Share

Kabanata 79

Pero dahil na rin syempre sa utos ng direktor, gagawin niya ang lahat para mas maging maingat.

Hindi nagtagal, may pumasok na lalaki sa consulting room. "Ate."

"Nandito ka na pala," Nakangiting bati ni Ling Yiran, na hindi inaakalang ganun kabilis na darating si 'Jin'.

"Sorry, natraffic lang ako."

"Doc, kamusta po? Okay lang po ba ang kaibigan ko? Nagpagulong-gulong kasi siya sa escalator kanina," Nag-aalalang tanong ni Qin Lianyi.

"Hindi naman masyadong seryoso ang natamo niyang injury. Nagkaroon lang siya ng slight na fracture sa bukong-bukong na sa tingin ko naman ay gagaling din sa loob ng ilang isa hanggang dalawang linggo, pero..." Nag'aalangang sagot ni Doctor Zhang.

"Pero ano po?" Tanong ni Qin Lianyi.

"Madalas ka bang naaksidente, Miss Ling?"

Hindi inaasahan ni Ling Yiran ang magiging tanong ni Doctor Zhang kaya hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin.

"Wala akong ibang ibig sabihin. Gusto ko lang sanang linawin dahil batay sa X-ray result mo, nakita ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status