เข้าสู่ระบบUp next: Black entrance!
“ Kaya... kaya please, hindi ko po kailangan ang pera ninyo.”Isang mahaba, nakakabingi, at nakakapasong katahimikan ang namayani sa buong opisina.Tinitigan lang ako ni Hunter. Ang mga mata niya ay walang emosyon, ngunit sa kaibuturan nito, alam kong nababasa niya ako.He looked like he knows I’m lying.“Very well,” malamig na sagot niya pagkatapos ng mahabang pagpapakiramdaman namin. Naglakad siya pabalik sa kaniyang mahogany desk, tuluyang tinalikuran ako. “If you’re so proud and independent, then consider the hospital bills and the apartment as part of your VVIP salary package. It is standard corporate protocol for key employees. I don’t care about your personal life, Alvarez. I only care about your output.”Bumalik ang pormal at malamig niyang tono. Ang CEO persona niya na palaging nagsusungit sa akin.Umupo siya sa kaniyang swivel chair at binuksan ang isang folder sa mesa, tila ba biglang nawalan na siya ng pakialam sa existence ko.“You’re dismissed. Get out of my office,” uto
“Why it seems like you’re protecting your baby from me? Am I that harmful Rye? Or you have different reason?”Nanigas ang buong katawan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na may halong yelo. Ang mga salitang binitawan niya ay tila mga punyal na tumagos nang direkta sa aking dibdib.Ang kaniyang magaspang ngunit mainit na hinlalaki ay nanatiling nakadampi sa gilid ng aking buhok, habang ang kaniyang madidilim at nanunuring mga mata ay nakapako sa aking nanginginig na mga kamay—na mahigpit at awtomatikong nakabalot sa aking tiyan.Dug-dug. Dug-dug. Dug-dug.Ang lakas ng tibok ng puso ko, halos mabingi na ako sa sarili kong kaba sa loob ng napakatahimik na opisina.Ano ang ibig niyang sabihin? May alam na ba siya? Alam niya bang... alam niya bang sa kaniya ang batang ito?!“S-Sir...” nanginginig ang boses ko. Pilit akong lumunok kahit na parang may matigas na bato na nakabara sa lalamunan ko.“Answer me, Rye,” mariin niyang utos. Ang boses niya ay mababa, paos, at nag-uutos. Hi
Nanggigil ako. Ang yabang!“Alam kong resibo 'yan! Ang tinatanong ko, bakit?! Bakit nagbabayad ang kumpanya niyo ng apartment ko?! Bakit niyo binayaran ng buo ang maternity package ko sa St. Luke's?! Bakit biglang naging dalawang daan at limampung libo ang laman ng bank account ko?!”Ang boses ko ay halos umalingawngaw sa loob ng opisina niya. Humihingal ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.“I am a wardrobe assistant, Hunter! Hindi ako CEO! Hindi ako asawa ng bilyonaryo! Wala akong karapatang makatanggap ng ganitong klaseng pera!”Tinitigan niya ako. Walang nagbago sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Hindi siya natinag sa pagsigaw ko. Sa halip, dahan-dahan siyang tumayo mula sa kaniyang silya. Ang kaniyang matangkad at dambuhalang presensya ay muling nagpadilim sa paligid ko.“You are VVIP Head Stylist now,” malamig na sagot niya, ang boses ay kalmado ngunit may nakatagong awtoridad na hindi pwedeng suwayin. “I demand perfection from my employees. I demand all their time, their focu
CRYSTAL RYE’S POVPagdating ko sa apartment nang gabing iyon, sobrang bigat ng katawan ko. Tumigil narin ako kakaisip kung bakit sobra sobra ang naging sahod ko. Ang mahalaga nalang ay magagamit naming it oni Tristan. Baka gano’n lang talaga ang mga compensation package sa isang malaking company gaya ng Saviano? O baka hindi? Pero ayaw kong isipin na galing ito kay Hunter o si Hunter ang dahilan.Umupo ako sa harap ng maliit naming hapag-kainan at binuksan ang luma kong laptop.Kailangan kong bayaran ang bill namin sa kuryente, pati na rin ang upa sa apartment dahil tatlong buwan na kaming delayed. Ayaw kong gamitin ang pera ni Tristan, gusto kong gamitin ang sahod ko para makatulong.Pag-login ko sa portal ng landlord namin, nanlaki ang mga mata ko.BALANCE: ₱ 0.00 STATUS: ADVANCE PAID FOR 12 MONTHS.“H-Ha? Paano nangyari 'to?” pabulong na tanong ko sa sarili ko.Mabilis kong binuksan ang email ko para i-check kung may resibo. May isang unread email mula sa admin ng apartment buildin
“Who hurt you?”Nanigas ang buong katawan ko habang nakaluhod sa harapan niya, sa gitna ng nagkalat na mamahaling cufflinks. Ang kaniyang magaspang na hinlalaki ay nanatiling nakadampi sa pisngi ko, mainit at tila nag-iiwan ng paso sa aking balat.Gusto kong sumigaw.Gusto kong isumbong sa kaniya ang lahat. Gusto kong sabihin na ang lalaking ipinagtatanggol ko, ay ang dahilan kung bakit marami akong iniisip ngayon bukod sa pagbubuntis ko.Pero anong karapatan kong magreklamo tungkol sa lalaking tumanggap sa akin?At higit sa lahat, bakit sa kaniya pa ako magsusumbong?Mabilis kong iniwas ang mukha ko mula sa haplos niya. Pilit akong tumayo, kahit na nanginginig ang mga tuhod ko, at mabilis na nag-ayos ng aking sarili.“W-Wala po, Sir,” nanginginig na sagot ko, iniiwasan ang kaniyang madidilim na mata na tila pilit binabasa ang kaluluwa ko. “S-Stress lang po sa trabaho. Pasensya na po sa abala. I-Iligpit ko na po itong mga nahulog ko.”Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakaluhod sa
“Sir Hunter, nandito po ako para ayusin ang suit niyo para sa charity gala. Wala po akong kinalaman sa mga VIP guests niyo sa casino. Pwede po ba tayong bumalik sa trabaho?”Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Ang panga niya ay mahigpit na nakatikom, halatang nagpipigil ng matinding inis dahil sa pagiging matigas ko.Dahan-dahan niyang binitiwan ang baywang ko.“Fine,” malamig na sagot niya. Ibinaba niya ang kaniyang mga braso. “We’re done with the measurements. Go over there and sort my accessories for the week. Match the ties with the cufflinks. I want them perfectly aligned.”Kumunot ang noo ko. “Sir? Hindi po trabaho ng wardrobe assistant ang mag-ayos ng accessories niyo sa loob ng mismong suite. Pwede ko po 'yang dalhin sa agency at—”“Did I ask for your opinion, clumsy?” masungit na putol niya, bumabalik sa kaniyang awtoridad na tono. Naglakad siya patungo sa kaniyang mini-bar at nagsalin ng alak sa isang baso. “You’ll do it here. Or you’re fired.”Kinagat







