Share

CHAPTER 12

Author: iloveyou5013
last update Last Updated: 2021-07-18 15:56:35

Wala kaming nagawa sa first day ng tutoring session namin, paano nakahiga lang kami at nakayakap lang sya. Nag kwentuhan kami about sa past namin pero yung mga happy moments lang namin. Masayang masaya naming binalikan ang mga panahon na madalas kami magkasama at ang mga takas na dates namin. Siguro after an hour tinawag naman kami ni Manang dahil ready na daw ang dinner namin. Agad na rin kaming sumunod kay manang sa hapagkainan, nandoon na rin pala ang mga magulang ni Kurt.

“Hija, kamusta naman ang pagututuro nitong si Edrick? Sabi nya kasi tuturuan ka nga raw nya?” tanong sakin ng mama nya habang nakangiti sya sa akin at hindi nya rin maalis ang tingin nya sa aming dalawa ni Kurt. Alam kaya ng mga magulang nya na may relasyon kami ng anak nya?

“Ah, kasi po Tita.” Tumingin muna ako kay Kurt kasi hindi ko alam ang sasabihin ko at ang loko ay ngumiti lang sakin. “Baka po kasi bukas na lang kami mag start ni Kurt.” halos lumubog na ako sa inuupuan ko, kung pwede lang talaga. Baka kung ano ang isipin nila kasi dun pa kami sa kwarto ni Kurt nag stay pero mabait ang mga magulang nya, feeling ko nga matagal na nila akong kilala kasi kung kausapin nila ako parang kompartable na sila sakin kahit na medyo naiilang pa rin ako sakanila. First time ko silang ma meet ngayon tapos as a student pa ni Kurt. Ano nalang kaya ang sasabihin nila pag nalaman nila ang totoong relasyon namin.

“Mom, Dad. Nag usap lang kami kanina ni Zoey kaya bukas siguro kami mag start at napag usapan namin na Monday, Wednesday and Friday, we will stay here and every Tuesday and Thursday sa bahay naman po nila kami mag stay.” Paliwanag nya. Muka namang masaya ang mga magulang nya at hindi ko alam kung bakit ang weird ng pakiramdam ko kasi nakangiti sila sa amin habang tumatango tango pa. Yung pakiramdam na marami silang alam at mukang ako lang ang walang ka ide- idea sa mga nangyayari o baka naman masyado lang akong nag iisip ng kung anu-ano.

“I am so happy for you, son. Finally, pinakilala mo na rin samin ang bukam-bibig mo na si Zoey. At mukang okay na naman pala kayo.” tapos tumingin sa akin ang Dad nya kaya naman ngumiti na lang ako. Ang ibig bang sabihin ay na ikkwento nya na rin pala ako sa mga magulang nya dati?

Pagkatapos naman ng hapunan ay hinatid lang ako ni Kurt sa bahay namin. Kung dati ay patago pa kaming nagkikita noong pareho pa kaming nag-aaral sa university, paano na lang kaya ngayon na mas lalong palihim kami kasi isa na syang professor samantalang ako ay isang estudyante pa rin. Kinuha nya na rin ang contact number ko para mag katext na raw ulit kami. Natatawa nga ako kasi parang bumalik lang kami sa dati. Napakarupok naman pero sa totoo lang kinikilig ako kasi medyo matagal na rin ang huling beses na may nagpakilig sa akin.

Napag usapan din namin kanina na wag na muna ipaalam kahit kanino ang tungkol sa amin kahit sa mga kaibigan ko pa dahil ang balak nya ay kuhanin muna ang loob nang dalawa pero hindi ko pa rin sinabi sakanya ang tungkol naman sa amin ni Gab.

“Wag na muna natin ipaalam sa iba ang relasyon natin.” Bulong ko sakanya. Napakunot naman ang noo nya kasi paano na ‘yun baka pag initan kami ng mga ibang estudyante lalo na ang mga head ng University namin. Kung dati ay gusto ko syang matanggal sa pagiging Prof, ngayon naman parang gusto ko sya laging kasama. Nababaliw na naman yata ako.

“Baby, I can resign if you want, kasi kung magiging problem natin ang trabaho ko.” Napatigil sya bigla sa sasabihin nya sana. “Ohh oo nga pala you have a boyfriend.” Malungkot na sabi nya at napaisip nga rin ako sa sinabi nya, may boyfriend ba talaga ako? OMG si Gab! Pero hindi ko naman kasi talaga sya boyfriend. He’s gay and he’s like a brother to me.

