Share

CHAPTER 39

Penulis: Ms. Sagittarius
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-30 16:35:03

"Babe, paalis nga pala ako next week," sabi ni Axel habang nakatutok sa laptop niya.

Natigilan ako sa paglalagay ng french fries sa plato at napatingin ako sa kanya. Dumaan muna kami sa drive thru kanina bago kami umuwi. Nag-dinner naman kami pero kahapon pa ako nag-crave ng fries kaya nakisuyo ako na bumili kami. Plano rin kasi namin manood ng movie kaya tamang-tama lang. Naka-schedule ako na matulog ngayon dito sa bahay niya dahil wala naman pasok bukas. Mula noong gabi natulog ako dito may mga weekend na dito na ako natutulog lalo na kung wala siyang meeting ng weekend. May mga gamit na rin naman ako rito kaya hindi ko na kailangan magdala pa. Ito na lang kasi ang araw o oras na pwede kaming magkasama dahil lagi siyang busy at naiintindihan ko kung bakit. Minsan late na matapos ang mga meeting niya kaya hindi na kami magkasabay kumain ng dinner o ihatid sa bahay. Tinatawagan na lang niya ako pagkatapos at doon lang kami may oras para mag-usap. Hindi ako nagrereklamo sa set-up namin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Never let you go   CHAPTER 57

    "Saan tayo mamaya Althea?" tanong ni Tin-tin habang naglalakad kami papunta sa elevator at napatingin ako sa kanya.Katatapos lang namin kumain ng lunch sa cafeteria. Ang bilis ng panahon at hindi ko namalayan na isang buwan na pala ang lumipas mula noong nagpasa ako ng resignation letter ko. Hindi naman ako nahihirapan na i-turn over ang trabaho ko sa kapalit ko bagong graduate lang siya at madali siya turuan. Sa lumipas na buwan ay naging ka-close ko na ang mga kasama ko sa trabaho kaya kahit paano ay mabigat sa loob ko na umalis lalo na at okay naman ang trabaho ko. Nagpasa na ako ng resume at naghihintay na lang ako ng tawag. Kumpiyansa naman ako na makakahanap din ako ng trabaho sa lalong madaling panahon. Kailangan ko makahanap agad ng trabaho dahil ayoko isipin ng Papa ni Axel na pabigat ako sa anak niya. "Oo nga dapat lang na magpa-inom ka para mag-celebrate tayo dahil iiwan mo na kami," sabi naman ni DJ at natawa ako dahil sumang-ayon ang iba pa naming kasama."Masaya kayo d

  • Never let you go   CHAPTER 56

    "Sir, here are the files you requested," sabi ni Mr. Jay at inabot ang mga folder.Isa-isa ko iyon tiningnan bago ako kumuha ng isang folder para basahin. Kailangan maging maingat ako sa lahat ng gagawin ko mula ngayon kahit na kailangan ko kumilos agad. May kutob ako na gagamitin ni Papa ang mga Anderson para mapasunod ako sa kagustuhan niya. Naghahanap ako ngayon ng mga company na pwede ko ipangtapat sa kanila. Alam ko na mahihirapan ako dahil malaki silang kumpanya pero kailangan ko pa rin subukan. "Do you think we can find a company that can match them?" bakas ang pag-aalala sa tanong niya at huminga ako nang malalim."Hindi man nakahihigit sa kanila pero at least willing mag-invest sa atin. Alam ko na manghihinayang ang board dahil malaki silang kumpanya pero kung kaya ko naman kumuha ng dalawa o higit pang investor sapat na iyon. Kailangan lang natin maging maingat para walang makakaalam. May ilang buwan pa naman para sa board meeting kaya may oras pa ako," paliwanag ko at tuma

