CRUSH
PAULIT ulit pa ring tumatakbo sa isipan ni Victoria ang kaniyang nasaksihan kanina sa kwarto. Pati na rin 'yong nalaman nito kanina tungkol kay Zimon.
"It can't be Zimon," nasa isipan nito.
Nasa biyahe na si Victoria ngayon at bukas ay lunes na naman. Walang sawang biyahe. Gabi na rin ngunit hindi niya kayang umidlip sa biyahe at lutang pa rin ang kanyang isipan.
Flashback
"Miss Oriang flowers for you," sabi ni Zimon at ibinigay sa kanya nito ang isang bungkos ng mga bulaklak.
Pansin naman nito 'yong isa pang bungkos ng bulaklak sa kabilang kamay ni Zimon.
"Para kay Tita Emmy?" tanong naman niya rito at nakatingin sa bulaklak.
Umiling lang ito kaya napatanong muli si Victoria.
"Eh kanino?" tanong nitong muli
"Sa kanya sana," sambit nito at tumingin kay Zyrus.
Nagulat naman si Victoria sa sinabi niyang iyon.
"Hindi ito maaari," sa isipan ni Victoria.
Hindi pwede at may kakaiba sa pinsan niyang iyon, at sa isa pa niyang pinsan na lalaki, talagang kakaiba.
"Pwede bang huwag na siya?" sambit nito at halatang wala ito wisyo.
"Po? Ano po ang ibig ninyong sabihin?" wika nito.
"Ah wala, sige salamat sa bulaklak, nagtataka lang ako paano mo siya nagustuhan?" sambit nitong muli.
"Simula po kasi ng mga bata pa kami close kami niyan ni ZyZy kaso nang dumating si Ibarro hindi na niya ako pinapalapit kay Zyzy, mabait naman iyan, sadyang may kaartehan lang sa katawan pero love ko 'yan as a friend," sabi nito at sumilay ang kanyang mga ngiti.
Sa lahat ng sinabi niya, ang tumatak lang kay Victoria ay ang pagdating ni Ibarro.
"Pagdating ni Ibarro? Ano ang ibig mong sabihin?" takang tanong nito.
Sasagot na sana ito ng may tumawag kay Victoria, isa sa mga body guard ng kanyang Lolo.
"Señorita oras na po ng inyong pagbiyahe, may pasok pa kayo," seryosong sabi nito.
"Mamaya, ano ito pelikula? 'Yong sasabihin na 'yong totoo tapos may pipigil?" sabi nito.
"Hindi ko po kayo maintindihan," sabi naman ng kanyang body guard.
"Sige na Miss Oriang ingat sa biyahe ha? Aral ng mabuti," sabi ni Zimon at kumaway na ito at umalis na rin.
"Kainis ito si kuya, hindi ko tuloy nalaman kung saan galing si Ibarro," sa isipan ni Victoria
"Ma'am andito na po tayo sa bayan," sabi noong nagda-drive.
Naglakad pa sila pabundok. Lutang pa rin ang isipan nito habang naglalakad, kaya hindi niya namamalayan ang kanyang dinaraanan.
"Ouch!" napasigaw nalang ito sa sakit sapagkat natalisod siya sa bato. Napahawak na lamang din ito sa kanyang paa.
"Miss!" sabi ng kanyang body guard at lumapit sa kanya.
Inalis niya 'yong sapatos ni Victoria at nakita ang paa nitong namumula.
"Hindi po kasi kayo nag i-ingat eh," sermon nito sa kanya.
"Talagang manermon pa ano?" sambit naman nito
"Buhatin ko na po kayo," sabi naman nito
"Ayaw ko mabigat ako," sambit naman nito rito.
Pero imbis na sumagot bigla niyang kinarga si Victoria, dahilan upang mapalapit ang mukha nito kay Victoria.
Napatingin naman si Victoria sa mukha nito habang naglalakad.
