Share

CHAPTER 10

Wala na akong nagawa nang sinabi nyang sa kwarto daw nya kami mag stay.

"Mauna ka nang pumasok sa kwarto na ‘yun. Magpapakuha muna ako ng merienda kay Manang." utos nya sakin kaya naman pumasok na lang ako sa kwarto na tinuro nya. Sana naman hindi kami makita ng asawa nya.

Sa totoo lang. First time lahat ng nangyayari ngayon sakin. First time ko magpa tutor, ipakilala sa magulang I mean noong kami pa dati nitong si Kurt ni minsan hindi ako pinakilala sa parents nya at higit sa lahat first time kong papasok sa kwarto ng lalaki and worst sa kwarto pa ng ex ko. Pag bukas ko ng pinto hindi maipagkakaila na kwarto nya nga ‘to amoy palang kasi, malaki ang room nya at masyadong malinis para sa isang lalaki. Color white and black ang design, isang king size bed ang nasa kanang bahagi ng kwarto at meron ding isang mini sala sa room nya at isang study table may isa pang door, siguro cr yun. Uupo na lang muna ako dito sa isang sofa nya, nagdadalawang isip pa ako ngayon kung ioopen ko ba ang flatscreen tv nya para manuod ng balita.

“Hey." napalingon ako sa may pintuan, naka balik na pala sya. Naka tayo sya dun at nakangiti sakin. Nakakalusaw yung titig nya sakin. Bakit kasi ang gwapo pa rin talaga nya. Kaya ngayon ang puso ko ay parang nagwawala na gustong lumabasa yata sa rib cage ko. ‘Yung nangungusap nyang mga mata na kulay brown, iyon ang paborito kong part ng napaka gwapong muka nya. Puro nalang papuri ang natatanggap ng lalaking ito sakin.

“Hmm. Can we start now? Para naman maaga akong makauwi?" kumunot naman ang noo nya. Hindi ko kasi kayang magtagal pa dito sa loob ng room nya. Baka bigla akong bumigay nalang. Kailangan maging matatag ako bakit ba naman kasi ang rupok ko na naman.

“Nagmamadali ka yata?" Balik tanong nya sakin. Hndi ko na sya nasagot kasi naman nag vibrate ang phone ko. Pasaway talaga ‘tong si Gab.

GAB: Girl subukan lang nyang ex mo na hawakan kahit dulo ng kuko mo may paglalagyan talaga yan.

Natawa naman ako sa text nya. Kung hindi lang talaga sya gay baka mainlove na ako sakanya over protective naman kasi talaga kaya naman napangiti ako habang nagrereply.

TRISH: Baliw. Never!! Subukan nya lang, kasi ako na mismo ang bubugbog sakanya.

Narinig ko ang pag tikhim nya kaya naman napalingon ako sakanya.

"Yes?"  Nagtatakang tanong ko sakanya. Hawak ko pa rin ang cellphone ko. Baka kasi mag reply pa tong si Gab. Isa pa rin kasi itong makulit, pareho sila ni Sab.

"Saan ka mas komportable? Dyan na lang ba tayo o gusto mo sa may study table?" Napatingin ako sa may study table medyo pang single lang dun medyo masikip naman. Okay sana yun kung couple ang magrereview kaya wag na don baka lalong maging marupok.

"Maliit masyado ang study table mo kaya wag na tayo dun." tapos bigla syang ngumisi. Lumapit sya sa akin at tumabi sya sa sofa.

"I see. But we can use my bed naman para maluwag." kinilabutan ako sa pag ngisi nya. Baliw din ang isang ‘to. Pero, I trust him dahil noong kami pa dati hindi naman sya gumawa ng kahit anong hindi ko gusto. He respects me and that’s one of the reasons why I really liked him before.

"You!!  You're an idiot and pervert." medyo kinakabahan kong sabi. Napatayo tuloy ako sa kinakaupuan ko. Aba grabe tong isang ‘to. Lord naman sabi ko sainyo ilayo nyo ako sa mga temptasyon eh.

"What?" pa inosente nyang sagot. Akala mo wala syang nasabing kakaiba sakin. Kaya ayaw ko talaga dito sa kwarto nila eh. Sana kasi sa garden nalang o kaya naman sa sala nila sa baba.

“Dapat talaga hindi ikaw ang kinuha kong tutor, ano pa nga pala ang mapapala ko sa isang idiot na pervert?" tumawa lang sya ng malakas. Sumakit sana ang tyan mo kakatawa pero napatitig ako sa muka nya. Parang na hypnotize na naman ako. Ang ganda ng tunog ng tawa nya. Ngayon ko nalang ulit sya nakitang gantong kasaya. Nagiging singkit kasi yung mga mata nya ang cute lang.

