Broken Contract with My Client

Broken Contract with My Client

last updateLast Updated : 2026-10-13
By:  AMVOUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Bawal mahalin ang kliyente." Iyan ang gintong patakaran na binalian ni Wren. Ang kasal ni Wren sa bilyonaryong si Kai Vance ay nagsimula sa isang malamig na transaksyon—isang lihim na kontrata para maisalba ang kaniyang pamilya. Bawal mahalin ang kliyente, ngunit matapos ang dalawang taon, nahulog ang loob niya kay Kai. Ngunit winasak ni Kai ang kaniyang puso gamit ang nagbabalik nitong childhood sweetheart na si Morgana. Dahil sa matinding sakit, pinili ni Wren na maglaho nang walang paalam bitbit ang kanilang anak. Ang tanging iniwan niya? Ang kahon ng kuwintas na ipinadala ni Kai bilang peace offering—na sa loob ay naglalaman na ng kaniyang ultrasound report. Anim na taon ang lumipas. Walang tigil si Kai sa paghahanap, habang unti-unting bumabagsak ang kaniyang imperyo dahil sa isang misteryosong ahensya. Sa kawalan ng pag-asa, lumapit sila sa ahensyang ito para magsalba sa kumpanya. Ang hindi alam ni Kai, ang ahensyang ito ang mismong utak sa paghina ng kanilang negosyo. At ang reynang nagpapatakbo sa likod nito? Walang iba kundi si Wren. Ngayong maghaharap silang muli, may pag-asa pa ba ang pag-ibig na winasak ng nakaraan? Ano ang pipiliin ni Wren—ang tuluyang pabagsakin ang kliyenteng sumira sa kaniya, o ang pagbigyan ang pusong matagal nang nangungulila?

View More

Chapter 1

Chapter 1

POV: Wren's Perspective

Hawak ko ang piraso ng papel habang nanginginig ang mga daliri ko sa loob ng CR ng clinic ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Sa bawat mabilis na pag-angat at pagbaba ng dibdib ko, naiiyak ako sa tuwa na tila sumasabay ang buong mundo sa kabog ng puso ko. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taon ng aming sikretong kasal, positibo ang resulta. Magiging ina na ako.

Ang kasal namin ni Kai Vance ay hindi normal. Nagsimula ito bilang isang malamig na transaksyon sa pagitan ko - isang simpleng HR Staff ng isang Recruitment Agency - at niya, ang pinakamayaman at pinakamalaking korporasyong kliyente ng kumpanya namin. Kailangan niya ng asawa para makuha ang mana niya mula sa kaniyang lolo, at kailangan ko naman ng pera para isalba ang pamilya ko mula sa baon sa utang na iniwan ng tatay ko. Sa loob ng dalawang taon, pinilit kong maging propesyonal. Sa umaga, inaasikaso ko ang mga mga kinakailangan ng kumpanya niya at iba pang transakyon; sa gabi, natututo akong mabuhay sa ilalim ng kaniyang malamig at dominanteng mga kamay. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nasanay na ako at pakiramdam ko ay nahulog na ang loob ko sa kaniya. 

Bumalik ako sa aking mesa, pinatay ang aking laptop at saka nagpaalam sa aking boss na maghahalf-day muna. Kinuha ko ang aking bag at bumaba ng building kung saan ay may nakatigil na rin na taxi, sabay sakay. Alam kong may executive physical check-up si Kai ngayon sa VIP wing ng St. Jude Medical Center, ang ospital na pagmamay-ari din ng pamilya niya. Hindi ko na kayang mag-antay hanggang sa makauwi kami sa mansyon niya. Gusto kong makita ang kaniyang mga malalamig at seryosong mga mata na manlambot sa oras na malaman niyang magiging ama na siya.

Subalit pagdating ko sa dulo ng pasilyo ng obstetrics department, tila biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko.

"Huwag kang mag-alala, Morgana. Narito ako. Hindi ko kayo pababayaan ng bata," isang pamilyar na baritono, malalim at malamig na tinig ang bumasag sa katahimikan ng pribadong pasilyo.

Si Kai.

Biglang nanlamig ang aking tuhod na para bang ayaw kong maniwala, Nagawa kong magtago sa isang sulok at unti-unting sumilip.

Si Kai. 

Napahawak ako sa aking mga bibig at unti-unting bumagsak ang aking mga luha.

Nakatayo siya roon, ang kaniyang malawak at matikas na balikat ay nakatalikod sa akin. Ngunit ang mas nagpadugo sa puso ko ay ang kaniyang mga braso na nakapulupot nang buong pag-iingat at proteksyon sa isang magandang babaeng umiiyak sa dibdib niya. Si Morgana. Ang kaniyang childhood sweetheart. Ang babaeng akala ng lahat ay matagal nang naglaho sa ibang bansa. At sa ilalim ng mga palad ni Morgana, malinaw kong nakita ang bahagyang umbok ng kaniyang tiyan. Buntis siya.

