Share

Kabanata 41

Huminto ng sandali si Yi Jinli bago siya muling tumingin sa mag-ama, na halatang hindi pa rin napoproseso ang nangyayari. "Pero kapag nangyari yun, ayoko ng makita ulit yang dalawang yan dito sa pamamahay ko."

Kaya nanginig ang mag-ama sa sobrang takot at sindak.

Dahil alam nila na ang ibig sabihin ni Yi Jinli sa sinabi nito ay kapag umalis sila ng hindi nahahanap ang singsing, ibig sabihin ay hinahayaan nila si Yi Jinli na putulin na ang lahat ng ugnayan nito sa pamilya nila.

Kaya wala ng nagawa ang mag-ama kundi ang magtinginan nalang noong walang pasabing umalis si Yi Jinli.

Hindi naman ganun kalalim at kalakihan ang pond pero ang ilalim nito ay putik kaya mahirap pa ring hanapin ang singsing.

"Daddy, anong gagawin ko? Kailangan ko ba talagang lumublob jan para hanapin yung singsing? Ang lamig lamig oh tapos mag-isa lang ako. Paano ko mahahanap yun?" Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Hao Yimeng.

"Ikaw ang gumawa ng problemang to kaya tama lang na ikaw ang umayos nito. Sa ora
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status