“No Kurt, you don’t need to resign. Ayaw mo ba noon, lagi na rin kita makikita at ikaw pa ang tutor ko. Yung tungkol naman kay Gab ako na ang bahala sakanya pero sa ngayon wag muna natin ipaalam kahit kanino.” Hinawakan nya ang dalawang kamay ko bago sabay na hinalikan ito. Para namang nanlambot ang mga tuhod ko sa ginawa nya.

“Okay lang baby, kukuhanin ko muna ang loob ng mga kaibigan mo. Okay lang din kung makikihati ako ng oras mo kay Mr. Torres pero hindi ibig sabihin nun na habang buhay nalang akong makikihati sakanya dahil babawiin na ulit kita sakanya. Pangako yan, baby.” Napangiti ako dahil ang buong akala nya ay boyfriend ko si Gab, hindi nya alam simula nang iwan nya ako ay nakalimutan ko na ang salitang LOVE at ni minsan hindi ako nakipag lapit sa ibang lalaki dahil simula ng umalis sya ay isinama nya ang puso ko. May favoritism itong puso ko at mukang sya lang ang gusto nito.

“I know! Hindi madali itong pinasok natin Kurt, maraming magagalit at maiinis satin. Kung ‘yung relasyon natin dati ay okay pa kahit na playboy ka pa noong mga panahon na ‘yon pero ngayon sa palagay ko itong meron tayo ay isang forbidden relationship kasi alam mo namang bawal ‘tong student- prof relationship kaya please let’s keep this a secret muna at sa tamang panahon masasabi na rin natin ito sakanila.” Nakakaunawang tumango naman sya sakin. Kung para talaga sa amin ‘to hindi masasayang ang binigay kong second chance sakanya. Kung kami talaga ang para sa isa’t-sa ang destiny na mismo ang gagawa ng mga paraan at rason para hindi kami mapag hiwalay ng kahit sino man.

“I understand baby, pero hindi ibig sabihin nito na lagi na lang tayo mag titiis ng ganito. I’m so sorry again baby kung ganito na naman ang sitwasyon natin na kailangan kitang itago pero kung ako lang ang masusunod gustong gusto ko na ipagsigawan sa lahat na you’re mine. Oh, paano baby kahit ayaw pa kitang pakawalan ngayon pero kailangan mo na rin magpahinga. See you tomorrow?” Bago nag taas baba pa ang kilay nya kaya natawa na lang ako, akala ko ako lang ang excited na pumasok bukas pero sya rin naman pala.  Tumango na lang ako at nag paalam na sakanya, akala ko nga wala ng kiss eh buti na lang meron sa pisngi. Oo nga pala lagi lang sa pisngi nya ako hinahalikan. Wala pa nga akong first kiss sa lips except sa mga magulang ko siguro dati.

Nakahiga na ako sa kama ko nang biglang naisip ko na naman sya. Oo alam ko na ‘to, sign na naman ito na inlove ako, ganitong ganito ako dati sakanya. He never kissed me sa lips kasi sabi nya hindi raw ako katulad ng mga naging babae nya dati kaya dapat sa pisngi lang daw muna. Akala ko nga dati hindi nya ako love kasi di’ba if you love that person mag ki-kiss kayo sa lips ganun kasi ang paniniwala ko pero sabi nya if you really love and respect the girl hindi kailangan ng mga ganun kaya puro sa pisngi at noo lang ang kiss na ginagawa nya. And I really appreciate him especially na ganoon pala ang iniisip nya sa akin. Ngayon sobrang iniingatan ko ang first kiss ko, syempre alam ko na ang importansya non. Nakaramdam ako bigla ng antok pero this time may mga ngiti na sa labi ko bago ako tuluyang nakatulog.

MY IDIOT: Good morning baby. I miss you. See you later and I love you so much :*

Napangiti ako sa unang mensahe na nabasa ko. Talaga nga namang good na ang morning ko ngayon palang kasi naman diba? Okay hindi na ako teenager para kiligin ng ganito pero parang noong first time ko lang. Sobra naman kasing magpakilig ‘tong si Kurt eh. Nag reply din agad ako sakanya.

ZOEY: Good morning too idiot. Yeah, see you later.

Wala pa ngang ilang segundo ay naka reply na agad sya sakin. Excited lang pero mas excited ako sa reply nya!

