MARRIED TO MY MASTER

MARRIED TO MY MASTER

last updateLast Updated : 2026-05-12
By:  RIDA WritesOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
34Chapters
765views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nagkaroon ng malaking scandal sa kompanya ang mga magulang ni Lyka Lopez. Upang maisalba ang kanilang negosyo, napilitan siyang tumira sa mansyon ni Ray Tony Bautista bilang katulong. Ngunit hindi lang basta paglilinis ng bahay ang kanyang gagawin dahil siya ang magiging yaya ng nag-iisang anak ni Tony. Mayroon lamang isang kondisyon si Tony. Kailangan nilang magpakasal at panatilihin itong lihim sa lahat. Isang kasal na nakatali sa kontrata at walang puwang para sa tunay na damdamin. Paano kung sa gitna ng kanilang pagsasama ay unti unting mabuo muli ang naudlot na pagmamahalan? Kakayanin ba nilang panindigan ang kanilang kasunduan, o ang puso nila ang tuluyang magdidikta ng kanilang kapalaran?

View More

Chapter 1

Prologue

PANAY ang kapa ni Lyka, wala siyang makita. Blur ang kanyang paningin sa sobrang kalasingan.

"F*ck! You're wasted, Lyka," natatawang mura pa niya sa kanyang sarili.

Sabi sa kanya ay pumunta raw siya sa RM. 205. Hindi niya alam kung bakit.

Napatayo siya nang tuwid kahit bahagyang umiikot ang paligid. Kumapit siya sa dingding habang pilit hinahanap ang numerong 205.

“RM… 205…” bulong niya sa sarili, halos hindi na maayos ang bigkas.

Sa wakas, natanaw niya ang pinto. Medyo nakabukas ito, at may mahinang ilaw na sumisilip mula sa loob. Hindi na siya nag-isip pa, itinulak niya iyon at tuluyang pumasok.

Tahimik ang loob ng kuwarto. Malamig ang hangin mula sa aircon, taliwas sa init na kumakalat sa buong katawan niya. Napahawak siya sa dibdib niya, tila ba may kung anong kakaibang sensasyon na hindi niya maipaliwanag.

“Bakit ang init…” mahina niyang reklamo.

May gumalaw sa loob.

“Who’s there?”

Napatigil si Lyka. Kilala niya ang boses na iyo. Malalim at parang pamilyar.

“Sino ka…?” usal niya, pilit inuunat ang paningin.

Lumapit ang lalaki mula sa gilid ng kama, kunot ang noo habang pinagmamasdan siya.

“Lyka? What are you doing here? And… bakit ganyan ang itsura mo?”

Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, napahakbang siya palapit. Isa, dalawang hakbang hanggang sa halos mawalan siya ng balanse.

Mabilis siyang nasalo ni Tony.

“Hey, careful.”

Pagdikit ng katawan nila, para bang lalo pang nag-init ang pakiramdam ni Lyka. Napapikit siya sandali, napakapit sa braso ng lalaki.

“I don’t feel okay…” mahinang sabi niya, halos pabulong.

Mas lalong kumunot ang noo ni Tony. “Nakainom ka ba? Or—may ibang nangyari?"

Hindi sumagot si Lyka. Sa halip, napatingala siya sa lalaki, ang mga mata niya ay mabigat pero may kakaibang kislap.

“I don’t know… pero ang weird ng pakiramdam ko…” dagdag niya, bahagyang hinihingal.

Saglit na natigilan si Tony, tila may napagtanto.

“Lyka…” mas naging seryoso ang tono niya. “May ininom ka bang hindi mo alam?”

Hindi agad nakasagot si Lyka. Ang alam niya lang, nahihilo siya, mainit ang katawan, at ang tanging malinaw sa paningin niya ngayon ay ang lalaking kaharap niya. Pero hindi niya maaninag ng malinaw ang mukha nito.

Pero, bakit kilala siya nito? Nakagat ni Lyka ang pang-ibabang labi.

Mas humigpit ang kapit niya rito, parang doon lang siya kumakapit para hindi tuluyang bumigay.

“Don’t let go…” mahina niyang sabi, halos hindi na niya namamalayan.

Napasinghap si Tony, halatang naguguluhan, pero hindi rin niya ito binitawan.

“Alright… I’ve got you,” mahinahon niyang sagot, kahit ramdam ang tensyon sa kanyang boses.

"Can I be with you tonight?" Parang nakikiusap na sabi ni Lyka. "Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko..." dagdag pa niya.

Pinagpapawisan na si Lyka kahit malamig ang hangin na nanggagaling sa aircon.

Napatingin si Tony sa kanya, bakas ang pag-aalala sa mukha. Ramdam niya ang init ng balat ni Lyka. Hindi iyon normal na lasing lang.

“Lyka… you’re burning,” mahina niyang sabi, bahagyang kinakabahan.

Hindi na sumagot si Lyka. Sa halip, mas dumikit pa siya, parang doon lang siya nakakahanap ng balanse. Mabigat ang paghinga niya, at tila hirap na siyang kontrolin ang sarili.

“Please…” bulong niya, halos pumikit na. “Just… don’t leave me…”

Saglit na napapikit si Tony, pinipigilan ang sarili na mag-panic. Hindi ito basta kalasingan lang, may mali.