"Mukha naman siyang gwapo, hindi ko lang makita 'yong mukha niya at naka shade, gabi na naka shades pa, haha buti hindi ito nadadapa," sa isipan ni Victoria.
"Señorita, kung crush mo ako huwag ninyo pong ipahalata, ayaw ko sa ganuong babae," sambit nito
"Kapal mo! Ibaba mo na nga ako," sabi nito at ibinaba nga siya nito. Paglingon niya ay nasa bahay na pala nila sila.
"Salamat," sabi niya rito
"Huwag kang magpasalamat Señorita trabaho ko ito, bayad ako," wika nito.
"Okay, edi wala na akong sinabi," sambit ni Victoria at halata ang pagka inis nito.
"Ano ba yang maingay na ya---
Hindi na naituloy nang Nanay ni Victoria ang kanyang sinasabi sapagkat nakita na sila nito.
"Anak! Miss ka na ng Papa," sabi naman ng kanyang Papa at yumakap.
"Mas miss ka ng Mama anak," sabi naman ng Mama nito, papatalo ba ang Mama nito. Yumakap at humalik din ito sa pisngi niya.
Napatingin naman sila sa body guard na kasing edad ni Victoria.
"Pasok ka iho," sambit ng papa niya rito.
"Baka po aalis na rin siya," sabi naman ni Victoria, pero pumasok pa rin 'yong body guard.
"Ibinilin po kasi ni Senior Fernan na ihatid ko siya kahit bukas lang, ako nga po pala si Tom," sabi nito.
"Upo ka iho, tamang tama maghahain na ako," sabi ng mama ni Victoria.
Umupo naman ito.
"Tulongan na kita Ma, ah!" sambit ni Victoria, sumakit na naman ang kanyang paa buti na lamang ay nasalo siya ng kanyang Papa.
Ipinaliwanag naman niya 'yong dahilan kung bakit nagka ganuon siya.
"Sa susunod anak mag ingat ka ha?" sabi ng Mama nito at inilapag na ang kanin at ang ulam na talbos kamote na ginataan.
"Ito po ang ulam?" wika ni Tom na parang dismayado.
"Pasensya na iho, hindi pa namin nabebenta 'yong aming inani kaya yan lang ang aming inihanda," sabi ng Papa ni Victoria.
"Napaka sarap kaya nito, palibhasa sanay ka sa sosyaling pagkain siguro," sabi naman ni Victoria at kumuha na ng ulam at inilagay na sa pagkain niya.
May tabo sila sa harapan at naghugas na siya roon ng kamay. Dahil ginamit nito ang kanyang kamay sa pagkain.
Ganuon din ang ginawa ng kanyang mga magulang. Namiss nitong magkamay, nahihiya kasi ito sa mansiyon na gawin ito sa hapag kainan doon.
Adjusting stage palang ito. Shocked pa rin ito sa mga nangyayare sa kanyang buhay.
Pinagmamasdan nila si Tom habang kumakain. Hindi nila alam kung nandidiri magkamay or what ito. Pero ginawa pa rin nitong magkamay at tila nasanay naman siya.
"Siguro sanay talaga siya sa bahay ng Lolo, sorry ka nalang, dito bawal ang kubyertos," sa isipan ni Victoria habang nakatingin kay Tom na nagkakamay sa pagkain.
"Sarap nga po," sabi nito at tila tuwang tuwa sa pagkain.
"Sabi sa iyo eh," sabi ni Victoria rito
"Kahit pala body guard ng Lolo sosyalin din haha, pwes sa lugar ko matututo kayong maging simple," sa isipan muli ni Victoria.
Matapos kumain ng hapunan ay kumain sila ng minatamis na cassava o punongkahoy.
Natutuwa si Veronica na pagmasdan si Tom sapagkat napaka sosyal nitong kumain.
"Kung hindi ko ito kilala iisipin ko na galing ito sa mayamang pamilya," sa isipan ni Victoria.
