Share

Never let you go
Never let you go
Author: Ms. Sagittarius

CHAPTER 1

last update Last Updated: 2024-10-14 13:07:44

"Nikka, nagluto na ako ng almusal!" sigaw ko mula sa kusina.

Maaga ako gumising para magluto ng almusal dahil may lakad ako. Hindi ko na siya ginising kanina dahil alam kong puyat siya kaya nauna na akong kumain sa kanya. Waitress din siya sa Restaurant na malapit sa pinasukan ko. Si Nikka ang pinakamalapit kong pinsan sa side ni Papa. Maliit pa lang kami ay sobrang close na kami at kahit pa nga lumipat na sila rito sa Maynila ay hindi naputol ang komunikasyon namin. Tuwing bakasyon ay nauwi siya sa probinsya at madalas ay sa amin tumutuloy. Highschool ako ng maghiwalay ang mga magulang ko. Sinama ni Mama si Ate at ako naman ay naiwan kay Papa. Ilang buwan lang ang lumipas ay may kinakasama na si Papa. Maraming katanungan sa isip ko dahil sa mga nangyari pero tinanggap ko na lang ang lahat dahil wala naman ako magagawa. Patuloy naman niya ako sinuportahan at pinag-aral pero hindi na niya kinaya dahil lumalaki na rin ang mga anak niya. Hindi naman kasi biro ang gastos sa kolehiyo kaya nagdesisyon na lang ako na magtrabaho. Lumuwas ako ng Maynila para hindi maging pabigat sa kanya kahit pa nga tutol siya desisyon ko. Sa una ay nahirapan ako maghanap ng trabaho lalo na at hindi ako college graduate. Si Nikka ang tumulong sa akin para makahanap ako ng trabaho. Naging okay na ang lahat dahil kahit paano ay nakakaipon na ako. Last year ay na diagnosed si Papa ng diabetes at kinakailangan niya ng maintenance. Wala naman ibang tutulong kay Papa kung hindi ako at hindi ko naman siya kayang pabayaan. Naawa rin ako sa apat ko pang kapatid na maliliit pa kaya naman doble kayod talaga ako para sa kanila. Iba't ibang trabaho ang pinapasok ko para lang kahit paano ay makapag-padala sa kanila.

"Mauna na ako sa 'yo at baka malate ako." paalam ko sa pinsan ko.

"Ha? Mamayang eight pa naman ang pasok mo sa bar, hindi ba? Saan na naman ang punta mo?" nagtataka na tanong niya habang pababa ng hagdan.

"May raket kasi kami ni Edu ngayon sayang din iyon. Kumain ka na bago pa lumamig ang sinangag. Initin mo na lang iyong adobo na manok sa ref para mamayang tanghali." Nakangiti na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

"Raket na naman!" Narinig kong sigaw niya at napa-iling na lang ako.

Habang nakasakay sa jeep ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Message iyon mula kay Edu at nandoon ang exact address kung saan kami magkikita. Kahit medyo nakakaramdam pa ako ng antok at gusto ko pa matulog ay wala akong choice kasi kailangan kong kumita ng extra. Bukod sa trabaho ko sa bar bilang waitress at cashier paminsan minsan ay may mga raket ako. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Edu dahil lagi niya ako sinasama sa mga raket niya. Matagal na kaming magkaibigan ni Edu at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Normal na sa akin ang kulang sa tulog at laging nagmamadali. Sanay na ako sa ganoong routine at okay lang 'yon sa akin kasi ang mahalaga sa akin ay malaki ang ipapadala ko sa probinsya. Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na ako sa venue kung saan kami kakanta. Pagbaba ko ng dyip ay agad ko siya nakita sa entrance ng hotel dala ang gitara niya.

"Ang aga mo naman ata? Hindi ka ba napatumba ng mga kainuman mo kagabi?" biro ko sa kanya at sumimangot lang siya.

"Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa iyo Thea, nagbago na ako mula ng makilala kita. Matino na ako ngayon," tugon niya sabay kindat at ako naman ang sumimangot.

"Tigilan mo nga ako Eduardo sa mga kalokohan mo. Huwag mo na ako isali sa mga babaeng nababaliw sa iyo. Hindi mo ako madadala sa mga ganyang style mo na bulok," mataray na sabi ko at tumawa siya nang malakas.

