LOGINNaiwan si Senna na mag-isang lumalaban para sa apat na taong gulang na anak niyang si Ashley na may leukemia, matapos siyang pagtaksilan ng asawang si Mavix at ng matalik niyang kaibigan na si Natalia. Ngunit lalo pang nadurog ang puso niya nang malaman niyang hindi pala tunay na ama ni Ashley si Mavix. Nabaon sa utang si Senna nang mapilitan siyang umutang ng isang milyon sa loan shark para lang mabayaran ang hospital bill ng anak niya. At kinabukasan, bigla naman siyang tinanggal sa trabaho. Sa desperasyon at takot na hindi mabayaran ang utang at mapagamot si Ashley, napilitan siyang tanggapin ang trabaho bilang assistant ng malamig, dominante, at bilyonaryong CEO ng Ellington Biopharm Corporation—si Lucien Ellington. Isang lalaking kinatatakutan ng lahat at literal na allergic sa bata. Sa loob ng sampung taon, walang gamot ang nakapagpagaling sa rare condition niya kahit pa kumuha siya ng pinakamahusay na scientists at sariling research team. Ngunit isang araw, si Ashley ang biglang lumapit sa kanya… at sa unang pagkakataon, hindi siya inatake ng allergy. Doon niya naalala ang teorya ng scientist niya noon—na kung may batang hindi magti-trigger ng allergy niya, posible raw na may malalim itong koneksyon sa kanya. Dahil doon, pinaimbestigahan niya si Ashley. Nang malaman niyang minsan na pala niyang nakasama ang ina ng bata sa isang one night stand, agad niya itong pina-DNA test at nag-positive ang result. “Billionaire Daddy, please marry my mommy before I die,” inosenteng sabi ng bata. Tumango si Lucien at humarap kay Senna. “Senna, let's get married. I’ll make sure Ashley gets treated by the best doctors I know. And if you give me another child… half of the Ellington family’s assets will be yours.”
View MoreNanlumo ako pagkatapos kong marinig iyon. Hindi ko akalaing magkakaroon ng malubhang sakit si Ashley—ang apat na taong gulang kong anak.
Walang emosyon at tulala akong naglakad papunta sa billing area. Ika-limang araw na ngayon ng admission ni Ashley, at kulang ako sa tulog dahil sa pagbabantay ko sa kanya.
Pagdating ko roon, halos hindi ako makapagsalita, nanginginig ang bibig ko, pati ang mga daliri ko sa kaba.
“Mrs, mag-bill out po kayo? Ano pong pangalan ng pasyente?”
Saka lang ako natauhan nang magsalita ang cashier.
“O-Opo, Ashley Chavez ang pangalan ng anak ko.”
Agad na tinipa ng cashier sa computer niya ang mga detalye. Ilang minuto rin akong naghintay, ngunit mas lalo akong kinabahan.
Hindi lang dahil sa nalaman ko kanina, kundi sa kung magkano ang bill namin sa loob ng limang araw.
“Ito na po ang bill niyo,” wika ng cashier nang iabot sa akin ang papel.
Nanginginig pa rin ang kamay ko nang tanggapin iyon. Nang mabasa ko ang total bill, napaatras ako nang bahagya sa sobrang mahal!
Total Bill: 798,035.25
“Almost eight hundred thousand pesos ang bill namin? B-Bakit sobrang mahal naman para sa limang araw na admission?!” reklamo ko.
Semi-private ang ospital, kaya iniisip ko na baka mas mura kaysa sa mga private hospitals. Ngunit nagkamali ako.
“Mrs, mahal po ang diagnostics test ng anak mo. May mga specialist din ang tumingin sa kanya kaya gano’n din kamahal ang professional f*e nila.”
Napatingin muli ako sa papel, inisa-isa ko ang lahat ng doctor na tumingin sa anak ko. Tatlo silang tig-iisang daang libo ang halaga. Mga diagnostic test na umaabot ng kalahating daang libong piso. Rate ng private room at ang ilan pang mga miscellaneous fees.
