Natulala si Noel sa dalawang salitang iyon. Tinitigan nila ni Brook si Fane, hindi alam ang sasabihin. Mula sa sagot ni Fane, mukhang talagang hindi siya natatakot pero imposible ito! Sigurado silang nagpapanggap lang itong kalmado. Kumirot rin ang labi ni Brook. Napakalakas na ni Wesley sa isang runner disciple na tulad niya. Imposibleng mananalo siya lavan dito sa loob ng isang milyong taon at talagang nag-aalala siya para kay Fane. Marami sa mga manonood ang nagsimulang mag-isip kung anong mangyayari sa laban ni Wesley at Fane. Tatalsik ba si Fane sa isang atake ng spada? Baka gawin ni Wesley ang makakaya niya para ipahiya ito sa pamamagitan ng paglalagay ng markang 'X' sa mukha ni Fane. Hindi lamang mapapahiya dito si Fane ngunit masisiguro rin nitong hindi siya magkakaroon ng pagkakataong magkamit ng malaking bagay sa buong buhay niya. Ayon sa ugali ni Wesley, alam nilang malaki ang posibilidad na mangyari ito. Higit sa lahat, may suporta si Wesley ng maraming makapangyariha
"Ang kapal ng mukha mong ipahiya ako ulit kahit na puro kabutihan ang pinapakita ko sa'yo?!" sigaw ni Wesley. Tinitigan nang seryoso ni Fane ang lalaking matulis ang mata at si Wesley. "Kayo ang laging nagpapahiya sa akin! At klaruhin ko lang, hindi sa gusto kitang ipahiya pero nilagay mo ang sarili mo sa posisyon kung saan mapapahiya kita! Hindi sana ganito ang nangyayari kung hindi mo ako pinilit na ibigay sa'yo ang kwartong napanalunan ko noong araw na iyon!" Tuloy-tuloy si Fane. Totoo ang sinasabi niya pero tulad ng kasabihan, masakit ang katotohanan. Nagsalita na naman ang mga tao sa paligid nila. "Nababaliw na ba si Fane? O tingin niya wala nang mawawala sa kanya dahil maraming beses na niyang ginalit si Wesley?" "Oo tingin ko ganyan nga. Mabuti pang ipahiya niya pa lalo si Wesley dahil alam niyang matatalo siya sa laban." Ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang suminghal at umiling. "Oo, talagang baliw na siya. Lalo lang maiinis si Wesley sa sinasabi niya. Walang dudang
Mabilis na naglakad patungo kay Fane ang lalaking matukis ang mata at tinitigan si Fane na parang kakainin niya ito. "Alam ko ang binabalak mo!" 'Anong binabalak ko?' nagtatakang tanong ni Fane. Suminghal ang lalaking matulis ang mata at tinuro si Fane. "Sinusubukan mong tumakas sa laban niyo ni Wesley!" Kaagad na tumikom ang bibig ni Fane. Nakatingin siya sa lalaking matulis ang mata na para bang nakatakas ito ng ospital ng mga baliw. "Pwede bang sabihin mo sa akin kung anong sinabi ko para maisip mo 'yan? Bakit ako manghihingi ng taya sa kanya kung ayaw kong makipaglaban sa kanya?" Umiling ang lalaking matulis ang mata, suminghal, at habang kinukumpas ang kanyang kamay, sinabi niya nang malakas, "Sabu mo hindi ka makikipaglaban kay Brother Wesley kapag hindi siya nagbigay ng taya. Iyan ang payunay na ayaw mong makipaglaban sa kanya dahil alam mong si Brother Wesley ay mapagmataas at kapag nagbigay siya ng taya ay nangangahulugan itong may pag-asa kang manalo. Kinamumuhian ka
Imposibleng basta na lang palalagpasin ni Wesley si Fane sa init ng ulo nito. Kahit ang pagbugbog dito ay hindi sapat para alisin ang galit niya. Ngunit hindi talaga masyadong malapit sa isa't isa si Fane at Deacon Ambrose kaya hindi niya pinagtanggol si Fane at patuloy lang siyang nanood sa tabi. Patuloy na dumaan sa tainga niya ang komento ng mga tao at wala siyang masabi sa mga hula nito. Kahit ayaw niyang ipagtanggol ang kanyang sarili, wala siyang magawa kundi magsalita para hindi magpatuloy ang ganito. "Pwede bang tumahimik ka muna? Nagwawala ka na," sinabi niya sa lalaking matuliw ang mata. Pagkatapos, ibinaling niya ang kanyang atensyon kay Wesley na nakatingin sa kanya nang nakataas ang kilay at nakangiti. Wala talagang pakialam si Fane kung anong iniisip ni Wesley. "Tatanungin kita ulit—anong taya mo?" Naningkit ang mata ni Wesley. Sumang ayon siya sa sinabi ng lalaking matulis ang mata; ang pagbibigay ng taya ay nangangahulugang tingin niya may pag-asang manalo si Fa
