Share

CHAPTER 9

“Saan tayo pupunta?” tanong ko bigla sakanya. Kasi hindi pamilyar sakin yung dinadaanan namin. Bakit ba naman napasubo ako sa pag sama sakanya. Mamaya kung saan nya ako dalahin tapos anong gawin nya sakin. Ang tulin nya pa rin magpatakbo ng sasakyan. Kulang nalang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

“Sa house namin.” Parang napaka normal lang sakanya na sabihin na doon kami sa bahay nila pupunta. Nanlaki ang mga mata ko, paano kung kasal na sya? Kaya ba sa bahay nila kasi gusto nyang ipamuka sakin na may asawa na sya.  Hindi na ulit ako nag salita pa. Patingin tingin ako sa phone ko dahil sunod sunod ang text sakin nina Gab and Sab.

GAB: Tawagan mo agad ako if may masamang balak yang loko loko mong ex.

SAB: Trisha, okay ka lang ba? Need back up?

GAB: Hindi ka nag rereply Trisha okay ka lang ba? Please text us. Nag aalala kami ni Sab.

SAB: Reply ka girl or else tatawag na kami ng police.

Mabilis akong nag reply sa dalawa.

TRISH: GAB AND SAB!! PLEASE CALM DOWN I’M FINE! PERO SA HOUSE DAW NILA ANG VENUE NAMIN TODAY!

“Is that your boyfriend?” tanong nya. Bago sumilip pa sa phone ko pero mabilis kong naipasok sa bag ko kaya hindi na nya nakita. Bakit ganon ayaw ko sa ginagawang kalokohan nina Gab na pag papanggap pero ayaw ko rin naman malaman nitong lalaking ‘to na hindi ko naman talaga boyfriend si Gab baka dahil ayaw kong malaman nyang single pa din ako habang sya ay kasal na. Eh ano naman kung single ako diba normal lang ‘yon kasi student pa rin naman ako, dapat maka graduate muna ako bago love life.

“Yeah, he’s just checking on me.” bago tumingin na ako sa labas. Wala namang rason para sabihin ko pa lahat. Hindi ko kailangan mag explain sakanya.  After 15 minutes, nakarating na rin naman kami sa isang malaking bahay. Is that even a house, it’s a mansion. Never pa akong naka punta dito baka ito na nga ang bahay nila ng asawa nya.

“Let’s go.” sabi nya at nauna na syang bumaba sakin. Pagkababa ko ay sumunod na rin naman ako sakanya. May isang matandang kasambahay ang sumalubong samin. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng bahay nila. Sobrang laki rin nito pati ang garden nila, may pool area rin though malaki rin naman ang bahay namin pero wala kaming pool area. Favorite ko pa namang mag swimming.

“Good evening Ed.” bati sakanya at nilingon naman ako “Good evening din po Ma’am.” ngumiti rin sya sakin. Kaya bilang ganti ay nginitian ko rin sya.

“Manang, si Zoey nga po pala.” At pagkasabi palang nya nun ay namilog ang mga mata ng matanda at lumawak pa lalo ang ngiti kaya naman napilitan din akong ngumiti muli sakanya. Nahihiya naman kasi ako baka mamaya kung ano ang isipin ni Manang sakin.

“Ikaw pala si Zoey, kaya naman pala. Napaka gandang dalaga naman pala talaga.” ‘Yon agad ang sinabi sakin ni Manang. Nag tataka man ako sa sinabi nya hinayaan ko na lamang.

“Manang.” putol ni ano sa mga dapat sasabihin pa ni Manang. Nangunot ang noo ko. Paano nya naman ako makikilala. Bakit ba ang dami naman yatang nakaka kilala sakin. Hindi naman ako sikat ah.

“Sige, pumasok na kayo at igagawa ko kayo ng merienda. Dito ka na mag dinner hija.” sabi ni Manang. Wala na akong nagawa kaya naman napatango na lang din ako. Nauna na syang pumasok, nahihiya naman akong pumasok sa loob ng bahay nila. Baka hindi ako welcome dito.

