Ang operadong mukha ni Nia Howell ay masama ang pagkabugbog, tila pinilipit.Naglakad si Kane Brooke palapit sa kanya at mabilis na sumulyap. Nagsimulang nabuo ang galit sa loob niya.Nais niyang magpakasaya sa bahay ni Jamie Brooke ng gabing iyon. Sino ang mag-aakalang magiging ganito si Nia? Nasira ang mood ni Kane.Bumaling ang tingin ni Kane kay Jamie, na nabugbog din."Anong nangyari?" Malamig na tanong ni Kane."Tapos na tayo! Tapos na tayo! Siya si Kane Brooke mula sa pamilya Brooke! ""Hangal yang si Harvey! Ngayon ay hindi na siya makawala! ""Si Kane ay kilala bilang isang baluktot. Hindi lang aanihin ni Harvey ang mga kahihinatnan, madudungisan din sina Mandy at ang mga babae… ”Ang grupo ng mga estudyante ay nanginginig na parang mga dahon sa sanga ng puno. Si Kane Brooke mula sa pamilyang Brooke ay isang malupit na tao. Kilala ang kanyang pangalan, isang bigkas lamang nito ay sapat na upang masindak ang maraming tao hanggang sukdulan. Ano pa kaya ngayong nakatayo s
“Boss Liam, binayaran ko na ang bayarin sa buwan na ito. Ano ang iyong... ”Natakot si Kane Brooke. Hindi siya natatakot na magyabang sa harap ng Harvey York, ngunit sa harap ni Liam Stone, tila bahag ang kanyang buntot.Singlamig ng yelo ang mga mata ni Liam, higit na mas nakakatakot kaysa kay Kane. Walang sinabi si Liam, at sinipa si Kane pabagsak sa lupa."Boss Liam, ano ang iyong..."Nagulat si Kane. Binuka niya ang kanyang bibig, hindi niya batid na ang pagkilos na ito ang magiging kamatayan niya."Ikakamatay ko kayong dalawa!"Sumigaw si Liam, at pagkatapos ay sinugod si Jamie Brooke upang bugbugin. Napagulong si Jamie sa lupa, walang tigil sa pag-iyak.Natigilan si Nia Howell. Nagmamadali siya sa harap ni Jamie at prinotektahan siya.“Boss Liam, nagkamali ka ba ng hinala? Hindi kami ang bumugbog sa iyong mga tauhan ... "Tumigil si Liam, at saka hinila ang buhok ni Nia. Gamit ang kanyang kabilang kamay, paulit-ulit niyang sinampal ang mukha nito nang dalawang dosenang b
Si Liam Stone na ang nakababatang kapatid ni Tyson Woods. Sa totoo lang, wala siyang karapatang maging nakababatang kapatid ni Harvey York. Hindi madali para sa kanya na manatiling buhay. Alam niya kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin sa sandaling ito.Hindi inilantad ni Harvey ang kanyang pagkatao, kaya natural lang na hindi siya nangahas gawin ito. Malinaw sa kanya kung paano siya dapat makitungo sa pamilyang Brooke. Kung hindi niya pinagbigyan ang mga hinihingi ni Harvey sa araw na iyon, hindi niya kakayaning isipin kung anong uri ng kamatayan ang kailangan niyang harapin ..."A-Anong nangyayari? Liam, sinusukuan mo na ba ang pamilya Brooke? ""Imposible 'yan! Pinoprotektahan ni Liam ang pamilya Brooke sa loob ng maraming taon. May matibay kaming pinagsamahan. Paano niya kami biglang susukuan? ""Hindi kaya't si Harvey ay isang tao na may narating?""No way, siya ay isang walang kwentang basura. Ano’ng narating niya? May kutob ako na pumanig si Liam sa pamilya Zimmer… "