Kahit sa pagkain ng balinghoy o cassava kita nila ang pagka sosyal ni Tom. Hindi naman nila ito masisisi dahil ganuon ang kinasanayan nito.
Pati si Victoria kapag andoon sa mansiyon ay hindi rin naman niya alam ang gagawin. She don't know what to act, baka ma judge siya or what. Kampante lang naman ito kapag kasama niya doon ang kanyang Lolo.
"Ganuon pala ang buhay prinsesa, ngayon danas ko na. Masaya naman pero mas gusto ko pa rin 'yong simpleng buhay ko rito," sa isipan muli ni Victoria habang kumakain.
Maagap pa bukas kaya minabuti niya na rin na matulog na. Pinagmasdan niya muna ang kanyang Mama at Papa sa kanilang kwarto at tiningnan din si Tom sa kanyang higaan. Talagang makikita na hindi ito sanay, pabali-balikwas ito at ang likot matulog.
"Bahala ka ako'y maagap pang papasok bukas," (sa isipan ni Victoria)
Ano na nga ba ang mangyayare?
Magpapatuloy pa kaya ang ganuong set up ng buhay ni Victoria?
Healing stageIlang buwan ang nakalipas at nalalapit na naman ang bakasyon nina Victoria mula sa kanilang eskwela.Araw ng sabado kaya't japag desisyunan lamang ni Victoria na mamasyal mag-isa sa kanilang mini farm.Ilang minutong paglalakad ang lumipas ay nakarating na rin ito sa kaniyang paroroonan, nakakita ito ng isang putol at nakatumbang puno at naupo siya rito. Habang tahimik na nakaupo ay pinagmamasdan lamang niya ang mga dahon ng puno na sumasabay ang galaw sa hampas ng hangin."Maari po ba akong maupo?" tanong ng isang tinig na siya namang ikinatingin ni Victoria sa gawi kung nasaan ang tinig. Tumango lamang ito bilang tugon."Kumusta ka senyorita? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," panimulang saad nito."Okay lang naman ako Zimon, huwag kang mag alala, ikaw ba?" tugon naman ni Victoria."Okay lang naman ako senyorita, medyo abala lang dahil sa sinisimulan kong business," s
Maagang nagising si Victoria at naghanda ng sarili para sa pagpasok sa kanilang paarala. Weekdays ngayon ibig sabihin ay wala ang kaniyang body guard na si Tom na maghahatid sa kaniya sa paaralan sapagkat ito ay nag a-aral din, kaya naman sasabay ito kina Ibarro at Zyrus. "Good bye mga mahal kong apo," paalam sa kanila ng kaniyang mahal na lolo Fernan. Lalakad palapit naman ang tatlo na sina Victoria upang magpa alam at yumakap sa kanilang lolo. "Good bye lolo," sambit ng mga ito. Lalapit naman si Zyrus sa kanilang ina, ganuon din naman ang gagawin ni Ibarro. "Bye mom," sabay na sambit nina Ibarro at Zyrus. Mapapabaling naman ang atensiyon ni Victoria sa mga ito. "Bye my Princess, take care of your sister, son, okay?" paalala naman ng kanilang ina na si Myrna. Mababakas sa mukha ni Victoria ang pangungulila. "Ganyan din kaya ka sweet si mommy at daddy sa akin kung buhay pa sila?" sa isipan ni Victoria. Matapos noon ay naglakad n
