Para bang naintindihan ni Queenie kung anong gusto ni Harvey. "Kung ganun, dapat ba nating higpitan ang depensa natin?" tanong niya nang may mainit na ngiti. "Kung hindi, tiyak na magsasanib-pwersa ang fourth princess at si Vince para tapusin tayo kapag nagawa niyang iligtas ang mga tao niya." "Ayos lang yan. May plano na ko para diyan," kalmadong sabi ni Harvey. "Limitado ang awtoridad niya. Ang magagawa niya lang ay sandalan ang descendants ng Country H sa The Empire sa puntong ito." "Kahit na gamitin niya ang Knights of the Round Table, imposibleng makalapit siya sa mga tao niya habang nandito ako." Tumango si Queenie, pagkatapos ay nagsimula niyang pag-isipan ang sitwasyon. "Kung walang paraan para iligtas sila, baka kumuha lang siya ng hostages para makipagpalitan sa'yo." "Labas ka na roon. Sa mga elite ng mga York ng Hong Kong na nasa tabi mo, walang kahit na sinong makakalapit sa'yo." "Kasama ni Leslie ng buong gobyerno ng Hong Kong…""Na kay Yoana ang Dragon
Namangha si Queenie sa kalmadong ekspresyon ni Harvey. Habang nag-aalala siya tungkol sa sunod-sunod na atake ni Jason, nakapagplano na kaagad si Harvey at naglatag siya ng sunod-sunod na patibong para kay Jason. Hindi mapigilan ni Queenie na masabik sa susunod na gagawin ng prinsesa. Umaasa siyang papatayin ng fourth princess si Vince kagaya ng hiling ni Harvey. Kung sa halip ay iba ang gagawin ng fourth princess, papatayin siya ni Harvey nang walang pag-aalinlangan. "Tama. Sa umpisa pa lang, hindi kasing simple ng iniisip natin ang fourth princess." Binago ni Harvey ang usapan bago nag-itsa ng USB kay Queenie. "Gusto mong mapunta ang USB na'to sa Walsh Daily News sa pinakaresonableng paraan kapag kailangan natin." Bahagyang napahinto si Queenie. "Ito ay…" "Wala lang ito. Footage lang ito ng fourth princess na lumuluhod.". "Syempre, tinanggal ko ang sarili ko mula sa footage." "Sabihin mo sa'kin. Kapag natuklasan ng mapagmataas na Empire na lumuhod ang fourth p
Naningkit ang mata ng ika-labintatlong young master kay Mandy bago sabihing, "Ms. Zimmer, wala akong problema sa iyong business plan." "Pero, tingin ko dapat pa rin nating baguhin ang share natin sa earrings. Halimbawa, kukuha ako ng 70%, at sa'yo ang 30%.""Syempre…" "Hindi tayo pwedeng laging nagpapaliguy-ligoy." "Kung libre ka sa susunod na dalawang araw, sumama ka sa akin sa Flutwell." "Malalaman mo kung gaano ka kaswerteng makatrabaho ang Bauer family." "Kapag sumama ka sa amin, titibay na ang posisyon mo sq Jean family.""Higit sa lahat, sa ten families ng Countey H, ang Jean family ang nasa pinakababa. Wala silang laban sa pamilya namin!" "Syempre, kung iisipin mo ang isa ko pang alok, ikinagagalak kong magkompromiso." "Sa mundong ito, walang-dudang mas matibay ang kasal kumpara sa isang hamak na kontrata." "At ako, si Joseph Bauer, ay matapat sa nararamdaman ko para sa'yo." "Mas mabuti kung pag-isipan mo ito nang maigi. Higit sa lahat, ikaw ang unang babaeng
Kalmadong tinaas ni Mandy ang kontratang hawak niya. "Natutuwa ako sa imbitasyon, Young Master Bauer," kalmado niyang panimula. "Pero sa tingin ko walang punto para sa pagbisita mo bago makumpleto ang kasunduan." "Kung hindi to maganda para sa collaboration natin, bakit hindi mo na lang ituring ito bilang maliit na bakasyon?" suhestiyon ni Joseph. "Oo nga pala. May nakalimutan akong sabihin sa'yo. Inimbitahan ko rin si Auntie Yates na pumunta. Syempre, masaya niyang tinanggap ang imbitasyon ko…" "Sana samahan mo rin kami." "Lalo na't hindi mo pwedeng iwan ang minamahal mong ina sa isang hindi pamilyar na lugar ilang libong milya kalayo, di ba?" Kaagad na dumilim ang mukha ni Mandy. Sa puntong ito, hindi niya alam kung paano haharapin si Joseph. Dahil sa nangyari sa Las Vegas, kalahating taon na niyang hindi nakakausap si Harvey. Sa kabilang banda, patuloy siyang ginugulo ni Lilian na makipag-divorce kay Harvey. Sobrang nalilito si Mandy dahil dito. Bahagyang ngumi