Si Mandy Zimmer ay medyo nanibago na makita si Liam Stone na kumikilos na napakagalang sa harap niya. Hindi niya mawari kung bakit matinding paggalang ang binibigay sa kanya ni Liam. ‘Di kaya dahil ito kay Harvey York?Ang problema ay hindi tinatrato ni Liam si Harvey sa anumang espesyal na paraan. Akala niya nago-overthink lang siya.Baka ganito kumilos si Liam dahil sa pamilyang Zimmer.Habang pinagninilayan pa rin ni Mandy ang sitwasyon, malamig na nagsalita si Harvey, "May bumugbog sa asawa ko nitong huli at naisip na guluhin ang aking asawa at mga kaibigan niya. Gusto pa ng taong ito na lumuhod ako at gumapang palabas dito… ”Dinig ang bulong-bulungan sa gitna ng maraming tao.Sinabi ito ni Harvey sa paraang payak at parang wala lang. Paluhod na sana ni Liam ngunit hindi niya ito tinuloy nang mabanaag niya ang babala sa mga mata ni Harvey. Naalala niya ang mga utos ni Tyson Woods para sa kanya. Napaka-low-profile na tao si Harvey. Kung nangahas siyang ilantad ang pagkatao ni
"Ito si…?" Tumingin si Mandy Zimmer sa ekspresyon ni Ella Graves at hindi mapigilan na magtanong sa isang mahinang boses."Oo nga pala, hindi pa pala kayo nagkikita." Tinapik ni Harvey York ang kanyang ulo dahil nakalimutan niyang magpapakilala. "Siya si Doctor Graves mula sa emergency department. Minsan na kami nagkita "“Doctor Graves, siya ang aking asawa. Kailangan kitang abalahin para tulungan ako."Bagaman ang mga expression ng parehong kababaihan ay tila hindi tama, mas nag-aalala si Harvey sa mga injury ni Mandy at hindi masyadong inisip ang sitwasyon.Nang marinig ni Ella ang salitang 'asawa', laking gulat niya. Sa sumunod na sandali, nagbalik ang kanyang diwa at bahagyang ngumiti. "Mr. York, talagang bata ka pa at may kakayahan. Kahit ang asawa mo ay napakaganda. Huwag kang mag-alala, nangangako akong walang iiwan na kahit isang peklat basta’t nandito ako.""Magaling, lubos akong naginhawaan nang marinig iyon sa iyo." Napabuntong hininga si Harvey. Gumaan ang loob niya s
Naging maputla ang kutis ni Angel Quinn nang makita ang eksena sa harapan niya. Tumingin siya sa ekspresyon ni Mandy Zimmer at likas na sinubukang ayusin ang namumuong sigalot. "Cecilia, tama na iyan. Maaaring mali ang inaakala mo. Seryosong ginamit ni Doctor Graves ang mga sugat natin kanina. Mabuting babae siya.""Angel, paano ka nakakapagsalita para sa isang ousider?" Malamig na tumawa si Cecilia Zachary. "Ang ginawa lang niya ay maglagay ng gamot sa atin at nakalimutan mo na halos malubha tayong nasaktan dahil sa walang silbing basurang iyon? Harvey, binabalaan kita. Huwag mong isipin na wala lamang iyong nangyari sa amin dahil dinala mo kami sa ospital.""Kung meron ka lamang konting kakayahan, kahit bilang isang normal na tao, hindi kami mabubugbog ng p*tang iyon, si Nia Howell. Sinabi ko na sa iyo na hiwalayan mo na si Mandy sa lalong madaling panahon! Mas okay pa ng isang daang beses ang makasal siya sa kung sinumang aso’t pusa sa kalsada kaysa makasal sa isang walang silbing
