Share

Kabanata 78

"Si Jin. Sasabihin ko lang sakanya na nandito ako sa ospital at hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi para hindi na niya ako hintayin at mauna na siyang kumain."

Hinanap ni Ling Yiran ang pangalang 'Jin' sa contact list niya at tinawagan ito.

Hindi nagtagal, may sumagot sa kabilang linya. "Ate."

"May ginagawa pa kasi ako kaya baka mamaya pa ako makauwi. Ku...kumain ka na ng dinner." Sagot ni Ling Yiran.

"Anong gagawin ka jan? Sabihin mo na sakanya na nasa ospital ka." Sabat ni Qin Lianyi.

"Ate, nasa ospital ka?" Tanong ni 'Jin', na halatang nagbago ang tono ng boses.

"Ah.. nadulas kasi ako kaya hinihintay ko pa yung result ng X-ray ko."

"Nasaang ospital ka? Pupuntahan kita."

"Wa...wag na. Nandito naman si Lianyi. Hintayin mo nalang ako jan sa bahay." Aligagang pagtanggi ni Ling Yiran.

Medyo matagal na hindi nagsalita ang nasa kabilang linya bago nito ulitin ang tanong, "Saang ospital?"

"First City Hospital" Nag-aalangang sagot ni Ling Yiran. Hindi naman sa na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status