Sebastian's POVNandito lamang kami sa bahay nina Zimon , kaya naman pala ito nag imbita sa kanilang tahanan ay upang ipatikim ang alak na kaniyang ginawa.Halos maubos agad naman ang isang boteng inilabas nito dahil sa masarap na lasa nitong taglay."Huwag mo namang laklakin Sebastian, broken lang?" natatawang saad ni Zimon sa akin."Medyo," seryosong saad ko rito at muling nilagok ang alak na nasa aking baso."Oh! Kanino naman?" taking tanong naman ni Ibarro sa akin.Ibinaling ko rito ang aking tingin at sumagot, "Secret,""Napaka naman nito, wala dapat secret secret dito," dismayadong sagot ni Ibarro.Bigla namang nabaling ang lahat ng attensiyon kay Tom."Tuba is really good huh! I will buy two bottles of tuba for my dad, Zimon. Can you reserve it for me? Hek!" wika nito habang nakatitig sa bote ng tuba, mababakas ang pagkalasing nito dahil sa kaniyang namumungay na mga mata.Nakakaisang bote pa lamang tayo pe
Zimon's POVDumidilim na rin ang paligid ngunit nandito pa rin kami nina Sebastian at Tom sa mansiyon habang naghihintay kay señorita at Ibarro. Mabuti na lamang ay nahanap agad ni Ibarro si Miss Oriang.Nakaupo lamang kaming tatlo sa may guard house nang may matanawan kaming motor na paparating kaya naman sabay-sabay kaming napatayo. Natanawan na naman na papalapit ang motor sakay sina Ibarro at Miss Oriang."Dahan-dahan sa pagbaba," paalala ni Sebastian habang inaalalayan si Miss Oriang sa pagbaba sa motor ni Ibarro."Akin na po yong helmet," bigkas ni Tom habang dahan-dahang inaalis ang helmet sa ulo ni Miss Oriang.Magtatangka sana kaming kumustahin si Miss Oriang ngunit sumenyas si Ibarronna huwag."Pahinga na ak guys, kayo rin ha," wika naman ni Miss Oriang at pilit na inilabas ang kanyang mga ngiti, tumango na lamang kami bilang tugon.Nang makapasok si Miss Oriang sa mansiyon ay agad naming kinausap si
Si Victoria ay bumisita sa bahay nila Tom. Hindi matapos tapos ang tawa nito at bakas sa mukha nito ang galak dulot ng Tatay ni Tom, sapagkat napaka kwela nito at pala kwento."Alam mo ba Victoria 'yang si Tom, takot 'yan sa palaka, kalalaking tao eh," pang a-asar ng Tatay ni Tom dito."Tay naman, masyado mo na akong pinahihiya kay Señorita," nahihiyang sambit naman ni Tom at tumingin ito kay Victoria na wagas din ang ngiti."Kasi naman anak mas malaki ka roon, hindi ka naman noon kakainin ano ka ba? Tapos alam mo ba Victoria noong bata 'yan---hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin sapagkat biglang sumingit na si Tom sa usapan."Dad!" sambit nito."Dad?" takang tanong ni Victoria rito na siyang dahilan ng pagtinginan nina Tom at ng kanyang Daddy sa isa't isa."Ah kasi nasanay siyang tawagin akong Dad nang maging body guard 'yan ni Senior Fernan, feeling sosyal kasi 'yan minsan," paliwanag naman ng Daddy ni Tom na si
Still moving forwardVictoria's POVBakit ganuon? Tatlong buwan na ang nakakalipas pero ramdam ko pa rin ang sugat. Nanariwa pa rin, lalo't nakakakita ako ng mga magka sintahan.Lucas, salamat sa pag-ibig mo, nami-miss kita, inaamin ko yon.Alam ko naman na hindi mo yon sinasadya, pero nangyari na eh, may nabuo na at ayaw ko namang maging makasarili at ipagdamot ka sa mas may karapatan sa'yo which is ang magiging baby mo.Nakakahinayang lang, yong binuo nating pangarap na magkasama, sa iba mo na tutuparin.Sana maging mas masaya ka. Pipilitin kong maging masaya para sa'yo.Habang nagmo-moment ako rito sa plaza ay may lumapit sa akin, si Tom.Gabi na pero nandito pa rin kami sa plaza. Ayaw ko pang umuwi, malulungkot lang ako sa bahay. Si Lolo naman kasi ay napaka abala sa kaniyang opisina. Every