Share

Kabanata 34

"Ah? Sa sasakyan po?" Gulat na gulat ang group leader dahil sa mahal ng singsing na hinahanap ni Hao Yimeng ay parang hindi nito sineseryoso ang nangyayari at maghihitay nalang daw?

"Ano ba? Nakatlimutan mo na bang sikat na aritista si Yimeng? Kung tatambay kami dito habang hinahanap niyo ang singsing, baka bigla siyang dagsain ng mga fans niya, " Sabat ni Fang Qianmei.

'Ah.. tama nga naman' Isip ng group leader.

Malapit lang ang pinag'parkan ni Hao Yimeng kaya kitang-kita niya si Ling Yiran habang nagkakalkal ng basura.

"Yan ang bagay sakanya. Ang magkalkal ng basura. Kahit gaano pa kataas ang tingin niya sa sarili niya noon, ano siya ngayon? Taga kalkal." Nakangising sabi ni Fang Qianmei.

"Umalis na rin tayo maya-maya." Kalmadong sagot ni Hao Yimeng. Hindi niya alam kung bakit pero kahit gaano pa man kababa para sakanya si Ling Yiran ay naiilang pa rin siya rito.

'Oo, ex siya ni Zigi pero matagal na rin naman silang nagbreak kaya anong issue niya 'dun? Siguro nagagalit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status