Home / YA/TEEN / OPERATION: PROM QUEEN / Chapter 15 | Exercise

Share

Chapter 15 | Exercise

Author: Melancholant
last update Last Updated: 2026-01-04 21:14:51

Gabby's POV

Gustuhin ko mang umakyat ng kwarto at magpahinga ay hindi ko magawang maiwan si Mama kasama si Sergio. Kailangan ko kasing pakinggan ang bawat tanong ni Mama sa kanya at baka may nakakahiya na pa lang sinasabi ang Nanay ko nang hindi ko alam.

“Naku! Ang galing mo naman pa lang binata ka. Ikaw ang SSC President ng school ninyo?” 

Bakas ang mangha sa boses ni Mama habang nakangiting nakikinig kay Sergio. Ako ang nahihiya sa ginagawa ng n’ya. Jusko!

Paano ba naman ay nakapangalawang baba pa si Mama sa lamesa na para bang nakikinig s’ya sa storytelling ng crush n’ya. Habang ako anman ay ito at hindi man lang magawang hilamusan ang mukha ko sa takot na may masabing nakakahiya si Mama. 

“Hindi naman po.”

“Ang unique rin ng name mo, ha? Sergio. May Spanish roots ka ba?” 

Gusto ko na langn talaga busalan ang bibig ni Mama. Feeling close na kasi s’ya masyado kay Sergio. Eh hindi naman kami friends! Huhuhu.

“May Mexican roots po ang father side ko.”

“Wow! Kaya pala mukha kang Latin—”

Hindi na ako nakatiis at pinutol ko na ang Nanay ko. “MAMA!” malakas na tawag ko mula sa sulok ng salas.

Sabay na tumingin sa’kin ang dalawa.

Napalunok ako.

“Alas dos na po ng madaling araw. Baka hinahanap na si Sergio sa kanila.”

Binalot ng lungkot ang mukha ni Mama. Talagang ayaw n’ya pang pauwiin si Sergio. Mukhang trip na trip n’ya talaga, ah?

“Sorry, bunso, ah? Minsan lang kasi may dumalaw na kaibigan dito si Gabby kaya medyo naexcite ako.”

Ay, naku naman! 

“No, it’s okay, Tita. Wala naman pong naghihintay sa’kin umuwi. Sa dorm lang naman po ako nag-iistay.”

“Talaga?! Dito ka na lang kaya matulog—”

“MAMA!”

Agad napanguso ang Nanay ko.

Wala na s’yang nagawa nang hilahin ko patayo si Sergio ay pwersahang itinulak palabas ng pinto. 

“Anak! Huwag ka naman masyadong harsh sa bisita mo. Baka hindi na bumalik iyan!”

Sana nga at hindi na dahil hindi ako komportable na may nakakaalam kung saan ako nakatira.

Isang inosenteng tingin ang binigay sa’kin ni Sergio nang tuluyan na s’yang makalabas. Naiilang kong itinuro ang flat n’yang motor na nakapark sa may harapan namin. 

“Mekaniko ang Tito ko kaya ako na ang bahala sa motor mo. Umuwi ka na. Tatawagan na lang kita kapag ayos na s’ya.” 

Tumaas ang magkabilang kilay n’ya sabay nang paghalukipkip ng mga braso n’ya. “And how would you call me? We don’t even know each other’s socials,” sarkastikong sabi n’ya.

Namula ang mukha ko sa pagkahiya. 

Oo nga pala.

Simula kasi no’ng nangyari sa prom ay dinilete ko lahat ng socials ko. Kahit nga number ko ay pinalitan ko sa takot na pati sa text ay i-send sa’kin ng mga alipores ni Czarina ang video ko. 

“Tsk.”

Inilahad n’ya ang kamay n’ya sa’kin. Nagtataka ko namang tinitigan iyon. Ano iyan? Nanghihingi ba s’ya ng limos?

“Give me your hand, donut.”

Bagaman at nagtataka ay ginawa ko pa rin ang gusto n’ya.

Gano’n na lamang ang pagsinghap ko nang magsimula s’yang magsulat ng kung ano sa palad ko. Kagat pa n’ya ang takip ng ballpen habang pokusn a pokus sa pagsusulat. 

Ang g’wapo n’ya.

“Here…” wika n’ya sabay balik ng kamay ko. “That’s my personal number. Try not to disclose it because I value my privacy a lot.” 

