Share

Kabanata V: Biktima

"ESTELLA! ESTELLA!"

Nagising si Estella ng maramdaman na may kung sinong yumuyugyug ng kanyang balikat at tumatawag ng kanyang pangalan. Si Aling Chona.

" Magbihis ka na at sasamahan mo si Senyora sa bayan, " sabi nito.

Tama ba ang narinig niya? Isasama siya ni Senyora Celeste sa bayan? O baka nanaghinip pa rin siya? Parang napakaimposible naman. Sigurado siyang dahil sa ginawa niya kahapon ay papaalisin na siya nito. Nagpabiling-biling siya sa banig at mas lalong niyakap ang kanyang unan. Kahit man lang sa huling araw niya sa mansyon nais niyang magkaroon ng masarap na tulog.

" Si Aling Concha talaga nagbibiro. Eh babalik na ako sa amin mamaya," naantok na sagot niya rito.

Nagpalinga-linga siya sa labas. Makapal pa ang dilim sa labas at nagsisimulang pa lang magising ang mga manok. Sa tantya niya ay alas tres pa lang ng madaling araw. Ipinikit niya muli ang kanyang mga mata. Marami pa naman siyang oras. Hindi na din naman kailangan pang mag-impake dahil tanging ang kanyang bayon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status