"Seriously Zoey? Sino kayang pervert sa ating dalawa. Sabi mo masikip ang study table ko kaya naman I'm suggesting na we can use my bed tapos kung anu-ano kasi ang iniisip mo and can you please stop calling me idiot." Sabi nya pero hindi pa rin nawawala sa labi nya ang mga nakakalokong ngiti. Kaya kahit anong pag pipigil ko sa ngiti ko ay unti-unti na rin itong sumisilay sa aking mga labi. Nakaka inis kasi ‘tong isang ito. Huling huling nya talaga ang sistema ko, alam nya kung paano ako pangitiin.

"Ewan ko sayo. Let's start na Mr. Idiot slash pervert." Sinabi ko nalang para hindi nya mapansin yung ngiting kanina ko pa pinipigilan. Binuksan ko ang bag ko at naglabas ng isang notebook at isang ballpen.

"Okay. Dito na lang sa kama para mas maluwag diba?" then he winks. ‘Yung lahat yata ng dugo ko napunta na sa muka ko. Nag lakad na sya papunta sa king size bed nya kaya naman wala na akong nagawa at sumunod na rin habnag dala-dala ang notebook and ballpen ko. Naupo na sya sa kama nya at inirapan ko na lang din sya habang paupo ako. Nakakaloko naman kasi ang mga ngiti nya, ang sarap sapakin ng muka nya kasi nang aasar pa.

"Dapat siguro ituro ko muna sayo ang tamang manners Zoey?" Siguro ay naiinis na sya sa kakairap ko sakanya. At sa pag sagot sagot ko sakanya ng pabalang. Sya naman kasi ang nagsimula eh.

"Eh di ituro mo muna sa sarili mo." bulong ko sa sarili ko.

"Zoey." tawag nya sakin. Kaya napalingon naman ako pero mukang mali ang lumingon ako sakanya.

"Baby, I miss you." halos mapatalon ako sa sinabi nya. Kinikilabutan ako, hindi na ako lumingon ulit sakanya ni hindi na nga ako makagalaw pa sa kinakaupuan ko. Bakit may iba akong nararamdaman, oo na marupok na talaga.

"Baby I’m so sorry." pinag patuloy nya pa pero nag mamatigas pa rin ako. NO NO NO!! Natatakot ako na baka pag tiningnan ko sya ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ayokong makagawa ng mali. Andito pa naman kami sa kwarto nila ng asawa nya. Hindi ako pwedeng bumigay.

"Zoey. Baby look at me." halos mabali na ang ballpen na hawak ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko, sya naman ay halos mag makaawa na sa akin sa tiningnan ko sya. Bakit naman kasi nasa ganitong sitwasyon.

"I know I've been a jerk for breaking you up over the phone. I'm so sorry baby." sabi nya. You should know that. You stupid pervert idiot. Ewan ko ba, bakit gusto kong pakinggan yung mga sasabihin nya sakin. Ayaw ko lang muna makita yung muka nya.

“Idiot." Yun lang ang nasabi ko at napangiti ng mapait. Ilang gabi ako nagigising dahil sa nakaraan ko. Masyadong masakit ang mga nangyari dati pero bakit ganun kahit ilang beses ko nang sinabi sa sarili kong naka move on na ako heto na naman ako konting kalabit lang sakin at parang tatakbo na ako pabalik kay Kurt.

"I think I deserved to be called idiot but baby I’m not a pervert you know that. I'm a playboy before but when you become part of my life, I really tried hard to be the man you deserve. I'm so sorry for hurting you baby. And I'm so sorry for being selfish because I still love you baby." Nangingilid na ang luha ko. Do I still love him? But I’m still afraid na masaktan nya ulit pero diba sabi nga nila hindi ka nagmamahal kung hindi ka masasaktan. Pag nagmahal ka hindi lang puro ligaya kasi paano masusubok ang pagmamahal nyo kung hindi kayo masasaktan, hindi kayo matututo kung hindi ka nasaktan. Lumingon ako sakanya. Kitang kita ko sa mga mata nya kung paano sya nagsisisi sa nagawa nya dati at nangingilid na ang mga luha sa mata nya.

“Idiot." nakatitig lang ako sa mga mata nya. Bigla na lang syang napangiti. Bakit ba kasi hindi ako makawala sa pag hi-hypnotize nya sakin. Bakit ganon? Bakit parang mahal ko pa rin sya kahit na sinaktan na nya ako. Akala ko ba version 2.0 na ako pero mukang ako pa rin yung old Zoey nya.

"You really love calling me idiot, baby." napailing iling na lang sya at bigla nalang pinanggigilan ang magkabila kong pisngi.

"You're an idiot. You made me wait on your graduation day. You broke up with me on the same day too. You made me cry every night and you made me hate all those guys." This time hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. After those years ngayon ko lang kasi sya nakausap ng ganito. Lumapit sya sakin bago pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay nya. Niyakap nya ako at kusa ko namang isiniksik ang muka ko sa matigas nyang dibdib. Bakit ang bango bango nya pa rin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status