Nabalot sa katahimikan ang buong emergency department sa kanyang galit.Bahagyang napatigil si Mandy Zimmer. Hindi kailanman sisigaw si Harvey York sa ganitong paraan kahit anong lupit ng trato sa kanya nina Cecilia Zachary at Angel Quinn. Subalit, pinapakita niya ang ugaling ito. Nagi-guilty kaya siya?Nanatili lamang na tahimik si Mandy habang malalim ang iniisip niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa kanyang puso.Hindi niya masabi kung nagagalit siya, naiinggit, o nasiraan ng loob.Sinabi ng kanyang katwiran na normal para kay Harvey na magkaroon ng ibang babae sa labas dahil hindi niya siya pinayagang hawakan siya kahit ang kanyang daliri sa nakalipas na tatlong taon nilang pagsasama.Subalit, nang mangyari ang sitwasyon, napuno ang kanyang puso ng kumplikadong damdamin."Cecilia, huwag ka nang magpatuloy." Humugot nang malalim na hininga si Mandy. "Ihahatid ko na kayong dalawa."Pagkatapos ay iniunat niya ang kanyang kamay at kinuha ang mga susi mula sa mga
"Hindi ako makapaniwala. Nananaginip ba ako? Nakasuot ng kaswal na damit si Doctor Graves?"“Nakita mo rin ba yun? Akala ko may mali sa mga mata ko."“Nasiraan na ba ng bait si Ella Graves? Tumanggi siyang umupo sa napakaraming mga sports car at ngayon ay nakaupo siya sa passenger seat ng isang electric bike? Isa pang shared electric bike! Iyong nagkakahalaga lamang ng two dollars kada oras!""Parang yung sinasabi nila dati. Mas gugustuhin ng isa na umupo sa isang electric bike at maging masaya kaysa sa umupo sa isang luxury car at umiyak…""Kung alam lang natin na may gusto si Doctor Graves sa mga eunuch na tulad niya, hindi na sana tayo bumili pa ng mga kotse..."Mula sa araw na iyon, nagpalit ang lahat ng mga lalaking staff ng ospital sa electric bike at tumigil sa pagmamaneho papasok ng trabaho. Nawala ang problema kalaunan sa kawalan ng mga parking space sa car park ng ospital. Hindi ito inaasahang pagbabago ng mga kaganapan.***Habang nasa daan, walang self-awareness si H
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Ngumiti si Harvey York."Dahil mabait ka, bibigyan din kita ng pagkakataon."“Lumuhod ka at humingi ng tawad para sa lahat ng mga mapagmataas na salita na sinabi mo."Mag-iwan ka ng isang daan at limampung milyong dolyar dito bilang kabayaran sa mga pagkalugi ng stone gambling site; saka ko lang pag-iisipan na huwag buksan ng panday ang batong ito."Mag-iiwan ako ng kaunting respeto para sayo at sa iyong guro.“Pero kung hindi mo gagawin ‘yun, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari.”Ang lahat ay nagulat bago sila humalakhak.Marami na silang nakitang mga mayayabang noon…Pero ito ang unang pagkakataon nilang makakita ng isang tao na ipinagmamalaki ang kanyang lakas sa bingit ng kamatayan!Ang katawan ni Kora ay nanginginig sa galit matapos makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey."Buksan mo ‘to! Buksan mo na ‘to!" sigaw niya habang tinuturo si Harvey.“Makikita natin kung magagawa mo akong pagsilbihan ka!"Pagsisisiha
Bumuntong-hininga si Harvey York."Hindi ka pa nga matanda, at gusto mo pang tawagin kita ng ganyan?""Walang hiya ka."Pulang-pula ang mukha ni Kora."Hayop ka!" sigaw niya.""Anong karapatan mong inisin ako ng ganito?!""Kapag natalo ka, huhugasan mo ang mga paa araw-araw!"Ang mga lalaking katabi ni Kora ay nagulat bago tumingin kay Harvey na may inggit at selos.Nanginig si Harvey bago siya umirap."Hindi ako interesado."Kapag natalo ka, uutusan kitang ikuha ako ng tsaa, maglampaso ng sahig, at lilinisin mo ang inidoro sa Fortune Hall araw-araw!“Ang lahat ng kailangan mo ay ibibigay sayo."Kasama na ang pagkain at matutuluyan. Huwag kang mag-alala."Bumilis ang paghinga ni Kora. Sa wakas ay nagawa niyang pakalmahin ang kanyang sarili bago magsalita.“Bumukas niyo na ang mga bato!"Gusto kong makita kung paano mo tutuparin ang mga salitang iyon gamit ang lahat ng kalokohang ito!"Ngumiti si Harvey bago tinawag ang panday na buksan ang mga bato, na hindi pinansin an