“Okay… okay. Relax,” mahinahon niyang sabi, kahit nagmamadali na ang isip niya. “Uupo muna tayo.”

Dahan-dahan niya itong inalalayan papunta sa kama. Hindi niya ito basta binitawan hangga’t hindi siya sigurado na maayos itong nakaupo.

Napahawak si Lyka sa noo niya. “Ang sakit… ang init…” mahina niyang daing.

Kinuha ni Tony ang isang basong tubig sa side table at iniabot sa kanya. “Drink this.”

Bahagyang umiling si Lyka. “Ayoko…”

“Lyka,” mas naging matigas ang tono niya, pero may lambot pa rin.

“You need this.”

Dahan-dahan niyang inalalayan ang kamay nito hanggang makainom kahit kaunti. Nang makalunok si Lyka, saka siya bahagyang kumalma.

Hindi pa rin siya mapakali.

“Wait here,” sabi ni Tony.

Tumayo siya at mabilis na kumuha ng malinis na towel, binasa iyon at piniga. Bumalik siya kay Lyka at marahang inilapat iyon sa noo nito.

Napapikit si Lyka sa lamig.

“Better…?” tanong niya.

Mahina itong tumango.

Tahimik sandali ang paligid. Tanging mahinang paghinga ni Lyka ang maririnig.

“Who told you to come here?” tanong ni Tony, seryoso na ang boses.

Bahagyang napakunot ang noo ni Lyka, pilit inaalala.

“I… I don’t know… may nagsabi lang… RM 205…”

Napabuntong-hininga si Tony, halatang may iniisip.

“D*mn…” mahina niyang mura.

Muli siyang tumingin kay Lyka. Namumutla, pawisan, at halatang hindi maayos ang pakiramdam.

Hindi na siya nagdalawang-isip. Hinila niya ang kumot at marahang tinakpan si Lyka.

“I’m not going anywhere,” mahinahon niyang sabi. “You’re safe here, okay?”

Bahagyang gumalaw si Lyka, parang naghahanap ng mas komportableng posisyon. Hindi na niya namalayan nang tuluyan siyang sumandal kay Tony.

Saglit na natigilan ang lalaki, pero hindi siya umiwas.

Sa halip, marahan niyang inayos ang posisyon nito para hindi ito mahulog, habang patuloy na pinupunasan ang pawis sa noo nito.

“Just rest…” bulong niya.

Tatayo na sana si Tony nang hawakan ni Lyka ang kamay niya.

“Please… help me… only you can help this fire burning inside me…” nakikiusap na sabi ni Lyka.

Napahinto si Tony.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata sandali, parang pilit kinokontrol ang sarili. Ramdam niya ang init ng palad ni Lyka na nakahawak sa kanya.

“Lyka…” mahina niyang tawag, paos ang boses. “You don’t know what you’re saying.”

Pero mas humigpit ang kapit ni Lyka.

“I do…” bulong niya, kahit hirap na hirap siyang magsalita. “Please… don’t leave me…”

Dahan-dahang iminulat ni Tony ang mga mata niya at tumingin sa babae.

Ngayon lang niya ito nakita nang ganito. Mahina, vulnerable at sobrang lapit.

Napalunok siya.

Hindi niya dapat gawin ito.

Pero nang bahagyang sumandal si Lyka sa kanya, halos kusang gumalaw ang kamay niya. Sumuporta sa likod nito para hindi bumagsak.

“D*mn it…” mahina niyang mura.

“Mister…” mahina ulit na tawag ni Lyka, halos dikit na ang mukha sa kanya. “It hurts…”

Napahigpit ang panga ni Tony.

Hindi na iyon simpleng pag-aalaga lang. Ramdam niya na rin ang epekto. Ang init, ang lapit at ang amoy ng buhok ni Lyka na parang humihila sa kanya palapit.

Napakuyom ng kanyang kamao si Tony. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Malapit na kasing maputol ang pisi ng kanyang pasensiya.

“Look at me,” mahina pero mariing utos niya.

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Lyka. Kahit blurred ang paningin niya, naramdaman niyang seryoso ang lalaki.

Saglit silang nagkatitigan.

At doon… may nagbago.

Hindi na lang awa ang naroon sa mga mata ni Tony.

May halo na itong pagnanasa. Pinipigilan, pero unti-unting lumalabas.

“Are you sure…?” tanong niya, mababa ang boses.

Hindi na sumagot si Lyka.

Sa halip, marahan niyang hinawakan ang pisngi ni Tony. Doon na tuluyang naputol ang natitirang kontrol ni Tony.

Ngunit sa halip na madaliin, marahan niya itong hinawakan, parang nagbibigay pa rin ng pagkakataon na umatras.

“Last chance, Lyka…” bulong niya. Pero hindi na umatras ang dalaga.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviews

Rissa Bien
Rissa Bien
new! thank you miss a
2026-04-07 06:08:00
0
0
RIDA Writes
RIDA Writes
Story po ito nina Lyka at Tony.. Enjoy reading and love lots... 🫶
2026-04-06 14:43:50
0
0
34 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status