Share

Kabanata 292 Life is Short

last update Last Updated: 2025-07-30 22:41:01

Tumigil ang paghinga ni Gab habang ang lahat ay napasigaw sa kilig. Si Mayumi ay napa-cover ng bibig, si Mommy Olivia at Gianna ay kinikilig, si Lola Mila ay napaluha.

Inilabas ni Justin ang isang eleganteng singsing mula sa bulsa.

“I want to do this right. Not because we have to, not because of duty, but because I love you. Will you marry me… not just as the mother of our son, but as the love of my life?”

Tahimik siya, nangingilid ang luha. Lahat ay naghihintay ng sagot.

“Yes. Yes, Justin. I will,” aniyang tinanggap ang singsing at tuluyan ng napaluha.

Hiyawan at palakpakan ang buong pamilya. Tumayo si Justin at niyakap siya ng mahigpit.

“Justin, I love you, too. I never stop loving you,” aniyang hilam ang mata sa luha.

“Napakasaya ko, Gab. Maraming salamat!”

Naghalikan sila sa gitna ng palakpakan at kilig ng mga bisita. Si Nathaniel ay yumakap sa gitna nilang dalawa.

“Yehey! Happy family!” sigaw ng bibong bata.

Lalong lumakas ang palakpakan. Si Lola Mila ay napaiyak sa tuwa.

“Ay sal
Maria Bonifacia

Dear lovely readers, please read my other books in GoodNovel. 1. Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO - new 2. Love for Rent (1.2M views-Book1-7) - Completed 3. The CEO's Cold Ex-Wife- Ongoing 4. Unlove Me Not - Completed 5. The Ex-Convict Billionaire - Completed Mula sa puso, maraming salamat po!

| 13
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa suporta. Godbless po!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 293 The Evil Plan

    Tatlong araw bago ang kasal. Pinasyalan nila Gab at Justin ang wedding venue.Ang wedding coordinator ay abalang inaayos ang seating arrangements, habang ang mga staff ay nag-aayos ng mga ilaw, sound system, at wedding arch.Nasa gilid si Justin, hawak ang cellphone ngunit matagal nang nakatitig lamang sa kawalan. Hindi niya namamalayang pinagpappawisan siya ng malapot sa tensyon. Tila bumibigat ang bawat segundo dahil sa lihim na bumabagabag sa kanya.“Sir Justin, okay na po ang final layout. Si Ma’am Gabriella po ay tinutulungan na nina Mommy Olivia at Gianna sa fitting ng bridal gown. Gusto ninyong i-check ang program?” ani Trisha.Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip. Napangiti ng pilit, saka tumango.“Sige. Patingin.”Habang iniisa-isa ang detalye ng wedding program, tahimik lang siya. Sa isip niya, umiikot lang ang tanong kung kaya ba niyang ituloy ang kasal gayong alam niyang ang ama ni Gab ang dahilan ng pagkamatay ng mommy niya?Ni hindi na niya namalayan ang paglapit ni

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 292 Life is Short

    Tumigil ang paghinga ni Gab habang ang lahat ay napasigaw sa kilig. Si Mayumi ay napa-cover ng bibig, si Mommy Olivia at Gianna ay kinikilig, si Lola Mila ay napaluha.Inilabas ni Justin ang isang eleganteng singsing mula sa bulsa.“I want to do this right. Not because we have to, not because of duty, but because I love you. Will you marry me… not just as the mother of our son, but as the love of my life?”Tahimik siya, nangingilid ang luha. Lahat ay naghihintay ng sagot.“Yes. Yes, Justin. I will,” aniyang tinanggap ang singsing at tuluyan ng napaluha.Hiyawan at palakpakan ang buong pamilya. Tumayo si Justin at niyakap siya ng mahigpit.“Justin, I love you, too. I never stop loving you,” aniyang hilam ang mata sa luha.“Napakasaya ko, Gab. Maraming salamat!”Naghalikan sila sa gitna ng palakpakan at kilig ng mga bisita. Si Nathaniel ay yumakap sa gitna nilang dalawa.“Yehey! Happy family!” sigaw ng bibong bata.Lalong lumakas ang palakpakan. Si Lola Mila ay napaiyak sa tuwa.“Ay sal

