Share

CHAPTER 2. NAUGHT NANNY

"Marie, hindi mo ba napansin ang brief ni Señorito?!" nakapameywang na tanong sa akin ni Nanay Puring.

"Anong brief? At bakit sa akin niyo po hinahanap? Hindi ko po nakita iyon Nanay Puring," sabi ko naman sabay lagay ng lipstick sa bibig ko.

"Hindi maaring hindi mo alam kung nasaan iyon, ikaw ang naglaba, hindi ba?" sabi pa nito.

Kaagad naman akong humarap sa kanya. "Bakit po ba hindi kayo naniniwala na wala akong alam sa brief ni Señorito na nawawala? At kung sakali man na ako ang kumuha, ano ang gagawin ko doon?" sabi ko naman sa kanya.

Sandali siyang natahimik at nag-isip muna. "Kunsabagay, tama ka naman. Oh siya, pinapatawag ka ni Señorito at may ipag-uutos daw sa'yo!" aniya.

Napatalon naman ako ng marinig ko iyon. "Talaga po? Sige, pupuntahan ko na siya ngayon!" Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Señorito Lenon.

"Marie, sandali-"

Hindi ko na pinansin pa si Nanay Puring sa sibrang excited ko na makita si Señorito Lenon.

Nakasuot ako ng maikling palda at naka croptop na damit. Sa laki ng pwet at boobs ko impossibleng hindi maakit si Señorito kapag makita niya ako.

Twenty one years old na ako ngayon at mahigit dalawang taon na akong hindi nakakatikim ng dilig.Tigang na tigang na talaga ako. Paano ba naman kasi si Nanay Puring ayaw niyang magkaroon ako ng boyfriend dito sa Bayan namin dahil daw baka mabuntis ako. Ang hindi niya alam expert ako pagdating sa ganyang bagay. Kaya heto ako ngayon, tanging sarili kong daliri nalang ang nagpapatirik ng mata ko.

"Tingnan natin kung hindi kapa maakit ngayon Señorito Lenon." Hinampas ko ang aking matambok na puwet. "Pak na pak!"

"Hey!" isang baritonong boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Bigla namang bumilis ang tibok ng aking puso.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at ngumiti sabay beautiful eyes ng aking mga mata. "Señorito, pinapatawag niyo raw po ako," sabi ko.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakita kong napalunok siya ng kanyang laway. Wala siyang suot na pang itaas. Pawisan pa ang kanyang katawan, ang pawis nitong tumutulo mula sa kanyang mukha pababa sa kanyang leeg hanggang sa kanyang dibdib. Nakaakit at parang gusto kong dilaan ang kanyang pawis.

"Why are you staring at me like that?!" sigaw nito.

Napaigtad naman ako sa boses niyang malakas at mabilog. Shit! Nakakatakot din minsan.

Sino ba naman ang hindi mapapatitig sa maganda nitong katawan? Lalong lalo pa at manipis ang kanyang short. My God, parang wala atang brief si Señorito Lenon ah! Dinilat ko pa ang aking mga mata, ang laki naman ng armas nito.

Napakagat labi ako sa aking nakita. Gusto ko ng magdive sa kanyang harapan tapos s******n at dilaan ang kanyang pagkalalake na parang lollipop.

"Araaay!" Napasigaw ako ng may humapas sa balikat ko.

"Ikaw talagang Marie ka ang landi mo talagang hitad ka! Kita mo umalis nalang si Señorito Lenon dahil minamanyak mo!" galit na sabi sa akin ni Nanay Puring.

Ngayon ko lang narealize, wala na nga si Señorito Lenon sa aking harapan.

"Bakit po hindi ko napansin na umalis na siya?" tanong ko naman.

"Paano mo mapapansin e nakapikit kang hitad ka habang nilalabas 'yang dila mo! Iwan ko sa iyo Marie, mabuti nalang at mabait si Señorito, dahil kung hindi baka matagal ka ng pinatulan!"

