CELESTINE VIENNE
NAKAUPO ako sa mahabang sofa habang pigil ang luhang nakatitig kay Zion na kasalukuyang hawak-hawak ang divorce paper na pinaasikaso niya pa sa kanyang abogado.
He’s my husband for three years and never in my life I expected this to happen.His Dad made a promised to my Dad bago ito malagutan ng hininga. Nangako silang ako lang ang papakasalan ni Zion at magiging kabiyak nito habang buhay, ngunit bigla na lang nagbago ang lahat nang dumating si Thalia. Yung ex-wife ng matalik niyang kaibigan na si Chester.
“Kahihiwalay lang nila ni Chester, two weeks ago. Ano sa tingin mo ang iisipin ng kaibigan mo kapag nalaman niyang sinulot mo ang dati niyang asawa?” pigil ang inis kong tanong sa kanya. “Mahal ko si Thalia, Vienne. You don’t even know how long I waited for her to divorce her husband.” “Do you even hear what you are saying? Asawa siya ng kaibigan mong si Chester, Zion!” napataas ang boses ko sabay hagod sa sariling buhok. Halos ilang buwan pa lang noong ipakilala ni Chester si Thalia sa kanya. Papano nito nasabing mahal niya ‘yon? E, samantalang ako na nandito sa tabi niya, mahigit ilang dekada na din, ay hindi man lang niya matitigan ng diretsa sa mata at sabihin ang mga katagang ‘yon. “It’s ex-wife.” pagtatama niya sa sinabi ko. “How much do you want? Or maybe you can write it yourself?” inabot niya sakin ang cheque at naupo sa kaharap kong single seater sofa. Ipinatong niya ito sa center table katabi ng itim na ballpen at ang iilang dokumento na pipirmahan para sa divorce. Yes, my husband for three years was asking me for a divorce. “Huwag kang mag-alala at makakatanggap ka pa rin ng allowance mula sakin kahit na hiwalay na tayo.” Napailing ako at doon na tuluyang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. “Kayo na lang ang pamilyang meron ako, Zion. Ayokong makipaghiwalay. Please, I beg you…” tumayo ako at lumapit sa kanya.Lumuhod ako sa harapan niya pero kaagad niya rin akong iwinaksi dahilan para mawalan ako ng balanse at tumama sa center table ang ulo ko.
“Matuto kang lumugar, Vienne. Una pa lang ay alam mong hindi kita gusto at kapatid lang ang turing ko sayo. My dad just forced me to marry you dahil nangako siya sa ama mo. Now, that both of our dad was gone, I see no reason para ituloy pa ‘tong relasyon natin.” galit na galit ang boses niya habang dinuduro ako. Napahagulhol ako, at kahit na pakiramdam ko ay nagtamo ng sugat ang pagkakaumpog ko sa lamesa, hindi ko iyon pinansin dahil mas nasasaktan ako ngayon sa mga binibitawan niyang salita. “Pero, Zion— Mahal kita. Hindi pa ba sapat ‘yon para hindi mo ako hiwalayan?” panunuyo ko. Hindi ko kayang mahiwalay sa kanya. Lalo na’t nasanay akong nasa tabi niya sa makalipas halos isang dekada. Siya na ang nakasama ko simula noong mamatay si Papa, kaya pinapangako ko sa sarili kong kahit na anong mangyari, hinding-hindi ako mawawalay sa kanya at wala akong pakialam kung ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Sa puntong iyon, matalim niya akong tinitigan. Para akong binaril sa dibdib sa tindi ng lamig sa mga mata niyang minsang naging tahanan ko. “Stop saying you love me,” mariin niyang sabi, bawat salita'y parang kutsilyong inukit sa balat ko. “You don’t love me. You love the idea of me. You love the life we had because it was convenient. Pero hindi mo ako minahal—at lalo na hindi ko minahal ang ideya ng pagiging bilanggo sa isang kasal na pinilit lang ng mga ama natin.” “Zion…” mahina kong bulong. “Ilang taon ang tiniis ko at umasang mamahalin mo din ako. I stayed because I believed in us… alam kong dadating ang panahon na—” Napailing siya at marahas na tumayo. “There was never an ‘us’, Vienne. It was always you. You who assumed. You who clung. You who begged. And I’m tired. God, I’m so tired!”I remained on my knees. I could feel the blood trickling down from my forehead, but I endured it. I chose to ignore the pain.
