Share

Kabanata 43

"Bukod pa dun, si Fane ang dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon mo ngayon pero siya pa rin ang kinakampihan mo. Hindi talaga kita maintindihan," pagpapatuloy ni Ben.

"Kahit na anong mangyari, May marriage certificate kami. Legal kaming mag-asawa kaya isa kaming pamilya! Ikaw na mismo ang nagsabi, hindi pa kayo kasal ni Xena. Magiging pamilya lang tayo kapag kasal na kayo, hindi ngayon. Kaya hindi siya dapat sumasabat sa usapan ng pamilya natin!"

Nagagalit pa rin si Selena tungkol dito. Mukhang masama ang pagkakakilala niya kay Xena.

"Wala akong pake, buhay mo na naman 'yan. Kung gusto mong magpakasal sa isang sundalo, sa isang walang kwentang lalaki, wala na kaming magagawa!"

"Hindi ba ikaw ang dahilan bakit ganyan ang kalagayan mo ngayon? Kung hindi ka sana nagpakatanga dati, sana ikaw na ang chairman ng Taylor Group ngayon! Hindi na ikaw ang dating magandang chairman, sayang naman!" sabi ni Xena habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso.

"Kung wala kang pake edi manah
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status