Share

Chapter 11.1: Refusal

๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป

๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—น

    Dennis woke up from his sleep when he heard a very loud noise. Parang may lagabog at sigawan? Napabalikwas siya ng upo at inikot ng mata ang buong kwarto. Nawala pa sa loob niya kung nasaan siya dahil ibang ang itsura ng kapaligiran niya.

Where am I?

"Raysen! Nasaan ka ba? Ke-aga-aga pinapainit ninyo any ulo ko, a?! Ang lalaki na ninyo at mga barako pa man din pero daig n'yo pa ang babae sa kakuparan? Bilisan n'yo na, a! Tatamaan kayo sa akin kapag nag-away-away pa kayo!"

"Rosa, highblood ka na naman? Hayaan mo na 'yang mga bata. Kung mahuli sila sa trabaho at klase nila, sila naman iyon. Tama na ang ingay, hane? Papasok na ako sa trabaho. Huwag mo nang pagalitan ang mga anak natin."

Saka pumasok sa isip niya na nasa bahay nga pala siya nila Raymond nang makarinig ng ingay sa labas ng kwarto kung nasaan siya ngayon. Inayos niya ang nahulog na comforter na nakakumot kanina sa kanya. Pinagpag din ni Dennis ang kamang hinigaan niya nang may magawa naman siya.

After doing that, he doesn't know what to do next. Should he also clean the whole room? Muli, inikot niya ng tingin ang buong kwarto. Peach colored ang wallpaint ng kwarto at tanging kama kung saan siya galing, computer at center table ang nandito.

Wala naman siyang makitang dumi at kailangang ayusin sa loob ng kwarto kaya nagpasiya si Dennis na lumabas. Binalikan niya lang uli ang kama at mas inayos pa ang pagkakatiklop ng comforter bago siya nag-aalinlangang lumabas.

Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang nagwawalis na Kuya ni Raymond. May nakita rin siyang isa pang lalaki na nagsusuot ng white long-sleeves shirt habang si Tita Rosa ay may spatulang hawak at sinisigawan sila.

"Ikaw, Mark, sinabihan na kitang huwag mong papatayin ang alarm clock mo kung hindi mo rin kayang bumangon nang maaga! Five minutes, five minutes, inabot ka ng isang oras sa kakaganyan mo!" Nakaharap ang ina ni Raymond sa lalaking nagsusuot ng necktie habang kinakausap ito. Pagkatapos, lumipat ang tingin nito sa isa pang Kuya ni Raymond na nagwawalis. Pamilyar ito sa kanya. Ito yata ang naghatid kay Raymond kahapon sa eskwelahan?

"Ikaw naman, Nald, ilang beses ko bang uulitin na huwag kang halos dalawang oras sa banyo! Maaga ka ngang babangon, ang tagal-tagal mo naman sa banyo! Ano, doon ka na ba titira? Marami ka pang kasunod na gagamit. Anong gagawin ninyo ngayon, late na naman kayo sa trabaho? Tapos kapag napagalitan kayo ng mga bisor ninyo, nagrereklamo kayo sa akin?"

"Ma, ang aga-aga ang ingay mo," reklamo ni Raysen. Galing ito sa labas at may bitbit na supot. Ito naman ang binalingan ng ina.

"Isa ka pa!"

"Ma, isa lang talaga ako. Wala akong kakambal, remember?"

Pinanlakihan ng mata ng babae ang anak. Tinawanan lang ito ni Raysen. "Ma, mamaya ka na mag-homily, okay? Kawawa naman sila Kuya n'yan, e. Busog na kaagad sa sermon mo. Pag-almusalin mo muna sila ng pagkain."

Umingos ang ina nito at nagpameywang na lang. Nakahinga naman nang maluwag si Raynald at Raymark dahil wala na sa kanila ang atensyon. "Ang lalaki na kasi ninyo, ang lulurit n'yo pa? At huwag mo akong nililibang, Raysen, a? Saan ka galing?"

Tinaas nito ang bitbit na supot ng inalog-alog. "Bumili ako ng pandesal para sa almusal. Nagluto kayo ng hotdogs, 'di ba? Tara, kain. Gigisingin ko na rin si Dennis para makakain. Bilin pa naman 'yon ni Raymond sa akin โ€” o, ito na pala, e. Dennis, tara, almusal ka." Pagbaling ni Raysen sa direksyon niya nang makita siyang nakatayo sa harap ng kwartong pinanggalingan.

Pakiramdam ni Dennis ay na-culture shock siya sa natunghayan. Hindi tulad sa bahay nila na tahimik at halos maririnig mo kahit ang munting ingay na gawa ng mga katulong, dito ay parang nasa fiesta siya. But weirdly, he doesn't hate the noise even though it's chaotic.

Hindi na naghintay si Raysen na umoo siya. Niyakag siya nito patungo sa dining area at pinaghugot pa siya ng upuan. Nakasunod naman si Tita Rosa. Dumiretso ito sa kitchen at kinuha ang hotdogs na nasa frying pan. Nilagay nito sa serving plate ang pagkain at ipinatong sa mahabang mesa.

"Raynald, Raymark, kumain muna kayo rito," pagtawag nito sa mga anak. Si Dennis naman ay nahihiya pa ring kumilos. Palihim niyang hinahanap si Raymond pero hindi niya talaga makita kung nasaan ang lalaking iyon.

Iniwan ba siya nito rito?

Waitโ€”that sounds weird. Para silang bagong kasal at iniwan siya ni Raymond sa mga in-laws niya sa inaakto niya ngayon.

Agad na pinilig ni Dennis ang tumatakbo sa isip. Bakit ba ganito ang pumapasok sa isip niya? Kinurot niya ang sarili para bumalik ang huwisyo. Nang ayos na, hinarap niya si Raysen na busy sa pagpapalaman ng tinapay at sinabi ang kanina pa gumugulo sa isip niya.

"N-nasaan si Raymond?"

May kabagalang lumingon sa kanya si Raysen at may kagat na tinapay na tinaasan siya ng kilay. Medyo nahiya si Dennis sa uri ng tingin nito kaya para siyang ostrich na halos isuksok ang leeg pabalik sa katawan. 

Kinain muna ni Raysen ang tinapay na nasa bibig at dumampot ng tinapay. Inabot nito kay Dennis ang hawak. "Si Raymond ba? Bakit, miss mo ba?"

Nanlaki ang mga mata niya. "H-ha?"

"Raysen, 'yang bibig mo, a? Nahihiya si Dennis. Nasaan nga pala iyong kapatid mong isa?" sita ng ina sabay tanong kung nasaan si Raymond.

"Nagplantsa ng uniform ni Dennis. Nilabhan niya kagabi iyong uniform tapos inaayos niya. Nasa taas lang iyon."

Napatingin si Dennis sa suot. Pinahiram na naman nga pala siya ng damit ni Raysen kagabi noong matapos silang kumain at pinahubad sa kanya ni Raymond ang uniform. Pero hindi niya akalaing lalabhan nito ang uniporme niya!

Hindi niya alam ang magiging reaksyon dahil hiyang-hiya siya. Pinatuloy siya rito sa bahay at ngayon naman, pinaglaba pa? Bakit ang bait ni Raymond sa kanya?

Nakamasid si Raysen kay Dennis at nakita nito ang pamumutla at pagkalito sa mukha niya. Naawa naman ito dahil mukhang wala talagang kaalam-alam si Dennis sa feelings ni Raymond.  Tumingin si Raysen sa ina na binalaan naman ito ng tingin. Napanguso si Raysen dahil sa pagsita ng ina at binalik ang tingin kay Dennis.

Tapik sa balikat ang nagpaangat ng ulo ni Dennis at nakita niyang nakangiti si Raysen sa kanya. "Huwag kang mahiya, Dennis. Hindi uso iyon dito sa amin. Feel free para alilain si Raymond."

"Anong alilain ako? Ikaw kaya ang alila rito!" Bumaba ng hagdan si Raymond at narinig nito ang sinabi ng kapatid kay Dennis. May pagmamadali itong lumapit sa dining table at umupo kaagad sa bakanteng upuan na katabi ni Dennis. Ang iniisip ni Raymond, baka kung ano na ang sinabi ng kapatid kay Dennis!

"May sinabi ba 'tong Kuya ko sa'yo?"

Dennis glanced at Raymond who seemed nervous. Umiling siya dahil wala naman itong sinabi bukod sa nilabhan ni Raymond ang damit niya.

"Kabado bente ba, Raymond? Hindi ko naman sinabi kay Dennis ang tamis ng unang halikโ€”"

"Raysen!" malakas na sigaw ni Raymond at napatayo pa mula sa kinauupuan.

Malawak na ngumiti si Raysen at nagpatuloy sa pagsasalita. "โ€”na suggestion kong pwede n'yong kantahin sa project ninyo. Kamikazee song ba? Raymond, tama na kasi kakakape, okay? Atakehin ka n'yan."

Masamang-masama ang tinapon na tingin ni Raymond sa kapatid kaya nagtaas ito ng kamay tanda ng pagsuko pero bumulong muna ito. "Pikon."

Sinaway ng ina ang dalawang anak at tinawag din ang dalawang anak pa na nasa sala upang makakain ng agahan.

Umupong muli si Raymond at nilingon siya. Napansin ni Dennis na parang namumula ang mga tainga nito. Iniwas niya na lang ang pagkakatingin doon at binalik ang mata sa mukha nito.

Alanganin siyang ngumiti kay Raymond na mahina nitong kinatawa. "Ayos na ang uniform mo. Bilisan mong kumain para makapasok na tayo."

Kinagat niya ang pangloob na pisngi bago binuka ang bibig. "S-salamat."

Tinaas ni Raymond ang kamay at hinaplos ang buhok niya. "Ikaw pa ba?"

Natigilan si Dennis dahil bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa haplos ni Raymond.

*

Hawak pa rin ni Dennis ang baunang binigay ni Tita Rosa sa kanya. Siguro kung matutunaw lang iyon sa titig niya, baka nalusaw na iyon.

Hindi pa rin siya makapaniwala na pinagluto silang dalawa ng ina ni Raymond ng baon! Nag-flashback sa utak niya ang sinabi nito nang inabot ang baunan sa kanya.

"Pasensya na, Dennis, a? Tocino lang ang ulam n'yong dalawa ni Raymond. Sa susunod pagluluto ko kayo ng masarap na pagkain. Tiyagain n'yo muna itong ulam na 'to, a? Ito lang ang nakayanan ni Tita mo."

Humigpit ang kapit niya sa lunchbox. Unang beses niya pa lang na makatanggap ng ganito at mula pa sa ibang tao! Sasabihin niya bang nakaramdam siya kahit paano ng tuwa? Parang nanay niya rin si Tita Rosa. Ang bait nito sa kanya.

"Hindi mo pa ba ibabalik sa bag 'yang pagkain? Lalamig kaagad 'yan kapag hindi mo i-bag," ani Raymond.

"Ang bait nila Tita sa akin..." he whispered.

"Ikaw rin, ang bait mo sa akin..." Itinaas niya ang tingin at nagulat si Raymond sa itsura ni Dennis. He looked so lost. Ngumiti ito at umakbay sa kanya.

"Kasi deserve mo 'yon."

Do I really deserve this?

"But you told me I'm fake," nakanguso niyang turan.

Nauwi sa halakhak ang ngiti ni Raymond. "Hindi mo pa rin pala 'yan nalilimot? I told you last night, I know the real you and you're good, Dennis. You don't need to pretend in front of us. At nakapag-sorry na ba ako?"

Nagtaka siya sa narinig. Bakit naman ito humihingi ng tawad sa kanya? "For what?"

Hinarap siya ni Raymond at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Pagkatapos, bahagya nitong niyuko ang ulo para magpantay ang nga mata nila. "I'm sorry for judging you without knowing the reason why you're acting like that. Maybe it's just a lame reason for us but it's not for you. Sorry, Dennis."

Naglapat ang mga labi niya para pigilan ang sarili na umiyak. Hindi naman siya iyaking tao pero dahil sa narinig niya kay Raymond, parang gusto niyang umiyak. Makailang ulit siyang lumunok at tumango kay Raymond.

"...You're forgiven. Pero hindi ba kayo magagalit kapag nakita n'yong pangit ang ugali ko? Hindi kayo aalis? Hindi kayo madidismaya?"

Raymond chuckled and pulled him towards his direction. "No. Totoo ang sinabi ko kagabi at uulitin ko ngayon, andito kami. Andito ako. Kaya huwag kang matakot na maging ikaw. Kaibigan ka namin kasi ikaw si Dennis, 'yon iyon. Walang ibang rason."

Hearing Raymond saying this to him makes Dennis smiled and feel safe. Kahit nakakaramdam siya ng takot na baka hindi na siya magustuhan ng mga tao sa paligid kapag lumabas na ang ugali niya, may tiwala siya kay Raymond.

"Thank you, Raymond. You're a great friend."

Tumabingi ang magandang ngiti ni Raymond.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status