sa kasamaang palad, siya ay naikasal sa isang walang kwentang basura at nagkaroon siya ng asawang naka-live-in sa kanila. Para sa isang namumukod-tanging babaeng katulad niya, isa lamang itong basura.Maayos na nag-park si Harvey at lumakad patungo sa kanila.Ngumiti si Mandy at hinawakan ang kaniyang kamay at ipinakilala sa kanila. “Ito ang aking asawa. Sigurado ako na lahat ay alam na ang kaniyang pangalan, kaya hindi ko na siya kailangang ipakilala pa.
Si Mandy ay natuliro. Kanina ay wala siyang intensyong tingnan si Jamie. Ngayon ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapatingin nang ilang beses.Para sa kaniya, lagi niyang inaasam na magkaroon ng asawang pambihira sa itsura at sa mga angking abilidad.Sumulyap si Cecilia kay Harvey at napasinghal.Dati ay sinabi ko kay Mandy na huwag na isama si Harvey. Ngayon, anong nangyari? Siya ay napahiya.’ Ngumiti si Nia at tumayo. “Ladies and gentlemen, patawarin niyo ako. Ang aking asawa ay natutunang tumugtog ng piano noong bata pa lamang siya. Ang kaniyang abilidad ay talagang napakagaling. Nang makita niya ang piano ay hindi niya mapigilan ang sariling hindi tumugtog. Wala siyang intensyong magpakitang-gilas. Sana ay hindi niyo ito mamasamain.”Sinabi ni Nia na wala siyang intensyong magpakitang-gilas at pinakiusapan niya pa ang iba na huwag ito pansinin. Ngunit halata naman na ‘yun mismo ang kaniyang ginagawa ngayon, ang magpakitang-gilas. Halatang nasisiyahan siya sa mga inggit at
“Walang hiya ka, Nia! Kung gusto mo magpasikat, sige magpasikat ka. Walang pipigil sa’yo. Pero bakit kailangan mong magsalita ng ganiyan tungkol kay Mandy? Natutuwa ka ba?” Nagalit si Angel. “Isa itong pagtitipon, hindi isang lugar para magpakitang-gilas ng iyong acting skills!”“Huy! Bakit galit na galit ka? Siguro ay may gusto ka na rin sa Jamie ko? Hindi mo ba matanggap na mayroon akong pambihirang asawa, kaya naman ay naiinggit ka sa akin, hindi ba? Kaya ba hindi mo mapigilan ang iyong sarili at sinubukan akong pigilan?” Nakangising sabi ni Nia. Sinadya niya ring sumandal kay Jamie habang sinasabi ito.“Ikaw…” Nanginginig sa galit si Angel. Halos hindi na siya makahinga nang maayos.Nang makita niya na binubully ang kaniyang best friend, hindi na rin napigilan ni Mandy ang kaniyang sarili. Siya ay humakbang at mabagal na sinabi, “Nia, magklasmeyts tayo. Bukod rito, ang araw na ito ay isang pagtitipon. Bakit kailangang magsalita ka ng mga ganyan?”Tumingin si Nia kay Mandy nang
Nang makita niya na ang kanyang mga klasmeyts ay nagsasalita para sa kaniya, si Nia ay nakaramdam ng kaginhawaan. Kung ang kanyang kasinungalingan ay mabubunyag, talagang siya ay mapapahiya. Mabuti na lamang at walang sinuman ang gustong maniwala sa live-in son-in-law na si Harvey.“Walang kwentang basura, bakit kailangan mong umarte nang ganito? Kung gustong mong tumayo para sa asawa mo, kailangan alam mo rin ang lugar mo. Isa ka lamang na live-in son-in-law. Sinong maniniwala sa iyo?” Seryosong sinambit ni Nia. “Narinig ko na tatlong taon ka nang live-in son-in-law. Lagi mong hinahanda ang tubig para sa iyong mother-in-law upang hugasan ang kanyang mga paa. Ni-paglinis ng kubeta ay kailangan mong gawin. Wala ka ring tyansang mahawakan ang kamay ng iyong asawa. Bakit kailangan mong maging ganyan? Lalaki ka, pero nakakaawa ka. Isang kang kahihiyan sa mga kalalakihan!”“Nia, kailangan mong humingi ng tawad sa aking asawa at sa kaniyang best friend. Kaya namin itong palampasin nang gan
Hinawakan ni Harvey ang piano gamit ang kanyang mga kamay. Binuksan niya ang takip ng piano na may mahinang bang. Pagkatapos nito, iniunat niya ang kanyang mga kamay mahinang pindutin ang mga keys.Kaswal lang siyang nakatayo roon, tinutugtog ang piano gamit ng isang kamay, pero ang kaaya-ayang himig ay nagsimulang umalingawngaw sa paligid ng large hall. Sa bawat paggalaw ng kanyang mga daliri, nagbago ang himig sa pagitan ng mga tono ng kagalakan, kalungkutan, at malalim na tunog...Nagsama ang smooth na music sa isang perpektong ritmo at ang kaswal na paraan ng pagtugtog nito. Habang marami sa mga taong naroroon ay konti lang ang alam sa musika, medyo naramdaman nilang mas mahusay ang paraan ng pagtugtog ni Harvey ng piano kaysa kay Jamie.Lalong naging nakakapangilabot ang facial expression ni Nia. Pakiramdam niya ay labis siyang napahiya. Sa una, nais niyang gamitin ang kanyang balak para maipakita kung gaano kagaling si Jamie. Hindi niya naisip na marunong ding tumugtog ng pian
Ngumiti si Jamie at lumabas ng hall. Hindi nagtagal, nakarating siya sa opisina ni Kane.Si Kane ang tagapagmana ng mga Brooke sa Niumhi, at siya rin ang biological son ng master ng mga Brooke.Isang binata sa kanyang thirties. Medyo gwapo siya, pero mukha ding maputla siya at sakitin. Parehong may mabuti at masamang impluwensya ang mga Brooke. Bagaman wala silang gaanong impluwensya sa mga gangster, walang nangahas na masaktan sila dahil kay Liam.Subalit, wala silang kaalam-alam. Sa mga nagdaang araw, naging subordinate ni Tyson si Liam. Walang alam ang mga Brooke tungkol doon."Tito." Pumasok si Jamie sa opisina at magalang na sinabi iyon."Naparito ka." Pinaglalaruan ni Kane ang magandang mukha ng kanyang babaeng secretary sa oras na iyon. Ngumiti siya.Mabait siya sa kanyang pamangkin. Dahil alam ng pamangkin niya kung paano siya pasiyahin.Mataas ang pagpapahalaga ni Kane sa isang taong tulad ni Jamie, dahil maaaring maging malupit si Jamie sarili niyang mga tao.Sa sanda
Habang kumakain, nagdahilan si Harvey na nais niyang pumunta sa washroom. Pagkatapos ay lumabas siya para tumawag.Kilalang kilala niya ang isang taong tulad ni Nia. Hindi niya tahimik na titiisin ang ganoong uri ng kahihiyan. Kusa pa siyang lumapit sa kanila at pinagbantaan sila. Mamaya, baka may kung anong mangyari.Hindi natatakot sa anumang bagay si Harvey. Pero hindi niya ito teritoryo. Kung may nangyari man kay Mandy, pagsisisihan niya iyon.Hindi siya pamilyar sa mga tao mula sa mga Brooke, pero merong isang tao na kayang pigilan ang mga Brooke, at iyon ay si Liam.Subordinate na ngayon ni Tyson si Liam. Kung hahayaan niyang harapin ni Liam ang isyung iyon, pwede itong i-konsiderang isang pagkakataon para sa kanya na mabayaran ang mga pagkakamaling nagawa niya.Nagkataon lang iyon. Nang umalis na si Harvey sa hall pra tumawag, ilang mga gangster ang pumasok sa hall, habang may sigarilyong nakalawit sa kanilang mga labi.Pagkakita sa kanila, naging mukhang napakasama ni Nia
“Wow! Napakaputi ng balat mo. Gusto kong hawakan at makita kung gaano ito kakinis!"“Napakaganda ng maliit mong mukha. Gusto kong halikan ito nang sobra-sobra!""Walang lalaki sa tabi ng isang kagandahang katulad, sayang naman!"Lumapit ang mga gangster kina Mandy, Angel at Cecilia. Nagsimula silang kumilos nang bara-bara, at pinalayas pa nila ang iba.Marami sa mga lalaking naroroon ay may gusto kay Mandy. Nang makita ito, medyo nagalit sila."Sino ka? Bakit kayo pumunta sa lugar na ito? Hindi niyo ba alam na naka-reserve sa amin ang buong lugar na ito?""Ang kapal niyo para harassin nang ganyan-ganyan lang ang mga kaklase ko! Gusto niyo bang tumawag kami ng mga pulis? "Tama iyan. Lumayas kayo agad dito! Hindi kayo welcome dito!"...Ilang mga lalaki kaklase ang tila nasa katwirang sinabi iyon. Pagkakataon iyon para sa kanila na maging parang mga bayani at sapigin ang mga kagandahang iyon. Paano nila ito palalampasin?Bang!Umabante ang leader ng grupo ng mga gangster at s
Matapos makita ang tingin ng mga tao na lumipat mula sa paghanga patungo sa paghamak, nag-aapoy si Kora sa galit."Ano bang gusto mo, Harvey?!" sigaw niya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin."“Simple lang.“Mayroon kang dalawang pagpipilian."Una. Maging alipin kita ayon sa kontrata."Ikalawa. Magbayad ng isang daan at limampung milyong dolyar bilang kompensasyon para sa stone gambling site, pagkatapos ay sabihin mo sa akin kung sino ang nagpadala sa iyo dito."Kung magsasabi ka ng totoo, maaari kang umalis."Si Kora ay nakaramdam ng pangingilabot. Hindi niya inaasahan na bistado na ni Harvey ang lahat.Gayunpaman, agad siyang nanginig matapos niyang isipin ang taong nag-utos sa kanya na pumunta rito.“Ano ang ibig mong sabihin?"Nagpunta lang ako dito para maglaro!“Handa akong aminin ang pagkatalo ko!“Sasama ako sayo!"Gusto ko talagang makita kung ano ang gagawin mo sa akin!"Kapag dinungisan mo ang pagiging inosente ko, hindi ka titigilan ng school ko!”Ng
Ang maayos na plano ni Kora ay agad na nawasak dahil kay Harvey York.Sa sandaling lumitaw ang Emperor’s Gem, tuluyan nang natalo si Kora.Mukhang nakakatakot siya habang tinitingnan ang tanawin, parang hindi pa rin siya makapaniwala sa anumang nakita niya noon.Ang ilang magagandang disipulo ay pinagsampal pa ang kanilang mga sarili sa mukha, umaasang panaginip lamang ang lahat.“Nanalo tayo! Nanalo tayo!"Si Arlet Pagan ay nahimasmasan bago tumalon-talon habang niyayakap ang braso ni Harvey.Si Kade Bolton ay nakahinga ng maluwag.Ngumiti rin ang mga tauhan ng Archa Corporation.Hindi nila inasahan na ganito ang magiging takbo ng mga pangyayari."Lumabas na tayo dito. Tama, hindi ba't dapat sumama ka rin sa amin?“Kailangan namin ng isang tao na magbuhos ng tsaa namin sa selebrasyon, di ba?”Ngumiti si Harvey kay Kora."Nasa akin ang kontrata. Hindi mo naman ito tatalikuran, hindi ba?"Ang ekspresyon ni Kora ay naging madilim habang ang buong mukha niya ay nanginginig.
