Share

Chapter 3 Modelo

Ziendrick POV

"Wow! pogi ng anak ko ah. Saan ang punta 'bat bihis na bihis ka? May date kayo ni Khiendra?" manghang tanong ni Mommy sa akin nang dumaan ako sa kan'yang harapan. Aalis ako papuntang office. 

I'm trying to wear a fit round nick black t-shirt saka tenernohan ko nang strecth pants na kulay black din at white a black rubber shoes with black sunglasses.

Porma na katulad nang isang tunay na lalaki na may liligawan o nagpapapogi.

"Sinubukan ko lang na isuot ito Mommy kasi sayang kung mabubulok lang itong ibinigay mo para sa akin," sabi ko.

"Sabi ko na nga eh. Bagay na bagay sa'yo ang mga 'yan. Noon ko pa sinabi sa'yo na isuot mo 'yan. Ang pogi mong tingnan anak sa suot mo. Ano kaya kung ikaw na lang ang gawin nating model sa mga produkto natin sa kompanya lalo na sa men's wear!" seryosong sabi ni Mommy.

"What? No way! Mom, ayoko!" tanggi ko.

Naiisip ko kasi na kapag ako ang nagmodel ng mga product namin lalo na sa men's wear magsusuot ako ng brief kasi syempre e-mo-model ko rin iyon. No way 'di kerey bells ng self ko.

"Seryoso! Iho, pag-isipan mo ang sinabi ko. Tiyak papatok ang mga produkto at items natin. Hindi na tayo mahihirapan sa marketing, mga costumer na mismo ang lalapit sa atin. At isa pa Iho, magiging maganda ang feedback sa'yo nito dahil ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng kompanya" kumukumpas na itong sabi ni Mommy.

Alam ko na seryoso si Mommy sa kan'yang sinasabi dahil kilala ko na ito. When it comes on her gesture if she's serious or not. Kapag seryoso kasi ito at gusto nitong sundin o pakinggan siya ay kumukumpas na ito na parang isang tagapagturo ng musika panay ang kumpas. At alam ko na hindi ako nito titigilan sa pangungulit.

"Okay! Mom, pag-iisipan ko pa ito," sabi ko na papalabas na ako ng pintuan palabas ng Ancestral house namin or should I say one of our mansions.

Pinuntahan ko na ang aking bebelabs na kotse na kulay pink with so many stuff toys and teddy bears inside. 

Kapag si Mommy ang nakasakay dito ay panay ang reklamo nito kasi halos wala na s'yang maupuan sa dami at laki ng ibang stuff.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at nakapilantik ang aking mga daliri na isinusi ang susian ng aking kotse.

"Ziendrick, ayusin mo iyang mga daliri mo!" mariing sabi ni Mommy.

Muntik na akong mapatalon sa inuupuan ko. Nasa kabilang pintuan pala si Mommy at nakabukas ang mga window shades ng kotse kaya kitang-kita niya ang mga kamay ko.

"Ah! kasi Mommy, masakit ang mga daliri ko. Nabunggo kasi pagbukas ko kanina ng pintuan ng kotse!" pagdadahilan ko saka umayos sa pagkakaupo at pinatikas ang porma.

"Ganon ba anak? Teka sandali lang," sabi nito at umikot sa pintuan ng driver sit.

"Buksan mo nga, Iho!" sabi nito na ang tinutukoy ay ang pintuan na malapit sa akin.

"Bakit po Mommy sasabay po kayo sa akin? Kung sasabay po kayo dapat doon ka dumaan sa kabila," nagtatakang sabi ko.

"Hindi may titingnan lang ako sa loob ng kotse mo," sabi nito.

Sinunod ko na lang ito. Hindi na ako nagtanong kung ano ang titingnan nito dahil palagi niya itong ginagawa. Kunwari may titingnan pero hahagkan lang pala ako sa noo at pisngi.

"Ang sweet naman ng Mommy ko," sabi ng isipan ko.

Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat na lang ako nang akala ko ay hahagkan ako ni Mommy pero bigla n'ya na lang...

"Awts ang shakit nemen!" Sigaw ko.

Biruin mo naman kasi na pigain nito at akmang babaliin ni Mommy ang mga daliri ko. Sino ba ang hindi mapapasigaw kung gano'n.

"Dapat kasi itong mga daliri na ito ay tuwid, hindi nakapilantik!" Nanggigigil na sabi ni Mommy habang hawak-hawak pa rin nito ang mga daliri ko.

