Tatlong taon ang nakalipas magmula noong ikasal si Celestine Vienne Hervilla kay Zion Delgado. Sa kabila ng lahat ng pinagsamahan nila, nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon, lalo na nang sabihin ni Zion na mahal nito si Thalia, ang babaeng bagong kahihiwalay lang sa matalik nitong kaibigan na si Chester. “Leaving you will be the biggest mistake he ever made,” “Marry me, Vienne, and we’ll show him exactly what he lost.” Desperate to rebuild her life, she turns to Zion's uncle, a man whose power and influence could provide the fresh start she so desperately needs. ⚠️ WARNING: This story contains strong language and explicit content that may not be suitable for young readers. Reader discretion is advised. Thank you.
Lihat lebih banyakCELESTINE VIENNE
NAKAUPO ako sa mahabang sofa habang pigil ang luhang nakatitig kay Zion na kasalukuyang hawak-hawak ang divorce paper na pinaasikaso niya pa sa kanyang abogado.
He’s my husband for three years and never in my life I expected this to happen.His Dad made a promised to my Dad bago ito malagutan ng hininga. Nangako silang ako lang ang papakasalan ni Zion at magiging kabiyak nito habang buhay, ngunit bigla na lang nagbago ang lahat nang dumating si Thalia. Yung ex-wife ng matalik niyang kaibigan na si Chester.
“Kahihiwalay lang nila ni Chester, two weeks ago. Ano sa tingin mo ang iisipin ng kaibigan mo kapag nalaman niyang sinulot mo ang dati niyang asawa?” pigil ang inis kong tanong sa kanya. “Mahal ko si Thalia, Vienne. You don’t even know how long I waited for her to divorce her husband.” “Do you even hear what you are saying? Asawa siya ng kaibigan mong si Chester, Zion!” napataas ang boses ko sabay hagod sa sariling buhok. Halos ilang buwan pa lang noong ipakilala ni Chester si Thalia sa kanya. Papano nito nasabing mahal niya ‘yon? E, samantalang ako na nandito sa tabi niya, mahigit ilang dekada na din, ay hindi man lang niya matitigan ng diretsa sa mata at sabihin ang mga katagang ‘yon. “It’s ex-wife.” pagtatama niya sa sinabi ko. “How much do you want? Or maybe you can write it yourself?” inabot niya sakin ang cheque at naupo sa kaharap kong single seater sofa. Ipinatong niya ito sa center table katabi ng itim na ballpen at ang iilang dokumento na pipirmahan para sa divorce. Yes, my husband for three years was asking me for a divorce. “Huwag kang mag-alala at makakatanggap ka pa rin ng allowance mula sakin kahit na hiwalay na tayo.” Napailing ako at doon na tuluyang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. “Kayo na lang ang pamilyang meron ako, Zion. Ayokong makipaghiwalay. Please, I beg you…” tumayo ako at lumapit sa kanya.Lumuhod ako sa harapan niya pero kaagad niya rin akong iwinaksi dahilan para mawalan ako ng balanse at tumama sa center table ang ulo ko.
“Matuto kang lumugar, Vienne. Una pa lang ay alam mong hindi kita gusto at kapatid lang ang turing ko sayo. My dad just forced me to marry you dahil nangako siya sa ama mo. Now, that both of our dad was gone, I see no reason para ituloy pa ‘tong relasyon natin.” galit na galit ang boses niya habang dinuduro ako. Napahagulhol ako, at kahit na pakiramdam ko ay nagtamo ng sugat ang pagkakaumpog ko sa lamesa, hindi ko iyon pinansin dahil mas nasasaktan ako ngayon sa mga binibitawan niyang salita. “Pero, Zion— Mahal kita. Hindi pa ba sapat ‘yon para hindi mo ako hiwalayan?” panunuyo ko. Hindi ko kayang mahiwalay sa kanya. Lalo na’t nasanay akong nasa tabi niya sa makalipas halos isang dekada. Siya na ang nakasama ko simula noong mamatay si Papa, kaya pinapangako ko sa sarili kong kahit na anong mangyari, hinding-hindi ako mawawalay sa kanya at wala akong pakialam kung ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Sa puntong iyon, matalim niya akong tinitigan. Para akong binaril sa dibdib sa tindi ng lamig sa mga mata niyang minsang naging tahanan ko. “Stop saying you love me,” mariin niyang sabi, bawat salita'y parang kutsilyong inukit sa balat ko. “You don’t love me. You love the idea of me. You love the life we had because it was convenient. Pero hindi mo ako minahal—at lalo na hindi ko minahal ang ideya ng pagiging bilanggo sa isang kasal na pinilit lang ng mga ama natin.” “Zion…” mahina kong bulong. “Ilang taon ang tiniis ko at umasang mamahalin mo din ako. I stayed because I believed in us… alam kong dadating ang panahon na—” Napailing siya at marahas na tumayo. “There was never an ‘us’, Vienne. It was always you. You who assumed. You who clung. You who begged. And I’m tired. God, I’m so tired!”I remained on my knees. I could feel the blood trickling down from my forehead, but I endured it. I chose to ignore the pain.
“Hindi mo man lang ba kayang alalahanin kung paano mo ako pinangakuan noon? Zion, ikaw ang nagsabi na aalagaan mo ako. Na kahit hindi natin ito pinili, gagawin mo ang lahat para gumana ang kasal natin. Ikaw ang nagsabing hinding-hindi mo ako iiwan.” Isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit nanatili ako sa tabi niya. Ang dami niyang ipinangako sakin noon, kaya hindi ako nagdalawang isip na pumayag magpakasal sa kanya. Tahimik siyang tumingin sa akin. Wala nang galit, pero mas nakakatakot—dahil wala na ring pakialam. Blanko. Parang wala na akong halaga. Parang estranghera na ako sa harap ng lalaking minahal ko nang buong-buo. “People lie, Vienne. Grow up.” Tumalikod siya at tinungo ang pinto. “Pirmahan mo na lang ‘yan bago matapos ang linggo. I want this over.” At doon, tuluyang nawasak ang mundo ko. Parang nabingi ako sa pagsara ng pinto. Parang may tumulak sa akin sa kailaliman ng bangungot na hindi ko alam kung kailan ako magigising. Gusto kong humabol. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ipaglaban pa kami. Pero nanatili akong nakalugmok, basang-basa sa sariling luha’t dugo.Napabaling ako sa center table at mas lalong lumakas ang hagulhol nang makita ang divorce paper na parang sementong sinelyo sa huling kabanata ng pagiging ‘Mrs. Celestine Vienne Hervilla—Delgado ko
CELESTINE VIENNETAHIMIK buong byahe papunta sa main office building ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.Sino ba naman ang hindi tatahimik matapos halikan ng siraulong nasa driver’s seat?Kung hindi ko lang kailangan ngayon ng masasakyan papuntang opisina, malamang binalibag ko na ’to.“Dito mo na lang ako ibaba.” sabi ko habang papalapit kami sa likurang bahagi ng main office building, malapit sa side entrance na halos walang dumadaan.Ayokong may makakita sa akin na bumaba mula sa kotse ng lalaking kasama ko.“Doon na lang sa parking—”“Hindi na,” putol ko agad, sabay tingin sa unahan.“Fine,” aniya sa mababang tinig saka inihinto ang kotse. “Parang kinakahiya mo yata na kasabay ako.”Kunot noo akong napabaling sa kanya. “Ganun na nga,” pabalang kong sagot, making his face twist in irritation.“Grabe, ikaw na nga ‘tong hinatid ko,”Hindi ko na siya pinansin at binuksan ang pinto sa passenger seat. “Salamat na lang,” sabi ko at tinalikuran siya.“Wala man lang bang kiss?” dinig kong h
CELESTINE VIENNE PASADO alas sais na nang magising ako at wala na si Zion sa tabi ko. Siguro on the way na siya papuntang office dahil lagi namang maaga kapag umaalis ‘yon.Bumangon ako para makapaggayak papuntang trabaho.Ilang araw din akong hindi pumapasok dahil binabagabag ako sa divorce na gustong mangyari ni Zion, pero wala siyang kaalam-alam. Kaya kung sakaling umabsent na naman ako ngayong araw, baka malaman na niya at sisantehin ako.Sarado ang puso nun pagdating sakin e, kaya paniguradong hindi siya magdadalawang isip at tanggalin ako sa trabaho.Pagbaba ko sa hagdan, dumiretso ako sa kusina para kumain muna bago pumasok, ngunit hindi ko inaasahang maabutan si Zion na nakaupo sa paborito niyang spot tuwing umaga.Napatingin ako sa wristwatch na suot, bago muling bumaling sa kanya. Nagkakape siya habang abala sa kung ano mang binabasa sa hawak na iPad.Mag-aalas syete na’t nandito pa rin siya? Bago ‘to ah.“Morning,” bati ko sa kanya.Binalingan niya ako saglit at tinanguan
