Share

Kabanata VI: Ang Halimaw

~*~

HINDI na nakasagot pa si Senyora Celeste kay Crispin na lihim namang ipinagbunyi ng loob ni Estella. Sa isang banda ay sumagi agad sa kanyang isip ang mga kwentong kanyang naririnig patungkol sa isla. Ang mga kadalagahang misteryosong nawawala at natatagpuan na lamang na walang buhay sa mga kakahuyan. Nanindig ang kanyang balahibo. Hindi kaya ay isa ang babaeng iyon sa tinutukoy sa kwento? Hindi. May indikasyon na nais na itago ng kung sino man ang pumatay dito ang kanyang bakas- na gusto nitong sirain ang kahit anong ebidensya. Subalit, hindi ito naging matagumpay dahil hindi nasunog ang bangkay ng babae. Malayong-malayo ang krimen na iyon sa naririnig niyang halimaw na gumagala sa isla at pumapatay ng mga kadalagahan.

Kahit sinong tao ay kayang gawin ang ginawa nito.

Naputol ang kanyang malalim na pag-iisp nang ang kanilang carruaje na ang sumunod sisiyasatin. Sinenyasan sila ng isa sa dalawang gwardiya sibil na bumaba. Pinangko niya si Clara at binitbit pababa ng carrua
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status