Tiningnan ko siya ng masama at umiling lang siya saka naglakad na kami papasok sa loob ng hotel. Saglit ako nagpaalam sa kanya para magpalit ng damit at mag-ayos na rin. Pagkalabas ko ng banyo ay diretso kami sa function hall kung saan ay sinalubong kami ng isang may edad na babae. Pinakilala ako ni Edu sa kanya at magalang na binati ko siya. Ilang sandali lang ay pumuwesto na kami malapit sa stage dahil magsisimula na ang party. Last week pa binigay sa amin ang listahan ng mga kanta na paborito ng couple kaya napag-aralan na namin. Habang kumakanta kami ay pinapanood naman ng mga bisita ang slideshow na ginawa para sa couple. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil kitang-kita ang kislap sa mga mata nila.

"Babe, may raket pala kami sa susunod na buwan kaso medyo high class pero malaki ang bigayan. Bet mo?" sabi ni Edu habang nagpapahinga kami sa likod ng stage.

Miyembro ng isang banda si Edu na tumutugtog malapit sa bar na pinapasukan ko. Isang gabi habang break ko nang marinig niya ako na kumakanta. Nagulat ako nang lapitan niya ako para alukin na sumali sa banda nila. Hindi ko gusto ang idea dahil hindi naman talaga ako professional na singer. Mahilig lang talaga ako kumanta at nagkataon na biniyayaan ng magandang boses. Inalok na lang niya ako ng sideline at iyon ang sumama sa mga raket niya. Nag-solo na kasi ang dati niyang partner kaya kailangan niya ng kapalit. Tinesting ko muna and so far ay okay naman kaya hanggang ngayon ito na ang isa sa mga raket ko.

"High class?" tanong ko.

"Bigay ko sa 'yo ang buong detalye Babe pagkatapos nito." Nakangiti na sagot niya at pinisil ang pisngi ko.

"Eduardo!" saway ko sa kanya. "Pwede bang huwag mo akong tawaging Babe baka kung anong isipin ng makakarinig sa 'yo. At saka baka mamaya niyan bigla na lang may humablot sa buhok ko at sampalin ako," sabi ko habang pinandidilatan ko siya nang mata.

"Ang cute mo talaga kapag napipikon ka kaya gustong-gusto kita. Ayaw mo noon may reservation ka na sa akin," preskong tugon niya at tinaasan ko siya nang isang kilay.

"Hay naku, if i know defense mechanism mo lang 'yan para walang lumapit na babae sa 'yo. Lumantad ka na kasi tanggap naman kita at promise walang magbabago. Beshy?" nakangiting sabi ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit mailap siya sa mga babae dahil kung tutuusin ang daming babae nagkakandarapa sa kanya. Sa bar kung saan sila tumutugtog ay halos babae ang customer nila dahil sa kanya. Lahat na ata ng pwede kong maisip na katangiang hinahanap ng isang babae sa lalaki ay halos na kay Edu na. Isang napakalaking palaisipan sa akin kung bakit umiiwas siya sa mga babae. Sabi ng mga kasama niya sa Banda ay babaero si Edu pero biglang nagbago. Napaka-impossible namang bakla siya dahil lalaking lalaki ang datingan mula sa porma hanggang sa pananalita. Pero sa panahon ngayon ay mahirap ng malaman kung straight, bi-sexual or gay ba ang isang lalaki. Ilang beses ko na siyang tinatanong pero lagi lang niya dinadaan sa biro.

"Talaga? Walang magbabago?" tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Aamin na ata ang bakla. Mababawasan na naman ng magagandang lahi ng kalalakihan sa mundo." nanghihinayang na sabi ko sa sarili habang nakatingin sa kanya.

Nakita kong magsasalita na siya nang bigla kaming tinawag ng event coordinator para sa last set namin. Tiningnan niya ako ng seryoso at hindi ko alam kung ano ba talaga ang magiging reaksyon ko kapag sinabi na niya ang totoo.

"Let's go," aya niya at tumango ako.

"Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para aminin niya ang lahat." Sabi ko sa sarili ko.

Tinapik niya ako sa balikat bago siya tumayo saka ako inalalayan palabas papunta sa stage. Nagpa-extend pa sila ng ilang oras kaya almost five na natapos. Tuwang-tuwa ang couple at personal pang nagpasalamat sa amin. Inabutan nila kami ng sobreng may laman na pera bilang tip kaya naman ang saya ko. Nangako sa amin ang event coordinator na kaibigan ni Edu na kokontakin niya ulit kami once na mangailangan ulit siya.

"Diretso ka na ba sa bar?" tanong ni Eduard habang sakay kami ng elevator.

"Oo. Ikaw ba?" sagot ko.

"Sabay na tayo pero pwede ba mag-dinner muna tayo," sabi niya habang hinihimas ang tiyan.

"Ha? Eh mauna na ako kasi busog pa naman ako," nakangiti na sagot ko at umiling siya.

Ang totoo ay gutom na rin ako pero ayaw kong bawasan ang kinita ko. Nakakahiya man pero nagpaalam ako kanina sa coordinator kung pwede ako mag-take out ng pagkain at pumayag naman siya. Ang balak ko ay kainin ko iyon mamaya pagdating ko sa bar bago ako pumasok.

"Hay naku Thea, hindi ka pa rin nagbabago ang kuripot mo pa rin. Sa palagay mo ba mabubusog ka roon sa kinuha mong pagkain kanina?" natatawa na sabi niya.

Bigla akong napatingin sa kanya at nakita kong pinipigilan niya ang matawa sa harap ko. Agad akong tumungo sa sobrang kahihiyan at naramdaman kong nanginit ang pisngi ko.

"Althea, nakakahiya ka ang tingin tuloy niya sa 'yo isa kang PG!" inis na sabi ko sa sarili.

"Common Thea, huwag ka ng mahiya sa akin okay lang 'yon ang sa akin lang ay hindi ka naman mabubusog kasi pasta at sandwich lang iyon. Kanina namang lunch hindi ka rin kumain ng marami. Sige na treat ko naman kaya huwag ka ng tumanggi. Okay?" nakangiti na sabi niya.

"Okay." mabilis na sagot ko at nakita kong umiling-iling lang siya saka tumawa.

Pagdating namin sa Restaurant ay hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na umorder. Dahil matagal na rin kaming magkaibigan kaya alam na niya ang gusto kong kainin kaya siya na mismo ang umorder ng pagkain para sa aming dalawa. Saglit ako pumunta sa banyo para magpalit ulit ng damit.

"Thea, may raket ka ba sa Sunday? Birthday kasi ng Boss ko and I heard need nila ng extra waitress? Gusto mo ba?" tanong niya at parang bumbilya nagliwanag ang mga mata ko.

"Ano ka ba Edu, kailangan pa bang tanungin iyan. Syempre naman gorabels ako para namang hindi mo ako kilala." sagot ko habang ngumunguya.

"Syempre rest day mo 'yon Babe kaya tinanong muna kita. Alam mo Thea pwede naman kitang pahiramin ng pera kung kailangan mo talaga. Ayaw sana kita isama sa mga raket ko kasi alam kong pagod ka na sa work mo pero -

"Subukan mo lang na hindi ako isama sa mga raket mo at isusumpa kita hanggang langit. Isusumpa ko rin ang mga susunod mong henerasyon," putol ko sa sinasabi niya at tinuro ko ang tinidor sa kanya.

"Sorry naman! Nagmamalasakit lang 'yong tao gusto mo namang manakit." nakangiwi na sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay.

"Tungkol nga pala doon sa highclass na raket na sinabi mo kanina?" tanong ko sa kanya pagkatapos ko uminom ng tubig.

"Naimbitahan kasi kami na tumugtog sa isang charity event and we need female vocalist. Ang sabi ni Mike tanungin daw kita kung gusto mo," sagot niya.

"Kung ang sabi mo kanina ay malaki ang bigayan syempre naman G na G ako. Ako pa ba ang tatanggi alam mo naman na mukha akong pera. So, kailan ang start ng practice?" excited na tanong ko.

"Mukhang pera talaga? Oo, isang malaking company ang may sponsor nang event kaya for sure ay malakihan 'yon. By next week ay ibibigay na kay Mike ang list ng mga kanta. Advice na lang kita Babe kung kailan," sagot niya sabay kindat.

"Mahanginan ka sana," nakangiwi na sabi ko at tumawa siya nang malakas.

Pinagpatuloy namin ang pagkain at pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na kami ng Restaurant. Napatingin muna ako sa relo ko at tamang-tama lang dahil may ilang oras pa kami bago makarating sa bar. Inabot niya sa akin ang helmet at nang subukan niya na tulungan ako ay tinapik ko ang kamay niya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon ko na sumakay sa motor niya kaya sanay na ako. Pagkababa ko ng motor niya tinanggal ko ang helmet at inabot sa kanya. Natigilan ako sa pag-aayos ng buhok ng inabot niya sa akin ang envelope. Sinenyasan niya ako na kunin pero umiling ako at tiningan ko siya ng masama.

"Text-text na lang, Babe." sabi niya.

"Okay, text mo na lang ako. Salamat ulit." tugon ko.

"Uy bakla, 'yong sa Sunday na raket I confirm mo na ako ha," pahabol ko bago niya paandarin ang motor at tinanggal niya ang helmet.

"Anong sabi mo?" naguguluhan na tanong niya at natigilan ako.

"Ang sabi ko 'yong raket na sinabi mo sa sunday go na ako," pag-uulit ko at tiningnan niya ako ng maigi.

"Pero parang may iba pa akong narinig sa sinabi mo?" tanong niya.

Inalala ko kung ano nga ba ang sinabi ko kanina at gusto kong batukan ang sarili ko. Hindi ako nagpahalata at ngumiti ako. Hindi ko naman siya pinipilit na maglantad agad kung hindi pa siya handa. Naisip ko rin na mahirap para sa kanya iyon lalo na sa trabaho niya. Magaling na musikero si Eduard at nakikita ko na passion talaga niya ang pagtugtog. Hindi niya sinabi ang buong kwento pero nabanggit niya na mas pinili niya ang musika kaysa sa pamilya niya. Kapag nababanggit ko ang tungkol sa pamilya ko bakas sa mukha niya ang pangungulila.

"Shocks! Ayaw pa ata talaga niyang maglantad," bulong ko at tinakpan ko ang mukha ko.

"Oh siya gorabels na ako," sabi niya at bigla akong napatingin sa kanya.

"Ingat Bessie," nakangiti na sabi ko at ngumiti lang siya saka sinuot ulit ang helmet.

Habang tinatanaw ko ang motor niya papalayo ay hindi ko maiwasang mapangiti. Napakaswerte ko dahil may kaibigan akong katulad ni Eduard na laging nandiyan para sa akin. Hindi ko masabi na may pamilya ako dahil pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako. Marami akong pinagdaanan sa buhay ko kaya natutunan ko na maging independent. Si Nikka at Eduard ang nagparamdam sa akin na may masasandalan ako at malalapitan sa oras na kailangan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Never let you go   CHAPTER 67

    "What do you think Babe?" tanong ko habang inaayos ang suot ko.Ngayon ang schedule ng interview ko at halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang kaba. Tinawagan ko pa si Nikka para magpatulong kung ano ang maganda na susuotin ko kasi gusto ko magbigay ng magandang impresyon. Sa mga pinasahan ko ng resume ito pa lang ang tumawag para sa interview kaya naman ganoon na lang ang tuwa ko. Magkahalong excitement, kaba at kaunting takot ang nararamdaman ko mula pa kahapon. Kahit alam kong hindi sang-ayon si Axel sa paghahanap ko ng trabaho ay hindi naman niya ako pinagbawalan o pinigilan. "Babe, okay na ba Ito?" tanong ko at hinintay ko ang reaksyon niya."Babe," malambing na tawag ko sa kanya at hindi pa rin siya nagpatinag."Axel Maverick Rodriguez!" tawag ko sa kanya pero mas malakas at may diin. Tiningnan niya ako at sinenyasan ko siya na tingnan muna ako. Binaba niya ang binabasa niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakangiti na umikot pa ako para mas makita

  • Never let you go   CHAPTER 66

    Pinilit ko tanggalin sa isip ko lahat ng mga narinig ko sa banyo kanina. Ilang beses naman na pinaalala sa akin ni Nikka na may maririnig talaga ako na hindi maganda tungkol sa amin ni Axel kaya dapat ihanda ko ang sarili ko. Kung ano man ang nasa isip at sinasabi nila ay opinyon nila iyon. Ayoko masira ang gabing ito at gusto ko lang na mag-enjoy kami ni Axel dahil ito ang unang pagkakataon na pinakilala niya ako sa lahat. Hindi ko naramdaman na kinakahiya niya ako kapag pinapakilala niya ako. Hangga't maari ay ayoko na mag-aalala si Axel at makadagdag pa sa isipin niya. "Nasaan po si Axel?" tanong ko kay Ms. Sales pagbalik ko sa table namin pagkatapos ko siya hanapin sa paligid.Hindi ko namalayan na matagal pala ako nawala. Nagtaka ako ng hindi ko siya makita sa pwesto namin kaya tumingin ako sa paligid para hanapin siya. Hinanap ko rin ang Papa ni Axel at nakita ko siya na may kausap sa hindi kalayuan kaya kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Ramdam ko kasi ang tensyon sa