“Kung hindi niyo mababayaran ngayon, mas tataas pa po ang bill ng anak mo,” dagdag pa ng cashier.
Halos manghina ang mga tuhod ko sa sunod-sunod kong problema.
Muli, matamlay akong naglakad pabalik sa kuwarto ng anak ko. Bago ko binuksan ang pinto, inayos ko muna ang sarili ko at nagpanggap akong ngumiti.
“Mommy is back!” masigla kong sabi habang natutuyo na ang lalamunan ko sa pagpigil ng emosyon ko.
Agad akong ngumiti kay Ashley kahit pakiramdam ko’y unti-unti nang nadudurog ang buong pagkatao ko.
Nakahiga siya sa maliit na hospital bed, nakasaksak pa rin ang dextrose sa manipis niyang kamay. Namumutla ang dating mapula niyang pisngi, at ang labi niya’y tuyot na tuyot. Halos kalahati na lang ng dating sigla niya ang natira.
“Mommy…” mahina niyang tawag habang nakatingin sa akin gamit ang malalaki niyang mata. “I wanna go home, please? Ayoko na sa injection,” naiiyak niyang sabi.
Parang may humigpit na kamay sa puso ko. Ngumiti ako kahit gusto ko nang humagulhol sa harapan niya.
Manipis na ang buhok ni Ashley. Ilang hibla na rin ang nawala mula sa dating makapal niyang bahagyang kulot na buhok. Maitim ang ilalim ng mga mata niya, at halata ang panghihina sa payat niyang katawan. Kahit simpleng pag-upo lang, hinihingal na siya.
“Bukas, baby. Madidischarge na tayo.”
Biglang lumiwanag ang mukha niya.
“Talaga? Uuwi na tayo?” masaya niyang sabi kahit halatang pagod na pagod na siya.
“Opo.”
“Yey…” mahina niyang sabi saka dahan-dahang yumakap sa akin.
Napakagat ako sa labi ko habang yakap-yakap ang anak ko. Hindi niya alam na wala akong ideya kung paano ko siya ililipat ng ospital. Hindi niya alam na parang guguho na ang mundo naming dalawa.
“Mommy…” muli niyang tawag.
“Hm?”
“Are you okay?”
Natigilan ako.
“B-Bakit mo naman natanong iyon?”
“Parang malungkot ka…” bulong niya. “Tsaka parang iiyak ka po.”
Mabilis akong umiwas ng tingin.
“Hindi ah,” pilit kong sabi habang pinupunasan ang gilid ng mata ko. “Pagod lang si Mommy.”
“Is there something wrong?”
Parang sinaksak ang dibdib ko sa tanong niya.
Wala akong naisagot agad.
“Wala, baby,” mahinahon kong sabi. “Aalis lang muna si Mommy saglit, may kukunin lang ako sa bahay, okay?”
“Kailan ka po babalik?”
“Mabilis lang, baby.”
Tumango siya saka ngumiti nang mahina.
Madalas ko siyang iwan dito sa kuwarto niya kapag may kailangan ako. Nakikiusap lang ako sa nurse na tingnan siya paminsan-minsan. Panatag naman ako dahil malapit lang ang kuwarto sa nurse station.
“Mag-iingat ka, Mommy.”Tuluyan na akong napaiyak pagkatalikod ko. Paglabas ko ng kuwarto, agad kong tinakpan ang bibig ko habang naglalakad sa hallway ng ospital. Nanginginig ang buo kong katawan.
Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong iligtas ang anak ko.
Bigla kong naalala ang joint account namin ni Mavix. May isang milyon pa roon—pera na matagal kong pinag-ipunan para sana sa future ni Ashley. Hindi naman kami mayaman, kaya todo kayod at pagtitipid ko para lang may maitabi para sa anak namin. Kahit may sarili ring trabaho si Mavix bilang general manager sa finance department ng isang kilalang kompanya at isa ring accountant, halos ako lang naman ang naghuhulog at nag-iipon sa account na iyon.