Ang puso ko ay parang hinampas at nadurog sa tindi ng sakit. Ramdam ko ang patuloy na pagtulo ng aking luha, ang panghihina ng aking mga tuhod. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala at sabihing asawa niya ako. Pero bilang isang HR professional, ang utak ko ay awtomatikong pumasok sa crisis management mode. Natuto akong magtago ng emosyon sa harap ng mga kliyente, at si Kai, higit sa lahat, ay ang aking pinakamakapangyarihang kliyente.

Pilit ko inayos ang aking sarili. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking bag. Kinuha ko ang aking eyeglasses at isinuot ito. Huminga ako nang malalim, pinahid ang isang patak ng luha na pilit kumawala, at naglakad nang tuwid patungo sa kanila. Ang tunog ng aking takong sa sementado at makintab na sahig ay naging hudyat ng aking presensya.

Mabilis na lumingon si Kai. Ang kaniyang mga kulay-abong mata na laging nagpapatakbo sa aking pagkatao ay nanlaki nang makita ako. Agad niyang hinawakan si Morgana sa siko at dinala ito sa likod niya, tila ba pinoprotektahan ito mula sa akin. Isang sampal sa aking pagkatao.

Hindi ako umiyak. Sa halip, binuksan ko ang aking dalang folder at tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata.

"Mr. Vance, ang iyong 2:00 PM corporate meeting ay inilipat sa ibang oras. Nakikita ko namang abala ka ngayon sa isang napakahalagang personal na asset," ang boses ko ay pormal, malamig, at walang kahit anong panginginig. Iniabot ko sa kaniya ang isang piraso ng corporate document. "I’ll leave you to your business."

Napatitig sa akin si Kai, halatang nagulat sa aking pormal at walang emosyong reaksyon. Bago pa siya makapagsalita, tumalikod na ako at naglakad paalis, hawak ang aking tiyan kung nasaan ang aming sariling lihim.

Mabilis ang naging paghakbang ko palayo sa kanila. Ramdam ko pa rin ang mabibigat na titig ni Kai sa likod ko habang mabilis akong sumasakay sa pampublikong elevator ng ospital. Pagod na pagod ang puso ko. Pagkasara pa lang ng p***o ng elevator ay doon tuluyang nanghina ang aking mga binti kaya napasandal ako sa malamig na pader nito. Ang eyeglasses ko ay bahagyang lumabo dahil sa mga bagong luha na muling pumatak. Bakit ngayon pa? Bakit sa mismong araw na nalaman kong may buhay sa loob ng tiyan ko, doon ko pa matutuklasan na may iba na palang pamilyang inaalagaan ang asawa ko?

Pagbaba ko sa ground floor, hindi ko pinansin ang mga naglalakad na tao sa lobby. Dire-diretso ako sa labas para mag-abang muli ng taxi. Gusto ko nang lumayo. Gusto ko nang magtago sa isang lugar kung saan hindi ko maririnig ang pangalan ni Kai at Morgana.

"Wren! Sandali!"

Bago pa ako makahakbang palabas ng glass door ng ospital, isang malaki at pamilyar na palad ang biglang humawak sa siko ko. Ang higpit ng hawak na iyon ay sapat na para mapatigil ako. Nang lumingon ako, si Kai na pala ang nasa likod ko, bahagyang hinihingal at madilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Iniwan niya si Morgana sa itaas para lang sundan ako.

"Bitawan mo ako, Mr. Vance," malamig kong sabi, pilit kong ibinabalik ang aking HR staff tone kahit na ang totoo ay nagwawala at gusto ng sumbog ang emosyon ko sa loob ko.

"Anong ibig sabihin ng eksena mo sa itaas? At bakit ganyan ka magsalita?" 

mariing tanong niya, habang hinahatak niya ako patungo sa mas tahimik na bahagi ng parking lot para walang makakita sa aming mga empleyado o reporter. Ang kaniyang mga mata ay tila nagbabanta, ibinabalik ang kaniyang pagiging dominanteng kliyente na hindi sanay na tinatalikuran "Nakalimutan mo na ba ang mga nakasulat sa kontrata natin?"

Tiningnan ko ang kaniyang mukha. Ang lalaking pinangarap ko na mamahalin ako balang araw ay nakatayo sa harap ko, galit dahil lang sa nalaman ko ang kaniyang personal na transaksyon. Doon ko narealize na kahit kailan, hinding-hindi ako magiging sapat sa kaniya. Nilukot ko ang pregnancy report sa loob ng aking bulsa at nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi ko nakakalimutan ang kontrata, Mr. Vance," sagot ko habang pinapanatili ang isang pormal na ngiti sa aking mga labi. "Kaya nga iniwan ko na kayo sa itaas para asikasuhin ang inyong... bagong obligasyon."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status