공유

Chapter 133:

작가: Hiraya_23
last update 게시일: 2026-04-08 14:44:50
Pumikit ako nang mariin. Darken… ano bang ginawa mo?

Sandali akong napadilat nang makarinig ng isang napakalakas at nakakabinging kalabog. Ang malalaking glass doors ng building ay marahas na bumukas, halos mabasag sa lakas ng pagkakatulak.

Napalingon ang mga pulis. Napalingon ang mga security. Maging si Moira sa likuran ko ay natigilan at napatingin sa direksyon ng pinto.

Sa gitna ng kaguluhan, pumasok ang isang bulto ng lalaki.

Para siyang isang nagngangalit na bagyo na biglang pumasok sa loob
Hiraya_23

Pag ikaw talaga mamatay jan! Paatay din ako!

| 9
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Jasmin Garcia
salamat n marami update miss author,Sana Myron p ulit...
댓글 더 보기

최신 챕터

  • Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)   Chapter 136:

    “Y-Your neck... you’re bleeding, Lady...” paos at garalgal na bulong niya.Mas lalo akong napa-iyak sa ginawa niya, inabot ng kamay ko ang palad niyang nasa leeg ko!Parang gusto ko siyang sampalin! Bakit ako pa rin ang iniisip niya? Bakit ako parin ang inaalala niya! For God’s sake he’s losing a lot of blood.“Y-you crazy…” saad ko sa gitna ng paghikbi at panginginig ng mga labi.“Wag mo akong pansinin! A-ayos lang ako! W-wag kang magsalita, please! Save your energy, Darken! Parating na ang mga medic!” hagulgol ko, pilit na inilalapit ang mukha ko sa kaniya habang pilit na idinidiin ang isang kamay ko sa sugat niya. Umubo siya. Isang mahinang ubo na naglabas ng dugo mula sa kaniyang mga labi. Napasinghap ako! Namumula ang gilid ng bibig niya at unti-unting nawawalan ng kulay ang kaniyang mukha. “I’m sorry...” hirap na hirap niyang usal, tinititigan ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang pagpikit ng kaniyang mga mata.“She’s right... I did it... I ruined her... I leaked the

  • Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)   Chapter 135:

    “H’wag mo kong hamunin.”Sandali akong napangiwi nang bigla at marahas akong binitawan at halos ihagis ni Moira sa harap ni Darken dahilan para mawala ang tindig nito at agad akong sinalubong ng braso niya.Pero kasabay ng pagpakawala ni Moira sa akin, buong lakas niyang iwinasiwas ang kutsilyo pasulong, diretso sa katawan namin ni Darken.“DARKEN!” halos pasigaw kong saad. Masyadong nabigla sa naging galaw ni Moira. She’s fucking desperate! Wala na nga siya sa sarili!Nawalan ako ng balanse. Ang paningin ko ay umikot dahil sa sobrang lakas ng pagtulak niya sa akin. Pero bago pa man tuluyang sumadsad ang katawan ko sa malamig na sahig, naramdaman kong mabilis na pagyakap ni Darken sa akin, agad akong tinago sa malapad niyang likod.Si Darken! Hindi ako halos makahinga!Isang madiin, basa, at nakakasulasok na tunog ng bakal na sapilitang bumaon sa laman ang narinig ko. “Ugh!” Isang mabigat at malalim na ungol ang kumawala sa dibdib ni Darken. Kasunod niyon ay ang dalawang su

  • Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)   Chapter 134:

    “Stab me to death… just release her.” Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong lobby. Ang mga pulis ay nakatutok pa rin ang baril pero walang makakilos. Maging ako ay tumigil sa paghinga. Take me. Kill me instead. Ano bang ginagawa niya? Akala ba niya gano’n kadali ang lahat? Tsaka ano bang tumatakbo sa isip niya? Isang nakakatakot, matinis, at malademonyong halakhak ang biglang pinakawalan ni Moira. “Hahahahaha! Ang sweet! Ang sweet naman niya, Angel!” natatawang sigaw ni Moira, tumutulo ang laway at luha sa sobrang kabaliwan. “Handa siyang mamatay para sa'yo?! Handa siyang ialay ang buhay niya para sa’yo?!” Mas lalong humigpit ang hawak niya sa buhok ko. Ramdam na ramdam ko ang gigil na nararamdaman niya kahit pa kanina ay alam kong kinakabahan siya. Parang bigla siyang inakyat ng adrenaline dahil sa sinabi ni Darken. Naging mas madiin ang pagkahawak niya sa kutsilyong naka tutok sa leeg ko. “Ahhh!” Isang impit na daing ang kumawala sa mga labi ko nang maramdaman

  • Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)   Chapter 133:

