“I-ikaw…”Nakaturo kay Harvey ang nanginginig na daliri ni Zina. Sa sobrang galit niya, nanginginig ang buong katawan niya sa galit,"Ang aking ina ay naghihingalo! Bilisan mo at gamutin mo siya!""Kung namatay ang aking ina, maaari mo bang tanggapin ang responsibilidad para dito?""Hayaan mo akong sabihin sa iyo. Kapag may mangyari sa aking ina dahil sa iyo, papatayin kita at ililibing kita asama ng kanyang bangkay!"Pinandilatan ni Zina si Harvey, pakiramdam niya ay namumuo ang galit niya."Huwag mo nang isipin na mas marami kang benepisyong makukuha sa akin sa pagpapatagal mo""Binabalaan kita. Kung hindi mo siya ililigtas, wala kang mapapala!"Dahil sina Jon at Scarlett pati ang iba, umamin sila sa mga nagawa ni Harvey sa Feng Shui, naisip ni Zina na maililigtas niya si Polly.Dapat magpasalamat si Harvey. Pagkatapos ng lahat, ito ay isang pagkakataon upang gumawa ng isang pangalan para sa kanyang sarili!Kaya, dapat pumunta si Harvey at iligtas ang kanyang ina nang may m
“York, binabalaan kita! Huwag ka masyadong mayabang!”“Kung ang nanay ko ay…”Bago pa matapos ang sasabihin ni Zina ay biglang nagvibrate ang phone niya. Nagulat siya, nagmadali siyang sumagot dito.Ilang saglit lang ay bumagsak ang kanyang mapagmataas na ekspresyon. Pagkatapos niyang ibaba ang phone, napaluha siya.“Anong problema?”Nang makitang nahihilo si Zina, halatang kinabahan si Scarlett.Hindi pwedeng mamatay si Polly!Kung gagawin niya ito, magiging walang kabuluhan ang plano ni Vince!Nangako si Vince na hahayaan niya itong mamuno sa Hong Kong at Las Vegas bilang Young Lady ng mga York.Ibig sabihin, kung nagtagumpay ang plano nila. Sa oras na ito, mas balisa si Scarlett kaysa sa umiiyaki na si Zina."Tumawag ang doktor! Sinabi nila na ang aking ina ay nasa isang kritikal na kondisyon, kaya mas mabuting maghanda ako…”"Anong dapat gagawin? A-anong dapat kong gawin?”Ang pamumuna nii Zina ay naglaho, na parang ang kanyang ugali niya na puno ng puot ay isang imahi
”Iligtas niyo sila! Kailangan nating magmadali at humanap ng paraan na mailigtas sila!”Biglang dumagsa sa bulwagan ang napakaraming medical staff, na nagsisigawan, kitang-kita ang pagkataranta sa kanilang mga mukha.Nagulat sila sa mga biglaang pangyayari. Napatingin silang lahat kay Harvey, dahil alam nila na siya lang ang makakapagligtas sa kanila.Pinunasan ni Harvey ang dugo sa pagitan ng kanyang mga daliri gamit ng isang tissue, malamig at mahinahon ang kanyang ekspresyon. Nginitian niya si Scarlett at marahan niyang sinabi, “Ilang beses kang luluhod para dito?”Nagngitngit ang mga ngipin ni Scarlett, at namutla ang kanyang mukha. Kani-kanina lang, sumumpa siya na hindi na siya ulit luluhod sa harap ni Harvey. Ngunit, ngayon… Dahil wala na siyang ibang pagpipilian, lumuhod siya at nagmakaawa.Mahalaga ang mga babae ng Hamilton at ang ikalawang henerasyon ng mga bata para sa mga plano ni Vince. Dahil dito, hindi maaaring masaktan ang kahit na isang hibla lang ng buhok sa mga
Maliban sa katotohanan na hindi interesado si Harvey sa Feng Shui at wala siyang pakialam sa mga papiri… Alam din niya na may dahilan kung bakit siya pinupuri ni Jon. May ibang motibo ang taong ito, at bawat salitang binitawan niya ay sinabi niya upang makakuha ng sagot kay Harvey. "Ang dinig ko nagmula ka sa China. Nagsanay ka ba sa maalamat na Mount Longhu?" "Kaso, ang alam ko hindi kumukuha ng mga tao na may karaniwang apelyido ang House of Priests. Paano ka kaya nakapasok?" Sinusubukan ni Jon si Harvey. Ang House of Priests na matatagpuan sa Mount Longhu ay ang sagradong lugar ng Feng Shui, na kilala sa buong Great Country H. "Gaya ng sabi ko hindi ako isang Feng Shui master. Wala akong alam sa Feng Shui."Si Harvey ay nanatiling stoic at tahimik. Ang dahilan kung bakit maaaring alisin ng kanyang dugo ang masasamang espiritu mula sa enerhiya ng yin ay dahil nakapatay siya sa larangan ng digmaan sa loob ng maraming taon. Ang kanyang layunin sa pagpatay ay napigilan pagk