"Mommy, tama na po. Opo! Opo!" sabi ko na binawi na ang kamay ko.

"Tandaan mo 'yang sinabi ko ha! Iho," sabi nito saka ako hinagkan sa noo at pisngi.

Kahit gano'n si Mommy at pati na rin si Daddy sa akin ay niminsan hindi ako nagtanim nang sama ng loob sa kanila dahil alam ko na mahal na mahal nila ako at gusto lamang nila akong ituwid bilang isang lalaki. Pero hindi ko talaga mapigil ang sarili ko. Lumalabas talaga ang pagkaserena ko.

"Yes! Mom, tatandaan ko po," sabi ko na alanganin ang ngiti.

"Good boy! Sige! Umalis ka na baka mahuli ka sa opisina. Ingat ka," malambimg na sabi ni Mommy.

"Nakakatuwa naman itong Modra ko nakaka stress ang attitudes," sambit ko habang marahan ko nang pinapatakbo ang kotse papalabas ng gate ng beautiful ancestral house namin.

"Bye! Mommy, see you later!" sabi ko.

Nakita ko sa side mirror ng kotse na kumakaway ito sa akin. Kung iisipin ko napakaswerte ko sa mga magulang ko. Niminsan ay hindi ko naranasan na mahirapan. Palagi silang nandiyan para umalalay at sumuporta sa akin sa lahat nang nanaisin ko. Pero mayroon lang silang isang hiling sa akin na ako ay magkaroon nang sariling pamilya at magkaanak para may magmamana rin ng kompanya sa sunod na henerasyon.

At ito ang problema ko ngayon kasi ang ipinakilala kong nobya sa kanila ay hindi ko naman talaga totoong nobya.

Pero infairness ang ganda n'ya. Ang sarap-sarap titigan ng kan'yang mga mata at ang kan'yang mukha na parang anghel kay sarap hagkan nang kan'yang mga pisngi. Nakakainggit perfect na perfect ang features ng kan'yang hitsura. Nakakaaliw siyang kasama at parang gusto ko na siyang nasa tabi ko palagi.

"No! I'm not affected sa kan'ya, gusto ko lang siya dahil ang ganda-ganda niya!" sabi ng isipan ko.

"Gusto?" agad na bawi ko sa aking naisip.

Ewan! pero ginugulo na ang isip ko ng babaeng iyon walang iba kundi ni Khiendra.

Hindi ko alam kung ano ang meron sa babaeng iyon at palagi ko aiyang iniisip.

Papasok pa lang ako ng building nang mapansin ko na nagsisitinginan ang mga empleyado namin sa akin.

"Oy... baka nagagandahan na rin sila sa akin! Sa wakas napansin na rin nila ang beuty ko!" nakangiti ako sa aking iniisip.

Kaya ikinimbot-kimbot ko pa ang aking balakang sa paglalakad nang biglang magsalita ang guard na madadaanan ko.

"Good morning! Sir Ziendrick, ang pogi mo ngayon ah!" sabi nito sa akin.

Napatigil ako sa paglalakad saka ko naalala na panlalaking-panlalaki pala ang porma ko.

"Oh-em-ji ang pogi-pogi mo naman, Sir Ziendrick!" sabay-sabay na sabi ng mga babaeng empleyado namin sa kompanya.

"Sir Ziendrick, ako na lang kasi ang ipakilala mo na nobya kina President at Vice President Centillo, tanggap na tanggap kita kahit ano ka pa, handa akong bigyan ka nang anak kahit ilan pa ang gusto mo!" malanding sabi ni Joan, ang assistant secretary ko.

"Hey! Tumigil ka, hindi tayo talo girl!" sabi ko at tuloy-tuloy na akong naglakad nang mabilis papuntang office ko.

Hindi na ako na-offened sa sinabi ni Joan dahil sanay na ako sa kan'ya. Kilala siya bilang isang joker o palabirong tao. Matagal ko nang napapansin na may gusto ito sa akin pero hinayaan ko na lang siya kasi iba ang gusto ko. Ang gusto ko ay ang mga mala adones sa gwapo ang mukha. 

Umupo na ako sa aking swiller chair nang makapasok na ako sa aking opisina at sinimulan ko na ang pagtatrabaho. Naka-focus ako sa marketing nang mapansin ko na nauungusan na ang product line namin lalo na pagdating sa mga clothing wears.

"Hindi ito maaari, tatlong linggo na na nasa pangalawa na lang kami pagdating sa sales at costumer demands. Kailangan na mapanatili sa taas ang mga produkto namin," sambit ko.

