LOGINTuwing natatapos na ang "special evening yoga" session nila ni Asher, bigla na lang itong nawawala—parang ninja. One moment, kabayo ng kamunduhan, next moment, wala na. Ang bilis ng pagligo, parang may contest.
At si Roselynn? Wala. Hindi makabangon. Literal. Para siyang binagsakan ng refrigerator. Para siyang ni-level up na ulam—lutong-luto, sunod-sunod pa ang serve.
“Kung ganito lagi, hindi ko na kailangan ng gym,” aniya minsang halos gumagapang palabas ng kama. “Pati ‘yung abs ko, lumalabas na sa takot.”
Sabi daw ng mga doktor, mas mabilis siyang mabubuntis kung regular ang… ehem, ehersisyo. At mukhang sineryoso naman ito ni Asher. Halos araw-araw ang attendance. Walang absent. May dalang dedication.
At oo, late na ito umuuwi galing trabaho, pero parang may naka-set na alarm sa katawan nito. Pag-uwi pa lang: “Time-in na!”
Minsan, naririnig ni Mrs. Ali, ang kasambahay, na humihinga ng malalim si Roselynn mula sa kuwarto.
“’Day, okay ka lang ba diyan?” tanong niya kinabukasan habang pinapahiran ng efficascent oil ang likod ni Roselynn.
“Okay lang ho... feeling ko lang lumuwag ‘yung kaluluwa ko sa sobrang pagod.” mahina niyang tugon, "parang lumalambot na ang lahat ng buto ko."
Si Mr. Ali, na siyang driver ni Asher, ay ilang beses nang gustong kausapin si Master tungkol sa intensity ng "workload" ng kanyang amo kay Roselynn.
“Baka pwede nating sabihin sa kanya na may limit ang human endurance,” sabi ni Mr. Ali kay misis habang nagkakape.
Nang wala na silang magawa, silent support na lang ang naging role nila. Si Mrs. Ali ang naging personal cheerleader ni Roselynn: “Go girl, kaya mo ‘yan. Para sa baby! saka kapag nabuntis ka naman agad, tapos na ang cardio exercise niyo.”
"Hala, tapos na?" sabi ni Roselynnsa sarili, "pero paano ko mapapakita ang best of the best ko.."
Ang catch? Never pa rin nakita ni Roselynn ang mukha ni Asher. Laging may piring ang kanyang mga mata. Laging pa-misteryoso ang lalaki. Parang surprise guest sa game show.
Minsan, nagka-existential crisis si Roselynn habang nakadapa sa kama, naghihintay ng muscle recovery.
"Lord, paano kung hitsura pala niya ay kombinasyon ng kaldero, siling labuyo, at tuyong bangus? At kung may anak kami, mana sa kanya? Hindi ako ready sa ganung gene pool."
Pero sa totoo lang, kahit clueless siya sa itsura, na-eenjoy niya na ang company nito. Minsan nga, siya pa ‘yung umaariba. Gumigiling na parang bulate sa ibabaw nito.
**************
Huling gabi na ng buwan. Ramdam niyang may kakaiba, dahil late na, hindi pa rin umaalis ang lalaki.. Lumabas si Asher sa terrace. Naamoy niya ang usok ng sigarilyo.
“Uy, stress si Master,” bulong niya sa sarili. "Bakit kaya?"
Biglang parang nagkaroon ng booth sa isipan niya at narinig niya ang boses ni Kris Aquino.
"Game ka na ba?"
"Bakit nai-stress si Master?"
"A. Bitin sa Bembang
B. Over sa Bembang.
C. Gusto pang makabembang.
D. Nag iisip ng style, go!"
"Feeling ko kasi, letter D," sabi niya sa sarili.
Gusto na niyang sumilip. Gusto niyang malaman ang hitsura nito. Pero paano kung totoo nga ang hinala niyang mukhang extra sa horror movie ang lalaki? Tapos maging bangungot pa niya iyon gabi gabi?
“Kung mukha siyang demonyito, paano na ang future ko? Baka pag-uwi ng anak ko sa school, sabihan siyang ‘anak ka ng multo!’”
Kaya, kahit gustung-gusto niya itong masilayan, nagpigil siya.
Pero bago tuluyang lumisan si Asher, may sinabi itong tila may kilig na epekto kay Roselynn.
"Sana... may mabuo na tayo."
Pagkasarado ng pinto, kinilig si Roselynn—kahit pawis, nakadapa, at may piring sa mata.
“Charot. Pero sana nga... para may saysay ‘tong araw-araw na cardio! Nakakapagod magpabayo no!”
******************
PAGKALIPAS NG ISANG BUWAN...
Hawak niya ang pregnancy test kit na parang bombang puwedeng sumabog anumang oras. Nanginginig ang kamay niya. At ayun na nga — dalawang matingkad na pulang linya. Hindi lang pulang linya—literal na parang sinalungguhitang “Congratulations, girl!”