Iminuwestra ni Jon ang magandang babae na naghatid kay Harvey dito.Ngumiti ang babae bilang pag-unawa at agad na tumawag sa telepono. Maya-maya, pumasok ang ilang gwapong lalaki na naka-suit na may dalang malaking maleta bawat isa."Buksan niyo 'yan." Ikinaway ni Jon ang kanyang kamay, inutusan silang buksan ang mga maleta. Agad naman silang sumunod.Ibinunyag kay Harvey ang mga stack ng makukulay na banknotes.Ang isa sa mga kaso ay puno ng mga perang papel na nagkakahalaga ng isang libong HKD.Ang isa naman ay puno ng mga perang papel na nagkakahalaga ng isang daang US dollars.Ang huling kaso ay puno ng mga banknote na nagkakahalaga ng isang daang Euro.Ang mga banknote ay maayos na nakasalansan, na naglalabas ng amoy ng bagong tinta. Ang bango ay napakalaki at naging sanhi ng maraming hingal.Ang mga lalaking naka-suit ay berde sa inggit. Hindi sila maaaring kumita ng ganoon kalaki kahit na sila ay nagsumikap sa buong buhay nila.Pinikit ni Harvey ang kanyang mga mata,
Napuno ng tuwa ang mga tingin ni Harvey. Tinitigan niya ng maigi si Jon at nagtanong siya, "Paano naman ang huling case na may lamang Euros?" Batay sa halaga ng palitan, ang halaga ng maleta na may Euro ay dapat ang pinakamataas. Kaya, ang susunod na kahilingan ay dapat ang pinakamahalaga."Magaling. Talaga ngang isa kang matalinong tao!"Napuno ng paghanga ang ekspresyon ng mukha ni Jon. Humanga siya sa talino at katusuhan ni Harvey. Ikinaway ni Jon ang kanyang kamay, agad na binaliktad ang maleta, hinayaan ang mga banknotes na tumambak sa isang burol. "Ito ay para bilhin ang nakatagong sining na ginamit mo para sugpuin ang mga masasamang espiritu ngayon, pati na rin para magtrabaho ka sa Surrey Establishment...""Bibilhin mo ang hidden art ko sa halagang ten million Euros? Hindi lang 'yun, gusto mo ring magtrabaho ako para sa'yo habambuhay?" Napangiti na lang si Harvey sa mga sinabi ni Jon. Napuno ng sama ng loob ang kanyang mga tingin. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Nak
"Para sa isang Feng Shui master, hindi maaaring magkaroon ng isa pang Feng Shui master na mas malakas kaysa sa kanya.""Makakaapekto lang ito sa katayuan niya.""Napakabuti habang sinusubukan mo akong kumbinsihin na sumama sa'yo, pero sigurado ako ba papatayin mo ako agad sa oras na malaman mo na mas makakabuti sa'yo ang pagkamatay ko. Mali ba ako?" Saglit na natigilan si Jon, nagulat siya. Hindi niya inasahan na si Harvey ay napakatalino at nag-iisip nang malayo...Gayunpaman, hindi niya hinayaang ipakita ang kanyang sorpresa at ngumiti na lamang muli. Magiliw niyang tinapik ang balikat ni Harvey at matayog na sinabi, “Harvey, Harvey. Gumagawa ka ng mga malisyosong haka-haka. Ang iyong mga salita ay paninirang-puri laban sa akin!”"Aaminin ko, gusto ang kasikatan at pera. Ngunit alam ko din kung ano ang pwede at hindi pwedeng gawin!" "Hinding-hindi ako gagawa ng isang bagay na kasing sama ng pagpatay para lang sa kaunting pera. Mukha ba akong gagawa ng ganyan?""Napakabata mo
"Ano naman ngayon?" Walang pakialam si Harvey, walang emosyon ang mukha niya. "Pasensya na pero kailangan ko pang tignan ang ancestral hall para makita kung kaya kong iligtas ang King of Gambling." "Kung kaya ko siyang iligtas, naniniwala ako na bibigyan niya ko ng bagay na isang libong beses na mas maganda kesa sa inaalok mo." Tinignan muna ni Harvey ang berdeng perang papel na nasa lapag sa panghuling beses bago umalis. "Hay…" Kumuha ng sigarilyo si Jon at simple itong sinindihan. Bumuga siya ng usok habang pinanood niya ang papalayong likod ni Harvey. "Binigyan kita ng respeto at tinawag kita sa pangalan mo nang kinakausap kita, binata." "Kahit na ganun, nanatili kang arogante dahil lang bata ka pa." "Pinipilit mo ko!" "Tuturuan kita ng leksyon ngayon din!" "Ipapaalam ko sa'yo kung anong ibig sabihin ng paggalit mo sa isang taong mas mataas sa'yo!" Kaagad na naglaho ang mabait at malumanay na pag-uugali ni Jon. Pumalit rito ay isang mabangis at mapagmataas