Tumawa naman ako sa sinabi ni Nanay Puring. "Iyon nga po ang gusto ko e, na patulan niya ako!" sabi ko naman.

Bigla naman akong kinurot ni Nanay Puring sa singit.

"Pag ikaw mabuntis ha, bahala ka sa buhay mo! Hinding-hindi talaga kita aasikasuhin, o siya pumunta kana sa kwarto ni Señorito Lenon at gawin mo na ang inuutos niya sa iyo," sabi ni Nanay Puring sabay lakad niya paalisNgayon ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng banyo at nakatayo sa harap ng salamin.

Si Nanay Puring ay ang tumayong magulang ko simula nang mamatay sina Mama at Papa dahil sa sunog. Nakatira kami sa squaters area noon at dahil sa ayaw naming umalis sa bahay namin ay napilitan ang may-ari na ipasunog iyon. Nakakalungkot dahil maraming tao ang namatay at kasama pa sina Mama at Papa. Walang pamilya si Nanay Puring kaya inampon niya ako at inalagaan. Iyon lang dahil sa kahirapan ay hindi ako nakapag-aral at maaga akong naglandi. Nang malaman ni Nanay Puring na hindi na ako virgin halos mabingi ako sa ingay nito. Alam ko naman na mali ang aking ginawa, pesti kasi na pagmamahal iyan nadali ang petchay ko.

Pumunta na ako sa kwarto ni Señorito Lenon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, wala naman akong narinig na sanabi niya kanina. Bukas ang pinto kaya diretso na akong pumasok. Ngayon lang ako nakapasok sa silid niyang ito. Grabi! Ang ganda tapos ang lawak pa! Napaka linis at mabango ang kanyang silid. Inaamoy-amoy ko ang bawat sulok ng kanyang kwarto. Naririnig ko ang tunog ng tubig sa banyo na mula sa shower.

Umupo ako sa kanyang kama. "Grabi sobrang ganda ng kama niya. Iba talaga sa kama namin na mga katulong," sabi ko.

Tumayo ako sa itaas ng kanyang kama at tumalon talon.

Nakakatuwa lang dahil nagbobounce talaga ako paitaas.

"What are you doing?!" sabi ni Señorito Lenon sa malamig na boses.

Napahinto ako sa aking ginagawa. "Ah, Señorito tapos na pala..." Napatigil ako sa pagsasalita. Nakasuot lang ng boxer ni Señorito at ang umbok na naman ng kanyang pagkalalake ang nakakuha ng atensiyon ko.

"Wow!"

"Hindi ba sinabihan na kita na huwag mo akong titigan nang ganyan?!" galit na sabi nito.

May pagka masungit si Señorito pero okay lang iyon sa akin. Ito talaga ang gusto ko sa lalaki 'yung pakipot pero naaakit din naman.

"Ah, pasensiya na po Señorito," sabi ko sabay yuko.

Tumalikod na siya sa akin at binalot ng tuwalya ang ibabang parte ng kanyang katawan. Habang nakatalikod siya pasimple kong hinulog ang unan. Ibinaba ko ang aking damit para makita ang cleavage ko.

Sakto naman na pagharap niya ay pinulot ko ang unan ng dahan-dahan. Napatitig siya sa akin. "Señorito, gusto mo ba ang nakikita mo?!" nakangiti kong tanong sa kanya.

Umiwas naman siya ng tingin at napailing.

Dumapa siya sa kama. Ano kaya ang gagawin ko? Bakit siya dumapa sa kama? Baka gusto niyang sumakay ako sa kanya?

"Señorito, ano pong gagawin ko?" tanong ko.

"Ano ba ang sinabi ko sa iyo kanina?!" masungit nitong sagot.

Hindi na ako nagtanong pa ulit. Wala naman talaga siyang sinabi sa akin kanina e.