Kaagad na kumunot ang noo ni Mandy. "Kung ganun, ipapaalala ko to ulit sa'yo, Mama. Ang lahat ng perang yun ay pagmamay-ari ng ninth branch. Wala akong kontrol dito," seryoso niyang sabi. "May ilang libong dolyar na lang akong natitira at binigay ko ang lahat ng yun sa'yo." Malamig na suminghal si Lilian. "Wala akong pakialam sa'yo! Kung hindi ako makakakuha ng kahit hundred and fifty million dollars bilang pocket money, babalikan kita! Naririnig mo ba ko?!" "Wag mong isiping makakapagtago ka sa'kin! Iiwanan lang kita dahil maganda ang timpla mo…" Pagkatapos ay naglabas si Lilian ng isang Snow White Hermes bag. Mukhang gustong-gusto niya rin ito. Ang isang Snow White Hermes bag ay mabibili lang gamit ng libo-libong dolyar, pero nagawa ni Lilian na makakuha nito. Nagulat si Mandy sa katotohanang ito. "Saan mo nakuha ang bag na yan, Mama?" "Saan? Binili ko, syempre!" Suminghal ulit si Lilian. "Hindi mo naman sasabihing binili mo to para sa'kin, di ba?" "Hindi mo
Napuno ng lungkot si Mandy nang makita niyang galit na galit ang kanyang nanay. Hindi niya pa nakakausap si Harvey sa loob ng kalahating taon. Naaalala niya pa rin ang mga nangyari sa Hong Kong at Las Vegas.Ayaw maniwala ni Mandy na talagang sinubukan ni Harvey na patayin ang kanyang nanay.Ngunit paulit-ulit niyang nakikita sa isipan niya ang madugong pangyayari, para bang kahapon lang ito nangyari.Sinasabi ng isip niya na kung talagang gustong patayin ni Harvey si Lilian, malinis niya itong gagawin.Ngunit hindi niya makalimutan ang nakita niya gamit ng sarili niyang mga mata. Suminghal si Mandy, hindi na ito inisip pa.“Pwede bang huwag na natin itong pag-usapan, Ma?”Pagkatapos makitang miserable ang kanyang anak, ngumiti sa tuwa si Lilian. Mukhang napagtanto niya ang nasa isipan ni Mandy.“Sige, sige. Huwag na muna natin pag-usapan ang hayop na ‘yun.”“Tama! Niyaya ako ni Young Master Bauer na kumain sa bagong bukas na Pothole Hotel sa city center. Sinabi niya sa aki
Nang mangangatwiran na si Xynthia kay Lilian, pinagana ng nagmamaneho ang privacy window ng kotse. Masama ang mukha nito.“CEO Zimmer, Madam. Ilang kotse na ang nakasunod sa atin kanina pa…”“Dumaan na ako sa magkakaibang ruta, pero patuloy pa rin silang nakasunod sa atin…”“Tingin ko hinahabol nila tayo!”Nanigas si Mandy bago tumingin sa salamin.Tulad ng sinasabi ng nagmamaneho, ilang kotse na may plaka ng Country H ang patuloy na nakabuntot sa kanila.Puro itim ang mga kotseng ito. Kasama ng mga magagandang plaka nito, mukhang mamahalin ang mga kotseng ito.Ngunit kaagad na naghiwalay ang mga kotse nang mapansing nahuli na sila. Dumaan sila sa lahat ng sulok, pinaligiran ang kotse ng Zimmer family.Isa sa mga kotse ang humarang sa daan, habang ang dalawa ay dahan-dahang lumapit sa kotse ni Mandy. Nagbago ang ekspresyon ni Mandy. Hindi niya inakalang may maglalakas-loob na guluhin ang Jean family ng Mordu.Ngunit pagkatapos isipin ang sitwasyon sandali, pakiramdam niya ay
Pagkatapos makitang kumilos nang mabangis ang driver ni Mandy, ilang blonde na nakasuit ang tumalon mula sa kotse na tumagilid. Para bang medyo nanghihina sila, pero bigla na lang, sinimulan nilang barilin ang kotse ni Mandy. Bang, bang, bang!Pagkatapos magpaulan ng bala, pumutok ang gulong sa likod. Sa isang iglap, gumiwang ang kotse sa kalsada at binangga ang lahat ng nasa harapan nito. Namutla ang mukha ng driver habang desperado niyang sinubukang kontrolin ang manibela habang sinusubukan siguraduhin na hindi tatagilid ang kotse. Sa sobrang takot ni Lilian ay tumirik na ang mga mata niya; malapit na siyang himatayin. Bahagyang mas kalmado si Xynthia, ngunit takot na takot pa rin siya. Marami siyang naranasan, ngunit ito ang unang beses niyang mahabol sa kalsada. Gayunpaman, malaki ang pinagbago ni Mandy; nanatili siyang kalmado at sumigaw, "Sabihan mo ang mga tao mula sa likod na suportahan tayo!""I-lock mo ang mga pinto ng kotse!" "Tumawag ka ng pulis!" Tuma