  • Never let you go   CHAPTER 55

    "Babe!" sigaw ko mula sa kwarto ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto.Katatapos ko lang magbihis at kasalukuyan inilalagay sa basket ang mga maruruming damit pati na rin ang maruming bedsheet. Wala akong pasok kaya naman maghapon ako naglinis ng bahay, nagpalit ng mga kurtina pati na rin beddings at nag-grocery na rin ako. Dapat ay kasama ko si Axel pero bigla siyang nagkaroon ng emergency kaya kailangan niya umalis. Sa tagal na namin magkasama ay nasanay na ako sa mga biglaang meeting niya. May mga pagkakataon naman na nag-cancel siya ng lakad para makasama ako. Busy man siya sa trabaho ay nagagawa pa rin niya ako bigyan ng oras."Hello Babe! You smell great," nakangiti na sabi niya pagkatapos niya ako halikan sa labi.Napangiti ako at pinulupot ko ang dalawang braso sa leeg niya. Naramdaman ko naman ang isang braso niya sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya. Binaon niya ang ulo sa balikat ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. "Babe," tawag ko sa kanya at umung

  • Never let you go   CHAPTER 54

    "Sir -Narinig ko na tawag ng secretary ko at napatingin ako sa pagbukas ng pinto. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at bago pa ako makapag-tanong ay pumasok na si Papa. Bakas naman sa mukha ni Papa ang pagkadismaya. Tumango lang ako para sabihin sa kanya na okay na."Okay Mr. Salazar, my team will send the new layout by tomorrow. My assistant will call you regarding the schedule of site visit," sabi ko sa kausap ko at nagpaalam na siya kaya pinatay ko na ang line.Tuluyan ng pumasok si Papa at sinara ni Anna ang pinto bago siya lumabas ng office ko. Huminga ako nang malalim dahil alam kong hindi simpleng pagbisita lang ang dahilan kaya siya pumunta. Kampante na umupo siya sa upuan at tumingin sa paligid. Alam kong nagtataka siya dahil pina-renovate ko ang dating office niya na opisina ko na ngayon."It's funny because I'm the President of this company but I have to make an appointment just to talk to you? Did your staff not know me or did you tell them?" dismayado na tanong niya."J

  • Never let you go   CHAPTER 53

    Niyakap ko siya nang mahigpit at ganoon din ang tinugon niya. Hinaplos ko ang likod niya para mapanatag ang kalooban niya dahil alam kong nag-aalala siya. Hinalikan ko siya sa balikat paakyat sa leeg niya at narinig ko ang impit na ungol na lumabas sa bibig niya. Nanunuot sa ilong ko ang amoy niya na lalong nagpasabik sa akin. Nilipat ko naman sa kabilang balikat ang labi ko at hinalikan ko pataas sa leeg niya. Dahan-dahan ko naman hinaplos ang hita niya pataas hanggang sa bewang niya. "Babe," banggit niya sa pagitan nang pag-ungol niya. Ilang araw kami magkahiwalay kaya ngayong gabi ay babawi ako sa kanya. Tiningnan ko siya sa mga mata at nakita ko na pareho kami ng nararamdaman. Wala na akong sinayang na oras at sinakop ko ang labi niya na buong pananabik naman na tinugon niya. Naramdaman ko ang pagtanggal niya sa butones nang polo ko habang magkalapat ang mga labi namin. Napaungol ako nang lumapat ang kamay niya sa dibdib ko. Nakadagdag iyon sa init na nararamdaman ko ngayon. Bin

  • Never let you go   CHAPTER 52

    "Ano na ang plano mo, Axel?" tanong ni Mr. Jay at napatingin ako sa kanya.Katatapos lang ng meeting ko sa isang client namin kinailangan ko siya puntahan dahil paalis na siya ng bansa at hindi pa niya sigurado kung kailan siya makakabalik. Isa siya sa mga VIP Client namin kaya hindi pwede na paghintayin at balewalain. Sa industry na ginagalawan ko kailangan ko bigyan ng priority ang mga dati na namin client lalo na ang mga nakapagbigay ng malaking project sa amin. Kagagaling ko lang abroad at kahit na pagod ay nakipagkita agad ako sa kanya para pag-usapan ang project proposal ko sa kanya. Kahit pa nga gusto ko ng umuwi dahil alam kong naghihintay si Althea sa akin. Naiintindihan naman niya ang trabaho ko kaya maswerte ako sa kanya dahil kahit kailan ay hindi siya nag-demand sa akin ng oras. Ilang araw ko na siya hindi nakakasama at sobrang miss ko na siya. Alam ko na hindi pa siya sanay sa ganitong set-up na lagi ako wala pero parte ito ng trabaho ko. Hanggang maari ay bumabawi ako s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status