Si Harvey York ay tuluyang hindi pinansin si Kora habang nagpapakitang-gilas siya.Iginuhit niya ang kanyang kamay, senyales kay Kade Bolton na maghanda ng kontrata.Sa kanyang mga mata, ang mga tao mula sa mga sacred martial arts training grounds ay lahat mayabang.Kung walang kontrata, masama kapag binalewala ni Kora ang pustahan.Matapos gawin ang kontrata, nilagdaan ni Harvey ang kanyang pangalan bago ito ihinagis kay Kora.Nag-alinlanagn sandali si Kora bago pirmahan ang kanyang pangalan habang nagngingitngit ang kanyang ngipin.“Dalian niyo! Isara niyo ang buong lugar na ito!"Suminghal si Kora matapos makita si Harvey na kunin ang kontrata. Syempre, kampante siya sa kanyang energy detection technique.Talagang naniniwala siya na matatalo si Harvey.Tumingin si Harvey kay Kora."Hindi kita pagsasamantalahan."Pipiliin ko ang labindalawang bato dito mismo.“Ayos lang naman ‘yun, hindi ba”Kumabog ang puso ni Kora nang makita na kampante si Harvey.“Sige! Mayroon akon
Tumingin ng malamig si Kora matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey.Tumalim ang kanyang mga mata habang sinusuri niya si Harvey bago siya suminghal.“Natatakot?"Hindi kailanman nagkaroon ng salitang iyon sa aking diksyunaryo mula pa noong bata pa ako!"Nagdisect ako ng mga pusa at aso mula pa noong tatlong taong gulang ako!"Mag-isa akong natulog sa sementeryo ng isang buong gabi noong anim na taong gulang ako!"Dinala ko pa nga ang isang bangkay mula sa punerarya pauwi noong siyam na taong gulang ako!"Hindi ako marunong matakot!"Pero gayunpaman, wala akong interes sa isang walang kwentang pustahan na tulad ng sayo."Kung handa kang taasan ang pustahan, makikipaglaro ako sayo!"Nagpakita si Kora ng malamig na ekspresyon."Gayunpaman, may lakas ka ba ng loob?""Magsalita ka," sagot ni Harvey."Kapag natalo ako, gagapang ako palabas ng lungsod na ito.“Kapag natalo ka, ikaw ang gagawa nun.“Ano sa tingin mo?”Tumawa si Harvey.“Hindi pa sapat ‘yun…“Bakit hi
Siyempre, alam ni Kora kung sino si Harvey York.Alam niyang baka hindi siya magkaroon ng kalamangan kung siya rin ay kikilos.Sinasadya niyang nagkunwari na pigilan ang mga tao sa likuran niya upang wala nang dahilan si Harvey na makipaglaban.Kung nakipaglaban pa rin si Harvey sa ilalim ng mga kalagayang iyon…Tatanungin siya kahit na siya ang kinatawan ng Martial Arts Alliance ng bansa.Kasabay nito, tinawag lamang ni Kora si Harvey na isang utusan upang hindi niya maipahayag ang kanyang pagkakakilanlan. Maaari niyang ipagpatuloy ang pag-pressure sa kanya sa ganung paraan.Ang karamihan ay nagpakita ng labis na paghamak nang tingnan nila si Harvey.‘Hindi nakapagtataka kung bakit siya tumatahol sa lahat ng nakikita niya! Alaga siya ng pamilya Pagan!’‘Pero sa totoo lang, mas mabuti pang magpakamatay na lang siya!’‘Makikinabang siya sa pagiging alaga. Wala siyang kahit ano kung isa lang siyang utusan!Kung hindi pagmamay-ari ng pamilya Pagan ang lupa, malamang ay nalunod na
Sa mata ng lahat, si Harvey York ay isang tanga lang.‘Gusto niyang makipagpustahan kay Kora?’‘Sino ba siya sa akala niya?’‘Karapat-dapat ba siya?’‘Kahit ang pamilya Pagan, isa sa Six Hermit Families, ay natalo ni Kora!‘‘Ano pa bang magagawa ni Harvey?’‘Sa sitwasyong ito, ang mga ordinaryong tao ay makikipagkasundo kay Kora. Baka nga hayaan pa nila siya na gawin ang gusto niya para hindi na siya gumawa pa ng problema.”‘Siguro desperado na siyang mamatay kaya kinakalaban niya si Kora ng ganito!’Ang mga tao sa likod ni Kora ay nagpakita ng mapanghusgang tingin habang tinitingnan si Harvey, at suminghal sila.Gusto sanang magsalita ni Arlet Pagan ngunit nag-alinlangan siya sandali bago hayaan si Harvey na magdesisyon."Natatakot ka ba, Kora?"Nagpakita si Harvey ng kalmadong ekspresyon."Pipili din ako ng labindalawang bato. Sinisiguro kong ang mga gem na pinili ko ay tiyak na mas mataas ang halaga kaysa sa mga pinili mo. Ano sa tingin mo?"Suminghal ang lahat matapos
Patuloy na kumikibot ang mga mata ni Arlet Pagan matapos marinig ang mga salita ni Kora.Isang pakiramdam ng lamig ang bumalot sa kanyang magandang mukha.“Ang pamilya Pagan ay tapat lamang sa kanilang negosyo!“Tunay ang lahat ng mga antigo namin!“Kung gusto mo, pwede kang dumaan kahit anong oras!”“Ganun ba?”Bahagyang ngumiti si Kora habang siya ay humilig pasulong."Sabihin mo sa akin, kapag pumunta ako sa tindahan ng mga antigo na pag-aari ng pamilya mo at tinuro ko ang ilang bagay, at sinabi ko na iyon lang ang mga tunay na antigong naroon..."Maniniwala ba sa akin ang lahat?“O baka naman mas paniwalaan pa nila ang reputasyon mong unti-unti nang nadudurog?!"Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Arlet.“Walang hiya ka!”“Totoo ‘yun! Wala akong hiya!Lumapit si Kora bago tinapik ang mukha ni Arlet.“Gayunpaman, bibigyan kita ng pagkakataon."Ibigay mo sa’kin ang limampu't isang porsyento ng shares ng Archa Corporation. Saka ko lang titigilan ang pamilya mo."A
Kasabay ng mga galaw ni Kora, ilang lalaki na nakasuot ng itim ang tumalon mula sa balkonahe bago itinulak ang mga tao upang makuha ang mga bato.Ang mga bato ay nag-iiba-iba sa laki. Ang ilan ay mukhang makinis at matambok, habang ang iba naman ay deformed lang.Ang mga lalaking nakasuot ng itim ay hindi nag-aksaya ng kahit isang segundo. Pagkatapos bayaran ang mga bato, agad nilang pinagawa ang mga panday.“Gems! Gems! Gems!”Ang mga tao ay labis na natuwa nang makita nila ang tanawin.Ang mga babae ay sumigaw sa kasiyahan, na parang hindi pa sila nakakakita ng pera sa buong buhay nila.Ang lugar ay biglang uminit nang saglit."Ganito rin ang nangyari nang dalawang beses noon, pero walang nakapansin sa unang pagkakataon," bulong ni Arlet."Pero sa pangalawang pagkakataon, lubos na nahuli ang atensyon ng lahat."“Sa pagkakataong ito…”Si Arlet ay umiling na may bahid ng kawalang-kakayahan na makikita sa kanyang nakakunot na noo.Wala nang pagpipilian ang pamilya Pagan kundi
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil