Share

Kabanata III

Madidinig ang pagaspas ng alon sa dalampasigan at maamoy rin ang natural na tubig alat sa aking kinauupuan.

I am here at Emily's beach house. Tatlong araw na rin akong naririto at nasubukan ko na rin ang mga sports at activities na maaaring gawin.

Nung unang araw ko rito ay buong araw lang akong nanatili sa pampang, pinapanood ang paghampas ng mga alon hanggang sa magdilim.

Nung sumunod ay hinayaan ko ang sarili ko na libutin ang isla at subukan lahat ng water activities na narito. Wala ring masyadong mga tao rito pero hindi maiiwasang may iilang turista na hindi pa tapos sa bakasyon o nagpapalipas pa ng oras o araw rito.

It was so relaxing. Tanging huni lang ng mga ibon at pagaspas ng alon ang madidinig. Amoy na amoy rin ang maalat at natural na simoy ng karagatan mula sa aking pwesto.

I am bewildered with the thought that I had this enough courage to just escape and rule my own world for a mean time. I smiled sadly with that thought. Gustuhin ko man na tumakas na lang at huwag na magpakita pero alam kong hindi pwede ang gusto kong mangyari.

Inaabala ko ang aking sarili sa mga aktibidad para mawala sa utak ko ang iniwan ko sa Maynila. Kung pagtakas man ito ay siguro mas maganda kung maging masaya na ako at malaya. Hindi ko hinayaan ang sarili kong isipin ang asawa ko na posibleng pinapagalaw na ang lahat ng koneksyon niya para mahanap ako. O baka naman hindi. Well, maybe he was shocked to not saw me first thing in the morning but he will not do anything to find me. I am sure that there's a bigger possibility that he is with another woman now.

Habang nakadapa sa aking nilatag na tuwalya ay tinatanawan ang kulay asul na karagatan na ngayon ay naghahalo na ang kulay sa madila-dilaw na araw. Senyales na anumang oras ay maaari na itong lumubog.

In my peripheral view, I also saw some people who were busy walking back to their villa. Ngunit ako, ay nanatiling nakadapa sa dalampasigan.Mimistula itong paraiso para sa akin.

"Are you alone?" Mabilis akong napaupo at pasimpleng inayos ang aking pwesto nang may madinig na tinig ng lalaki.

I just smiled akwardly at the guy. I think he has a foreign blood based on how he looks. Tan skin that compliments his dark blue eyes. Plus his thin lips and long eyelashes. Nadedepina rin ang kanyang panga dahil sa may kahabaan niyang leeg.

"Yeah. For vacation..." I beamed. "I guess. " Mabilis akong tumayo sa tuwalya na nakalatag at tiniklop rin ito ng maayos.

Ayaw ko ng mas humaba ang usapan namin dahil alam ko na rin kung saan ito patungo at hangga't maaga ay gusto kong maramdaman niya na 'di ako interesado sa kahit ano.

Napansin ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Kahit palubog na ang araw ay nakita ko pa rin ang pagsasalubong ng makapal niyang mga kilay. "Are you in a hurry? "

Hangga't maaari kasi ay hindi ako nakikipag-usap sa ibang lalaki. That's his rule. When I am alone in a place, you can never interact with boys. Naparamdam niya na sa akin yung kaya niyang gawin sa oras na sumuway ako kaya hindi ko na rin ginustong ulitin pa.

"Yeah." I swallowed hard and waved at him. "I forgot that I have errands to do." I run as fast as I could.

"Okay, nice chatting with you. See you, again!" I heard him shouted but I just rolled my eyes in irritation.

See you, again! My ass!

Naging mabilis ang aking pagkilos, sinara ko agad ang pintuan ng aking tinutuluyan at saka sumandal doon habang binabawi ang aking hininga.

I composed myself and walked towards the kitchen to find something to eat.

Nakakita ako ng cup noodles sa cupboard kaya mabilis ko itong kinuha at binuksan. Nagpainit na rin ako ng konting tubig para ilagay roon.

Ginala ko pa ang sarili sa kusina. I scanned the refrigerator. Mabilis naman ang aking naging paglalaway nang madako ang aking mata sa isang galon ng cookies and cream ice cream.

Nakalimutan ko na ang ice cream na binili ko nang mag-grocery ako dahil na rin sa pagsulit ko sa mga activities dito.

Mabilis ko itong inilabas sa ref at kumuha agad ako ng kutsara saka umupo sa bangko. I started to eat the ice cream while waiting for the water to boil.

After a few minutes, I am now putting hot water on my cup. I even put the condiments on it. Mabilis ko rin itong tinakpan upang maluto ang noodles.

Nakataas pa ang aking dalawang paa habang kinakain ang ice cream na nangangalahati na, nang biglang tumunog ang aking telepono na nasa ibabaw ng lamesa.

Sumandok pa ako sa hawak kong lalagyan ng isang kutsarang ice cream. "Hello."

Dinilaan ko pa ang kutsara na hawak ko habang ang isa kong kamay ay hawak ang telepono.

"Isa!" pasigaw na ani ng aking pangalan sa kabilang linya.

Nangunot ang aking noo habang sinasaid ang lalagyan ng ice cream na kaunti na lang ang laman."What's the sudden call, Emily? Is there a problem?"

"M'eron!" ramdam ko ang bahagyang pagbilis ng tibok ng dibdib ko. Binaba ko sa lamesa sa aking harapan ang lalagyan na walang laman. "Napakalaking problema."

Kusang nanumbalik sa akin ang lahat. That I have Thomas as my husband na kayang pagalawin lahat makita lang ako. Well, we are both scheduled to attend a gala few weeks from now and I know how much he wants to show me off.

I bit my lower lip to control my nervousness. "What's the matter? "

"Isa, you listen! " hinihingal na pahayag nito kaya tinuon ko na ng maigi ang atensyon ko sa kung ano ang sasabihin niya.

Napansin ko na lang rin na malamig na ang noodles na nilagyan ko ng mainit na tubig kani-kanina lang ngunit hindi ko na iyon ininda.

"Oo, nakikinig ako," ramdam ko pa rin ang 'di maipaliwanag na kaba. Pati ang mga pawis ko sa noo ay namumuo na kahit na ramdam ko ang hangin na nagmumula sa labas.

"Darating diyan si Mang Castor, aalis ka riyan sa isla," may kutob na ako kung bakit biglaan ang pagpunta ni Mang Castor dito, ngunit kailangan ko pa ring huminahon at mag-isip ng tama.

Mabilis akong tumayo sa upuan atsaka tumakbo sa kwarto kung nasaan ang aking mga gamit.

Hindi ako pwedeng mahuli, hindi ko pa nasusulit ang oras ko para sa sarili. Wala naman din akong ginagawang masama pero ayaw ko pa umuwi. Hindi na muna.

Mabuti na lang na hindi ko naisipan na ayusin sa kabinet ang mga damit dahil mas mahihirapan lamang ako sa pag -iimpake ngayon.

Dali-dali kong inilabas ang bag ko sa teresa ng bahay atsaka kinuha rito ang susi habang nakatuon sa aking kanang balikat ang telepono.

"Thomas probably investigate about my assets. Alam na niya na kasama ang isla na yan sa mga properties ko!" Tama nga ako. He knows already. And I know that he will do whatever it takes to get me.

Mabilis kong tinahak ang pampang ng may maaninag akong bangka na papaalis na, lulan ang tatlong babae na pawang mga menor de edad.

"As expected," sagot ko na lamang at sinenyasan ang bangkero na lumapit sa akin. "Kuya saan po ang tungo ninyo?"

"Sa Casa hermosa po, maam," magalang na pahayag ng bangkero habang inaayos ang bangka para sa paglalayag.

Casa Hermosa? I'm sure I heard that beach somewhere.

"Saan po iyon, manong? " nakangiting humarap sa akin ang bangkero at napakamot ng ulo sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Sa kabilang isla po iyon. Napakaganda roon, maam. Isa iyon sa dinadayo ng mga turista na pumupunta rito," magalang na pahayag nito habang iniiwasan pa rin akong tignan.

"Manong may problema po ba?" nahihiya kong tanong.

"Wala po, ma'am," labas ang ngiping saad niya.  Bumaling ako sa mga dalagita na ngayon ay abala na sa pagkuha ng kani-kanilang litrato gamit ang mga camera na dala-dala.

"Who are you talking with? " nadinig kong tanong ni Emily sa kabilang linya.

Tinanong ko si Manong kung maaari pa ba ang isang pasahero at mabilis naman siyang tumango bilang tugon kaya dali-dali rin akong sumakay katabi ng isang babae na nakangiti sa akin ngayon kaya binalikan ko siya ng ngiti."Tawagan mo si Mang Castor, sabihin mo mauuna na ako. Mas mabuti ang ganon na wala siyang alam kung saan ako pupunta. "

"What? Saan ka pupunta?" ramdam ko ang pag-aalala sa kanyang tinig na nakapagpangiti sa akin. Ipinatong ko ang aking dalang bag sa hita saka tinutok ang atensyon sa kausap.

She will always get me out from trouble and I'd thank her for that.

"Basta.I'll call you as soon as I've arrived." Pinatay ko na ang tawag nang maramdaman ko na ang paggalaw ng bangka hudyat na magsisimula na ito sa paglalayag.

Casa Hermosa, the place where you will fall in love for it's beauty and simplicity.

Ang pagaspas ng alon ay sumasalubong sa aming bangka, dark blue ocean welcomes the boat as it gently strikes the route. Inabala ko ang aking sarili na manood ng malalakas na paghampas ng alon sa aming bangka habang ang tatlong babae ay abala pa rin sa pagkuha ng kani-kanilang mga litrato.

"Malayo po ba ang Casa Hermosa sa pinanggalingan natin?" alam ko na nadinig ako ng matandang bangkero dahil bahagya pa itong napantingin sa akin nang ako ay nagsalita.

Inayos muna ng bangkero ang pagkakahawak sa sagwan bago tinuro ang isang isla. "Iyon po Ma'am, medyo malayo rin po."

Lihim akong nakahinga ng maluwag nang makitang bukod sa tinuro niya ay may mga tumpok pa ng lupa sa ibayong iyon ng dagat.

Siguradong kung hahanapin ako ni Thomas sa paroon ay hindi niya agad ako matatagpuan dahil sa may mga karatig-isla pa ang aming pupuntahan.

Napuno na naman ng katahimikan ang bangka, wala ng nangahas na putulin ang namumuong anghel sa langit dahil sa nakakabinging katahimikan.Hinayaan kong sumabay sa alon ang aking mahaba at itim na buhok na tinatangay ng malalakas na hangin. Maririnig din ang malalakas na paghampas ng alon sa sinasakyan kong bangka na nakakapagpagaan din ng aking pakiramdam.

"Ma'am nandito na po tayo," saad ng bangkero. Agad ko namang kinuha ang sarili kong mga gamit at dumagundong sa kaba ang aking dibdib ng may biglang nalahad ng kamay sa aking harapan, para ako ay alalayan.

Tinignan kong mabuti ang lalaki at hindi maipagkakailang may katangian itong pambihira.

With his thick eyebrows, thick but pinkish lips,round yet bluish eyes, thin and pointed nose, and fair skin with his broad shoulders that would fit every clothes he will wear, halatang galing ito sa isang marangyang pamilya.

Kinuha ko naman ang kamay nito at agad naman nitong inalalayang bumaba sa bangka at sinalubong ako ng isang ngiti.

"Welcome to Casa Hermosa, Miss. I am James Shymone at your service!" nawala saglit ako sa sarili nang mapansin ang lalaki.

Magalang na lamang akong ngumiti at marahang tumango saka mabilis na tinanggal ang pagkakahinang ng aming mga kamay. Hindi ko mawari kung dahil lang ba sa init ng kanyang palad o talagang nagbibigay ng ibang pakiramdam ang magkahinang naming mga kamay. Ang matingakad na asul ng dagat ay tila nakikita ko rin sa kaniyang mga mata.

Mabilis ako na naglakad sa isang gusali na malapit lang sa pampang.

May malaki at kulay asul itong mga letra sa itaas. Sumasang-ayon sa kulay asul na karagatan na nakapinta sa buong gusali.

Sinalubong naman agad ako ng magalang na ngiti ng hotel clerk.

"Good day, Maam! Welcome to Hermosa Hotel!" puno ng siglang pagbati ng babaeng hotel clerk.

She is beautiful. Naka-bun ng maayos ang kanyang buhok, may makapal na kilay na nagbigay pa lalo ng tingkad sa kanyang matangos na ilong. Isama na ang maputi at mapula-pula nitong pisngi na halata ang pagka-natural.

I smiled widely. Sinuri muna ang kapaligiran at naaliw sa mala-karagatan na kulay ng bahay-panuluyan. Buhay na buhay ang mga korales kasama na ang mga lamang dagat na nakapinta sa buong kapaligiran.

Nang matapos ilibot ang mga mata sa hotel ay nakangiti siya ulit na bumaling sa clerk. "Mag-aavail sana ako ng room. "

"What kind of room, maam?" tanong nito habang nakatingin na sa computer sa kanyang harapan. Siguro upang makita kung ano ang available room number sa kwarto na pipiliin ko.

"Deluxe room," mabilisan kong pagpili sa pinakamurang kwarto nila.

She smiled and looked at me,

"Deluxe room, one bedroom, one bed. "

I nodded as my response.

"Wait lang Ma'am, may mag-aassist na po sa inyong hotel clerk para sa kwarto ninyo." Binigay na sa akin ang isang kumpol na susi na agaran kong tinanggap.

"Thank you." Napansin ko ang isang lalaki na nakangiti na sa kanya at hawak na ang bagahe niyang dala at tila inaantay na lamang siya.

Agad akong nagtungo sa direksyon ng elevator kung saan ako tinuro ng clerk.

                              ***

                    To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status