    Pumikit ako nang mariin. Darken… ano bang ginawa mo?Sandali akong napadilat nang makarinig ng isang napakalakas at nakakabinging kalabog. Ang malalaking glass doors ng building ay marahas na bumukas, halos mabasag sa lakas ng pagkakatulak.Napalingon ang mga pulis. Napalingon ang mga security. Maging si Moira sa likuran ko ay natigilan at napatingin sa direksyon ng pinto.Sa gitna ng kaguluhan, pumasok ang isang bulto ng lalaki.Para siyang isang nagngangalit na bagyo na biglang pumasok sa loob ng isang tahimik na silid. Nakasuot siya ng itim na suit, gusot, ang necktie ay maluwag na nakasabit sa leeg niya.Hinihingal siya, ang malapad at matigas na dibdib ay mabilis na tumataas-baba.Pero ang pinakanakakatakot sa kaniya ay ang kaniyang mga mata.Naglalagablab. Nandidilim. Punong-puno ng isang purong, demonyong galit na kayang pumatay ng tao sa isang titig pa lang.Si Darken.“Sir, hanggang diyan lang po kayo! Delikado ang sitwasyon!” mabilis na harang ng dalawang armadong pulis, itin

  • Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)   Chapter 132:

    “Walang lalapit.” Nakangising saad nito, dinidiin ang kutsilyo sa leeg ko.Pakiramdam ko ay huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Ang bawat paghinga ko ay nagdudulot ng manipis na kirot dahil sa pagkadiin ng bakal sa balat ko.Ramdam na ramdam ko ang mabilis at nagwawalang tibok ng puso ko na tila gustong kumawala mula sa dibdib ko.Pero sa kabila ng naghihiyaw na takot sa loob-loob ko, pinilit kong panatilihing kalmado and isip at ang ekspresyon ng mukha ko.Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan lalo na sa harap ng baliw na ito. Hindi niya pwedeng makitang natatakot ako sa kan’ya! Mas lalo lang lalakas ang loob niya kapag alam niyang naiintimidate niya ako.“Moira…” panimula ko, pinilit na alisin ang takot at kabang nararamdaman ko. “Huwag kang magpapadala sa emosyon mo. Ibaba mo ang kutsilyong 'yan. Wala kang mapapala rito.”“Wala na akong mapapala?!” hysterikal na tili niya sa mismong tainga ko. Ang mainit niyang hininga ay tumatama sa pisngi ko. “Wala na nga! Kinuha mo na ang lahat!

  • Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)   Chapter 131:

    “HAYOP KA! Ikaw ang may gawa nito, 'di ba?! Kayo ng gigolo mo? Ilabas mo siya? Paghahaluin ko ang dugo niyong dalawa!” Tumigil ako sa paglalakad, may dalawang metrong distansya mula sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ibinaba ko nang bahagya ang sunglasses ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. I looked at her like she was just a trash in front of me.Pinanatili kong kalmado at malamig ang boses ko.“Wala akong alam sa sinasabi mong video, Moira. At kung sakali mang kumalat 'yan sa buong internet, baka dahil 'yan sa sarili mong kababuyan. Ang lakas ng loob mong isisi sa’kin ang kawalang-hiyaan mo!” sagot ko nang may diin. “Sinungaling!” tili niya, pilit na inabot ang buhok ko pero mabilis na humarang ang mga guard. Nagwawala siya, sumisipa at nangangagat.“Ang lalaking iyon, I know ikaw ang nagpadala sa kan’ya! Ikaw ang nag-utos sa kan’ya! Kung hindi ko kayo makakasuhan papatayin ko kayong dalawa!” anito, nag-aapoy sa galit habang duro duro ako.Lalaki? Anong pinagsasabi niy

  • Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)   Chapter 53:

    “You made me feel sick the whole night, Angel,” anas niya, ang mga daliri niya ay nagsimulang hanapin ang maliit na zipper sa gilid ng bewang ko. “Pinabaliw mo ako buong gabi. Ang sakit-sakit ng katawan ko kakahintay matapos lang ang araw na 'to.”Para akong naistatwa nang dahan-dahan niyang ibinaba

    last update최신 업데이트 : 2026-04-04
  • Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)   Chapter 49:

    “Then don't think of it as a session,” matapang na bulong ko.Napapalunok sa mismong sinasabi ko!Nanlaki nang bahagya ang mga mata ni Darken. Nakita ko kung paano mabilis na umakyat-baba ang adam's apple niya. Halatang halata sa bawat lunok niya ang pilit na pagpipigil.Napakagat labi ako! Ano ba ‘

    last update최신 업데이트 : 2026-04-02
  • Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)   Chapter 48:

    Nakapikit ako, pero ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya na tumatagos sa manipis na damit ko.Nakakapanibago. Sa loob ng limang taon, si Lukas lang ang humawak sa akin. Si Lukas lang ang bumubuhat sa akin noong mga panahong masaya pa kami. Pero bakit sa mga bisig ng lalaking ito, pakiramdam

    last update최신 업데이트 : 2026-04-02
  • Naglalagablab na Secret Sex Sessions (SPG)   Chapter 43:

    Ang bigat ng talukap ng mga mata ko nang idilat ko iyon kinaumagahan. Ramdam ko ang pamamaga nito dahil sa walang-tigil na pag-iyak ko kahapon.Bumangon ako at napaupo sa gilid ng kama. Tahimik ang buong kwarto. Malamig. Kagaya ng nararamdaman ko sa loob ko ngayon.Unti-unting bumalik sa isip ko ang

    last update최신 업데이트 : 2026-03-30
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status