Share

Kabanata 2

Author: GU Family's Little Bamboo
“Sh*t! Tignan mo naman tong lalaking to. Mukha namang walang binatbat at isa pa, mukha rin siyang mahirap, kaya bakit ako masisindak?”

Dumura si Sun Tenyang at agresibong naglakad palapit sa lalaki para suntukin sana ito.

Pero bago pa man niya mailapat ang kamao niya sa lalaki, bigla siyang hinawakan nito ay nginudngod ang mukha sa semento. Kawawang Sun Tengyang!

Nang makita ito ng mga kaibigan ni Sun Tengyang, nagmamadaling tumakbo ang mga ito papalapit para bugbugin ang misteryosong lalaking bigla nalang sumulpot.

Ang sumunod na pangyayari, nakita nalang ni Ling Yiran na walang kahirap-hirap na binugbog ng lalaki ang tatlong kaibigan ni Sung Tengyang.

Sa hindi kalayuan, may isang sasakyan na nakaparada sa isang madilim na eskinita. Habang nakaupo sa loob ng sasakyan, kinakabahang nanunuod si Gao Congming sa eksena at pabulong na nagdadasal, “Sana hindi mawala sa sarili si Young Master Yi”

Kapag tuluyan ng nawala sa sarili si Young Master Yi, hindi talaga maganda ang mangyayari. Baka makapatay pa siya.

Kinikita na ni Gao Congming kung anong kayang gawin ng Young Master kapag tuluyan na itong kinain ng galit, at ayaw na niya itong makita muli sa buong buhay niya.

Ngayong gabi, sinadyang ipasara ni Young Master Yi ang kalsada paramakapag-isa ito, at sino ba namang magaakala na may limang tao at isang Ferrari ang magpupumilit pa ring pumunta dito para istorbohin ang Young Master.

Taon-taon, sa parehong araw, palaging ipinapasara ni Young Master Yi ang buong kalsada na ito at mananatili at tatambay lang ito rito habang nakasuot ng lumang damit.

Wala ni isang nagtanong kung bakit, na para bang illegal itong malaman.

Kahit na matagal ng nagtatrabaho si Gao Congming kay Yi Jinli, maging siya ay hindi rin alam ang rason.

Kaya sa oras na ito, habang pinapanuod niya ang kanyang amo na binabalibag ang isang matabang lalaki ng walang kahirap-hirap, paulit-ulit niya lang inuumpog ang ulo niya sa bintana dahil hindi niya alam kung aawatin niya ba ito o hindi.

Pero biglang huminto ang amo niya kaya nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Sigurado siya na kaya huminto ito ay dahil ang babae na muntik ng gahasain ay may sinabi dito.

“Kapag hindi ka tumigil, mamatay na siya”, takot na takot na sabi ni Ling Yiran.

“Ano naman ngayon?” Walang anu-anong sagot ni Yi Jinli habang nakatitig kay Ling Yiran, na hirap na hirap na tumatayo.

Biglang natigilan si Ling Yiran nang makita ng malapitan ang itsura ng lalaki.

Gwapo at matangos ang ilong nito. Maganda rin ang mga labi nito, pero ayon sa awra nito, para bang wala itong puso at pakielam sa ibang tao.

Ang mapupungay nitong mga mata ay parang patay na para bang walang halaga rito ang buhay ng iba. Kung ganun, malamang wala rin itong pakielam sa buhay nito.

Huminga ng malalim si Ling Yiran at sinabi, “Hindi worth it na makulong ka dahil sa walang kwentang dahilan.”

Makalipas ang ilang sandali na nakatingin kay Ling Yiran, binitawan ni Yi Jinli si Sun Tengyang. Nakahinga ng maluwag si Sun Tengyang, at bagamat duguan, kumapiras siya at ang kanyang mga kasama papunta sa sasakyan niya at kumaripas ng alis.

“Magdadala ako ng mga taong bubugbog sa lalaking yan!” Nakangising sabi ni Sun Tengayng

Habang ang nag iisang babae naman sa grupo ay pinilipilit alalahanin kung saan niya nakita ang pamilyar na lalaki. Sa isang party na nadaluhan niya dati, nakita niya na ito sa malayuan. Ang lalaking iyon ay…. “Yi Jinli. Si Yi Jinli yung lalaking yun!”

Gulat na gulat na tumingan ang tatalong lalaki at hindi makapaniwalang nagtanong, “Si Yi Jinli? Ang pinaka mayamang lalaki sa Shen City? Imposible yun.

“Pero kamukha niya talaga si Yi Jinli.” Giit ng babae.

Biglang namutla ang grupo at hindi makapaniwalang nagtingin nalang.

——

Habang nakatitig sa lalaki, naiilang na sinabi ni Ling Yiran, “Para sa ginawa mo…maraming Salamat.”

“Bakit hindi ka humingi ng tulong?” Sagot ni Yi Jinli habang nakatitig sa mga mata ni Ling Yiran.

“Akala ko kasi imposible na matalo mo sila, kaya hindi na rin ako humingi ng tulong para hindi ka na rin mapahamak”, sagot ni King Yiran.

Hindi sumagot si Yi Jinli, bagkus, naglakad siya papunta sa sidewalk at umupo at sumandal sa pader.

“Hindi pa ba siya uuwi? Sobrang lamig ngayon. Sabi sa balita, baka mag negative 10 degrees ngayon. Kaya kung matutulog siya sa kalsada, buhay pa kaya bukas?”

Dahil sa konsiderasyon na iniligtas siya ng lalaki, hindi napigilan ni Ling Yiran na maglakad papalapit sa lalaking nakasalampak sa semento.

“Hind ka ba uuwi? Nasaan ba ang pamilya mo? May number ka ba nila? Pwede kitang tulungang tawagan sila para sunduin ka dito.” Nag-aalalang tanong ni Lin Yiran.

Dahan-dahang iniangat ni Li Jinli ang ulo niya at ang maganda ngunit walang kabuhay-buhay nitong mga mata ay muli nanamang nagkasalubong ng mata ni Ling Yiran, ngunitpero hindi ito sumagot.

Dahil dito, pakiramdam ni Ling Yiran ay parang tumigil ang mundo niya.

At bigla nalang niyang naalala ang misirable niyang buhay sa kulungan.

Para sakanya, yun ang pinaka madilim na yugto ng buhay niya dahil kahit na buhay pa siya ay wala siyang naramdaman noong mga panagong yun na kahit katiting na pag-asa.

“Kung wala kang matutuluyan, sumama ka nalang sakin.” Pangungumbinsi ni Ling Yiran.

——

Kahit kailan, hindi naisip ni Ling Yiran na magdadala siya ng lalaking hindi niya kakilala apartment niya.

Pero siguro dahil iniligtas siya ng lalaking ito o dahil naalala niya ang malungkot niyang nakaraan sa kulungan, napilitan siyang gawin ito.

“Dito ako nakatira. Kung okay lang sayo, maglalatag ako ng banig para makatulog ka,” ayon kay Ling Yiran.

Dahil hindi umiimik ang lalaki, kumuha si Ling Yiran ng malinis na tuwalya at bagong sipilyo at ibinigay ang mga ito sa lalaki. “Pwede kang maghilamos sa banyo. Pero, ingatan mo lang yung damit kasi wala akong kahit anong damit na maipapahiram sayo”

Pagkapasok ng lalaki sa banyo, agad na inayos ni Ling Yiran ang banig at kumuha ng malinis na kumot.

Hindi kalakihan ang apartment na nirerentahan ni Ling Yiran. Nasa 10 square meters lang na studio-type na may banyo.

Paglabas ng lalaki sa banyo, basa ang buhok nito. Para itong naligo pero hindi nagpalit ng damit.

Nang makita ni Ling Yiran na basing basa ang buhok ng lalaki, kumuha siya ng twalya at sinabi, “Yuko.”

Gulat na napatingin ang lalaki sakanya.

“Gusto lang naman sana kitang tulungang magpatuyo ng buhok. Walang malisya. Kapag hindi mo kasi tinuyo yung buhok mo, baka sipunin ka.”

Nanatiling nakatitig ang lalaki sakanya at matapos ang ilang minuto, antipatiko nitong sinabi, “Nag-aalala ka bas akin?”

“Oo.” Sagot ni Ling Yiran habang nakatitig sa lalaki. “Dahil dinala kita dito sa bahay ko, ayokong sipunin ka.”

Hindi makapaniwala si Li Jinyi sa sagot ni Ling Yiran ngunit dahan dahan siyang yumuko.

Habang tintuyo ang buhok ng lalaki, mulingnagsalita si Ling Yiran, “Anong pangalan mo?”

Matagal bago sumagot ang lalaki, “Jin.”

“Jin.” Inulit ni Ling Yiran ang pangalan na ito sa pagiisip na palayaw ang ibinigay nito. “Ako naman si Ling Yiran. Saan ka nakatira? Eh ang pamilya mo?”

“Wala akong pamilya,” sagot ng lalaki.

Bigla siyang natigilan. “Mag-isa siya sa buhay? Yun ba ang dahlan kung bakit siya nagging pulubi?”

Pero ganun din naman siya… Buhay man ang pamilya niya, hindi naman niya tinuturing na pamilya ang mga ito. Ang pinagkaiba lang nila ng lalaking nasa harapan niya ay may nirerentahan siyang apartment.

“Pareho pala tayo eh,” Natatwang sgaot ni Ling Yiran habang nagpapatuloy sa pagtuyo ng buhok ng lalaki.

Nang matuyo na ang buhik nito, kinuha niya naman ang suklay.

Nang suklayin niya ang buhok nito, hinawi niya ang bangs na nakaharang sa noo nito, at doon niya nakita na mas gwapo pa pala ito kumpara sa inakala niya.

Bihira ang ganong itsura sa mga kagaya nilang East Asian at ang mga mat anito ay medyo nagkaroon na ng buhay kahit papaano kumpara kanina kaya mas nagging interesado siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 909

    Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 908

    May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 907

    Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 906

    Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 905

    Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 904

    "Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 903

    "Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 902

    Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 901

    Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status