Napaupo siya sa sahig, tulala.
"Lord... buntis ako? As in legit? Hindi na ito epekto ng milk tea at hallucinations ko kagabi, ha?"
Hindi niya alam kung matatawa siya o maiiyak. Isang buwan siyang parang nasa reality show na "Survive the Mansion." Si Mrs. Ali lang ang kakwentuhan niya. Si Misteryosong Mabangong Lalaki? Wala pa ring face reveal! Parang ghosting, pero may extra step — bembang muna bago mawala.
At ang bembang... ay grabe.
Kung hindi siya nabuntis ngayon, baka schedule na naman siya for "another round of trauma bonding" with the man behind the mahogany doors. Tuloy-tuloy ang missionary work ng lalaki. Literal. Mission every night. Kahit nagmamakaawa na ang femfem niyang mamahinga.
Pero ngayon, at long last…
Positive. Dalawang linya.
"YESSS LORD!!!" bulong-sigaw niya habang nagfist bump sa hangin.
Nang bumungad si Mrs. Ali, may dalang tray ng prutas at kasamang kapeng walang lasa.
"Kumusta ang test, hija?"
Ngumisi siya na parang bagong panalo sa Wowowin.
Napataas ang kilay ni Mrs. Ali. “Congratulations. So… wala munang giling for the next nine months?”
“Hopefully po,” sagot niya habang tumatawa. “Unless biglang mag-request ng twins.”
“Hay naku, ‘wag ka mag-joke ng ganyan, baka marinig ka ni Master.”
Pagkatapos ay nagtanong si Mrs. Ali ng kanyang mga kahilingan, parang genie in a bathrobe. Dalawa lang ang hiniling niya:
Makabalik sa school. Gusto niyang makapag aral. Ayaw niyang maging "Batch Forever."
Makabalik sa apartment niya. Masyado kasing malaki ang mansion. Feeling niya, nasa haunted house siya pero ang multo ay amoy Dior Sauvage.
“Tatanungin muna natin si Master,” ani Mrs. Ali, habang kinuha ang cellphone. May sound effect pa ang pag-dial niya: tudut-tudut...
Makalipas ang ilang minuto, bumalik ito na parang spokesperson ng isang CEO.
“Pumayag si Master sa kahilingan mo.”
Tumango siya, parang beauty queen na nanalo sa Q&A.
Napatingin siya sa bintana, sabay bulong sa sarili:
*********
Inihatid din siya ng araw na iyon sa inuupahan niyang apartment. Pagkarating niya, naupo agad siya sa sofa na parang ibinagsak na manika.
"Okay, tawag muna kay Doc. Positive vibes, Roselynn. Positive... vibes."
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Doctor Santiago.
"Hello, Doc? Si Roselynn Palomar po ito, kumusta na po ang tatay ko?"
"Wag kang mag-alala," sagot ng doctor, "natanggap na namin ang bayad, at hinihintay na lang ang donor. Malapit na siyang maoperahan."
"Salamat po..."
Pagkababa ng tawag, napatingin si Roselynn sa kisame. Tumulo ang luha. At ang sipon. Sabay.
"Congrats, Roselynn. Nabenta mo ang 'bataan' mo para kay Papa. Palakpakan!" bulong niya sa sarili habang sarcastic na pumalakpak sa hangin.
"Nakakatuwa ba ‘yon? Dapat ko bang ipagmalaki? O mag-aapply na lang akong kontrabida sa telenovela?!"
Naupo siya sa upuan na parang ginawa para lang sa isang taong walang gana sa buhay. Nangalumbaba siya sa mahabang mesa. Seryosong sandali. Tila eksena sa pelikula… hanggang sa tumulo ang luha niya — diretso sa malamig na tinapay na naiwan sa mesa.
"Oh great. Luha sandwich. Sarap." bulong niya.
Pinunasan niya ang mukha gamit ang palad. Walang tissue, walang drama. Bare hands, full emotions.
Sinubukan niyang ngumiti — tipong smile na parang paslit na nasermonan pero pinilit ngumiti para sa picture.
"At least... mabubuhay si Papa. ‘Yun ang mahalaga, diba? Wala na 'kong dignidad, pero at least may tatay pa ako." Natawa siya kahit may luha pa sa gilid ng mata.
"Roselynn, this is your rock bottom. Or baka may basement pa 'to. Let's find out."
***********
PAGKALIPAS ng limang buwan..
Halata na ang kanyang tiyan.
Si Mrs. Ali ang umaalalay sa kanya araw araw, lalo na pagdating sa school.
Kapag inihahatid siya nito, ang principal mismo ang naghahatid dito palabas ng school, at magalang na nagpapaalam.
