Share

Kabanata 3

Author: Moneto
“Nababaliw ka na ba Fane? Baka nakakalimutan mo kung sino ka talaga? Isa ka lang delivery boy na ipinakasal sa pinsan ko. Huwag mong isipin na dahil lang naging sundalo ka ng ilang taon ay pwede mo na akong paglaruan!”

Nanggigigil si Ivan habang sinusubukan niyang tumayo.

Bang!

Nagliparan ang alikabok nang muli siyang sinipa ni Fane at idiniin siya sa lupa.

“Hindi ko na uulitin ang mga sinabi ko!”

Madiing tinapakan ni Fane ang kamay ni Ivan.

“Ahhh!” Napahiyaw si Ivan. Pakiramdam niya ay dinudurog ang kanyang mga buto.

“Bwisit…” Hindi makapagsalita si Ivan nang makita niya ang kawalan ng awa sa mga mata ni Fane.

“Kakainin mo ba yan o hindi? Kung hindi mo yan kakainin, papatayin kita!” Galit na galit na nagsalita si Fane.

“K-k-kakainin ko. Kakainin ko na!”

Sa pagkakataong ito, takot na takot si Ivan kay Fane. Kahit na ayaw niyang gawin, walang magawa si Ivan kundi kainin ang maruruming tinapay.

“Salamat sa pag-aalala mo kay Kylie. Nandyan ba si Selena?”

Lumapit si Fane sa kasambahay, naaalala niya na si Shauna ay dating malapit na tagapagsilbi ni Selena.

“Itinakwil ng pamilyang Taylor si Miss Selena. Tutol sila sa desisyon ni Miss Selena na ipagpatuloy ang pagbubuntis niya kay Kylie, dahil dun…”

Napaluha si Shauna habang inaalala niya ang mga nangyari.

“Tara. Dalhin mo ako sa kanya!”

Kinarga ni Fane si Kylie. “Wala nang mananakit pa sayo Kylie!”

“Ate, s-s-sino siya?”

Bakas pa rin ang takot sa mukha ni Kylie dahil sa mga pangyayari kanina.

“Siya ang tatay mo Kylie. Dali, tawagin mo ang daddy mo. Buhay siya. Nagbalik na siya!”

Naluha si Shauna habang pinapaliwanag niya ang lahat sa bata. Sa nakalipas na limang taon, naging napakahirap ng buhay ni Selena.

“I-i-ikaw ba talaga ang daddy ko?”

Nagningning ang mga mata ni Kylie sa kanyang narinig. “Sabi nila patay na ang daddy ko. Ikaw ba talaga ang daddy ko? Sabi ni mommy siguradong buhay pa ang daddy ko. Sabi ni mommy, kapag nakabalik na si daddy, hindi na namin kailangan pang mamulot ng basura!”

Agad na napaluha si Fane. Sa kabila ng seven-foot niyang height at ang pagiging nag-iisang Supreme Warrior ng Daxia, hindi niya napigilan na maluha sa kanyang narinig.

“Mag-isip kang mabuti Shauna. Kapag sumunod ka sa kanya, tanggal ka na sa trabaho. Siguradong alam mo kung gaano karaming tao ang naghahangad na maging tagapagsilbi ng pamilyang Taylor!” Ang sinigaw ni Ivan pagkatapos niyang kainin ang mga tinapay.

“Puro ka kalokohan!”

Tumalsik siya ng malayo nang muli siyang sipain ni Fane. Sumuka ng dugo si Ivan at nawalan ng malay dahil dito.

“Dapat lang yan sa kanya!” Ang sabi ni Kylie habang nasisiyahan siya sa kanyang nakita.

“Ayaw ko nang magtrabaho pa para sa inyo. Tara na Master Fane, dadalhin kita kay Miss Selena!”

Pinakalma ni Shauna ang kanyang sarili. Pagkatapos, tumingin siya kay Kylie at nagtanong, “Bakit hindi mo binabati ang daddy mo Kylie?”

Nahihiyang yumuko si Kylie. Makalipas ang ilang sandali, sa wakas ay nagsalita na si Kylie, “Daddy…”

“Mabuting bata. Andumi ng suot mo. Tara na, lilinisan kita at bibilhan kita ng malinis na damit!”

Hinalikan ni Fane ang noo ni Kylie. Pakiramdam niya ay natunaw ang kanyang puso. Ito ang kanyang anak, ang sarili niyang dugo at laman.

Agad-agad na dinala ni Fane sila Shauna at Kylie sa pinakamagandang bathhouse sa buong Middle Province.

“Masyadong mahal dito master…” Ang bulong ni Shauna kay Fane.

“Nararapat lang ito para sa anak ko!”

Hindi lumilingon si Fane sa kahit saan. Nakatitig lang siyang maigi kay Kylie na karga niya sa kanyang mga braso.

“Sir, naliligaw ba kayo? Hindi pwede ang mga pulubi sa lugar na ‘to!”