“Hindi mo man lang ba kayang alalahanin kung paano mo ako pinangakuan noon? Zion, ikaw ang nagsabi na aalagaan mo ako. Na kahit hindi natin ito pinili, gagawin mo ang lahat para gumana ang kasal natin. Ikaw ang nagsabing hinding-hindi mo ako iiwan.” Isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit nanatili ako sa tabi niya. Ang dami niyang ipinangako sakin noon, kaya hindi ako nagdalawang isip na pumayag magpakasal sa kanya. Tahimik siyang tumingin sa akin. Wala nang galit, pero mas nakakatakot—dahil wala na ring pakialam. Blanko. Parang wala na akong halaga. Parang estranghera na ako sa harap ng lalaking minahal ko nang buong-buo. “People lie, Vienne. Grow up.” Tumalikod siya at tinungo ang pinto. “Pirmahan mo na lang ‘yan bago matapos ang linggo. I want this over.” At doon, tuluyang nawasak ang mundo ko. Parang nabingi ako sa pagsara ng pinto. Parang may tumulak sa akin sa kailaliman ng bangungot na hindi ko alam kung kailan ako magigising. Gusto kong humabol. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ipaglaban pa kami. Pero nanatili akong nakalugmok, basang-basa sa sariling luha’t dugo.Napabaling ako sa center table at mas lalong lumakas ang hagulhol nang makita ang divorce paper na parang sementong sinelyo sa huling kabanata ng pagiging ‘Mrs. Celestine Vienne Hervilla—Delgado ko
CELESTINE VIENNE“TELL ME,” panimula ni Mr. Reyes. Nakatayo siya sa harap ng kanyang desk habang nakahalukipkip ang mga braso at tila’y X-ray machine kung makatitig sakin. “Ano ‘yung nakita ko sa presentation mo kanina?”“Sir, I—I’m not sure how it got there. It wasn’t part of the original deck—”“Alam kong hindi ‘yun kasama sa deck,” singit niya. Matalim ang kanyang tono pero nanatiling kalmado ang boses. “I wouldn’t have approved a slide with a banana wearing sunglasses dancing in front of Vanguard’s board of directors.”Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Sana lamunin ako ng lupa, ngayon din.“Sir, it might’ve been a file corruption—”“Corruption?” napailing siya. “May nangyayaring file corruption na naglalagay ng animated fruit sa PowerPoint? Bago ‘yan sa IT.”Tumingin siya saglit sa screen ng computer niya, pagkatapos ay muling binaling ang tingin sa akin.“You’re lucky. The Chairman and the CEO didn’t walk out,” dagdag pa niya. “And for some reason, Mr. Caelan Delgado seems to t
CELESTINE VIENNEBAGO pa man ako makapasok sa loob ng conference room, hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Caelan.“What’s up, Vienne. Nagkita ulit tayo?”I’m not in the mood para sabayan ang trip ng lalaking ‘to. But since this guy is rumored as a new replacement for CEO position, I should be on his good side.“Good morning, sir.” pormal kong bati sabay yuko.Paniguradong nandito siya to attend the presentation.Bahagyang natawa si Caelan, may pilyong ngiti sa labi niya. “Nah, you’re making me feel old by calling me sir.”Bago pa man ako makasagot, biglang dumating si Zion—his presence as commanding as ever.“The presentation is about to start any minute,” he said coolly, his tone devoid of warmth. Mabilis niya kaming pinasadhan ng tingin ni Caelan bago muling magsalita. “Did I interrupt you both?”Napahigpit ang hawak ko sa folder at halos bumaon ang mga daliri ko sa gilid nito. Hanggang ngayon nandito pa rin ang bigat ng pakiramdam ng sagutan namin kanina.“If you’ll excuse me