Nanlaki ang mata ng lahat nang marinig nila ito. Bukod sa resulta ng laban, ang taya pa lang na hiningi ni Fane kay Wesley ay nakakabigla na sa nakararami. Kahit sino pa ang gumawa ng taya, hindi sila pwedeng tumaya ng higit 150 pavilion contribution points at ibig-sabihin nito na humihingi si Fane kay Wesley ng pinakamataas na contribution points. Kasama ng dalawang soul-penetrating pills, muling tumaas ang taya dahil ang mga soul-penetrating pill ay isa sa pinakamamahaling pill sa mga fifth-grade pill. Sa katotohanan, ang paggawa ng mga soul-penetrating pill ay nangangailangan ng napakamamahaling sangkap. Dahil sa halaga ng mga sangkap nito, ang presyo ng soul-penetrating pill ay maikukumpara sa mga sixth-grade pill. Sa Dual Sovereign Pavilion, ang presyo ng bawat soul-penetrating pill ay 150 pavilion contribution point at ang dalawang soul-penetrating pill ay nasa 300 pavilion contribution point ang halaga. Kasama ng 150 pavilion contribution point na taya nila nitong nakaraan
Natawa nang bahagya si Fane nang marinig niya ito at sinabi, "Hindi na natin kailangang maghintay na matapos ang buwan dahil pwede naman tayong maglaban ngayon na. Dahil pumayag ka sa mga alok ko, hindi na kailangang maghintay pa." Ang sinabi ni Fane ay parang pagbabagsak ng isang napakabigat na bato sa isang kalmadong lawa. Maraming tao ang kaagad na nagtaka kung nananaginip ba sila. Anong sinabi ni Fane? Nagmamadali na ba siyang mamatay nang sabihin niyang gusto niyang pumasok sa battle arena ngayon na at kasama si Wesley? O sumuko na siya at tuluyan na siyang nabaliw? Maging si Noel at Brook ay nagtinginan nang tulala nang marinig nila ang sinabi ni Fane. Nanatili silang nakanganga at hindi makapagsalita habang nakatingin sila sa likuran ni Fane. Binalewala ni Fane ang lahat ng iniisip ng mga nanonood sa kanya. Dahan-dahan siyang naglakad at pumunta sa harap ni Ambrose. Tulala rin si Ambrose habang nakatingin kay Fane. Hindi niya maintindihan kung anong binabalak na gawin ni F
Sa katunayan, hindi na kayang pigilan ni Fane ang kanyang sarili dahil sa panggugulo sa kanya ng lalaking may tatsulok na mga mata. Laking gulat ng lahat, biglang lumingon si Fane at malamig na tinitigan ang lalaking may tatsulok na mga mata. Pasinghal nitong sinabi, “Mapaghiganti pa naman akong tao, kaya dapat mong tandaan ang aking mga salita.”Pagkatapos niyang magsalita, umikot si Fane at naglakad papunta sa battle arena sa gitna. Sa mga sandaling ito, nakatayo na si Wesley sa may silangang bahagi ng battle area, at nakatayo naman si Fane sa kabilang panig nito. Tiningnan nila ang isa’t isa, isa sa kanila ay walang ekspresyon habang ang isa naman ay mukhang nanghahamak. Tiningnan ni Wesley si Fane na para bang isa itong tanga o isang bobo, pero nanatiling walang imik si Fane sa kalagitnaan ng lahat ng ito. Mukhang kahit na anong ekspresyon ang meron si Wesley sa kanyang mukha, hindi ito maaapektuhan si Fane. Ang tunog ng mga taong pinag-uusapan kung ano ang mangyayari sa ibaba n
Pagkatapos ng kanyang babala, hindi na nag-abala pa si Wesley na magsabi ng ano pa nang nilabas niya ang kanyang espada na may tatlong talampakan ang haba mula sa kanyang storage ring, habang hawak ito ng mahigpit sa hawakan nito. Tinaas niya ang kanyang kanang kamay, at ang espada ay muling umilaw ng kulay pilak na liwanag. Ang lahat ay nakatingin habang ang maliliit na liwanag ay nagkumpol-kumpol at naging isang maliit ngunit maliwanag na bituin sa loob ng kulay pilak na liwanag ng espada. Hindi kailangan gumamit ni Wesley ng gaanong lakas sa laban niya kay Fane. Bumuo siya ng dalawang bituin nang nilabannan niya si Dale, pero kailangan lang niya ng isa para patalsikin si Fane. Nagtaas ng kilay si Fane. Nang nakaupo pa siya kasama ng mga manonood, napansin niya na ginamit ni Wesley ang Seven Stars Meteor Cloud, pero ngayong nakatayo na siya sa harapan ni Wesley, malinaw niyang nararamdaman ang malakas na pwersa ng Seven Stars Meteor Cloud. Kung isa lang siyang pangkaraniwang mart