Share

Kabanata 3

Author: GU Family's Little Bamboo
“Nagugutom ka ba? Paghahandaan kita ng makakain,” alok ni Ling Yiran. Mula noong makita niya ito kanina sa labas, hindi niya pa ito nakitang kumain.

Kaya Nagluto ng noodles at itlog si Ling Yiran para may may mahigop itong sabaw.

“Ito oh, kumain ka muna, pero dahan-dahan lang kasi medyo mainit,” aniya.

Yumuko ang lalaki at tahimik na hinigop ang ginawang sabaw ni Ling Yiran habang si Ling Yiran naman ay pinagmamasdan lang ang lalaki. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang lungkot na nararamdaman niya sa tuwing uuwi siya sakanyang apartment ay hindi niya naramdaman ngayon. Hindi kaya dahil may kasama siya ngayon?

Nang matapos ng kumain ang lalaki, hinugasan ni Ling Yiran ang mga plato. “Hindi ako makatulog ng hindi makatulog. Sana okay lang sayo.” Tanong ni Ling Yiran. Mula noongang makalaya siya sa kulungan, nakaugalian na niyang matulog ng nakabukas ang mga ilaw.

“Okay lang,”

Humiga si Ling Yiran kama niya, habang si “Jinli” naman ay humiga sa banig na inihanda niya para rito.

Pumikit siya at sinubukang matulog. Hindi niya sigurado kung kalian ito nagsimula pero palagi siyang natatakot matulog.

Dahil…sa tuwing natutulog siya, palagi niyang napapanaginipan ang madilim niyang kahapon sa presinto. Binubugbog, pinapahiya, and inaabuso… at hanggang ngayon, ramdam na ramdam niya pa rin ang mga nabali niyang buto sa kanyang mga daliri at ang mga kukong sapilitng tinanggal sakanya…

Ang buong akala niya talaga noon ay mamatay na siya sa kulungan.

Pero himala dahil nakatulog siya hanggang umaga noong gabing iyon ng hindi dinadalaw ng kanyang mga bangungot.

Tinitigan ni Ling Yiran ang lalaking na nakahiga sa sahig.

Dahil ba ito sakanya? Dahil ba ito sa wakas hindi na siya mag-isa at may iba siyang kasama ngayon?

Hindi niya rin alam… Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa tabi ng lalaki at dahan-dahang hinawakan nag pisngio nito. Kakaibang kapanatagan ang naramdaman niya.

Totoo nga siya, at hindi isang imahinasyon. Totoo ngang may dinala siyang lalaki sa kanyang apartment kagabi.

Nang mahimasmasan siya, nagulat siyang gising na pala ito at ang mapupungay nitong mga mata ay nakatitig sakanya.

“Sorry.” Nahihiya niyang sabi habang bigla namang namula ang kanyang mukha. “A…Ano kasi…A… Kung wala ka ng ibang mapupuntahan, pwede kang tumira dito.”

Hindi niya rin sigurado kung bakit niya ito sinabi, pero sobrang napanatag siya nang dahil dito.

Pulang pula ang mukha ni Ling Yiran, samantalang nanlaki naman ang mga mat ani *Jinli* sa gulat.

“Kung ayaw mo, magpanggap ka nalang na wala akong sinabi.” Dagdag ni Ling Yiran, sabay kagat ng kanyang labi.

“Gusto mo ba?” Kalamdong tanong ni *Jinli*

Kung ibang lalaki siguro ang nagtanong nito sakanya, Malaki ang posibilidad na mailing siya.

Pero dahil galing ito sa lalaking nasa harapan niya, ang nagging dating nito ay parang simpleng tanong lang na “gusto mob a” o “hindi mo gusto”. Walang halong malisya, at maging ang mga mata nito ay kalamado lang.

“Oo,” walang pagaalangang sagot ni Ling Yiran.

Dahan-dahang ngumiti si *Jinli* habang nakatitig kay Ling Yiran. “Mabuti naman”

Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Ling Yiran na ngumiti ang lalaki. Kahit na sadlit at bahagyang ngiti lang ito…sobrang nagandahan siya.

Bago pumasok sa trabaho si Ling Yiran, nagiwan siya ng 20 yuan para makabili si *Jinli* ng pagkain nito.