CELESTINE VIENNE“Tawag ka ni Boss D.” bungad kaagad ni Elle pagkapasok ko sa opisina namin. Hawak-hawak niya ang laptop sa kanang bahagi ng kamay niya habang cup of coffee naman sa kabila.“Teka, anyare sa’yo?” nag-aalalang tanong niya, marahil halata pa rin na kagagaling ko lang sa pag-iyak. “Mukha kang giniba ng bagyo sa hitsura mo. Ayos ka lang ba?”“I’m fine,” pagsisinungaling ko at nilagpasan siya.May kung ano pa siyang sinabi pero hindi ko na pinansin at dumiretso patungo sa inner office para puntahan si Mr. Reyes, yung PMO Director namin.Pinilit kong i-neutralize ang ekspresyon ko bago binuksan ang frosted glass door. Bawal ang personal na emosyon dito.“Miss Hervilla,” sabi ni Mr. Reyes nang makapasok ako. “I’m glad you’re here,” dagdag pa niya at kinuha ang isang folder sa table niya saka muling tumitig sakin.“Good morning po, sir.” bati ko.“Good morning. Anyway, you’ll be presenting the Sapphire Heights proposal this morning. The board expects a comprehensive walk-throu
CELESTINE VIENNE“I KNOW! THAT’S WHY I FCKIN’ NEED IT!”Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa pinto ng opisina ni Zion, iyan kaagad ang narinig ko sa kanya habang may kausap siya sa telepono.Kumatok pa ako ng tatlong beses kahit bukas na ang pinto, just to get his attention.“You asked me to come,” sabi ko nang sa wakas ay tumingin siya sakin.Nananatiling nakakunot ang noo niya, halatang hindi pa rin nawawala ang init ng ulo. Ilang segundo pa bago niya ibinaba ang telepono—medyo madiin pa ang pagpatong nito sa mesa.Sino kaya ang kausap niya at ganun na lang ang galit niya?“Bakit mo ba ako pinatawag?” tanong ko habang nagsisimulang maglakad papunta sa mahabang sofa. Umupo na ako kahit hindi pa siya nagsasabi.“I need your help.”Napaangat ako ng tingin, tila hindi makapaniwala sa narinig ko.Seryoso ba ‘to?“Tulong saan?”Naglakad siya palapit din sa direksyon ko at umupo rin sa kaharap kong sofa. “Kailangan kong makausap si Lolo. He’s considering removing me as CEO and I need you
CELESTINE VIENNETAHIMIK buong byahe papunta sa main office building ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.Sino ba naman ang hindi tatahimik matapos halikan ng siraulong nasa driver’s seat?Kung hindi ko lang kailangan ngayon ng masasakyan papuntang opisina, malamang binalibag ko na ’to.“Dito mo na lang ako ibaba.” sabi ko habang papalapit kami sa likurang bahagi ng main office building, malapit sa side entrance na halos walang dumadaan.Ayokong may makakita sa akin na bumaba mula sa kotse ng lalaking kasama ko.“Doon na lang sa parking—”“Hindi na,” putol ko agad, sabay tingin sa unahan.“Fine,” aniya sa mababang tinig saka inihinto ang kotse. “Parang kinakahiya mo yata na kasabay ako.”Kunot noo akong napabaling sa kanya. “Ganun na nga,” pabalang kong sagot, making his face twist in irritation.“Grabe, ikaw na nga ‘tong hinatid ko,”Hindi ko na siya pinansin at binuksan ang pinto sa passenger seat. “Salamat na lang,” sabi ko at tinalikuran siya.“Wala man lang bang kiss?” dinig kong h
CELESTINE VIENNE PASADO alas sais na nang magising ako at wala na si Zion sa tabi ko. Siguro on the way na siya papuntang office dahil lagi namang maaga kapag umaalis ‘yon.Bumangon ako para makapaggayak papuntang trabaho.Ilang araw din akong hindi pumapasok dahil binabagabag ako sa divorce na gustong mangyari ni Zion, pero wala siyang kaalam-alam. Kaya kung sakaling umabsent na naman ako ngayong araw, baka malaman na niya at sisantehin ako.Sarado ang puso nun pagdating sakin e, kaya paniguradong hindi siya magdadalawang isip at tanggalin ako sa trabaho.Pagbaba ko sa hagdan, dumiretso ako sa kusina para kumain muna bago pumasok, ngunit hindi ko inaasahang maabutan si Zion na nakaupo sa paborito niyang spot tuwing umaga.Napatingin ako sa wristwatch na suot, bago muling bumaling sa kanya. Nagkakape siya habang abala sa kung ano mang binabasa sa hawak na iPad.Mag-aalas syete na’t nandito pa rin siya? Bago ‘to ah.“Morning,” bati ko sa kanya.Binalingan niya ako saglit at tinanguan