“Halika na Zoey, doon na lang muna tayo sa itaas.” Bakit walang sumalubong na asawa sakanya? Baka naman nasa ibang bansa ‘yon. Ano ba naman ‘to kung anu-ano na naman ang naiisip ko.

“Wala ka bang ibang kasama dito sa bahay?” Bigla ko na lang naitanong habang umaakyat kami sa second floor nila. Ang totoo kasi nyan gusto ko lang malaman kung kamusta ang buhay may asawa nya. Napakadaldal ko rin naman talaga.

“Meron. Halika ipapakilala kita.” Kanino nya ako ipapakilala? Sa asawa nya? Ano ang sasabihin nya? Ex nya ako? Or student nya na kailangan na mag tutor. OMG! Hindi na ako kumibo pa at sumunod na lang ako nang sumunod sakanya hanggang sa may tinigilan kami, ito yung kwarto nila siguro. Kumatok muna sya bago kami pumasok.

“Mom.” may isang magandang babae ang sumalubong samin, mas matanda sya kay Mama kung titingnan pero halata pa rin na maganda sya. At may isang matandang lalaki ang lumabas naman mukang galing sa cr.

“Dad.” tawag naman nya sa lalaki. Kaya naman napatingin sakanya ang lalaki. Ang tingin ko ay mga magulang nya ito. “Si Zoey nga po pala. Dito po kasi kami naka schedule sa tutoring nya.” Bago naka ngiting lumapit sakin ang mga magulang nya.

“Finally, hija.” Bago yumakap sakin ang Mom nya at nginitian ako ng Dad nya sabay sabing “You’re so pretty hija, kaya naman pala.bago tinapik tapik sa balikat nya si ano! Fine!! Si KURT!!!! I used to call him Kurt. Hindi kasi ako sanay sa Edrick masyadong mahaba. Ano bang meron sa “kaya naman pala” kanina ko pa ‘yan naririnig ah.

“Mom, Dad! Kayo talaga! Zoey ang parents ko.”  Pagpapakilala nya. Naka ngiti sila sakin na para bang kilala na nila ako pero ngayon ko lang sila na meet.

“Nice to meet you po.” Sabi ko na lang sa parents nya. Saan kaya yung asawa nya. Nakakahiya naman sa parents nya na dito pa talaga kami mag tu-tutor sa bahay nila.

“Sige po. Mom, Dad we need to go na. Mag-aaral pa si Zoey pero dito sya mag di-dinner.” Sabi nya na tuwang tuwa pa. Ano ba talaga itong pinasok ko. Wala nang atrasan to. Andito na rin naman ako sa bahay nila, wala naman sigurong masama kung mag-aral na rin ako.

“Okay. It’s nice to finally meet you hija.” Pag uulit ng Mom nya. Tumango na lang ako. Sumunod na lang ulit ako kay Kurt kasi naman hindi naman ako sanay dito, first time ko nga diba at nag lakad pa kami. Siguro sa study room nila, nakakahiya naman diba kung sa room pa nilang mag asawa kami mag-aaral. May anak na kaya sila? Kasing cute and ka gwapo din kaya ni Kurt?

“Doon na lang tayo sa room ko, nandun lahat ng mga gagamitin natin sa tutoring.” sabi nya. Nanlaki naman ang mata ko, bakit doon pa? Mamaya makita pa kami ng asawa nya. Ano nalang ang sasabihin nya. Ayoko ding mapaaway pa.

“WHHHAATTT???” bakit doon pa?  Pwede namang dito na lang sa sala nila o sa study room nila o kaya naman sa garden nila. Ang daming place sa loob ng bahay nila kahit sa kitchen ay pwede na rin. Wag lang sa room nilang mag asawa. Lord naman eh.

                 

“Sometimes wrong choices bring us to the right places.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status