Pagkalabas ng lalaki sa apartment ni Ling Yiran, may mga "naghihintay na sakanya at pagkalapit niya, magaling siyang binati ng mga ito, “Young Master Yi.”

“Tara na,” Mahinang sagot ni Yi Jinli.

Sumakay siya sa itim na Bentley na nahinto sa harapan niya at tinignan ang 20 yuan na nasa kanyang kamay. Matagal na rin noong huling beses na may nagbigay sakanya ng pera, at 20 yuan din yun.

“Young Master Yi, yung babaeng kasama mo kagabi, isa po siyang contract worker ng Sanitation Service Center. Isang buwan palang po siyang nangungupahan dito, at dalawang buwan palamg po ang nakakaraan nang makalabas mula sa kulungan.”

Bilang personal secretary ni Yi Jinli, agad itong nagreport ng mga detalyang nasagap niya pagkasakay na pagkasakay nila ng sasakyan.

“Kulungan?”

“Opo. Ang pangalan niya po ay Ling Yiran. Siya ang ex-girlfriend ni Xiao Zigi na galing sa pamilyang Xiao. Nakulong siya sa kasong nagmamaneho ng lasing na siyang pumatay kay Miss Hao Meiyu, tatlong taon na ang nakakalipas. Tatlong taon siyang nakulong at dahil dito, natanggalan siya ng kanyang lisensya sa pagiging abogado,” Pagpapatuloy ni Gao Congmin habang pinagmamasdang maigi ang reaksyon ng kanyang amo.

“Ling Yiran..” Pabulong na sambit ni Yi Jinli na sinundan ng isang pilyong ngiti at nagpatuloy, “Well, masaya pala ‘to.”

Noon, matunog ng ikakasal sila ni Hao Meiyu. Para sakanya, wala naman itong problema dahil usap usapan namang maganda ang reputasyon nito.

Pero sino bang mag-aakalang masasangkot si Hao Meiyu sa isang car accident na siya pang nagging dahilan ng pagkamatay nito.

Kung malalaman kaya ni Lin Yiran ang tungkol sa dati nilang relasyon ni Hao Meiyu, ano kayang magiging reaksyon nito?

Ito ang babaeng kauna-unahang walang pag-aalang humawak sa kamay niya, dinala siya sa bahay nito, at lakas loob pero nahihiyang umamin sakanya na gusto siya nito.

“Congmin, sa palagay mo? Anong klaseng babae ang magugustuhan ako?” Biglang tanong ni Yi Jinli.

“Po?” Walang ideya si Gao Congmin kung anong isasagot niya kaya ilang sandal rin bago siya muling nagpatuloy, “Sa palagay ko po, depende po iyon sa kung anong klaseng babae ang gusto niyo, Young Master Yi.”

“Dalhin mo mamaya sa lamesa ko lahat ng impormasyon tungkol kay Ling Yiran,”pabulong na sagot ni Yi Jinli.

“Sige po,” Sagot ni Gao Congmin. “Ah… Young Master Yi… Bakit po pala bigla kayong nagging interesado kay Ling Yiran?”

Pagkatapos ng trabaho ni Ling Yiran, nakatanggap siya ng tawag galing sakanyang tatay na kinukumbinsi siyang umuwi. Ayon dito, kailangan niya raw umuwi para mag alay ng insenso sakanyang namayapang nanay bilang respeto na nakalabas na siya ng kulungan.

Nagaalangan si Ling Yiran dahil mula noong makulong siya, walang ibang pinaramdam ang kanyang pamilya sakanya kundi muhi na para bang pinutol ng mga ito ang ugnayan nila bilang pamilya. Sa loob ng tatlong taon, hindi siya dinalaw ng mga ito ni isang beses na para bang wala talagang siyang pamilya.

Talong taong gulang palang siya nang mamatay ang nanay niya.

Pagkalipas ng tatlong buwan, muling ikinasal ang tatay niya sakanyang stepmother kaya nagkaroon siya ng kapatid na babae na si Ling Luoyin.

Bata palang siya, alam niya na may paborito ang tatay at stepmother niya, kaya ginawa niya ang lahat para maging matinong bata sa patingin ng mga ito. Nag-aral siya ng maigi para magkaroon ng magagandang grado.

Hindi niya kinailangan ng kahit anong tulong pagdating sa pagaaral,at dahil dito, parating ipinagmamayabang ng tatay niya na may matalino itong anak.

Noong maging sila ni Xiao Zigi, yun na siguro ang pinaka magandang ala-ala na mayroon siya sa bahay nila. Pinangangalandakan ng tatay niya na isa siyang karangalan, maging ang kanyang stepmother ay sobrang inasikaso rin siya kahit pa alam niyang nagpapanggap lang ito. Ganun din ang kanyang stepsister, hindi ito nakikipag talo sakanya at lagi silang magkasundo.

Alam naman niya na dahil ito kay Xiao Zigi, ang young master ng Xiao Group. Pero siyempre, sabik din siya sa pagmamahal at pagaaruga ng pamilya.

Pero pagkatapos ng aksidente, namulat siya na ilusyon lang pala ang lahat.

Noong panahon na ‘yun, sinabihan siya ni Fang Cuie na hindi ganun kadaling makapasok si Ling Luoyin sa entertainment industry dahil marami itong dapat pagdaanan bgao ito makuha ng magagandang role.

“Yiran, alam mo naman na hindi tayo ganun kayaman, pero nagkataon lang na kaialngan talaga ng kapatid mo ng pera ngayon. Paano kaya kung… pautangin mo muna siya ngayon, at kapag sumikat na siya balang araw, babayaran ka naming kapag kumikita na siya ng malaking pera?” Pagpupumilit ni Fang Cuie.

“Wala akong pera,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran.

Biglang natigilan si Gang Cuie dahil hindi niya inaasahan ang nging sagot ni Ling Yiran, pero ngumiti pa rin ito at nagpatuloy, “Wala ka ngang pera, pero si Xiao Zigi meron. Naging kayo dati diba, pero pagkatapos ng aksidente, nakipaghiwalay siya sayo. Malay mo makipagbalikan siya sayo.”

“Aunt Xiao, hindi ba kayo rin ng tatay ko at ni Luoyin, ay nagpanggap na parang hindi ako kakilala noon at bigla nalang kayong naglaho na parang bula?” Tanong ni Ling Yiran

“Ano ngayon? Pumunta ka ba dito para sumbatan ako? Kung hindi ka sana pumatay ng tao noon, malamang nakuha ng bida ang kapatid mo at malamang sa malamang sikat na siyang artista dapat ngayon!” Galit nag alit na sabat ng tatay niya.

Ngumisi si Ling Yiran. Noong panahong makukuha sana si Ling Luoyin ang role ng bida, isa ang Xiao Group sa investor ng TV series na kabibilangan san anito, at si Xiao Zigi ang nagsabi na ang kapatid niya ang gawing bida.

Pero simula noong naghiwalay sila ni Xiao Zigi, ang role na nagaantay kay Ling Yuoyin ay naglaho rin na parang usok.

“Ate, galit ka ba dahil hindi kami gumawa ng paraan para makalabas sa kulungan?” Mahinang sabat ni Ling Luoyin.

“Noong panahon na ‘yun, binangga mo ang pamilya ng mga Hao at si Yi Jinli! Kahit ang mga Xiao ay takot na takot sa posibleng mangyari sakanila kaya nakipaghiwalay agad sayo si Xiao Zigi. Eh ano sa tingin mo ang pwedeng magawa ng pamilya mo? Isipin mo nga kung ipinaglaban ka naming at tinulungan ka naming magsampa ng kaso, pati kami babanggain ang pamilya ng mga Hao at si Yi Jinli. Paano naman kakayanin ng isang ordinayong pamilya kagaya natin ang magiging hatol nila?”

“Tama ka.” Nakangiting sagot ni Ling Yiran at tumingin ng diretso sa mga mat ani Ling Luoyin. “Pero dahil hindi niyo kayang samahan ako noong panahaong pinaka kailangan ko kayo, bakit ko kayo tutulungang maging mayaman?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 909

    Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 908

    May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 907

    Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 906

    Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 905

    Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 904

    "Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status