Mabilis kong binuksan ang banking app ko habang naglalakad palabas ng ospital. Ngunit natigilan ako nang makita ang natitirang balance.
Remaining Balance: ₱15.25
Parang huminto ang mundo ko.
“Ano?”
Nanginginig kong pinindot ang transaction history. Sunod-sunod na purchases ang bumungad sa akin—luxury bags, women’s designer clothes, diamond jewelry, at mamahaling sapatos.
Parang muling binuhusan ng nagyeyelong tubig ang buong katawan ko. Sumikip ang dibdib ko habang paulit-ulit kong binabasa ang bawat detalye ng transactions.
SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley na abala sa paglalaro ng luma niyang stuffed toy. Halos wala na kaming ibang gamit sa apartment kundi ilang kahon ng damit at mga gamit niya.Ang ibang gamit namin, pina-Lalamove ko na lang mula sa bahay ni Mavix. Ayoko nang bumalik doon. Ayoko nang makita pa silang dalawa ni Natalia.“Mommy…” mahinang tawag ni Ashley habang nakatingin sa paligid ng apartment. “Bakit tayo lumipat ng bahay?”Napilitan akong ngumiti sa kanya kahit masakit.“Mas malapit kasi ito sa work ni Mommy at sa hospital mo, baby,” pagsisinungaling kong sagot habang inaayos ang kumot niya.“Hindi na tayo babalik sa old house?”Saglit akong natahimik.“H-Hindi na muna.”“Paano si Daddy?”Napahigpit ang hawak ko sa damit na
SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong panahon para mamili.“Saan ko siya mahahanap?” agad kong tanong.Makalipas ang isang oras, naroon na ako sa isang makitid na eskinita sa likod ng lumang commercial building. Madilim ang paligid at amoy sigarilyo ang buong lugar. May ilang lalaking may tattoo ang nakatambay sa labas habang nag-iinuman. Nang makita nila ako, agad nilang sinundan ng tingin ang bawat galaw ko dahilan para mas lalo akong kabahan.Parang gusto kong umatras, ngunit naalala ko si Ashley kaya nilakasan ko ang loob ko at pumasok sa loob ng opisina.Maliit lang ang kwarto. Madilim. May umiikot na electric fan sa kisame habang makapal na usok ng sigarilyo ang bumabalot sa paligid. Sa gitna ng silid, naroon ang isang lalak
SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa ng kape sa mesa bago tuluyang itiniklop ang diyaryo.Ngayon lang niya ako nilingon. At sa tingin pa lang niya, pakiramdam ko’y muli akong naging maliit na batang desperadong naghahanap ng pagmamahal mula sa ama.Umupo ako sa tapat niya.“May leukemia si Ashley…” nanginginig kong sambit. “Kailangan ko ng tulong ninyo.”Napahigpit ang panga niya.Kitang-kita ko kung paano nagdilim ang mukha niya, ngunit wala na akong pakialam. Nilunok ko na ang lahat ng pride ko. Hindi na mahalaga kung gaano ako kababa sa harapan niya. Basta mailigtas ko lang ang anak ko.Ngunit ilang segundo lang siyang natahimik bago siya malamig na nagsalita.“Hindi ba’t malinaw na nagkaintindihan na tayo limang taon na an
SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga mata niya. “I… I’m sorry…”Lumapit siya sa akin para humingi ng tawad. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit, malakas na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.Pak!Napasinghap siya habang napahawak sa namumulang mukha niya.“Senna…” umiiyak niyang sabi.“Hayop ka!” sigaw ko habang nanginginig sa galit ang buong katawan ko. “Kaibigan kita! Tinuring kitang kapatid tapos magagawa mo ‘to sa akin?!”Muli kong itinaas ang kamay ko upang sampalin ulit si Natalia, ngunit bago pa dumapo ang palad ko sa mukha niya, mabilis na may humawak sa pulsuhan ko. Sa sobrang higpit na halos maramdaman kong mamaga ang braso ko sa sakit. Napasinghap ako bago dahan-dahang napatingala. Nakita ko si Mavix, suot na ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews