BONDING
MAAGANG gumising si Victoria upang maghanda sa kanilang bonding.
Sobrang excited na ito na maka bonding ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang Lolo.
Ngayon lang din niya ito mas makakasama at makikiala at napaka busy din nitong tao.
Naligo muna ito bago bumaba.
Matapos noon ay pumunta na rin siya sa kusina at naabutan ang kanyang lolo na abala sa pagluluto.
"Sir kami na po riyan," nag a-alalang sabi nang isang kasambahay.
"Okay lang ako, gusto kong ipagluto ang apo ko, si Victoria," sambit nito na siyang ikinagiti ni Victoria.
"Napaka sweet talaga ni Lolo, kaya hindi ako magtataka kung mapapalapit agad ako sa kanya," sa isip ni Victoria
"Gusto ko rin po tumulong magluto," wika ni Victoria na ikinalingon nila pati ni Senior Fernan.
"Halika apo," akit nito at tinulongan niya ang mga ito magluto.
Habang nagluluto ay puno lamang sila ng kasiyahan at puro tawa dahil napaka mapag biro ni Senior Fernan.
Napaka bait din ni Senior Fernan sa kanilang mga kasambahay.
"Grabe Sir nakakatawa po talaga kayo, sana po andito kayo palagi, medyo masungit po kasi 'yong anak ninyo eh, pati ibang apo," sambit nang isang kasambahay.
"Ako na ang hihingi ng paumanhin para sa kanila, baka madalas na rin ako nandito lalo na kapag weekend para makasama ang mahal kong apo," sabi ng kanyang Lolo na ikinagiti nito
"Buti pa po si Ma'am Victoria ang bait po, mana po sa inyo," sabi muli nang isang kasambahay.
Nakatingin lamang si Victoria sa kanila habang nag u-usap.
"Nakakataba naman ng puso na tanggap nila ako, hindi tulad ng mga pinsan at Tiya Myrna ko," sa isip nito
"Sama kayo sa farm mamaya, ipapagamit ko 'yong van para hindi na kayo maglakad," wika ni Senior Fernan sa mga kasambahay nila.
"Salamat po Sir Fernan ang bait ninyo po talaga," sambit ng mga kasambahay at bakas ang saya sa kanilang mga mukha.
Matapos magluto ay nauna na sina Veronica at Senior Fernan sa farm.
"Magandang umaga Senior Fernan," bati nang isang lalaking may edad na kasama si Zimon.
"Magandang umaga Miss Oriang," bati naman ni Zimon dito at ngumiti lamang ito.
"Magandang umaga po Miss Victoria, ako po pala si Aling Emmy at ito ang aking asawa si Romeo, kami ang mga magulang ni Zimon," sabi ni Aling Emmy
"Ikinagagalak ko po kayong makilala," bati naman ni Victoria sa mga ito at ngumiti.
Matapos noon ay naglibot libot lamang sila ni Senior Fernan sa kanilang farm kasama sina Zimon.
"Tanim ko 'yan Miss Oriang," wika ni Zimon dito.
Naalala tuloy nito ang kanyang mga magulang sa probinsya, tuwing nakakapag tanim kasi ito ay ipinagmamalaki niya rin ito sa kanila.
"Apo ayos ka lang ba?" tanong ng kanyang lolo.
"Opo lolo, naalala ko lang po sa bundok namin, nagtatanim din po ako," sambit naman nito.
"Sa ganda mong 'yan Miss Oriang nagtatanim ka pala, mga minsan baka gusto mo sabay tayong mag tanim?" sambit ni Zimon at bakas ang excitement sa mukha nito.
"Oh sige gusto ko 'yan," sagot nito.
Naglibot libot lamang ang mga ito hanggang sa makarating sila sa bahay nina Zimon. Isang medyo malaking bahay at sa tabi naman nito ay may kubo.
Sa kubo sila nagpahinga at nag kwentuhan.
Naglabas naman ng buko juice ang Nanay Emmy ni Zimon at isang pinggang nilagang punongkahoy o balinghoy kung tawagin sa kanila.
Agad kumuha si Victoria sapagkat namiss na niya ang mga ganuong pagkain.
"Kumakain ka pala niyan Señorita," sabi ni Mang Romeo
"Opo, ganito po madalas ang aming meryenda sa amin," sagot nito.
Nagki-kwentuhan lang sila ng kanyang Lolo kasama ang mga magulang ni Zimon.
"Masaya talaga ako na nahanap ko na ang aking apo," masayang sambit ng kanyang Lolo.
"Oo nga po, mukhang napaka saya po ninyo ngayon, bumalik po 'yong dati ninyong sigla," masayang sambit ng Nanay Emmy ni Zimon
Matapos ang kwentuhan ay pumunta naman sila sa rest house na malapit sa farm. Kasama pa rin nila ang mga magulang ni Zimon.
Pinagmamasdan lamang ni Victoria ang mga kasambahay at ibang body guard na abala sa pag i-ihaw ng mga hotdog at isda. May mga naglalatag din ng mga tela sa damuhan, picnic time.
Tumulong na rin ito kina ateng kasambahay sa pag i-ihaw.
"Oh my gosh, kinakati na ako kakarating ko lang ganito na ew!" sambit ni Zyrus na dumarating kasama si Ibarro.
"Apo, ayos lang yan, kita mo ang sarap ng hangin dito diba Ibarro?" tanong ng Lolo Fernan nila, tumango lang ito
"Bakit ba kasi kasama pa kami sa bonding bonding na ito?" sambit nitong muli at mababakas ang pagkainis sa mukha nito.
"Apo gusto kong makilala ninyo pa si Victoria, ang inyong pinsan," sambit muli ng kanilang Lolo.
"I don't care," bulong nito at umirap.
Hindi nalang ito pinansin ni Victoria. Nai-irita na ito ngunit nagtitimpi lamang ito.
(Isa pa baka masapak ko na yan haha, pero syempre bagong dating lang ako rito kaya timpi lang Oriang okay?) sa isipan ni Victoria.
Matapos noon ay naghanda na sila ng pagkain at kumain na.
"Grabe ang sarap sarap ng po ng pagkain," sabi ng isa sa mga body guard
"Syempre si Ma'am Victoria ang nagluto at Sir Fernan eh," sabi naman ng isang kasambahay.
"Ang sarap po!" sambit nang iba pa. Napangiti na lamang ang mga ito.
Kumakain sila sa labas ng kanilang rest house, sa napaka lawak na damuhan. Tanaw na tanaw din ang mga tanim at ang magagandang tanawin.
"Ai apo, pwede bang ikaw na ang sumundo sa iyong mga pinsan, para magkausap din kayo, pasabi apo kakain na," wika ng Lolo nito. Ibinaba muna niya ang kanyang pagkain at pumunta sa loob ng rest house.
Hinanap niya sa kada kwarto ang dalawa niyang pinsan. Binuksan niya isa isa ang kwarto.
Huling kwarto na ang kanyang bubuksan kaya't siguro ay andito na ang dalawa.
Dahan dahan niyang binuksan 'yong huling kwarto at nagulat sa kanyang nakita.
"Anong nangyayare? Oh my gosh! Bakit hinalikan ni Zyrus si Ibarro diba magkapatid sila?" sa isipan ni Victoria.
Nakita niyang papalabas na ang mga ito kaya't nagmadali na itong umalis sa pwestong 'yon at mabilis na bumalik sa labas.
Humahangos itong nakarating doon, kaya naman napansin iyon ni Zimon.
"Anong problema Miss Oriang?" tanong ni Zimon
"Ah wala," humahangos nitong sagot.
Hindi pa rin ito makapaniwala sa kanyang nakita.
Ano nga ba ang nanyayari?
Healing stageIlang buwan ang nakalipas at nalalapit na naman ang bakasyon nina Victoria mula sa kanilang eskwela.Araw ng sabado kaya't japag desisyunan lamang ni Victoria na mamasyal mag-isa sa kanilang mini farm.Ilang minutong paglalakad ang lumipas ay nakarating na rin ito sa kaniyang paroroonan, nakakita ito ng isang putol at nakatumbang puno at naupo siya rito. Habang tahimik na nakaupo ay pinagmamasdan lamang niya ang mga dahon ng puno na sumasabay ang galaw sa hampas ng hangin."Maari po ba akong maupo?" tanong ng isang tinig na siya namang ikinatingin ni Victoria sa gawi kung nasaan ang tinig. Tumango lamang ito bilang tugon."Kumusta ka senyorita? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," panimulang saad nito."Okay lang naman ako Zimon, huwag kang mag alala, ikaw ba?" tugon naman ni Victoria."Okay lang naman ako senyorita, medyo abala lang dahil sa sinisimulan kong business," s
Maagang nagising si Victoria at naghanda ng sarili para sa pagpasok sa kanilang paarala. Weekdays ngayon ibig sabihin ay wala ang kaniyang body guard na si Tom na maghahatid sa kaniya sa paaralan sapagkat ito ay nag a-aral din, kaya naman sasabay ito kina Ibarro at Zyrus. "Good bye mga mahal kong apo," paalam sa kanila ng kaniyang mahal na lolo Fernan. Lalakad palapit naman ang tatlo na sina Victoria upang magpa alam at yumakap sa kanilang lolo. "Good bye lolo," sambit ng mga ito. Lalapit naman si Zyrus sa kanilang ina, ganuon din naman ang gagawin ni Ibarro. "Bye mom," sabay na sambit nina Ibarro at Zyrus. Mapapabaling naman ang atensiyon ni Victoria sa mga ito. "Bye my Princess, take care of your sister, son, okay?" paalala naman ng kanilang ina na si Myrna. Mababakas sa mukha ni Victoria ang pangungulila. "Ganyan din kaya ka sweet si mommy at daddy sa akin kung buhay pa sila?" sa isipan ni Victoria. Matapos noon ay naglakad n
Sebastian's POVNandito lamang kami sa bahay nina Zimon , kaya naman pala ito nag imbita sa kanilang tahanan ay upang ipatikim ang alak na kaniyang ginawa.Halos maubos agad naman ang isang boteng inilabas nito dahil sa masarap na lasa nitong taglay."Huwag mo namang laklakin Sebastian, broken lang?" natatawang saad ni Zimon sa akin."Medyo," seryosong saad ko rito at muling nilagok ang alak na nasa aking baso."Oh! Kanino naman?" taking tanong naman ni Ibarro sa akin.Ibinaling ko rito ang aking tingin at sumagot, "Secret,""Napaka naman nito, wala dapat secret secret dito," dismayadong sagot ni Ibarro.Bigla namang nabaling ang lahat ng attensiyon kay Tom."Tuba is really good huh! I will buy two bottles of tuba for my dad, Zimon. Can you reserve it for me? Hek!" wika nito habang nakatitig sa bote ng tuba, mababakas ang pagkalasing nito dahil sa kaniyang namumungay na mga mata.Nakakaisang bote pa lamang tayo pe
Zimon's POVDumidilim na rin ang paligid ngunit nandito pa rin kami nina Sebastian at Tom sa mansiyon habang naghihintay kay señorita at Ibarro. Mabuti na lamang ay nahanap agad ni Ibarro si Miss Oriang.Nakaupo lamang kaming tatlo sa may guard house nang may matanawan kaming motor na paparating kaya naman sabay-sabay kaming napatayo. Natanawan na naman na papalapit ang motor sakay sina Ibarro at Miss Oriang."Dahan-dahan sa pagbaba," paalala ni Sebastian habang inaalalayan si Miss Oriang sa pagbaba sa motor ni Ibarro."Akin na po yong helmet," bigkas ni Tom habang dahan-dahang inaalis ang helmet sa ulo ni Miss Oriang.Magtatangka sana kaming kumustahin si Miss Oriang ngunit sumenyas si Ibarronna huwag."Pahinga na ak guys, kayo rin ha," wika naman ni Miss Oriang at pilit na inilabas ang kanyang mga ngiti, tumango na lamang kami bilang tugon.Nang makapasok si Miss Oriang sa mansiyon ay agad naming kinausap si
Si Victoria ay bumisita sa bahay nila Tom. Hindi matapos tapos ang tawa nito at bakas sa mukha nito ang galak dulot ng Tatay ni Tom, sapagkat napaka kwela nito at pala kwento."Alam mo ba Victoria 'yang si Tom, takot 'yan sa palaka, kalalaking tao eh," pang a-asar ng Tatay ni Tom dito."Tay naman, masyado mo na akong pinahihiya kay Señorita," nahihiyang sambit naman ni Tom at tumingin ito kay Victoria na wagas din ang ngiti."Kasi naman anak mas malaki ka roon, hindi ka naman noon kakainin ano ka ba? Tapos alam mo ba Victoria noong bata 'yan---hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin sapagkat biglang sumingit na si Tom sa usapan."Dad!" sambit nito."Dad?" takang tanong ni Victoria rito na siyang dahilan ng pagtinginan nina Tom at ng kanyang Daddy sa isa't isa."Ah kasi nasanay siyang tawagin akong Dad nang maging body guard 'yan ni Senior Fernan, feeling sosyal kasi 'yan minsan," paliwanag naman ng Daddy ni Tom na si
Still moving forwardVictoria's POVBakit ganuon? Tatlong buwan na ang nakakalipas pero ramdam ko pa rin ang sugat. Nanariwa pa rin, lalo't nakakakita ako ng mga magka sintahan.Lucas, salamat sa pag-ibig mo, nami-miss kita, inaamin ko yon.Alam ko naman na hindi mo yon sinasadya, pero nangyari na eh, may nabuo na at ayaw ko namang maging makasarili at ipagdamot ka sa mas may karapatan sa'yo which is ang magiging baby mo.Nakakahinayang lang, yong binuo nating pangarap na magkasama, sa iba mo na tutuparin.Sana maging mas masaya ka. Pipilitin kong maging masaya para sa'yo.Habang nagmo-moment ako rito sa plaza ay may lumapit sa akin, si Tom.Gabi na pero nandito pa rin kami sa plaza. Ayaw ko pang umuwi, malulungkot lang ako sa bahay. Si Lolo naman kasi ay napaka abala sa kaniyang opisina. Every