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Ngumiti si Harvey York."Dahil mabait ka, bibigyan din kita ng pagkakataon."“Lumuhod ka at humingi ng tawad para sa lahat ng mga mapagmataas na salita na sinabi mo."Mag-iwan ka ng isang daan at limampung milyong dolyar dito bilang kabayaran sa mga pagkalugi ng stone gambling site; saka ko lang pag-iisipan na huwag buksan ng panday ang batong ito."Mag-iiwan ako ng kaunting respeto para sayo at sa iyong guro.“Pero kung hindi mo gagawin ‘yun, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari.”Ang lahat ay nagulat bago sila humalakhak.Marami na silang nakitang mga mayayabang noon…Pero ito ang unang pagkakataon nilang makakita ng isang tao na ipinagmamalaki ang kanyang lakas sa bingit ng kamatayan!Ang katawan ni Kora ay nanginginig sa galit matapos makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey."Buksan mo ‘to! Buksan mo na ‘to!" sigaw niya habang tinuturo si Harvey.“Makikita natin kung magagawa mo akong pagsilbihan ka!"Pagsisisiha
Bumuntong-hininga si Harvey York."Hindi ka pa nga matanda, at gusto mo pang tawagin kita ng ganyan?""Walang hiya ka."Pulang-pula ang mukha ni Kora."Hayop ka!" sigaw niya.""Anong karapatan mong inisin ako ng ganito?!""Kapag natalo ka, huhugasan mo ang mga paa araw-araw!"Ang mga lalaking katabi ni Kora ay nagulat bago tumingin kay Harvey na may inggit at selos.Nanginig si Harvey bago siya umirap."Hindi ako interesado."Kapag natalo ka, uutusan kitang ikuha ako ng tsaa, maglampaso ng sahig, at lilinisin mo ang inidoro sa Fortune Hall araw-araw!“Ang lahat ng kailangan mo ay ibibigay sayo."Kasama na ang pagkain at matutuluyan. Huwag kang mag-alala."Bumilis ang paghinga ni Kora. Sa wakas ay nagawa niyang pakalmahin ang kanyang sarili bago magsalita.“Bumukas niyo na ang mga bato!"Gusto kong makita kung paano mo tutuparin ang mga salitang iyon gamit ang lahat ng kalokohang ito!"Ngumiti si Harvey bago tinawag ang panday na buksan ang mga bato, na hindi pinansin an
Si Harvey York ay tuluyang hindi pinansin si Kora habang nagpapakitang-gilas siya.Iginuhit niya ang kanyang kamay, senyales kay Kade Bolton na maghanda ng kontrata.Sa kanyang mga mata, ang mga tao mula sa mga sacred martial arts training grounds ay lahat mayabang.Kung walang kontrata, masama kapag binalewala ni Kora ang pustahan.Matapos gawin ang kontrata, nilagdaan ni Harvey ang kanyang pangalan bago ito ihinagis kay Kora.Nag-alinlanagn sandali si Kora bago pirmahan ang kanyang pangalan habang nagngingitngit ang kanyang ngipin.“Dalian niyo! Isara niyo ang buong lugar na ito!"Suminghal si Kora matapos makita si Harvey na kunin ang kontrata. Syempre, kampante siya sa kanyang energy detection technique.Talagang naniniwala siya na matatalo si Harvey.Tumingin si Harvey kay Kora."Hindi kita pagsasamantalahan."Pipiliin ko ang labindalawang bato dito mismo.“Ayos lang naman ‘yun, hindi ba”Kumabog ang puso ni Kora nang makita na kampante si Harvey.“Sige! Mayroon akon
