Jack's POV:
"What? Are you insane?!" Pag-uulit niya pa sa kaniyang sinabi. Napaismid na lang ako dahil sa lalaking ito at tuluyang lumayo sa kaniyang direksyon. Napaupo ako sa mahabang sofa at napahawak muli sa aking sentido. Pumikit pa ako saglit upang mag-isip na naman ng tama. At naalala ko na bukas ay pupunta ako ng bookstore. Kailangan kong alamin kung ano na bang nangyayari. Nagagawa ba ni Samantha ang kaniyang trabaho.
'I hope so... halata rin sa babaeng iyon na may tinatagong kalandian. Tsk!'
"Hoy!" Pambubulabog na naman ni Froyd sa aking pagmumuni. Nawalan na tuloy ako sa konsentrasyon. "Can. You. Please. Shut. Up." May diin ngunit malumanay kong saad.
Napanguso naman siya at napabaling ang tingin sa bintana na aking tiningnan kani-kanina lang. Dahil sa nawalan na ako sa pagko-konsentrasyon sa pag-iisip, ay pinagmasdan ko na lang ang lalaking ito. Napansin ko naman kung paano magbago ang kaniyang itsura, hindi na ang palaging pinapakita niya sa akin. Halata rin sa kaniya na may iniinda siyang problema gaya ni Rizhui.
'Ano bang maaasahan ko? Lahat naman ng nagiging malapit sa aking buhay ay may mga napapagdaang pagsubok. Kung sila kikimkimin lang iyon, samantalang ako naman ay idadaan ko na lang sa bulbugan.'
Napalingon si Froyd sa gawi ko bago muling dumako ang tingin sa bintana. Napapalabi pa siya at minsan ay napapansin kong bubuka sana ang bibig ngunit pinipilit na itikom na lang.
Kaya napa-cross arm ako at seryoso siyang tinignan. Halata sa kaniya ang panginginig dahil sa itsura ko.
"Tell me what's the problem? Para kang tanga lang dahil sa mga pinaggagawa mo."
"H-huh?...Ah... Eh...Hu—"
"I'm not giving you a permission to tell your reason. Just tell me your f*ckin' problem." Walang emosyon kong sabat agad sa sasabihin niya sana. Napayuko naman siya sa kaniyang kinauupuan. Kinakalikot ang mga daliri dahil sa nerbyos na nararamdaman niya. Ngayon ay nawalan na rin ako ng gana pang alamin iyon at maging ang pasensya ko ay tumigil na.
Kahit na hindi na niya banggitin ay batid ko naman kung ano ang nasa utak niya. Lagi na lang niya pinoproblema ang iba kaysa sa sarili niya. Hindi na kataka-taka pa kung bakit naging best friend ko itong si Froyd. We only take care about someone we treasure, we value and save them from the person who always hurting them. Lagi kaming nandiyan sa tabi nila...pero sila naman ay patuloy na lumalayo at hinahabol ang mga taong hindi na dapat pang habulin. At kapag nasa amin ay aalis na lang sila nang walang paalam, kakalimutan ang mga taong dahilan kaya ayos at okay pa sila.
Hindi ko rin naman sila masisisi. They're just fall inlove. What f*ckin' love!
"No need na. I already know what your problem is. I'm also tired. Just sleep and always locked the windows in your room. Goodnight." Tumayo na ako sa aking pagkakaupo sa sofa. Pagkatapos kong banggitin iyon ay naglakad na ako palayo sa sala.
Pero hindi pa ako nakakalapit sa hagdanan nang marinig ko ang pagsalita niya. "W-wait... Uhmm..." hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa kaniyang sistema ang nerbyos. Pero naghintay pa rin ako, inaabangan kung ano ba ang sasabihin niya sa akin. "Goodnight, see you tomorrow!"
Mabilis na sigaw dagdag niya at siya na mismo ang kusang nauna para lumayo sa aking direksyon. Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan, nakatingin sa kanang bahagi ng bahay kung saan siya dumiretso habang tumatakbo.
"Crazy Kid! Tsk!" Naiiling na aniko. Nagpalabas pa ako nang malakas na buntong-hininga bago muling naglakad paitaas ng hagdanan. Hindi ko na muna dapat isipin pa ang lalaking ito. Kung gusto niyang umalis, then, let him go. It's his choice too.
***
(KINABUKASAN, 8:30 AM)
"What's the matter? Why are you calling me at exactly 5 in the morning?" Singhal ko agad sa lalaking sumundo sa akin papasok sa restaurant na ito. Nakaupo na siya ngayon sa upuan na katabi ng babae.
'What's wrong with this old man?'
"Sit down first, Son." Malumanay na utos nito at tinuro pa ang katabi kong upuan. Lumingon na muna ako sa kanilang dalawa bago mapamura na lang sa isipan. Ginawa ko nga ang sinabi niya. Umupo ako sa may upuan na tinutukoy niya. Sabay dekwatro na rin ng aking paa. Tumingin pa ako sa buong paligid ng restaurant. May mga nakaupo rin sa kaniya-kaniyang bakanteng upuan at lamesa. At ang mga waiter at waitress naman ay ina-assist ang mga customer nila. Halata sa lahat ang pagka-busy. May mga customer na nakatuon sa laptop, habang ang iba naman ay may kausap at ang waiter naman ay naghihintay sa response nito.
Sinandal ko ang ulo ko sa headboard ng upuan at itinaas ang aking kanang kamay para tawagin ang isang waitress na nasa tabi ng counter. Nasa dulo kami ng restaurant at may dalawa pang bakanteng upuan at lamesa sa unahan namin.
Halata sa babaeng ito na bago pa lang siya sa trabaho na ito, obvious naman sa paraan ng kilos niya, kaso nakatalikod siya sa banda namin kaya hindi ko mam'westrahan kung ano bang itsura niya.
"Hey, Miss!" Sigaw ko upang makuha ang atensyon niya. Pero nagkamali ako dahil lahat ng tao sa restaurant ay napalingon sa gawi ko.
"Tsk! I'm calling for that waitress, not you! So, mind your own business f*cker!"
"Son!" May halong pagbabanta na suway sa akin ni Daddy sabay sinipa pa ako nang mahina sa paa sa ilalim ng lamesa. Napaismid naman ako sa naging turan niya at hinintay na lang ang babaeng naglalakad na sa aming direksyon. May hawak-hawak na itong menu at isang maliit na papel maging ballpen din. Nagtataka naman na napagawi ang aking mga mata sa may lamesa.
'She's completely a stupid woman.' Mapanglait na saad ng nasa isipan ko.
"What's your order, Sir?" tanong nito sa akin kaya napalingon ako sa kaniyang direksyon. She's using a formal tone, pero halata pa rin na kinakabahan siya. Nakayuko rin ito habang nakalahad sa aking harapan ang menu.
'Wala ba siyang nakikita?'
"Tsk." Iyon na lang ang lumabas sa bunganga ko at kinuha na nga ang menu na nasa kamay niya kahit na meron naman sa lamesa. Ayokong mapahiya ang babaeng ito nang maaga dahil lang sa akin.
'And so what?'
Pero nasusura ako sa kung paano siya yumuko nang yumuko habang pinagmamasdan ko ang lahat ng nakalagay sa menu. Nang ilipat ko sa ibang pahina ay may napansin naman ako sa aking peripheral vision tungkol sa babaeng ito. Nanginginig ang kaniyang mga daliri. Napagawi naman ang tingin ko sa katapatan ko.
Pinagmamasdan din pala siya nila Daddy.
"Did you already choose, Son?" Tanong agad nito nang mapansin na ibinaba ko na ang menu sa may lamesa at umupo na nang maayos, pero nakadekwatruhan pa rin.
Napaangat din ang mukha ng babae at tumingin sa akin. Napa-cross arm ako at seryoso siyang tiningnan. May salamin ang kaniyang mukha at halata na may hitsura rin ang babae, kung aayusin niya lang ang kaniyang sarili.
"Nah! Nawalan na ako ng gana." Sagot ko ng totoo sa daddy ko pagkabaling ko sa kaniya. Ngunit sumulyap muli sa kaharap ko na nakayuko na naman ngayon. " And you, kung gusto mong magtrabaho at kumita. Hindi ka dapat nahihiya. What's the reason why are you working? Who thr person you're helping or w–" napatigil naman ako sa sinasabi ko at napahawak ang kanang kamay ko sa 'king baba. "–kung ano man ang rason mo ay wala na akong pake pa. Ang mahalaga lang sa akin... don't be shy, be confident without minding f*ckin people. You're beautiful with an eyeglasses, huwag kang yumuyuko nang yumuyuko dahil nakakainis tingnan. Got it?" Tumango-tango naman siya sa tanong ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaangat ang kaniyang ulo.
"Tsk. You may now go." Utos ko na lang sa kaniya. Halata rito ang pagkagulat kaya iniangat niya na ang ulo niya.
"P-pero sir...baka pa–"
"1 slice of lasagna. That's it. You may now go. PLEASE." May diin na sabat ko na naman kaya tumango-tango naman siya at nagmabilis na naglakad palayo sa direksyon ko.
Napapailing na lang ako sa babaeng iyon.
"Ikaw ba talaga iyan anak?" Biglang bigkas ni Daddy matapos mawala sa aming paningin ang waitress na iyon.
Pero matalim na tingin lang ang iginawad ko sa kaniya at muling sumandal sa headboard.
"What are you doing here? You supposed to be taking care my twin 'n her son."
"She's fine there. Nandoon naman ang pinagkakatiwalaan naming doctor. Aalis din naman kami bukas. Umuwi lang kami para pag-usapan natin ang isang organization. Tungkol sa Black Rose Organization."
"What about my organization?" Tanong ko nang may halong pagtataka. Hindi ko maipaliwanag ang itsura nilang dalawa. Anong meron sa organisasyon? Bakit sa araw na ito ay mapapag-usapan namin ang tungkol doon?
"Your organization?" Gulat din na tanong nilang dalawa sa akin. Maski si Tita ay nakisali na rin kay Daddy. I'm prefer calling her Tita than mommy. Hindi pa rin nawawala sa aking puso't isipan ang totoong ina ko... ina namin ni Kreiah kahit na namatay na siya at ang kuya namin.
"Yeah, you don't know?" Paninigurado ko pa. Sabay-sabay naman silang tumango sa isa't isa. Napasapok na lang ako sa aking noo.
"Can't believe this..."
LINZIE's POV: Tapos na ang kasal ni Ace at ganap na bagong mag-asawa na sila ng asawa niya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala, noon ay mukha pa lang siyang bata sa aking paningin. Ngayon ay hindi na. Para na siyang isang nakakatakot na tao na hindi dapat binabangga. Matipuno at bakat na bakat na rin ang dibdib nito sa sobrang sikip sa kaniya ang damit na pangkasal. Napalingon naman ako sa katabi niya. Masaya itong pinagmamasdan ang asawa, halata talaga sa mukha na kontento na siya. Ganon din si Ace. They really fall in love with each other. I hope ganon din sa akin, sana kung hindi ako naging tanga noong mga panahon na 'yon sana katulad din ako ni Ace na masayang pinagmamasdan ang kaniyang minamahal. At sinasabi sa sarili na… Sa wakas! This is it! He's really mine. 'I really love him. I'm still inlove with the man who made me happy and lucky. Binigay niya sa akin ang mga bagay na hindi ko nakuha noon. Tinulungan niya akong umangat sa buhay.' Pero… dahil sa katanga
JACK'S POV:Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Tuluyan ng naging masaya ang aking isipan at puso habang pinagmamasdan ang mga magandang bulaklak na tanging sa Hokkaido ko lang makikita.Ang Furano."Oh! Hey! Long time no see!" Napalingon agad ako sa sumigaw sa aking direksyon.Nakita ko si Ace na may hawak na camera. Nakangiti siyang lumapit sa akin.May napansin din akong singsing sa may kaniyang palasingsingan. Isang infinity ring."Sino naman ang ginayuma mong nilalang na papakasal sa iyo?"Napabusangot naman siya sabay takbo sa aking likuran. Hindi ko nakuha agad ang kaniyang naiisip kaya napa-aray na lang ako sa biglaan nitong pagsampa sa aking likuran."Hanggang ngayon pa rin ba gustong-gusto mo sa likuran ko? Kapag nagkikita tayo panay ka talon? Kung sino man ang malas na papakasal sa 'yo. Panigurado
LINZIE'S POV:Isang taon na pala ang nakakalipas. May isa na rin kaming anak ni Mike. Hindi ako nagsisisi na pinakasalan ko ang tatay ng anak ko at magiging anak pa namin.Tama lang din ang ginawa ko. Hindi talaga ako ganon marunong maghintay. Nasa parte na ng pagkatao ko 'yon. Pero ginawa ko pa rin ang pangako ko kay Jack. Naghintay ako, kaso anong hihintayin ko? Maging matanda na ako tapos si Jack may asawa't anak na pala.Kahit na may pamilya na ako. Tinuloy ko pa rin ang pagtatrabaho rito sa bookstore. Ang daddy niya na ang nagpapasweldo sa akin.Noong una malapit kami sa isa't isa ng daddy niya. Pero nang malaman na may boyfriend na ako. Biglang nagbago ang simoy ng hangin.Ang secretary na lang nito ang nagbibigay sa akin ng sweldo ko linggo-linggo."Hi Linzie!" Masayang bati ng mga taong matagal ko ng hindi nakita.Si Aze at si Fro
(After 1 year)KREIAH'S POV:"Ano na naman 'yang maling desisyon ang gagawin mo? Kuya–really?! Sa America mo talaga balak pumunta at manirahan? Akala ko ba ayaw mo sa Japan at America dahil nagreresembla sa ating magulang? What now? " Pagdududang aniko sa kaharap ko na may hawak ng dalawang maleta.Sure na sure na talaga siya sa balak niyang gawin. Hindi ko naman siya pipigilan pero...Kakaiba 'e. May nangyari ba noong mga araw at taon na wala ako?Kahit kailanman ay hindi pa man lang kami nagkakausap nang matino ng lalaking ito. Inuuna ko muna ang pamilya ko dahil matagal na naming inaasam ang ganitong buhay.'Yung walang problema at sisira sa aming pamilya na naman."Hayaan mo na si Jack. He seems serious on his decision. Basta tama na lang ngayon." Sinamaan naman ng tingin nitong si Jack ang asawa ko na natatawa na lang.&
IAN'S POV:"Bakit ngayon ka lang dumating anak?""Oo nga Kuya Yanyan!" Sabat din ni Angel sa sinabi ni Nanay pagkapasok ko sa bahay namin.Gabi na akong nakauwi rito. Hindi ko alam kung anong oras na ba, ang tanging nasa isipan ko lang ay ang mga napagdaanan ni Kuya Jack sa kamay ng mga organisasyon.Hindi ako makapaniwala. Sobrang galit na galit ako sa kaniya noon. Minura at sinusumpa ko pa siya na mamatay na siya.Pero ngayon kinain ko ang lahat. Nagpalipas ako ng buong gabi sa bahay ng girlfriend ko. Sa kaniya ko nilabas ang sakit ng nalaman ko. Sinabi ko rin sa kaniya na huwag na huwag sasabihin kay Ate Linzie ang tungkol kay Kuya Jack.Magkakagulo na naman ang lahat. Baka ibuntong sa akin nito ang galit.Pero kahit na ilang araw pa lang kami nagkakilala ni Kuya. Ramdam ko ang pagiging makatao nito. May usapan na mabangis at wala siya
(4 years later)ACE'S POV:Pinagmamasdan ko lang ang natutulog na lalaking ito na puro puno ng pasa, sugat at mga dextrose sa kaniyang katawan.Dalawang taon na ang nakakaraan magmula ng magsimula siya sa misyon niya.Iyon ay makuha ang mga flag sa bawat sulok ng kagubatan. Sobrang lawak ng gubat na 'yon. May mga nakaabang din na mga pinakamalakas na myembro sa bawat organisasyon.Noong una ay naging kampante pa ako. Kayang-kaya talagang makipagsabayan ng lalaking ito sa kahit sino.Inabot lang ng dalawang taon sapagkat ang mga flag ay nakatago. Saka kailangan niyang maipon ang isangdaang libo na mga bandila.Sobrang dami. At ang kakalabanin naman niya ay nasa isang libo lang. 'Yun lang ang napagpasyahan ng lahat.Kailangan lang talaga nito na makuha ang mga bandila na kulay pula.Pero sa paglipas