Maaga akong pumasok sa university kahit ang driver namin ay nagtataka kung bakit daw good mood ako ngayon. Mukang nakakagulat yatang makita na excited akong pumasok siguro sa ibang pagkakataon ay magugulat din ako sa sarili ko. Hindi ko na lang pinansin kasi excited na akong pumasok at makita ang idiot ko. Pag punta ko sa room namin kokonti palang ang mga estudyante pero nakita ko na agad sa pwesto namin si Gab, anong problema nito ang aga nya naman yata ngayon wag nya lang masabi sabi saking excited din sya para makita ang prof namin baka masabunutan ko sya. Joke lang ‘yun, hindi pwede baka kasi matalo nya ako eh.
“Hey! Ang aga mo naman yata Gab?” bati ko sakanya pero mukang puyat yata sya at muka pang stressed. Oh, ano naman kayang nangyari sakanya hindi yata na kumpleto ang beauty rest nya. Talaga naman ‘to, tapos pag ako ang haggard nagagalit sya agad at ngayon ang itsura parang tinubuan ng malaking eyebags ang muka nya.
“Wala man lang good morning dyan, Zoey Trisha? Kaloka ka, napuyat kaya ako sa pag aalala sayo dahil kasama mo lang naman ang magaling mong ex kagabi. Tapos ikaw parang wala lang sa’yo. Nakakainis ka girl. Na stress ang beauty ko sayo. Hindi ka man lang nag text o tumawag kagabi, nakalimutan mo yatang may mga kaibigan kang nag aalala sayo, Zoey.” Medyo na guilty naman ako sa sinabi nya kasi habang nag aalala sya sakin, ako naman masayang masaya kasama ang ex ko, oh let me correct that boyfriend ko na nga pala ulit. Ahhhh ang gulo na nito patay ako pag nalaman nila. Mas lalong mag iinit ang ulo sakin ni Gab pag nalaman nya ‘to ngayon kaya mabuti na rin na isikreto na muna ni Kurt ang tungkol sa amin.
“Sorry na Gab. Actually, wala namang masamang nangyari sa akin kasi hindi pa kami talaga nag start ng proper session at nag dinner lang ako kasama ang mga magulang nya kasi nakakahiya naman kung bigla bigla na lang kami mag start ng hindi ko nakikilala ang mga tao sa bahay nila.” Napakagat ako sa labi ko kasi alam ko sa sarili ko na hindi lang ‘yun ang nangyari at hindi ko pwede sabihin sakanila ‘yun.
“Na stress ang beauty ko Trisha. Anong gagawin mo ngayon dito? Ibibili mo ba ako ng CC cream sa Etude? Sobra talaga ang stress ko dahil sayo. Kulang ang tulog ko at ikaw ang may kasalanan nito.” May kasama pa talagang pangongonsensya. Nako kung ako nga hindi nagamit nyang mga cream na ‘yan. Sya naman may CC cream pa,eh ang alam ko nga lang BB cream.
“Ay nako Gab dapat hindi ka ma stress, kasi you know stress is referred to as ‘the silent killer’ and has been linked to heart disease, high blood pressure, chest pain, and early death.” Napatunganga pa sya sa akin. Nabasa ko lang naman ‘yan sa isang health magazine at na i-share ko lang naman ngayon dahil mabuti akong kaibigan. Ewan ko ba mahilig akong mag basa ng mga health issue na magazines or kahit anong may related sa health.
“Kaya nga Trisha ibili mo ako mamaya ng CC Cream ah. Sa Etude ka bumili baka mamaya kung saan ka lang bumili alam mo naman itong skin ko napaka sensitive.” Natatawa na lang ako sa kaartehan nitong isang ‘to eh. Dinaig pa nya talaga ako pero hayaan na nga lang ‘yan. Maya maya lang ay nag datingan na ang mga classmates namin. Natahimik ang lahat noong pumasok si Kurt, aba ang saya saya ng mood nya yata ngayon.
“Good morning class.” Sya na ang unang bumati sa buong klase namin at habang sinasabi nya ‘yun sa akin naman sya nakatingin kaya mabilis na nag init ang pisngi ko. Hindi tuloy ako makatingin sakanya kaya yumuko na lang ako. Binati rin naman sya ng mga pasikat na mga classmates ko. Bahala kayo dyan hindi na ako makikisali at baka mahalata pa ng dalawa kong kaibigan.
“Alam nyo na siguro na next week na ang Engineering Days ng College natin, so next week we don’t have a class kaya sana galingan nyo next week since kayo pa naman ang mga fifth year at malaki ang expectation sainyo ng mga professor.” Nagkanya kanya naman ng bulungan ang mga classmates ko. Oo nga pala next week na ‘yun. Parang foundation day sya kung sa highschool. Nagiging mga competitive ang mga students sa week na ‘yon. Lahat gusto manalo sa mga pa games or pa contest.
“Kamusta ang tutoring nyo kahapon?” tanong naman ni Sab. Hindi katulad ni Gab, sya naman ay parang na kumpleto pa ang beauty rest nya. Buti naman, akala ko magpapabili rin sya sa akin ng CC cream sa Etude or kung anong mga beauty product.
“Wala naman kaming ginawa kahapon. Mamaya pa talaga mag start ang tutoring session namin, sa bahay.” Nagkibit balikat na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan pero yung mga titig ni Sab sa akin parang may pinaparating. Hindi ko na lang pinansin baka sabihin nya pa na guilty ako kahit totoo naman talaga.
“For the meantime, napag usapan kanina sa faculty na bibigyan daw kayo ng two days preparation for the next week event. Kaya starting today, pwede nyo nang gawin ang mga naka assign na activity sainyo. So, for now, class dismiss.” What the! Halos malaglag ang panga ko. ‘Yun na ‘yun? Kung kelan ako excited na makasama sya sa class ngayon naman mawawalan ng class. Parang nang aasar talaga. Nagsimula na silang gumawa ng mga kung anu-ano kasi may mga dance contest silang sinalihan from first to fifth year kasi ang labanan, ‘yung iba naman ay pinag usapan ang mga booth na ihahanda next week. Wala naman akong balak sumali sa mga contest.
“Girl, muka kang baliw dyan. Isara mo nga ‘yang bibig mo. Bakit ba ganyan ang reaction mo parang disappointed ka pa na walang klase ah. Wow bago ‘yan girl. Gusto mo pa yatang magkaroon tayo ng lecture ngayon.” pang aasar pa sakin ni Gab, sino ba naman kasing matutuwa sa nangyari umalis na ‘yung boyfriend ko. Kainis talaga. Ang clingy ko naman masyado.
“’Yan na talaga reaction mo Trish? Maiba nga ako, saan ba kayo sasali na activities kasi feel ko sumali sa volleyball, game ba kayo girls?” tanong ni Sab. Sya lang naman kasi ang sporty sa amin kaya sya lang din ang excited samantalang ako gusto ko na lang mag class or simulan na kaya namin ang tutoring session namin ngayon na. Hindi naman halata na masyado akong excited.
“Ikaw na lang Sab. Masisira ang beauty ko pag sumali ako dyan, ayoko sa lahat ‘yung pinagpapawisan ako. Kaya go ikaw na lang, ako na ang bahala sa cheering squad para sayo.” Nag biruan pa ang dalawa. Wala na talaga. Tambay mode na lang ako. Biglang nag vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito at walang ganang tiningnan kung sino ang nag text.
MY IDIOT: Baby, halata ang disappointment sa muka mo. Sobra mo ba talaga akong na miss? Love you baby. :*
Napangiti na lang ako sa text nya. Okay din naman pala kahit walang class kasi pwede naman kami maka pag text or mayaya ko na kaya sya sa bahay para mag aral? Ay wag pala baka sabihin talaga nya na masyado akong excited na makasama sya. Dapat wag kong ipahalata na masyado akong sabik na makasama ulit sya.
TRISHA: Me? Hindi kaya. Masaya nga ako kasi sa wakas makakapag pahinga na rin ang mga brain cells ko. Hahaha
MY IDIOT: Can we meet baby? I miss you so much. I want to hug you so bad. :(
Langya naman, kinikilig talaga ako. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako kung hindi pa ako pinansin nitong dalawa, akmang sisilip sila sa phone ko kaya naman tumakbo na ako at sinabing aalis na muna ako at may pupuntahan akong importante. Kaya hindi na sila nakasunod sa akin kasi ang bilis kong tumakbo. Nag punta agad ako ng CR para makapag reply. Dapat maging maingat ako ngayon kasi mas maraming mata ang nakatingin dito sa school.
TRISHA: Yes, we can, but where? Alam mo namang hindi nila tayo pwedeng makita na magkasama, lalong lalo na ang mga kaibigan ko. Kaya saan naman tayo magkikita na walang makakaalam. Hindi pa tayo pwedeng umalis sa school.
MY IDIOT: Nasa rooftop ako ng building natin. Walang tao dito and I think they’re too busy para sa event next week. Can you meet me here baby? I’ll wait for you here. See you soon.
TRISHA: Okay. Papunta na ako, you sure na walang tao dyan? Baka may makakita satin. Nag-iingat lang ako, para sa atin din naman ito.
Hindi na sya naka pag reply pero malapit na rin naman ako sa rooftop kaya pag pasok ko palang nakita ko na sya dun sa dulo nakasilip lang sya sa mga tao sa baba. Masyadong mataas ang building namin para makita ng mga tao sa baba kung sino ang nasa rooftop. Agad akong lumapit sakanya at niyakap sya sa likuran.
“Hey baby.” Sabi nya sakin. Kahit hindi pa man din nya ako nakikita ay alam nya na agad na ako ang yumakap sakanya.
“Paano mo nalaman na ako ito? Paano kung yung mga fans mo pala yung nag punta dito tapos bigla ka nalang niyakap at tinawag mo pa syang baby.” Nagtatampo raw ako kunyari. Pa cute lang. Umikot sya paharap sakin at sabay ngumiti ng pagkatamis tamis. Sa akin na ‘tong lalaking ‘to di’ba? Binigyan ko syang ng second chance kaya naman sa akin na sya. Sa akin lang.
“Don’t worry baby, yakap mo palang alam na alam ko na! Ang baby ko naman nagselos agad. Halika nga dito payakap naman. Miss na miss na agad kita kahit kagabi lang tayo huling nagkasama.” Bigla nya ulit akong hinila at niyakap ng mahigpit medyo hindi pa ako sanay na ganito ulit sya ka sweet kasi dati ganito na rin naman sya sa akin pero patago lang ‘yon ngayon patago pa drin naman. Kasi nga he’s a playboy at ayaw nya na saktan ako ng mga ex nya kaya palihim lang tapos ngayon sya naman ang substitute prof namin. Buhay nga naman. Hindi bale pag naka graduate na ako hindi na kami magtatago pa. Maipag sisigawan ko rin na sya ang boyfriend ko.
“Apologizing does not always mean you are wrong. It just means that you value your relationships more than your ego.”
I have completely fallen for you.Everything you do, everything you say, everything about you butEveryone tells me you’re a bad choice; I’m stupid for going back to you.You don’t deserve me but all I say isHe’s my everything and more."Baby, I miss you." Halos mapatalon ako sa sinabi nya. Kinikilabutan ako, hindi ako lumingon pa ulit sakanya ni hindi na nga ako makagalaw pa."Baby I’m so sorry." Pinagpatuloy nya pa pero nag mamatigas pa rin ako. NO NO NO!! Natatakot ako na baka pag nilingon ko sya hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ayokong makagawa ng mali. Nandito pa naman kami sa kwarto nila ng asawa nya. Hindi ako pwedeng bumigay."Zoey, baby look at me." halos mabali na ang ballpen na hawak ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko at sya naman ay tila hirap n
Zoey Trisha Ramos“Zoey Trisha Ramos!!!” Sigaw nitong katabi ko. Biglang naman akong napatingin sakanya. Ano na naman ba kasi ang problema nitong kaibigan ko. May iniisip lang kasi ako kaya parang lumilipad na naman ang utak ko sa ibang mga bagay. Paano ba naman kasi may binasa akong libro pero hindi naging happy ever after ang kwento nila pati tuloy ako affected sa naging ending ng mga bida kahit pala sa libro walang happy ending gusto ko pa naman kahit sila nalang ang maging masaya.“Trish, ano ba? Kanina pa ako nagtatanong kung tama ba ‘yong mga sinasagot ko, alam mo namang hirap na hirap ako dito sa mga numbers na ‘to eh. Mamaya pag ako ang tinawag ni Ma’am dito tapos hindi na naman ako makasagot yari na talaga ang recitation ko nito. I-explain mo naman sakin paano ito solve at kung paano ito ang naging final answer mo? Bakit magkakaiba tayo ng sagot nina Gab.”
Edrick Kurt LimNag mamadali akong nagpahatid sa driver namin dahil 8:30am na. Kanina pang 8:00am ang class namin kasi naman nagpuyat pa ako kagabi kakabasa sa mga bagong librong nabili ko kaya mala-late na talaga ako ngayon. Kung su-swertihin nga naman ako, traffic na nga empty batt pa ang phone ko at ang malala pa ay si Ma’am Garcia pa ang prof namin! Naisip ko na nga na wag na lang pumasok sa first class kaso may long quiz kami at pag hindi ko ‘yon na take mag special quiz pa ako and I’m sure na doble ang hirap non.9:00am na ako nakarating sa Campus namin, good thing may sasakyan kami kaya kahit sobrang laki ng University na ‘to mabilis akong nakarating sa building namin. One-hour late na ako, meron pa kaya akong maabutan sa long quiz? Ganoon pa man ay nag mamadali akong tumakbo papalapit sa elevator, pag pasok ko biglang tumunog at sa sobrang swerte ko ngayong araw overload na ito, wala akong nagawa at bumaba
Mabilis na lumipas ang apat na oras. Sa wakas ay tanghalian na. Makakahinga na rin ako nang maayos, ng sariwang hangin! Unt-unti na naubos ang mga tao sa classroom at nag uunahan na sa pag labas.“Ms. Ramos, I want to talk to you privately.” Tawag pansin ni Sir! Syempre kailangan ko rin syang igalang bilang isa akong mabuting mag-aaral.“About what Sir?” Apat na lang kami sa room na ‘to, si Sab and Gab at kami ni Sir. Wag syang loloko-loko gutom na ako baka sya ang kainin ko ng buhay.“Follow me in the faculty office.” At bigla na lang syang lumabas ng room. Naiinis na talaga ako sa lalaking ‘to, after ko sya makausap mamaya isusumbong ko sya kay Dean na nakikipag flirt sya sa mga students. Tapos kung utus-utusan nya ako, akala mo talaga wala kaming pinagsamahan. OH GOD!! I should stop thinking about that.“Go girl! Itayo mo ang bandera natin!
"Hello. Baby? Where are you? Bakit ang tagal mo naman! Malapit na mag start ang graduation ceremony nyo. Ang dami ng mga tao rito." Sunod-sunod na wika ko kay Kurt, ang tagal naman kasi nya eh."Zoey, umuwi ka na." Huh? Ang tagal tagal kong naghintay tapos papauwiin lang ako. Ano bang problema ng lalaki ‘to. Kung kelan graduation tsaka naman sya mawawala rito. Mas excited pa nga ako sa graduation nya eh. Tsaka ayokong umuwi no. Hihintayin ko nalang sya dito."Baby naman. Nasaan ka na ba kasi? Hindi ako aalis pag hindi mo ako sinundo rito." Pagpipilit ko pa rin sakanya. Baka kasi may surprise lang sya sakin kaya pinapaalis nya ako rito. May usapan na kaming hihintayin ko sya eh."Wag ka nang makulit Zoey, umuwi ka na. Hindi ako makakapunta sa graduation ceremony namin”. Ramdam ko ang lamig sa kanyang bose
“Trisha, baby may problema ba?” Nagtataka ako sa tanong sakin ni papa. Nag aagahan kasi kami at biglang nagtanong ng ganun si papa. Wala naman kasi akong problema eh. ‘Yon ang pagkakaalam ko, kasi dapat hindi ko naman pinoproblema ang lalaki na ‘yon.“Wala naman po papa. Bakit nyo naman po naitanong?” Bigla naman akong napalingon kay mama para kasing may alam sila. Ano ba ang nangyayari? Meron ba silang alam na hindi ko alam. Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko dito.“Kamusta naman ang pag-aaral mo?” Si mama naman ang nagtanong sa akin. Naguguluhan na ako. Ayaw nalang kasi nilang sabihin ang daming paligoy ligoy. Ganito talaga ang mga magulang ko, hindi naman ako manghuhula para hulaan ang gusto nilang sabihin.“Okay lang din naman po, medyo busy lang kasi nga po graduating na rin, marami kaming inaasikaso pero kayang kaya ko naman po.”
Nakakainis talaga. Kung kelan naman ako graduating tsaka naman ako nakatanggap ng notice at hindi lang basta notice to. Ang tagal tagal ko na dito tapos ngayon lang ako nirequest na mag tutor. Pagkapasok na pagkapasok ko ng room yung lalaking yun ang bumungad sakin. Yung makisig nyang katawan. Ang perpektong muka nya. Bakit ba naging mas makisig pa sya. Nababaliw na nga ako tama ba namang kausapin ang sarili. I mean lagi ko na lang sya tinutukoy na "lalaking yun" pwede namang loko lokong lalaki, or that playboy. Am I an idiot for talking to myself? Of course not. I'm not idiot kaya, baka sya ang idiot. Tama tama yung prof na ex ko ang idiot. Nababadtrip na naman ako."Miss Zoey Trisha Ramos, you can take your sit now." halos mapanganga ako kasi simula ng pumasok ako kanina at kinausap ang sarili ko nakatayo lang pala ako sa unahan at nakatingin sa malayo. That idiot pinahiya ako sa harap ng mga classmates ko, pero who cares hindi ko naman sila close
Nasa harapan na ako ng library namin. Sigurado na ba ako? Nasa 3rd floor pa naman ang conference room. Nag stairs na lang ako para makapag isip pa. Nakakainis kasi baka kung iba pa ang mag tu-tutor baka pumayag pa ako. Nasa harapan na ako ng Conference room. Wala nang atrasan ‘to. Pagbukas ko ng pintuan, napaka dilim naman ito ba yun baka naman nag kamali ako nang pinasukan at dun pala sa kabila yun. Isasara ko na sana ng biglang may humatak sakin papasok at isinara ang pintuan wala akong makita dahil wala na ang kaninang liwanag na nag mumula sa labas. I started to panic, ang pinaka ayaw ko sa lahat ang madilim. Sobrang takot talaga ako sa dilim dahil wala talaga akong makita o maaninag sa dilim."Hey! Hey! Hey!" kilala ko ang boses na ‘to. Unti unti kumakalma ang sistema ko pero naiinis ako dahil kahit ang sistema ko ay hindi pa rin sya nakakalimutan. Agad na napaatras ako pero kinakabahan ako. Nasaan na ba ang mga tao at bakit nak