Dahan-dahan akong tumango.

“I’ll catch you soon.”

Iyon ang huling sinabi ni Sergio bago nakapamulsang naglakad palayo. 

*****

Kinabukasan ay balik agad ako sa LYS Weight Clinic. Tuwang-tuwa sina Doc Karlo na makita ako ulit. Hindi na ako nag-abalang i-kuwento pa sa kanila nag nangyari sa family gathering. 

Ayaw ko naman kasing magmukhang kawawa, ‘no?

“Ako lang ba o parang pumapayat ka na talaga?” biro ng binatang doktor. Isang tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya. “Ayos lang iyan dahil nasa adjustment phase pa lang naman tayo. Once na masanay ang katawan mo sa new diet na ini-introduce natin ay mas magiging madali na sa’yong magpapayat.” 

Tipid ulit akong tumango. Mukhang napansin naman ng doktor ang pagiging balisa ko. Sino ba naman kasing hindi mawawala sa mood pagkatapos nang nangyari kagabi.

Buong akala ko ay namayat na ako at mapapansin nila iyon. 

Pero mas napansin pa nila ang makapal kong makeup na mukhang napagtripan ko lang na ilagay sa mukha ko.

“Excited ka na bang makita ang workout plan na ginawa namin para sa’yo?”

Umilaw ang mukha ko sa sinabi ng doktor. 

These past few days kasi ay puro brisk walking lang ang pinapagawa n’ya sa’kin. It’s nice to hear na may p’wede na akong sundin na workout.

Hindi na ako makapaghintay sa transformation ko!

“Since ang goal natin ay mas mapabilis ang fat burning mo. We added resistance training sa workout plan mo.”

“Resistance training?” 

“Yes, Gabby. It's also known as strength training. Siguro ay pamilyar ka na sa mga taong pumupunta ng gym para magbuhat.”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Doc Karlo. 

T—Teka! Magbuhat? Eh ‘di ba nakakalaki ng katawan iyon? Paano naman ako magmumukhang slim kung gagawin nilang muscular ang katawan ko?

Mukhang napansin naman ni Doc Karlo ang hesitation sa mukha ko kaya agad s’yang nagpaliwanag. 

“Don't worry. Lifting weights will not make you bulky. Women don't produce enough testosterone to build massive muscles like me!” nakangiting asong ibinida pa ng binatang doktor ang biceps n’ya sa’kin. 

Napahagikgik naman ako sa ginawa n’ya. Minsan lang kasi ako makakita ng isang professional na umaarteng mukhang baliw. 

“And since resistance training builds muscles, it helps you lose weight more dahil kagaya nga nang sinabi ko sa’yo noon. What burns more calories than fat?” 

“Muscles!” 

Parang bata ko pang itinaas ang kamay ko na tila ba estudyanteng sumasagot sa oral recitation. 

“Mas dense ang muscles compare sa fat pero mas malaki ang volume nito. And remember? Ang goal natin ay pumayat na may shape. Kaya kahit na the majority of the fat loss itself comes from diet, kailangan pa rin nating magincorporate ng exercises sa routine mo to ensure healthy and good looking fat loss.”

Mabilis akong tumango. 

Kaya ko ‘to!

Hindi ako papayag na inaapi lang nila ko palagi at ginagawang katatawanan. Nagawa ko ngang tiisin lahat ng pambu-bully nila sa’kin ng ilang taon eh. 

Ano pa ba iyong kaunting ngalay at bigat dahil sa resistance training exercise?

“Here…” Inabot n’ya sa akin ang isang membership card. “This is our most trusted gym. You can find Coach Jaicy there. S’ya na ang bahala sa’yo. And tayo? We’ll see each other weekly na lang to make sure na you’re following your diet. And s’yempre to track your progress.”

Binasa ko ang mga letrang nakaprint sa membership card. 

Summer Makeover Gym

“I’m really looking forward sa transformation mo, Gabby. I hope it will only transform your physically. Stay pretty and humble, hmm?”

Pagak akong napangiti. 

Of course, I’ll stay pretty. Even prettier. But I don't know humble. 

Not after what they did to me. 

Peejay and Czarina…

Brace yourselves. 

‘Cause I’m about to shake your world when I get back this summer. 