MY IDIOT: Baby naman, I’m trying to be the sweetest boyfriend here but all I can have in return is you calling me idiot. How about text me how much you love me and how much you missed me. :(

Seriously? Ang isang playboy nag text ng ganito sa akin. Mas lalo tuloy akong kinikilig kasi naman eh kagabi lang kami magkasama tapos kung makaarte naman kala mo hindi kami nag kita. Bakit nga kaya ganon ang mga taong in love, parang gusto mo sila laging makasama, makita at kausap kahit na minsan wala namang sense ang mga bagay na pinag uusapan nyo. Hindi ko alam kung lahat ba ng mga taong in love ay ganito rin ang nararamdaman katulad ng sa akin.

ZOEY: You don’t need to be the sweetest boyfriend, you idiot! Okay, stop na baka mamaya pag sagutin mo na naman ako sa unahan at mapahiya ito na po, I love you and I miss you my dear idiot.

PS: Don't be offended if I call you idiot, hahaha sometimes kasi para ka talagang idiot but of course you’re my only idiot and the best idiot. Love you. :*

Baka lalo akong pag initan nito sa mga sinabi ko. Lagot sya sakin mamaya pag ginawa nya ‘yun at oo nga pala andyan naman si Gab to save me again sa kahihiyan na ginawa ko. Sana naman good mood ang isang ‘yun.

MY IDIOT: Okay. Just make sure that I’m your only idiot, baby. Because for me, since day one up to now you are my only baby ;) See yah later baby.

Okay Zoey. Relax. Inhale! Exhale! Sobra na talaga, ito yung parang may mga nakatira sa tyan ko at para silang mga nagkakagulo. Kinikilig na naman ako at ang sarap ng ganitong pakiramdam, na miss ko ‘to eh. Hindi na ako nakapag reply kasi nag mamadali akong pumasok sa CR para maligo na at maghanda para maaga akong makarating sa university. Hindi naman halatang excited pumasok. Pagkakain nga namin kanina ng agahan ay nagtataka ang Mama’t Papa ko at bakit daw sobrang saya ko. Kinamusta lang nila yung tutor ko raw. Sabi ko nga sakanila na every Tuesday at Thursday ay dito kami sa bahay wala naman daw problema dun.

iloveyou5013

Hello. Sorry medyo matagal ang update na busy lang po sa work.

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE   CHAPTER 13

    Maaga akong pumasok sa university kahit ang driver namin ay nagtataka kung bakit daw good mood ako ngayon. Mukang nakakagulat yatang makita na excited akong pumasok siguro sa ibang pagkakataon ay magugulat din ako sa sarili ko. Hindi ko na lang pinansin kasi excited na akong pumasok at makita ang idiot ko. Pag punta ko sa room namin kokonti palang ang mga estudyante pero nakita ko na agad sa pwesto namin si Gab, anong problema nito ang aga nya naman yata ngayon wag nya lang masabi sabi saking excited din sya para makita ang prof namin baka masabunutan ko sya. Joke lang ‘yun, hindi pwede baka kasi matalo nya ako eh. “Hey! Ang aga mo naman yata Gab?” bati ko sakanya pero mukang puyat yata sya at muka pang stressed. Oh, ano naman kayang nangyari sakanya hindi yata na kumpleto ang beauty rest nya. Talaga naman ‘to, tapos pag ako ang haggard nagagalit sya agad at ngayon ang itsura parang tinubuan ng malaking eyebags ang muka nya. “Wala man lang go

  • Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE   CHAPTER 12

    Wala kaming nagawa sa first day ng tutoring session namin, paano nakahiga lang kami at nakayakap lang sya. Nag kwentuhan kami about sa past namin pero yung mga happy moments lang namin. Masayang masaya naming binalikan ang mga panahon na madalas kami magkasama at ang mga takas na dates namin. Siguro after an hour tinawag naman kami ni Manang dahil ready na daw ang dinner namin. Agad na rin kaming sumunod kay manang sa hapagkainan, nandoon na rin pala ang mga magulang ni Kurt. “Hija, kamusta naman ang pagututuro nitong si Edrick? Sabi nya kasi tuturuan ka nga raw nya?” tanong sakin ng mama nya habang nakangiti sya sa akin at hindi nya rin maalis ang tingin nya sa aming dalawa ni Kurt. Alam kaya ng mga magulang nya na may relasyon kami ng anak nya? “Ah, kasi po Tita.” Tumingin muna ako kay Kurt kasi hindi ko alam ang sasabihin ko at ang loko ay ngumiti lang sakin. “Baka po kasi bukas na lang kami mag start ni Kurt.” ha

  • Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE   CHAPTER 12

    Wala kaming nagawa sa first day ng tutoring session namin, paano nakahiga lang kami at nakayakap lang sya. Nag kwentuhan kami about sa past namin pero yung mga happy moments lang namin. Masayang masaya naming binalikan ang mga panahon na madalas kami magkasama at ang mga takas na dates namin. Siguro after an hour tinawag naman kami ni Manang dahil ready na daw ang dinner namin. Agad na rin kaming sumunod kay manang sa hapagkainan, nandoon na rin pala ang mga magulang ni Kurt. “Hija, kamusta naman ang pagututuro nitong si Edrick? Sabi nya kasi tuturuan ka nga raw nya?” tanong sakin ng mama nya habang nakangiti sya sa akin at hindi nya rin maalis ang tingin nya sa aming dalawa ni Kurt. Alam kaya ng mga magulang nya na may relasyon kami ng anak nya? “Ah, kasi po Tita.” Tumingin muna ako kay Kurt kasi hindi ko alam ang sasabihin ko at ang loko ay ngumiti lang sakin. “Baka po kasi bukas na lang kami mag start ni Kurt.” ha

  • Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE   CHAPTER 11

    "I miss your smile, your eyes., your lips., your hair, your voice, your laugh. Your hands. Your smirks. Your way of teasing me. Your humor. The way you make weird faces. The way you walk. The way you say my name. The way you look at me. The way you talk. Your singing voice. The way you love to dance. Your body. I miss everything about you, baby" This time hindi na iyak, kundi hagulgol na nga yata ‘to nahihirapan na rin ako sa pag iyak ko parang kakapusin na ako ng hininga sa mga pinagsasabi nya. I know, because I miss him too. Kung kanina ay sya lang ang nakayakap sakin ngayon ay kusang gumalaw ang dalawang braso ko at niyakap na rin sya. Ang mga luha ko ay tila nag uunahan sa paglabas sa mga mata ko, basang basa na ang suot nyang t-shirt dahil sa pag iyak ko sa dibdib nya.“Hush! Stop it baby! Okay. I’m so sorry baby. Give me a chance, let me be the one again, baby." Hindi ko alam kung ilang minuto na ba kami sa posisyon na

  • Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE   CHAPTER 10

    Wala na akong nagawa nang sinabi nyang sa kwarto daw nya kami mag stay."Mauna ka nang pumasok sa kwarto na ‘yun. Magpapakuha muna ako ng merienda kay Manang." utos nya sakin kaya naman pumasok na lang ako sa kwarto na tinuro nya. Sana naman hindi kami makita ng asawa nya.Sa totoo lang. First time lahat ng nangyayari ngayon sakin. First time ko magpa tutor, ipakilala sa magulang I mean noong kami pa dati nitong si Kurt ni minsan hindi ako pinakilala sa parents nya at higit sa lahat first time kong papasok sa kwarto ng lalaki and worst sa kwarto pa ng ex ko. Pag bukas ko ng pinto hindi maipagkakaila na kwarto nya nga ‘to amoy palang kasi, malaki ang room nya at masyadong malinis para sa isang lalaki. Color white and black ang design, isang king size bed ang nasa kanang bahagi ng kwarto at meron ding isang mini sala sa room nya at isang study table may isa pang door, siguro cr yun. Uupo na lang muna ako dito sa isang sofa nya,

  • Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE   CHAPTER 9

    “Saan tayo pupunta?” tanong ko bigla sakanya. Kasi hindi pamilyar sakin yung dinadaanan namin. Bakit ba naman napasubo ako sa pag sama sakanya. Mamaya kung saan nya ako dalahin tapos anong gawin nya sakin. Ang tulin nya pa rin magpatakbo ng sasakyan. Kulang nalang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.“Sa house namin.” Parang napaka normal lang sakanya na sabihin na doon kami sa bahay nila pupunta. Nanlaki ang mga mata ko, paano kung kasal na sya? Kaya ba sa bahay nila kasi gusto nyang ipamuka sakin na may asawa na sya. Hindi na ulit ako nag salita pa. Patingin tingin ako sa phone ko dahil sunod sunod ang text sakin nina Gab and Sab.GAB: Tawagan mo agad ako if may masamang balak yang loko loko mong ex.SAB: Trisha, okay ka lang ba? Need back up?GAB: Hindi ka nag rereply Trisha okay ka lang ba? Please text us. Nag aalala kami ni Sab.SAB

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status