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 291 Wedding Preparation

    “Nahuli na at nasa kamay na ng mga pulis. Hindi mo na kailangang matakot. Pero hindi pa rin tayo dapat magpakampante. Kaya doble ingat pa din.”Napatingin si Gab sa mga mata ni Justin. Tila nakaramdam ito na may inililihim siya.“May tinatago ka. Ano ang nangyari?”Saglit silang nagkatitigan. Ngunit sa huli, yumuko siya at hinawakan ang kamay ng dalaga.“Wala kang dapat alalahanin, Gab. Ang mahalaga, safe kayo. At hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo kahit buhay ko pa ang kapalit.”“Salamat, Justin. Sa lahat,” ani Gab na tila naniwala naman sa sinabi niya.“Kahit kailan, ikaw at si Nathaniel ang uunahin ko. Magtiwala tayo sa isa’t isa.”Tumango siya at niyakap ng mahigpit si Gab. Tila humuhugot ng lakas sa mga bisig niya ang dalaga. Kinintalan niya ito ng halik sa noo.Biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ni Lance sa screen.“Si Lance ‘to. Saglit lang,” aniyang saglit na tinapunan ng tingin si Gab.Nagtungo siya sa may gilid ng veranda, sinagot ang

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 290 The Protector

    Isang putok ng baril ang umalingawngaw mula sa malayo.“Sir! Bala ng baril! Get down!” anang isang pulis.“Fallback! Bumalik sa mansyon! Siguraduhin ang kaligtasan nila Gab at Nathaniel!”Nangangatog ang katawan ng driver habang kinakaladkad ng isang security officer papasok sa sasakyan. Ngunit nakatakas ito. Sinamanlata nito ang kaguluhan. Agad namang pinaharurot ni Justin ang kotse niya pabalik sa mansyon.Si Gab ay nasa sala kasama si Nathaniel na naglalaro ng blocks at walang malay sa kaguluhan. Biglang kumurap ang ilaw ng chandelier. Napansin niya ito, kumabog ang kanyang dibdib. May tunog ng mga sasakyan sa labas, kasunod ng tila pagkaluskos sa likod ng bahay. Labis ang tensyon na nararamdaman niya.“Nathaniel, baby, come here. Sa likod ni Mommy, dali,” aniyang mahigpit ang hawak sa anak. Dinampot niya ang nahawakang lampshade.Biglang bumukas ang pinto. Nakaumang na ang pamalo niya at handang umatake.“Gab!” sigaw ni Justin na hinihingal at mabilis na umilag sa paghampas niya.“

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 289 Bonding Time

    Hindi gumalaw si Gab at parang walang narinig. Ngunit mahigpit ang yakap ni Justin, at dama niya ang sinseridad sa boses nito. Subalit hindi siya sumagot.Sa halip na mapahiya, ngumiti lamang si Justin. Hinaplos nito ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.“Okay lang. Hindi ko kailangan ng sagot mo ngayon. I’m willing to wait.”Isiniksik niya ang katawan sa dibdib ng binata. Dahan-dahang hinagod ni Justin ang buhok niya. Niyakap siya ng mahigpit.Kinabukasan sa dining area ng mansyon. Maliwanag ang paligid, tila kasabay ng sikat ng araw ang bagong simula sa pagitan nina Gab, Justin, at Nathaniel. Nasa gitna ng lamesa ang masaganang almusal, sinangag, itlog, tapa, pancakes, at prutas na inihanda ni Justin.“Yehey! Kumpleto tayo! Kumpleto tayo!” ani Nathaniel.Nagsasayaw-sayaw pa ito habang papunta sa dining table.Nakangiting napapailing siya habang inaayos ang kutsara at tinidor.“Anak, baka madapa ka niyan.”“Super saya ng anak ko, ah!” ani Justin habang nagsasalin ng gatas sa baso

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 288 Never Trust

    Nauna si Gab na magbaba ng tingin. Muntik na naman siyang mahipnotismo ni Justin.Nagmamadali siyang humiga sa kama habang pinagmamasdan si Justin na umupo sa sofa at itinutuwid ang katawan at pilit pinagkakasya sa sofa.Nakahiga na silang parehas. Tahimik ang gabi. Si Nathaniel ay nasa gitnang bahagi ng kama, mahimbing ang tulog habang si Justin ay nakahiga sa maliit na sofa sa tabi ng bintana, naka-cross legs at pilit na inaabot ang kumot.“Bakit ang liit ng sofa sa kwarto mo?” reklamo nito.Wala siyang imik, nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone at pinipilit huwag tumawa.“Alam mo, kung tutuusin mas safe kung tabi-tabi tayong tatlo. Para kung may mangyaring hindi maganda, isang iglap lang, masusunggaban ko agad kayo,” ani Justin na nagparinig habang nag-iinat.“Nice try, Justin.”“Hindi, totoo. Tactical positioning ang tawag dyan.”“Kaya mong matulog diyan. Ikaw ang nagpumilit magbantay sa amin.”Biglang may kalabog na tunog. Napatayo siya sa gulat at nakita niyang nasa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status