Pagdating nila sa pinto, agad na bumungad sa kanila ang pang-iinsulto ng isang tagapagsilbi habang nakatingin ito sa gusgusing mukha ni Kylie. Halata sa mukha niya ang pandidiri.

“Alam ko!”

“Bibigyan kita ng 10 minuto!” Ang banta ni Fane.

“10 minuto?” Naguluhan ang tagapagsilbi.

“10 minuto para paalisin ang lahat ng tao dito. Kailangan kong paliguan ang pinakamamahal kong anak!”

Natawa ang tagapagsilbi. “Nagbibiro ka ba sir? Libo-libong tao ang naliligo at pinagsisilbihan namin dito, hindi pa kasama dun ang iba pang mga serbisyong ibinibigay namin. Paaalisin ko lang ang mga tao dito para sa inyo kung meron kang dalang 80000!”

Huminto saglit ang tagapagsilbi bago siya magsalita muli, “Sa itsura niyo pa lang, mukhang wala naman kayong ganun kalaking halaga! Higit pa dun, kahit na may 80000 ka pa, palagay mo ba pagsisilbihan namin ang isang pulubi?”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Fane. Tila lumamig ang paligid. “Anong sabi mo?”

“Napakadungis ng anak mo. Hindi ba siya pulubi?”

Bang!

Tumalsik ng malayo ang tagapagsilbi...

“Bwisit ka, anong ginagawa mo? Alam mo ba kung anong lugar ‘to?”

Tumayo ang tagapagsilbi at sumigaw. “May nanggugulo dito!”

“Ano kamo? Hawak ng pamilyang Clark ang lugar na ‘to. Nababaliw na ba siya? Ang lakas naman ng loob niya na manggulo dito.”

“Tama. Wala na tayong magagawa kung gusto niyang mapahamak!”

Napailing ang ilang mga panauhin nang makita nila ang nangyari.

Alam ng sinuman na karaniwang pinapatakbo ng mga makapangyarihang tao ang mga mamahaling bathhouse na gaya nito.

Maaaring ang nagpapatakbo dito ay napakamakapangyarihan at maaaring magdulot ng matinding takot sa buong Middle Province.

Hindi nagtagal, pumasok ang isang grupo ng mga kalalakihan.

“Sino yung malakas ang loob na nanggugulo dito?” Ang sigaw ng isa sa mga lalaki.

Isa siyang malaking tao.

“Teritoryo ng pamilyang Clark ang lugar na ‘to. Napakatapang mo para manggulo dito!” ang sabi ng isa pang lalaki.

“Hindi pulubi ang anak ko. Ayos lang na laitin niyo ako. Pero hindi ako papayag na may manlalait at mananakit sa anak ko!”

Matindi ang pinagdaanang hirap ng anak niya sa nakalipas na mga taon. Nais lamang ni Fane na makabawi sa anak niya at kay Selena.

“Ikaw? Ang lakas ng loob mo!”

“Alam mo ba kung sino ako> Ako si Black Dragon ng Middle Province, heneral ng pamilyang Clark. Lumuhod ka at aminin mo ang ginawa mo, pagkatapos umalis ka na!”

“Hindi namin pinagsisilbihan ang mga gusgusin at mga pulubi. Mukha naman talagang pulubi ang anak mo…”

Nagmamalaking lumapit ang malaking lalaki.

“Ano? Siya si Black Dragon? Naku, ang alam ko isa siyang mabagsik na mandirigma. Ang lahat ng tagumpay niya ay dahil sa mga napatay niya! Nagawa pa nga niyang pumatay ng higit sa isandaang tao at iligtas ang buhay ni Master Clark. Kalat ang kwentong yun sa lansangan!”

Napaatras sa takot ang mga tao. Nakaramdam sila ng matinding takot at pangamba.

“Gusto mong lumuhod ako sa harap mo?”

Nagulat si Fane. “Ikinalulungkot ko na hindi pa pinapanganak ang taong makakapagpaluhod sakin. Nakalimutan ko na kung gaano karami na ang napatay kong tao!”

“Ayos ‘to. Nagtatapang-tapangan ka pa. Hahaha, hindi ka pa pinapanganak nung nagsimula akong pumatay gamit ng espada ko!”

Humalakhak ng malakas si Black Dragon. “Pasensya na bata. Alam ko kung ilan ang makapangyarihang tao dito sa Middle Province. Sigurado kong hindi ka kasama dun!”

“Ngayong araw… Makikilala mo ako!”

Kumislap ang isang matinding liwanag pagkatapos niyang magsalita. Bigla na lang bumagsak si Black Dragon. Nanatiling nakahandusay sa lupa si Black Dragon. Makikita ang pagkagulat sa kanyang mga mata at hindi na siya humihinga.

Binalot ng katahimikan ang buong lugar.

“Masama ito. P-p-patay na si Black Dragon!” Ang sigaw ng isa sa mga panauhin ng bathhouse na nakasaksi sa mga pangyayari.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dre Vasquez
bakit po yung mga mabayaran q bumalik ulit sa dati na kailangan na ma unlock ulit...?
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status