Sumakay ako sa kanyang likuran. Napabangon naman siya. "Ano ang ginagawa mo Marie? Bakit ka sumakay sa akin?!" Halatang nagulat ito sa aking ginawa.

"Eh kasi po wala naman kayong sinabi sa akin e, ano ba talaga ang gagawin ko?!" sabi ko naman.

Napahilot siya sa kanyang sentido. "E massage mo ang likuran ko!" aniya.

Pagkatapos kong i massage si Señorito pakiramdam ko isa na ako sa pinaka swerteng babae sa mundo. Hindi ko pa talaga hinugasan ang aking kamay kahit na may oil ito. Inamoy-amoy ko ang aking kamay.

"Hmmm...ang bango talaga ng skin ni Señorito siguro masarap dilaan iyon. Mula sa kanyang dibdib pababa sa kanyang ano," nakangiting sabi ko sa aking sarili.

Naisipan kong pumunta sa loob ng banyo habang busy pa si Nanay Puring sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita ni Señorito.

Pagkapasok ko palang sa banyo ay kaagad kong hinubad ang aking palda at panty.

Nilaro ko ang aking tinggil habang nakapikit ay may pakagat labi pa.

"Señorito, ohhhhh! Sige pa laruin mo pa ng husto hanggang sa magsawa ako!"

Habang hinihimas ko ang aking dibdib gamit ang kaliwang kamay ko. Ini-imagine ko na si Señorito ang nagroromansa sa akin.

"Ohhhh! Ibaba mo pa ang iyong halik sa dibdib ko. S******n mo ang nipple ko Señorito!" usal ko.

Napatigil ako nang may biglang kumatok sa pintuan. "Sino ang nariyan? Pakibilisan naman naiihi na ako!" sigaw ni Nanay Puring sa labas ng banyo.

"A-ako po ito Nanay Puring! Saglit lang po at tumatae ako!" sabi ko.

Dali-dali kong itinaas ang aking panty at palda pagkatapos ay ng flush ako para kunwari talagang tumae ko. Hinugasan ko ang aking kamay na amoy bagoong mula sa aking pagkababae.

Kaagad na akong lumabas pagkatapos.

"Ang tagal mo naman Marie, lalabas na ang ihi ko e!" ani ni Nanay Puring.

Ngumisi lang ako sa kanya at pumunta sa kusina para tumulong sa paghahanda.

Habang nagliligpit ako ng mga hugasin ay narinig ko na may bumusina ng sasakyan. Paniguradong mga bisita na iyon ni Señorito.

Nakita ko naman na bumaba ng hagdan si Señorito at naka chickered tapos short na maong. Napatitig ako sa kanya, kahit napaka simple lang ng suot niya ay nababagay naman.

"Kailan mo ba ako mapapansin Señorito? Ang tagal na kitang pinapantasyahan," sabi ko sa aking sarili.

"Marie, nandiyan kana naman at naglalaway kay Señorito. Umayos ka ha may bisita siya!" sabi ni Nanay Puring sa akin sabay pitik nito sa aking noo. Hindi na ako umimik pa at tumango nalang sa kanya.

Isang matandang lalaki at matandang babae ang kasama ni Señorito papunta sa mesa. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang babaeng nakasunod sa kanilang likuran. Maganda, sexy at sobrang puti.

"Nanay Puring, ako na po ang maglalagay ng juice nila," ani ni Bea na kaidaran ko lang din.

Inagaw ko ang pitsil sa kanya. "Ako nalang Bea, magstay ka nalang dito sa kusina at ako na ang bahala." Ngumiti ako kay Bea sabay alis.

Kailangan kong bantayan si Señorito dahil baka ahasin ng babaeng ito. Mukha pa namang malandi kumpara sa akin. Wala talaga akong tiwala sa kanya lalong lalo na at nahuhuli ko itong nakatingin kay Señorito habang nakangiti.

Habang naglalagay ako ng juice nila ay nahulog ang tinidor na hinahawakan ng babaeng iyon.

"Oh no! Sorry!" arteng sabi nito.

"It's okay Devon!" Ngumiti si Lenon sa kanya ng malapad.

Nakakainis talaga si Señorito. Nakuha niya pang ngumiti sa babaeng iyon? Samantalang kapag kami ang nakahulog ng kutsara o tinidor sa sahig nagagalit siya kasi daw madumi na at ipinatatapon niya na ito.

Nagkasabay ang kanilang mga kamay sa pagpulot ng tinidor kaya nahawakan ni Señorito ang kamay ni Devon.

"Ang sarap talagang kainin ng babaeng ito! Napaka landi akala mo naman maganda!" sabi ko sa sarili ko.

Kung pwedi ko nga lang siyang sabunutan kanina ko pa ginawa. Ako lang dapat ang humawak kay Señorito at hindi siya.

"Excuse me?! Bingi kaba? Kanina pa kita tinatawag ah!" sabi ni Devon sa akin sa mataas na tono.

"Excuse me din! Are you talking to me?!" Itinuro ko pa ang sarili ko.

Nakita kong tiningnan ako ni Señorito ng masama.

"Lagyan mo daw ng juice ang baso niya!" ani ni Señorito.

"Okay po Señorito!" malandi kong sabi. Napatingin naman sila sa akin pati ang babaeng iyon. Habang naglalagay ako ng juice ng babaeng m*****a na ito ay may naisip akong paraan. Sinadya kong tabigin ang baso nito kaya natapon ang juice at nabasa siya.

Kaagad naman siyang napatayo habang sumisigaw. "Oh! Shit! Look, what you did! Hindi mo ba alam na mahal itong dress ko?! Mas mahal pa sa buhay mo!" sigaw niya sa akin.

"Are you alright babe?!" ani ni Señorito.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa tinawag ni Señorito Lenon sa kanya. Babe? Ibig sabihin girlfriend niya ang babaeng ito?

Kitang kita ko pa na hinawakan siya ni Señorito sa kanyang waist kaya mas lalo akong nainis.

"Devon, hija are you okay?!" tanong naman ng matandang lalaki sa kanya.

"Daddy, paano ako magiging okay? She ruined my dress!" aniya.

Napaka arte talaga nabasa lang ruined na kaagad? Pwedi niya namang hubarin at isampay sa labas para lang matuyo ang damit niya.

"Say sorry to her!" malamig na sabi ni Señorito.

Alam ko naman na ako ang sinasabihan niya ng ganoon kahit siya nakatingin sa akin.

"Sorry!" sabi ko lang.

Napatingin naman si Señorito sa akin. Ayaw ko na kasi ng maraming sinasabi tsaka wala naman akong balak na mag sorry sa kanya kung hindi nagdemand si Señorito.

"Babe, i need to go home! Dad, Mom, let's go! Napaka bastos naman ng yaya mo Lenon!" ani ni Devon at padabog na lumabas ng bahay.

Sumunod naman ang mga magulang niya sa kanya. "Lenon, you should practice your maids how to respect your future wife!" mataray din na sabi ng Mommy ni Devon.

Talagang may pinagmanahan talaga ang Devon na iyon. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa labas.

Si Señorito naman ay masama ang titig sa akin.

"Kita mo na kung ano ang ginawa mo?! Pinaalis mo ang mga bisita ko!" sigaw ni Señorito sa akin. "Alam mo kung hindi lang talaga dahil kay Nanay Puring matagal na kitang pinalayas e," aniya.

"Hindi ko po sinasadya Señorito. Hindi ko naman alam na fiancee mo iyon. Ang akala ko kasi ordinaryong bisita lang," sabi ko naman.

"You're so sick!" aniya.

Umakyat na siya sa taas. Habang naglalakad siya ay hindi ko mapigilan na ngumiti. Walang pweding makaangkin kay Señorito kundi ako lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status