Naisip ko tama si Mommy na mas maganda kung may isang modelo na mag papakilala ng produkto namin sa mga tao. Kaya naisipan ko na magpatawag ng emergency meeting.

Pagpasok ko ng comference room ay nandoon na lahat. Nakita ko na rin sina Mommy at Daddy.

"Okay! since nandito na si Ziendrick ang aking anak at nagpatawag ng meeting na ito magsimula na tayo," maawtorisadong sabi ni Daddy.

"Director Ziendrick may sasabihin ka raw sa amin," sabi ni Director Paul, isa sa mga direktor at shareholders ng kompanya.

Tumayo ako at nagsalita.

"Simula pa man noon, tayo na ang nangunguna sa marketing nang ating mga produkto at nang tiningnan ko kanina ang sales status ng ating kompanya ay napansin ko na pumapangalawa na lang tayo. Nauungasan na tayo nang ating kakompitensya sa loob nang tatlong linggo at kapag nagpatuloy pa ito ay baka malaos na ang ating mga produkto lalo na sa clothing lines. I-sa-suggest ko lang sana na kung gagawa tayo nang mga bagong designs at ipapakilala o i-pepresent natin ito sa publiko sa pamamagitan ng pag-e-endorso marami ang makakakita at makakilala ng mga products natin," mahabang sabi ko.

"Tama ang suggestion mo Director Ziendrick, pero papaano natin ipapakilala sa publiko ang mga products natin?" tanong naman ni Director Karl.

"Tama! Tama!" sabi naman ng mga iba pang Director na kasama namin sa loob ng comference room.

"Any suggestion," sabi ni Daddy.

"Ano kaya kung kumuha tayo nang mag-e-endorso ng mga products natin. Iyong kilalang tao para madaling makilala ng mga madla," sabi ni Mommy.

"At sino naman ang kukunin nating maging model ng kompanya? At syempre ang kukunin natin ay may guts para madaling nakakonek sa mga tao at dapat nasa loob na siya ng kompanya para alam na alam na nito ang history ng mga products natin para hindi na tayo mahirapan sa pagpapakilala sa tao!" sabi ko.

"Tama, saktong-sakto ka sa sinabi mo Director Ziendrick!" nakangiting sabi ni Mommy.

"Ano po ang ibig n'yong sabihin Vice-President?" taka tanong ko.

"Payag ba kayo na si Director Ziendrick na lang ang kunin at gawin nating modelo?" tanong ni Mommy.

Nakangiting tumingin silang lahat sa akin saka halos sabay-sabay na tumango.

"Pwede, all in one package na po si Director Ziendrick, pasok na pasok siya bilang isang model ng kompanya natin," sabi ni Director Karl, ang nasa Production and Promotional Director ng kompanya.

"I, agree. Yes! Vote ako riyan," sabi ni mommy.

"Yes! Vote rin ako. Ako rin, yes. Yes! Yes!" sunod-sunod na sabi ng mga iba pang kasamahan namin sa comference room.

"So, ngayon sumang-ayon na ang lahat na ikaw director Ziendrick ang magiging modelo ng kompanya," sabi ni daddy.

May sasabihin pa sana ako nang magsalita muli si daddy.

"Tapos na ang pagpupulong natin. Maghanda na ang lahat para sa gagawing paggawa ng mga bagong designs at promotion," sabi ni daddy at tumayo na.

Sunod-sunod na nagsitayuan ang mga directors at binati ako.

"Congratulations director Ziendrick, good luck!" sabi ng mga ito at isa-isang nagsilabasan ng comference room.

Nagpaiwan ako kasama nila mommy, at daddy.

"Mom!" tawag ko kay mommy nang wala na ang mga directors, shareholders, at stockholders ng kompanya.

"Yes! Iho, 'wag ka nang tumangi pa!" sabi kaagad ni mommy.

Kilalang-kilala talaga ako ng modra ko.

"But! Mom, papaano kung hindi ko maabot ang expectations ng mga tao ng kompanya sa akin?" nag-aalinlangan kong tanong.

"Iho, kaya mo 'yan. Nandito lang kami ng daddy mo nakasuporta sa'yo," sabi ni mommy.

Hindi naman sa hindi ko kaya ang magtrabaho. Ang inaalala ko ay ang magsusuot ako nang clothing na panlalaki lalo na ang mga underware. Sos-me-yo ilalabas ko ba ang mga abs ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status