Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta sa lahat ng aking libro. Kayo po ang inspirasyon ko sa pagsulat.
“Mag-usap tayo,” ani Justin na hawak ang kamay ni Gab na agad niyang binawi.“Wala tayong dapat pag-usapan unless tungkol sa annulment natin ang sasabihin mo,” aniyang pinagsalikop ang dalawang braso sa dibdib.“Anong ginagawa mo dito? Sa lugar ng mga kagaya nila Donya Mercedez at paano ka naging CEO ng AM Corporation? That company was built by a mysterious man na wala pang nakakakita kahit sino tapos ikaw ang CEO ngayon? That’s impossible!”“May problema ba kung ako na ang CEO?” aniyang tumaas ang kilay.“Ano ginawa mo, Gab? Nakabingwit ka ng matandang mayaman? Ganyan ka ba kagaling mang-akit para sa posisyon? Anong kapalit ng posisyong ‘yan? Katawan mo? Tandaan mong may asawa kang tao.”Napalingon si Gab, unti-unting naniningkit ang mga mata, ngunit pinipigilan ang sariling sumigaw. Malumanay ngunit matalim ang kanyang sagot.“Wala kang karapatang insultuhin ako, Justin. Malinis ang kunsensya ko.”“Talaga? Eh ‘yung matandang kasama mo sa restaurant casino? Kaya pala matapos nating m
Matapos nilang itulak ang kariton palayo sa lugar ng kaguluhan, pansamantalang nagpahinga sina Justin at Don Antonio sa isang maliit na upuang kahoy. Napansin ni Justin ang kalumaan at kabigatan ng kariton.“'Tay, matagal ninyo na po bang ginagamit ‘tong kariton? Ang bigat nito, lalo na kung malayo ang bahay ninyo.”“Matagal na, iho. Limang taon na rin. Pero mas okay na ‘to kaysa wala. Basta may pangtawid gutom.”“Hindi po pwedeng ganito na lang kayo palagi. May edad na kayo. Nasaan po ang mga anak ninyo?”Bumunot si Justin ng makapal na pera mula sa kanyang wallet at iniabot kay Don Antonio. Nagulat ang matanda.“Ano 'to, iho?” kunwaring nangingilid ang luha ng matanda.“Pambili po ninyo ng maayos na bike, mas magaan at ligtas. Kung maaari pa, paayos ninyo na rin ang ibang gamit. Huwag po ninyong tanggihan. Hindi ito limos. Pagkilala ito sa kabutihan ng taong marangal ang hanapbuhay.”Pilit niyang pinipigilan ang ngiti, ngunit bakas sa mata ang tuwa.“Napakabuti mong bata… Hindi ako
Hindi natin alam kung sino talaga siya. Palaging telepono lang ang contact. Pero matalino. Galaw pa lang ng mob, alam na niya. Parang may access siya sa loob mismo ng organisasyon.”“Sigurado ka bang babae?”“Oo. Sa boses at sa ilang details sa chat, at sa code name, malinaw na babae. Gumagamit siya ng codename na Athena, gaya ng diyosa ng karunungan at digmaan. Pero hindi natin alam kung totoo ang pangalan niya.”“Gusto ko siyang makilala. She saved me and a lot of people. Biruin mo, ni hindi siya tumatanggap ng pera kapalit ng impormasyong ibinibigay niya.”“Kaya nga mas nakakapagtaka. Napakadami na niyang nailigtas dahil sa impormasyong galing sa kanya.”Habang lumalabas si Lance, naiwang nakatayo si Justin, muling tinignan ang mga larawan.***Makikita ang mga naggagandahang sasakyan na sunod-sunod ang dating sa grand entrance ng restaurant casino. Sa gilid ng driveway, nakaabang si Justin sa kanyang kotse, kasunod si Lance sa hiwalay na sasakyan.“Bro, positive. Same car. Paparati
“Hindi naman, sapat lang para madinig ko lahat ng kasinungalingan mo. Narinig ko ang lahat,” ani Gab na kuyom ang kamao.“Nagkakamali ka. Hindi mo naiintindihan—” defensive na sabi ni Camille.“Gagawin mo pa akong tanga. Ang malinaw sa akin, Camille, niloloko mo si Justin. Pinapaako mo sa kanya ang batang hindi naman kanya. Alam mo bang hindi ka niya mapapatawad sa sandaling matuklasan niya ang katotohanan?”“Please, Gab. Gagawin ko ang lahat… kahit ano. Huwag mo lang sabihin kay Justin.”“Kahit ano, sigurado ka?”“Anong gusto mo?” anitong tila nag-aalangan.“Simple lang. Papirmahin mo si Justin sa annulment. Gamitin mo ang drama mo, ang sinungaling mong kwento, kahit anong gusto mo. Basta't pipirma siya. At kapag sinubukan mong gumawa ng ibang kalokohan, ako mismo ang magsasabi sa kanya ng totoo. At alam mong masamang magalit si Justin.”Natigilan si Camille, natameme sa bagsik ng boses niya. Tumango ito ng marahan, alam niyang wala panalo ang babae sa pagkakataong ito.“Sige, anywa
"Gab, malapit na kaming ikasal ni Justin. Ikaw na lang ang hinihintay namin para masimulan ang annulment process. Mainam pala at ikaw na ang kusang lumapit,” malumanay na sabi ni Camille. Ikinagulat niya ang biglang pagbabago ng tono ng pananalita nito.Nabuhayan siya ng loob.“Kung ganoon ay bakit ayaw pumirma ni Justin? Kanina ko pa siya pinipilit. Hindi kayo makakapagpakasal kapag hindi napawalang bisa ang kasal namin.”Hinatak ni Camille ang envelope na hawak niya.“Babe, heto na si Gab. Pirmahan mo na para matapos na ang ugnayan ninyong dalawa.”“Oo, ipapawalang bisa ang kasal namin pero hindi ako basta pipirma, pinag-aaralan pa ng mga abogado ko ang dapat gawin.”Nakatingin si Camille kay Justin, kumapit ito sa braso ng binata."Pasensya na. Hindi ko na kayang itago pa. May dapat kang malaman.”Nagtaka si Justin at hinarap si Camille."Anong ibig mong sabihin?"Dahan-dahang lumapit ang babae at inilagay ang isang maliit na envelope sa mesa."I'm pregnant. Magiging ama ka na.”Par
Unti-unting umaakyat ang dugo sa ulo ni Gab. Hindi niya inasahang hindi pipirma si Justin sa annulment.Ang malamig na aircon ay tila hindi sapat para palamigin ang tensyon sa pagitan nila. Nakatayo siya sa harap ng malaking lamesa ni Justin, habang ang binata naman ay nakaupo, nakasandal ngunit nakatitig nang matalim sa kanya. Tila tumatagos sa buto niya ang tingin nito."Limang taon. Limang taon kang nawala… pagkatapos ng lahat, bigla ka na lang lalapit dala ang papeles ng annulment? Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling makawala sa akin?”Napasinghap si Gab. As if namang hinanap siya nito."Hindi ako narito para pag-usapan ang nakaraan. Gusto ko lang tapusin ang anumang ugnayan natin,” tinapangan pa niya ang boses kahit nanlalambot ang tuhod niya.Tumaas ang isang sulok ng labi ng binata."Tapusin? Gabriella, limang taon kang nawala. Ngayon ka lang bumalik. Wala ka man lang paliwanag. Saan ka nagtago? Napakagaling mo talagang babae ka!”Napaatras siya ng kaunti. Parang gustong taka