Mag-log inediiii sana ollll ulittttttt
“You’re late, Little Bird.”Ang baritonong boses niya ay parang kidlat na tumama sa mismong gulugod ko.Awtomatikong napaatras ang mga paa ko. Gusto kong tumakbo! Gusto kong sumigaw ng tulong pero parang umurong ang dila ko at natuyo ang lalamunan ko. Ang buong katawan ko ay nanigas sa matinding takot.Tumayo siya.Sa kaunting liwanag na pumapasok mula sa bintana, nakita ko ang kabuuan niya.Wala na ang duguang jacket na suot niya kagabi. Nakasuot na siya ng simpleng itim na t-shirt na hapit sa matipuno niyang katawan, at madilim na pantalon.Pero hindi nakabawas sa nakakatakot niyang aura ang malinis niyang damit. Para siyang isang criminal na kalmadong pinapanood ang biktima niyang nakorner na.“H-Huwag kang lalapit...” nanginginig at halos paos na bulong ko. Pilit akong umaatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likuran ko.Wala na akong aatrasan.Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Mabibigat at mababagal ang mga hakbang niyang lumapit sa akin.Bawat hakbang niya ay
Nabitiwan ko ang cellphone ko.Bumagsak ito sa sementadong sahig ng balcony. Ang mahinang tunog ng pagkabasag ng screen protector nito ay tila bumasag din sa katinuan ko.Nanginginig ang buong katawan ko. Nanlalamig ang mga kamay ko habang nakatitig sa screen na umiilaw pa rin, ipinapakita ang mensaheng nagpatayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan.“Did you like your new cage, Little Bird? Don't fly too far... I'm watching.”Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Gusto kong sumigaw! Gusto kong magwala! Paano niya ako nahanap agad?! Ilang oras pa lang mula nang lumipat ako! Wala akong pinagsabihan! Walang nakakaalam kung saan ako nagpunta maliban sa landlady ko!Mabilis akong yumuko para pulutin ang cellphone ko. Luminga-linga ako sa paligid.Sa mga kalapit na building, sa mga kotseng nakaparada sa ibaba, sa bawat taong naglalakad sa kalsada. Pakiramdam ko lahat sila ay nakatingin sa akin.Pakiramdam ko isa sa kanila ang lalaking iyon, o tauhan ng lalaking iyon, na tahimik na nagbabanta
“WELCOME HOME, MOMMY ANGEL AND BABY DARK!” Kahit pilit ang ngiti ko, sumama ako sa paghiyaw ng buong team ng Yamson Models nang bumulaga sa amin si Ma'am Angel.Ang dating tahimik niyang living room ay napuno ng mga asul at puting balloons, may malaking banner na nakasabit na may nakasulat na "Welcome Home, Mommy Angel & Baby Dark Angelo!", at ang mahabang mesa ay puno ng iba’t ibang pagkain. Nakita ko kung paano napatakip sa bibig si Ma'am Angel, hindi mapigilan ang pangingilid ng mga luha niya.Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko. Sa dami ng pinagdaanan ni Ma'am Angel, sa dami ng taong nanakit at tumalikod sa kaniya, deserve niya ang lahat ng pagmamahal na ito. “Oh my gosh, guys...” nanginginig ang boses na usal niya, dahan-dahang pumasok habang yakap nang mahigpit ang anak niya. Lumapit kaming lahat, pilit na pinipigilan ang pagtili para hindi magising ang bata. Pilit kong ibinabaon sa isip ko ang kasayahang ito. Pilit kong tinatabunan ng masasayang kulay ng kwartong
Mabilis kong pinatay ang tawag! Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko.Rinig na rinig ko ang sarili kong mabilis na paghinga. Paano niya nalaman? Nakikita niya ba ako?! Kahit masakit pa rin ang gitna ng mga hita ko, pinilit kong tumakbo papunta sa bintana. Bahagya kong hinawi ang kurtina at sinilip ang kalsada sa labas.Tirik ang araw.May mga dumadaang sasakyan, may mga taong naglalakad, pero wala... walang bakas ng lalaking iyon. Walang kahina-hinalang sasakyan. Walang lalaking nakaitim na jacket na may tama ng bala. Pero alam kong nanonood siya. Pakiramdam ko ay may mga matang nakatitig sa bawat galaw ko, nag-aabang sa susunod kong gagawin. Binitawan ko ang kurtina at napasandal sa malamig na pader. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pag-iyak.Tatawag ba ako sa pulis? Aabutin ko na sana muli ang cellphone ko pero natigilan ako. Paano kung bago pa man dumating ang mga pulis ay patayin na niya ako?Kung nagagawa niyang makita ang m
“Narinig ko, Mark! Narinig ng dalawang tainga ko kung paano mo ako inialok sa kaniya! ‘Gawin ninyo siyang parausan, huwag niyo lang akong patayin.’ 'Yun ang sabi mo, 'di ba?! Bago ka pa man himatayin na parang bakla diyan, ibinenta mo na ako!” Umatras siya, mukhang hindi inaasahan ang pagputok ko. Sanay kasi siyang ako 'yung malambot. Sanay siyang ako 'yung nauuto niya. “Y-Yna, love... p-paraan ko lang iyon para idistract siya… h-hindi ko naman talaga hahayaang may mangyaring masama sa—”“Huwag ka nang magpaliwanag at huwag mo akong tatawaging love!” nandidiri kong sigaw. “Nandidiri ako sa’yo! Nandidiri ako na minahal kita!” naiiyak na sigaw ko! Parang ano mang oras sasabog ang utak ko sa sobrang sama ng loob at galit!“Ginamit mo lang naman ako, hindi ba, Mark! 'Yung kotse na pinapabayaran mo sa akin para gawin mong porma sa mga barkada mo? 'Yung mga suporta mo kunyari pero gusto mo lang gatasan ang mga kinikita ko sa pagmomodel? Akala mo ba hindi ko alam? Nabulag lang ako dahil t
Buong lakas kong inangat ang pitsel at walang-awang ibinuhos ang lahat ng yelong tubig sa mukha at katawan niya. SPLAAASH! “Pucha! Ano ba—!” Isang malakas na ungol ang kumawala kay Mark. Mabilis pa sa alas-kwatro siyang napabalikwas ng bangon dahil sa sobrang lamig at pagkabigla. Ngunit dahil nasa ilalim siya ng kama... BLAG! Malakas na tumama ang noo niya sa matigas na kahoy ng bed frame ko. “Aray! Putang ina!” napahawak siya sa ulo niya, gumulong palabas mula sa ilalim ng kama habang basang-basa at nanginginig. Nakatayo lang ako sa harap niya. Mahigpit ang hawak sa basyong pitsel. Ang mga mata ko ay walang kahit anong emosyon kundi pandidiri. “What the fuck, Yna?!” inis na inis na sigaw niya habang pilit na idinidilat ang mga mata niyang nabasa. “Ano bang problema mo? Bakit namumuhos ka ng tubig?!” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Basura. Isa talaga siyang malaking basura. “Mabuti naman gising ka na,” naiinis ngunit nakakatakot na kalmado ang boses ko. N