CELESTINE VIENNE “Dapat dati pa lang, mula noong sumakabilang buhay ang ama mo, pinalayas mo na ang babaeng ‘yan!” dinig kong sigaw ni Therese mula sa sala.Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto namin ni Zion sa second-floor ng bahay. Kadarating lang namin galing sa Haven Palace at ini-expect ko kaagad na magiging ganyan ang reaksyon ng ina ni Zion after ko silang ipahiya kanina kina Lolo.“That’s enough, ma. Nangyari na ang nangyari,” sagot ni Zion.“Pero hindi mangyayari yun kung nakinig ka sakin dati!”“Huwag kang mag-alala, maghihiwalay din naman kami. Humahanap lang ako ng magandang tyempo para mapapayag si Lolo.”Napahigpit ang hawak ko sa doorknob sabay pakawala ng isang malaim na buntong hininga. Binuksan ko ang pinto saka pumasok sa loob ng kwarto.Bahala silang magkasagutan doon sa ibaba, kunwari wala tayong pakialam.Tinapon ko sa kama ang purse at tinanggal ang stilettos habang minamasahe ang talampakang halos tumirik ang kaluluwa ko sa sakit. Unti-unti k
CELESTINE VIENNE “Hindi puwede!” sigaw ni Lolo, puno ng galit at pagkabigla. “Matagal ka nang kasal, Zion! Hindi ka man lang ba nahihiya sa sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nilang hiwalay ka na?”Napayuko ako, pakiramdam ko’y nilamon ako ng bigat ng eksenang iyon. Nang maramdaman ko ang marahang paghawak ni Lola sa kamay ko, mas lalo akong hindi makatingin kanino man sa mesa.“Baka naman puwede niyo pang ayusin, Zion,” mahinahong sabi ni Tita Jasmine. May bahid ng pagmamakaawa ang tono niya, tila sinusubukang pigilan ang pagguho ng kung anumang natitira sa relasyon namin.Ngunit bago pa makapagsalita si Zion, nagsalita si Therese—ang nanay niya.“Alam niyo kasi, Ma,” humarap siya kay Lola, “Si Celestina naman talaga ang may kasalanan kung bakit gustong makipaghiwalay nitong anak ko sa kanya.”Halos hindi ako makahinga nang marinig ko ang sinabi niya. Sa kabila ng sakit, nanatili akong tahimik.“Kung makaasta kasi siya, akala mo dalaga pa rin. Inaabot ng madaling araw sa gala, hin
CELESTINE VIENNE SAGLIT na nagtama ang mga mata namin ni Caelan, pero kaagad akong umiwas at ininom ang tubig na nasa harap ko.“Ayos ka lang ba, hija?” pabulong ngunit may pag-aalala sa boses ni Luna.Pilit akong ngumiti saka tumango. “Punta lang po akong powder room,” paalam ko saka tumayo.Tinanguan ako ni Lola, kaya kinuha ko ang dala kong purse at mabilis na tinungo ang powder room.WOOOH! Grabeng katangahan talaga meron ako to the fullest.Napatampal ako sa sarili habang nakatitig sa harap ng salamin na nandito sa sink. Nagbabakasakaling magising ako sa kahibangan.“Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nila ang ginawa ko?” inis akong napahagod sa sariling buhok.Anong gagawin ko? What if sabihin ni Caelan sa kanila ang nangyari sa’min? Edi, malalaman nila Zion. Tapos magmumukha akong manloloko kasi pinagtataksilan ko siya kahit hindi pa naman kami tuluyang divorce?Argh! Mababaliw na yata ako.“Should I bribe him?” para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.“Who? Me?”
CELESTINE VIENNE “Hello, Zion? Nandito na ‘ko sa Haven Palace.” kausap ko si Zion sa kabilang linya.Pasado alas otso na ng gabi nang makarating ako dito. Kagaya ng sabi niya, nag-commute ako mag-isa dahil maliban sa wala akong sasakyan, hindi din ako marunong magmaneho.[We’re on our way. Na-traffic lang.] sagot niya at walang pasabing pinatayan ako ng tawag.‘We’re on our way’? So, magkasama nga talaga sila ni Thalia.Napahigpit ang hawak ko sa bitbit na purse saka napasandal sa pader sa gilid ng entrance ng Haven Palace.I have no access para makapasok kaya kinakailangan ko pang hintayin si Zion. Nag-eexpect din kasi sina lolo na sabay kaming darating ni Zion, kaya hindi na nila ako binigyan pa ng invitation.“Vienne?”Napaangat ako ng tingin pagkarinig ko sa pangalan ko.“Were you stalking me?” pakunwaring biro ng lalaking tumawag sa pangalan ko saka natawa.Napalunok ako nang wala sa oras nang mapagtantong ito yung lalaking katal*k ko kagabi.Anong ginagawa niya dito?He’s weari
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen