Home / Romance / Never Fall Again to the Heartless Billionaire / Kabanata 295 Truth Shall Prevail

Share

Kabanata 295 Truth Shall Prevail

last update Last Updated: 2025-08-02 18:54:00

Bumuo ng team si Justin upang hanapin si Rosie at si Lance na hindi na din niya mahagilap. Bumalik siya sa mansyon. Deretso sa mini bar at nagbukas ng alak. Nagsalin siya sa baso at mabilis na tinungga. Ilang minuto na siyang tulala.

“Justin, may problema ba?” ani Gab ng makita siya. Sa halip na sumagot ay niyakap niya ito ng mahigpit. Buo na ang pasya niyang ipagtapat kay Gab ang natuklasan.

“Gab, may kailangan akong sabihin sa’yo. Bago tayo tuluyang magsimulang muli, gusto kong malaman mo ang totoo.”

Napapakunot ang noo ang dalaga.

“Anong sasabihin mo? Bigla naman akong kinabahan. Masyado kang seryoso.”

“Hindi ko alam kung paano sisimulan. Mangako ka muna na kahit ano ang mangyari ay ipaglalaban natin ang pagmamahalan natin.”

Tumango si Gab.

“Masyado na tayong madaming pinagdaanan. Madami na tayong pagsubok na nalagpasan. Sa tingin ko, wala tayong hindi kakayanin.”

Huminga siya ng malalim bago magsimula.

“Noon pa man alam mo na hinahanap ko kung sino ang pumatay sa mommy ko kaya nga
Maria Bonifacia

Ilang episode na lamang po at magwawakas na ang love story nila Gab at Justin. Maraming maraming salamat po. Please support my latest book, Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO. Godbless po!

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Jackelyn Orina
Sana naman maging maayos ang kasal nila gab at justin
goodnovel comment avatar
Jackelyn Orina
More update plzzzz
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 295 Truth Shall Prevail

    Bumuo ng team si Justin upang hanapin si Rosie at si Lance na hindi na din niya mahagilap. Bumalik siya sa mansyon. Deretso sa mini bar at nagbukas ng alak. Nagsalin siya sa baso at mabilis na tinungga. Ilang minuto na siyang tulala.“Justin, may problema ba?” ani Gab ng makita siya. Sa halip na sumagot ay niyakap niya ito ng mahigpit. Buo na ang pasya niyang ipagtapat kay Gab ang natuklasan.“Gab, may kailangan akong sabihin sa’yo. Bago tayo tuluyang magsimulang muli, gusto kong malaman mo ang totoo.”Napapakunot ang noo ang dalaga.“Anong sasabihin mo? Bigla naman akong kinabahan. Masyado kang seryoso.”“Hindi ko alam kung paano sisimulan. Mangako ka muna na kahit ano ang mangyari ay ipaglalaban natin ang pagmamahalan natin.”Tumango si Gab.“Masyado na tayong madaming pinagdaanan. Madami na tayong pagsubok na nalagpasan. Sa tingin ko, wala tayong hindi kakayanin.”Huminga siya ng malalim bago magsimula.“Noon pa man alam mo na hinahanap ko kung sino ang pumatay sa mommy ko kaya nga

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 294 Betrayal from a Friend

    Tahimik ang gabi, ngunit mulat pa rin si Justin. Mag-isa siyang nakaupo sa harap ng isang monitor, paulit-ulit na nire-review ang CCTV footage mula sa safehouse kung saan pansamantalang itinatago si Rosie. Nais niyang matiyak ang kaligtasan nito. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali hanggang sa makita niya ang isang pamilyar na pigura sa footage. Si Lance! Napakasipag talaga ng kaibigan niya. Hands on ito sa pagtulong sa kaso ng mommy niya.Pinatigil niya ang video sa eksaktong frame na pumasok ang lalaking naka-cap at itim na jacket. Agad niyang pinazoom ang mukha upang matiyak kung si Lance nga. Mahirap ng magtiwala. Ngunit bakit naman pupunta ang kaibigan niya ng ganitong oras?Kinuha niya agad ang cellphone at tinawagan si Lance.“Bro? May problema ba?” bungad nito.“Wala naman. Itatanong ko lang kung nagpunta ka ba sa safehouse kagabi? Kay Rosie? May latest news ba? Baka may naalala siyang iba pang sangkot.”“Ha? Hindi, bro. Bakit ako pupunta doon? Hindi ba sabi mo, ako

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 293 The Evil Plan

    Tatlong araw bago ang kasal. Pinasyalan nila Gab at Justin ang wedding venue.Ang wedding coordinator ay abalang inaayos ang seating arrangements, habang ang mga staff ay nag-aayos ng mga ilaw, sound system, at wedding arch.Nasa gilid si Justin, hawak ang cellphone ngunit matagal nang nakatitig lamang sa kawalan. Hindi niya namamalayang pinagpappawisan siya ng malapot sa tensyon. Tila bumibigat ang bawat segundo dahil sa lihim na bumabagabag sa kanya.“Sir Justin, okay na po ang final layout. Si Ma’am Gabriella po ay tinutulungan na nina Mommy Olivia at Gianna sa fitting ng bridal gown. Gusto ninyong i-check ang program?” ani Trisha.Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip. Napangiti ng pilit, saka tumango.“Sige. Patingin.”Habang iniisa-isa ang detalye ng wedding program, tahimik lang siya. Sa isip niya, umiikot lang ang tanong kung kaya ba niyang ituloy ang kasal gayong alam niyang ang ama ni Gab ang dahilan ng pagkamatay ng mommy niya?Ni hindi na niya namalayan ang paglapit ni

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 292 Life is Short

    Tumigil ang paghinga ni Gab habang ang lahat ay napasigaw sa kilig. Si Mayumi ay napa-cover ng bibig, si Mommy Olivia at Gianna ay kinikilig, si Lola Mila ay napaluha.Inilabas ni Justin ang isang eleganteng singsing mula sa bulsa.“I want to do this right. Not because we have to, not because of duty, but because I love you. Will you marry me… not just as the mother of our son, but as the love of my life?”Tahimik siya, nangingilid ang luha. Lahat ay naghihintay ng sagot.“Yes. Yes, Justin. I will,” aniyang tinanggap ang singsing at tuluyan ng napaluha.Hiyawan at palakpakan ang buong pamilya. Tumayo si Justin at niyakap siya ng mahigpit.“Justin, I love you, too. I never stop loving you,” aniyang hilam ang mata sa luha.“Napakasaya ko, Gab. Maraming salamat!”Naghalikan sila sa gitna ng palakpakan at kilig ng mga bisita. Si Nathaniel ay yumakap sa gitna nilang dalawa.“Yehey! Happy family!” sigaw ng bibong bata.Lalong lumakas ang palakpakan. Si Lola Mila ay napaiyak sa tuwa.“Ay sala

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 291 Wedding Preparation

    “Nahuli na at nasa kamay na ng mga pulis. Hindi mo na kailangang matakot. Pero hindi pa rin tayo dapat magpakampante. Kaya doble ingat pa din.”Napatingin si Gab sa mga mata ni Justin. Tila nakaramdam ito na may inililihim siya.“May tinatago ka. Ano ang nangyari?”Saglit silang nagkatitigan. Ngunit sa huli, yumuko siya at hinawakan ang kamay ng dalaga.“Wala kang dapat alalahanin, Gab. Ang mahalaga, safe kayo. At hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo kahit buhay ko pa ang kapalit.”“Salamat, Justin. Sa lahat,” ani Gab na tila naniwala naman sa sinabi niya.“Kahit kailan, ikaw at si Nathaniel ang uunahin ko. Magtiwala tayo sa isa’t isa.”Tumango siya at niyakap ng mahigpit si Gab. Tila humuhugot ng lakas sa mga bisig niya ang dalaga. Kinintalan niya ito ng halik sa noo.Biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ni Lance sa screen.“Si Lance ‘to. Saglit lang,” aniyang saglit na tinapunan ng tingin si Gab.Nagtungo siya sa may gilid ng veranda, sinagot ang t

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 290 The Protector

    Isang putok ng baril ang umalingawngaw mula sa malayo.“Sir! Bala ng baril! Get down!” anang isang pulis.“Fallback! Bumalik sa mansyon! Siguraduhin ang kaligtasan nila Gab at Nathaniel!”Nangangatog ang katawan ng driver habang kinakaladkad ng isang security officer papasok sa sasakyan. Ngunit nakatakas ito. Sinamanlata nito ang kaguluhan. Agad namang pinaharurot ni Justin ang kotse niya pabalik sa mansyon.Si Gab ay nasa sala kasama si Nathaniel na naglalaro ng blocks at walang malay sa kaguluhan. Biglang kumurap ang ilaw ng chandelier. Napansin niya ito, kumabog ang kanyang dibdib. May tunog ng mga sasakyan sa labas, kasunod ng tila pagkaluskos sa likod ng bahay. Labis ang tensyon na nararamdaman niya.“Nathaniel, baby, come here. Sa likod ni Mommy, dali,” aniyang mahigpit ang hawak sa anak. Dinampot niya ang nahawakang lampshade.Biglang bumukas ang pinto. Nakaumang na ang pamalo niya at handang umatake.“Gab!” sigaw ni Justin na hinihingal at mabilis na umilag sa paghampas niya.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status