Tumingin ng malamig si Kora matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey.Tumalim ang kanyang mga mata habang sinusuri niya si Harvey bago siya suminghal.“Natatakot?"Hindi kailanman nagkaroon ng salitang iyon sa aking diksyunaryo mula pa noong bata pa ako!"Nagdisect ako ng mga pusa at aso mula pa noong tatlong taong gulang ako!"Mag-isa akong natulog sa sementeryo ng isang buong gabi noong anim na taong gulang ako!"Dinala ko pa nga ang isang bangkay mula sa punerarya pauwi noong siyam na taong gulang ako!"Hindi ako marunong matakot!"Pero gayunpaman, wala akong interes sa isang walang kwentang pustahan na tulad ng sayo."Kung handa kang taasan ang pustahan, makikipaglaro ako sayo!"Nagpakita si Kora ng malamig na ekspresyon."Gayunpaman, may lakas ka ba ng loob?""Magsalita ka," sagot ni Harvey."Kapag natalo ako, gagapang ako palabas ng lungsod na ito.“Kapag natalo ka, ikaw ang gagawa nun.“Ano sa tingin mo?”Tumawa si Harvey.“Hindi pa sapat ‘yun…“Bakit hi
Siyempre, alam ni Kora kung sino si Harvey York.Alam niyang baka hindi siya magkaroon ng kalamangan kung siya rin ay kikilos.Sinasadya niyang nagkunwari na pigilan ang mga tao sa likuran niya upang wala nang dahilan si Harvey na makipaglaban.Kung nakipaglaban pa rin si Harvey sa ilalim ng mga kalagayang iyon…Tatanungin siya kahit na siya ang kinatawan ng Martial Arts Alliance ng bansa.Kasabay nito, tinawag lamang ni Kora si Harvey na isang utusan upang hindi niya maipahayag ang kanyang pagkakakilanlan. Maaari niyang ipagpatuloy ang pag-pressure sa kanya sa ganung paraan.Ang karamihan ay nagpakita ng labis na paghamak nang tingnan nila si Harvey.‘Hindi nakapagtataka kung bakit siya tumatahol sa lahat ng nakikita niya! Alaga siya ng pamilya Pagan!’‘Pero sa totoo lang, mas mabuti pang magpakamatay na lang siya!’‘Makikinabang siya sa pagiging alaga. Wala siyang kahit ano kung isa lang siyang utusan!Kung hindi pagmamay-ari ng pamilya Pagan ang lupa, malamang ay nalunod na
Sa mata ng lahat, si Harvey York ay isang tanga lang.‘Gusto niyang makipagpustahan kay Kora?’‘Sino ba siya sa akala niya?’‘Karapat-dapat ba siya?’‘Kahit ang pamilya Pagan, isa sa Six Hermit Families, ay natalo ni Kora!‘‘Ano pa bang magagawa ni Harvey?’‘Sa sitwasyong ito, ang mga ordinaryong tao ay makikipagkasundo kay Kora. Baka nga hayaan pa nila siya na gawin ang gusto niya para hindi na siya gumawa pa ng problema.”‘Siguro desperado na siyang mamatay kaya kinakalaban niya si Kora ng ganito!’Ang mga tao sa likod ni Kora ay nagpakita ng mapanghusgang tingin habang tinitingnan si Harvey, at suminghal sila.Gusto sanang magsalita ni Arlet Pagan ngunit nag-alinlangan siya sandali bago hayaan si Harvey na magdesisyon."Natatakot ka ba, Kora?"Nagpakita si Harvey ng kalmadong ekspresyon."Pipili din ako ng labindalawang bato. Sinisiguro kong ang mga gem na pinili ko ay tiyak na mas mataas ang halaga kaysa sa mga pinili mo. Ano sa tingin mo?"Suminghal ang lahat matapos
Patuloy na kumikibot ang mga mata ni Arlet Pagan matapos marinig ang mga salita ni Kora.Isang pakiramdam ng lamig ang bumalot sa kanyang magandang mukha.“Ang pamilya Pagan ay tapat lamang sa kanilang negosyo!“Tunay ang lahat ng mga antigo namin!“Kung gusto mo, pwede kang dumaan kahit anong oras!”“Ganun ba?”Bahagyang ngumiti si Kora habang siya ay humilig pasulong."Sabihin mo sa akin, kapag pumunta ako sa tindahan ng mga antigo na pag-aari ng pamilya mo at tinuro ko ang ilang bagay, at sinabi ko na iyon lang ang mga tunay na antigong naroon..."Maniniwala ba sa akin ang lahat?“O baka naman mas paniwalaan pa nila ang reputasyon mong unti-unti nang nadudurog?!"Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Arlet.“Walang hiya ka!”“Totoo ‘yun! Wala akong hiya!Lumapit si Kora bago tinapik ang mukha ni Arlet.“Gayunpaman, bibigyan kita ng pagkakataon."Ibigay mo sa’kin ang limampu't isang porsyento ng shares ng Archa Corporation. Saka ko lang titigilan ang pamilya mo."A