  • Never let you go   CHAPTER 65

    Habang ipinapakilala ako ni Axel sa mga staff ng foundation ay ramdam kong nakasunod ang mga mata ni Charmaine sa amin. Hindi talaga umalis sa tabi ko si Axel at halos ayaw na niya bitawan ang isang kamay ko. Napansin ko na pasimpleng umiiwas si Axel sa dalaga kaya kahit paano ay nabawasan na ang inis na nararamdaman ko kanina. Tuwang-tuwa ako sa mga beneficiary ng foundation lalo na sa mga bata na halatang malapit na malapit kay Axel. Sobrang dami ng natulungan ng foundation at bakas sa mga mukha nila ang saya. Bukod kasi sa medical assistance ay binibigyan din ng scholarship ang mga bata para makapag-aral at ang iba naman ay binigyan ng trabaho sa kumpanya. Nakakatuwa isipin na ang iba sa mga staff ay mga nakapagtapos sa tulong ng foundation at ngayon ay sila naman ang tumutulong sa iba. "Sana Althea ay makabisita ka rin sa amin para naman makita mo ang foundation. Matutuwa rin ang mga bata na makasama ka nila," sabi ni Ms. Sales ang in-charge sa foundation at napatingin ako kay Ax

  • Never let you go   CHAPTER 64

    "Where here, Babe!" narinig ko na sabi ni Axel at napatingin ako sa kanya.Dahil sa sobrang kaba ko hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa Hotel. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko maipaliwanag. Ramdam kong pinagpapawisan ang mga palad ko sa sobrang kaba. Sumisikip din ang dibdib ko at ang bilis ng tibok nang puso ko. Pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko na hindi ko maipaliwanag. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito."Babe," kinuha niya ang dalawang kamay ko saka pinisil iyon at huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko."I understand if you don't want to go. We can just go back and forget this -"Okay lang ako Babe. Kinakabahan lang ako kasi ngayon lang ako makaka-attend sa ganitong event bilang guest," putol ko sa sinasabi niya at nag-aalala na tiningnan niya ako."Okay lang talaga ako Babe," nakangiti na sabi ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko."Huwag kang mag-alala dahil kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa tabi m

  • Never let you go   CHAPTER 63

    "Huwag na kayo ako tumuloy?" puno ng alanganin na tanong ko habang nakatingin sa salamin at tiningnan ako nang masama ni Nikka.Gusto niyang makasigurado na okay ang itsura ko kaya nagpumilit siya na pumunta sa bahay habang inaayusan ako. Siya rin ang naghanap ng mag-ayos sa akin at pumayag naman si Axel. Sa tingin pa nga ni Axel ay magandang ideya iyon. Kaya ko naman mag-ayos pero gusto ni Nikka na maging perfect ang kalalabasan. Hindi ko tuloy Alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa ginawa niya."Gusto mong kalbuhin ko ang kilay mo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya at huminga ako nang malalim.Kakaalis lang ng mga kaibigan niya na nag-ayos sa akin. Tinanong ko siya kung magkano pero sinabi niya na si Axel na ang nagbayad. Sobrang galing nila at talagang napaka-professional nila. Kagabi pa talaga ako hindi mapakali pero pinipilit ko iyon itago kay Axel dahil aam ko na totohanin niya ang sinabi niya na hindi siya pupunta kung hindi ako sasama. Nabanggit sa akin ni Mr. Jay ku

  • Never let you go   CHAPTER 62

    Ngayon lang ulit kami magkikita ni Nikka at sigurado na marami kaming pag-uusapan. Naging busy na kami siya sa work at ako naman sa paghahanap ng trabaho. Pagkalipas ng ilang oras ay nasa labas na ako ng building at naghihintay ng taxi papunta sa Mall kung saan kami magkikita ni Nikka. Habang nakasakay ako sa taxi ay nakatanggap ako ng message galing kay Nikka kung saan kami magkikita para hindi na ako mahirapan na hanapin siya. Pagpasok ko sa restaurant ay nakita ko na agad siya kaya naglakad na ako papalapit sa kanya."Kanina ka pa?" tanong ko pagtapik ko sa balikat niya.Nakangiti na lumingon siya sa akin saka tumayo para batiin ako. Nagbeso na muna kami saka nagyakapan na para bang ang tagal-tagal na naming hindi nagkita. Ang huling pagkikita namin ay noong mismong araw na umalis ako sa kumpanya. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko at kumain kami sa labas bago ako umuwi. Hindi naman kami nawalan ng communication dahil lagi niya ako kinakamusta."Kadarating ko lang naman," tugon ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status