Siya ay nakatayo lang sa hindi kalayuan, at medyo shocked ng makita ang respeto ng dean sa butler ni 'Mysterious guy'. Kung ganoon tratuhin ng Dean, ang isang mayordoma, ibig bang sabihin, talagang big shot ang tatay ng kanyang anak?
Pero hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin.
"Wag kang mag alala, walang makakaalam na buntis ka. Gagawan ko ng paraan ang lahat, para sayo. Mananatiling lihim ang pagbubuntis mo." minsang sabi ni Mrs. Ali sa kanya.
Doon siya nakahinga ng maluwag.
Pagsapit ng hapon, nagtungo siya sa ospital upang bisitahin ang kanyang ama.
Dise-otso pa lang siya. Buntis na. Sa lalaking hindi niya kilala. Literal. As in hindi niya alam ang pangalan, apelyido, o zodiac sign. Basta may nangyayari gabi gabi, tapos ayan, boom—may pasalubong sa sinapupunan.
Hinding-hindi matatanggap ng kanyang ama ang ganitong nakakahiyang bagay. 'Yung tipong puputukan ng ugat sa noo, tapos mapapasigaw ng, "Anak ka ba talaga ng ama mo?!"
Buti na lang at malamig ang panahon. Pwede siyang magsuot ng jacket, hoodie, kumot, o kahit tabing kung gugustuhin niya. Basta matakpan ang maumbok niyang tiyan na para bang unti-unti nang naglaladlad ng sikreto.
Ang ospital? Sosyal. Maganda. Amoy disinfectant na imported. Private hospital na parang minahan ng ginto ang presyo—bawat hakbang mo parang may tunog ng "ching!" sa wallet mo.
Pagdating niya sa floor kung saan naroon ang kanyang ama, lakad siya nang lakad, kunwari composed, pero ang totoo ay para siyang nakikipag-agawan ng oxygen sa hallway. Kaba. Takot. At gutom.
Habang papalapit sa pinto ng kwarto, biglang—TADAAAN!
Narinig niya ang boses ng kanyang stepmother na si Lorie. Pamilyar. Malambing. Malambing na parang ahas.
"NASAAN kaya ang anak mo?" tanong ni Becky kay Roselynn habang iniikot ang tasa ng kape sa mesa. “Alam mo, kung alam ni Kuya Drake kung nasaan siya, malamang gagamitin pa niya ang bata para mapapayag kang sumama sa kanya. Lalo na ngayon, ramdam ko na medyo desperado na siya.”Umiling si Roselynn, pero hindi maikakaila ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha. “Noon, mga limang taon na ang nakakaraan, may nakita ako sa balita. Isang business tycoon na bigla na lang nagkaroon ng anak na babae—pero parang biglaan ang lahat. Walang ina, walang paliwanag, tahimik ang buong detalye. Kasing-edad din iyon ng anak ko… babae.” Napalunok siya, saka nagpatuloy, “Isa pa, sabi ng agent ko, matanda na raw ang lalaking nakabuntis sa akin. Nasa forty-five na ang edad. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya noon. Parang bangungot lang na dumaan.”Napatingin si Becky sa kanya, halatang may nadaramang duda at awa. “Roselynn… mahal mo ba talaga si Kuya Drake?” tanong nito, mababa ang boses at para ba
Tumango si Drake nang bahagya, ngunit ang ngiti niya ngayon ay malamig at napakabasag. “Sige. Kung wala talagang kasiraan si Asher, gagawa tayo ng kasiraan.”Lumapit siya sa mesa at binuksan ang drawer—mga papel, lumang envelope—tila naghahanda ng isang entretela. “Una: magkakaroon tayo ng manufactured paper trail. Gagawa tayo ng pekeng kontrata at mga invoice na magmumukhang ipinirma ni Asher sa mga shell company. Hindi natin kailangang magnakaw ng pera; sapat na ang magpakita na may conflict of interest at questionable procurement. May kakilala akong isang forger na kayang tularan ang pirma at letterhead nang hindi halata.”Sumimangot si Susan, sabik na sabik, “At itatambad natin iyon sa publiko?”“Hindi kaagad,” sagot ni Drake. “Unahin nating ilagay ang mga dokumentong iyon sa tamang tao — isang whistleblower na hindi maikakabit sa atin. Magpapadala tayo ng anonymous tip sa audit committee at magpapadala ng identical package sa isang respetadong business journalist. Pag kapag may n
