Share

Kabanata 80

Nang marinig ni Yi Jinli ang pangalan niya mula sa bibig ni Ling Yiran, biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

"Galit ka ba kay Yi Jinli?"

Nagbuntong hininga si Ling Yiran at sumagot, "Lahat ng tao sa Shen City, kilala siya. Noong nasangkot ako sa aksidente, si Hao Meiyu yung na'agrabyado ko, na fiance ni Yi Jinli. Kaya kahit hindi siya yung mismong nagpakulong sa akin, sobrang nagdusa pa rin ako. Siyempre, lahat ng tao gustong magpasikat sakanya. Kaya nga kahit mamatay ata ako sa harap nung mga nambubugbog sa akin dati, okay lang basta lumakas sila kay Yi Jinli."

Ilang segundo siyang natahimik bago siya nagpatuloy, na para bang sinisisi niya ang sarili niya, "Minsan nga naiisip ko na paano kaya kung hindi si Hao Meiyu yung nabangga ko? Siguro nanalo ako sa kaso no? Siguro hindi ako makukulong at hindi ko kailangang pagdaanan yung mga pinagdaanan ko."

Walang bahid ng galit o lungkot sa boses ni Ling Yiran, pero para kay Yi Jinli, parang dinudurog ang puso niya sa bawat salitan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status