"Ang bagal naman ng progress ng ginagawa mo!" inis na sabi ni Susan kay Drake. Si Susan Jimenez, ang stepmother ni Asher, ay may lihim na plano na magtatakda ng kapalaran ng buong pamilya. Sa kanyang mata, si Asher—anak sa labas ng kanyang asawa—ay hadlang sa tagumpay ng anak niyang si Simon. Nais niyang ang kayamanan at kontrol sa kumpanya ng pamilya Andrade ay mapunta sa anak na kanyang iniidolo, at hindi sa isang anak na ipinanganak sa labas.Hindi niya maipaliwanag sa iba, ngunit sa kanyang puso, hindi niya kayang tiisin na si Asher ang magmana ng lahat. Kahit si Simon, na pumasok sa ibang larangan at hindi diretsong nakikibahagi sa negosyo, ay nararapat lamang na maging tagapagmana. Nang mabigyan siya ng pagkakataon na makilala si Drake, isang lalaking kapuri-puri sa talino ngunit hindi alam ni Asher ang tunay na ambisyon, nakakita siya ng pag-asa.Malaki ang puhunan ni Susan kay Drake—hindi lamang pera, kundi pati ang lahat ng mahahalagang files ng kumpanya. Si Drake, dahil sa t
KINABUKASAN.Tahimik ang umagang iyon sa bahay ni Becky. Sa malawak na veranda, nakalapag ang isang tray ng kape at mainit na pandesal. Sa tabi ng mesa, naroon si Roselynn, nakatingin sa malayo, tila iniisip pa rin ang mga pangyayari kagabi.“Roselynn?” tawag ni Becky, lumabas mula sa loob ng bahay habang pinupunasan ang kamay sa apron. “Ang aga mo yata ngayon. Hindi ka naman ganito dati, ha?”Ngumiti si Roselynn, ngunit pilit. “Hindi ako nakatulog kagabi,” mahinang tugon niya.Umupo si Becky sa tapat niya, sabay buhos ng kape sa tasa. “May problema ba sa trabaho? O baka naman… si Asher na naman ‘yan?”Umiling si Roselynn. “Hindi si Asher.”Huminga siya nang malalim, saka tumingin sa kaibigan. “Pinuntahan ako kagabi… ng kapatid mo.”Natigilan si Becky. Napatigil siya sa paglagay ng asukal sa kape. “Si—si kuyaDrake?” halos pabulong niyang tanong, tila hindi makapaniwala.Tumango si Roselynn, at marahang inilapag ang tasa sa mesa. “Oo. Nakita ko siya sa labas, habang pauwi ako. Tinawag
"ROSELYNN…"Isang tinig ang tumawag sa kanya, habang naglalakad siya pauwi mula sa convenience store. Tahimik ang kalsada, tanging langit na unti-unting nilalamon ng dilim ang saksi sa pagod niyang mga hakbang. Ang malamig na hangin ay tila nagsasayaw sa kanyang buhok, at ang mga ilaw sa poste ay pumipintig kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso.Paglingon niya, natigilan siya.“Drake!” gulat niyang sabi. Agad siyang lumapit sa lalaki—at bago pa ito makapagsalita, tumama na ang kamay niya sa pisngi nito. Malakas. Maririnig pa ang tunog ng sampal sa katahimikan ng gabi.Hindi na nagulat si Drake. Parang inaasahan na niya iyon. Nakatingin lang siya kay Roselynn, hawak ang pisnging nasampal, at bakas sa kanyang mga mata ang pagod—hindi lang sa katawan, kundi sa kaluluwa.“Anong ginawa mo, ha?! Bakit mo kami iniwan nang walang paliwanag?” halos pasigaw na sabi ni Roselynn habang nanginginig ang kamay. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi, pinilit niyang punasan pero patuloy lang itong b
“ROSELYNN…” tawag ni Becky sa kaibigan habang pinapakain ang dalawang anak ni Asher sa maaliwalas na veranda. Ang init ng tanghali ay tinatabingan ng puting kurtina na marahang sumasayaw sa ihip ng hangin. Amoy kape at tinapay ang paligid, ngunit tila wala sa loob si Becky — halatang mabigat ang iniisip.“Kumusta? Anong balita?” tanong ni Roselynn, sabay tayo mula sa upuan. Lumapit siya sa kaibigan at mahigpit itong niyakap. “Nagkita ba kayo ni Drake?”“Tinakasan niya ako,” mahinang sagot ni Becky habang pilit pinipigil ang pag-iyak.“Ha?” gulat ni Roselynn. “Anong ibig mong sabihin?”“Umalis siya ng bahay. Wala man lang pasabi. Basta na lang naglaho,” sagot ni Becky, sabay buntong-hininga. Namumugto ang mga mata niya — halatang ilang gabi nang walang tulog.Natahimik si Roselynn. Panandaliang tumingin sa mga batang masayang kumakain ng spaghetti sa mesa. “Nag-message siya sa akin noong nakaraan,” aniya sa wakas.Agad lumingon si Becky, puno ng pagtataka. “Anong sinabi niya?”Sandalin