Happy New Year, pumpkins! Kumusta ang pasko at bagong taon ninyo? I wish you a blessed and bountiful 2026. Sana matupad lahat ng New Year resolutions natin. Hehehe. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 17 | All Eyes On Me

    Gabby's POVMonday…Today is the day.Isang beses ko pa ulit pinagmasdan ang sarili sa salamin bago tuluyang tumayo mula sa vanity table ko at nagspray ng Vanilla scent kong pabango.“Hmmm…” mahinang sabi ko habang nakangiti. “Smells like cupcakes and marshmallows.”Bitbit ang cute kong handbag ay confident akong lumabas ng kwarto para salabungin ang Mama kong mas excited pa yata sa’kin. Bitbit pa n’ya ang lunch bag ko na s’ya mismo ang nagprepare.“Anak, nariyan na ang sundo mo. Sige na at baka malate ka pa.”Inabot n’ya sa’kin ang pink na lunch bag.

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 16 | 3 U's

    Gabby's POV“Haagh! Haagh! Haagh!” hinihingal na sabi ko habang pinipilit tapusin ang hip thrust reps ko.Agad akong bumagsak sa sahig matapos kong mabuo ang 5 sets at 15 reps na leg exercise. Medyo nangingig pa nga ang legs ko dahil sa ngalay pero ayos lang dahil alam kong super laki na naman nh glutes ko nito pagkatapos.Usually naman ay hindi ako nahihirapan ng ganito tapusin ang routine ko pero dahil dinadagdagan ko ang plates ay mas naging challenging s’ya.Gano’n naman talaga dapat kapag nag-eexercise.You should gradually increase the difficulty ‘cause you’re not gaining if there's no pain.“Good job, Gabby.”Pagod akong

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 15 | Exercise

    Gabby's POVGustuhin ko mang umakyat ng kwarto at magpahinga ay hindi ko magawang maiwan si Mama kasama si Sergio. Kailangan ko kasing pakinggan ang bawat tanong ni Mama sa kanya at baka may nakakahiya na pa lang sinasabi ang Nanay ko nang hindi ko alam.“Naku! Ang galing mo naman pa lang binata ka. Ikaw ang SSC President ng school ninyo?” Bakas ang mangha sa boses ni Mama habang nakangiting nakikinig kay Sergio. Ako ang nahihiya sa ginagawa ng n’ya. Jusko!Paano ba naman ay nakapangalawang baba pa si Mama sa lamesa na para bang nakikinig s’ya sa storytelling ng crush n’ya. Habang ako anman ay ito at hindi man lang magawang hilamusan ang mukha ko sa takot na may masabing nakakahiya si Mama. “Hindi naman po.”“Ang unique rin ng name mo, ha? Sergio. May Spanish roots ka ba?” Gusto ko na langn talaga busalan ang bibig ni Mama. Feeling close na kasi s’ya masyado kay Sergio. Eh hindi naman kami friends! Huhuhu.“May Mexican roots po ang father side ko.”“Wow! Kaya pala mukha kang Latin—”

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 14 | Flat

    Gabby's POVTahimik lang akong nakayakap sa likuran habang pinapaandar ni Sergio ang motorsiklo. Malamig ang hangin na sumasampal sa mukha ko pero hindi ko alintana iyon dahil mainit naman ang katawan n’ya. Minsan talaga naiisip ko kung isa ba s’ya sa mga anghel ni Lord. Paano ba naman kasi ay sa tuwing may nangyayaring kamalasan sa buhay ko palaging s’yang sumusulpot na parang kabute para iligtas ako. Kagaya na lang ngayon. Paano naman s’ya napadpad sa lugar ng Tita ko ngayon?“Ahh… Sergio?”Sinilip ko s’ya mula sa side mirror. Nakapokus lang s’ya sa daan pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng mga mata n’ya na tila ba sinisilip din ako sa salamin. “What?”“Ahmm…” Humigpit ang kapit ko sa upuan ng motorsiklo. “Ano pa lang ginagawa mo rito?”Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang gumuhit na ngisi sa mga labi n’ya. “Do you think I’m following you?” Awtomatikong namula ang buong mukha ko sa sinabi n’ya. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong palabasin. Curious lang naman talaga ako! Bak

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 13 | White Lady

    Gabby's POVSiguro nga ay ipinanganak lang talaga ako para gawing katatawanan ng lahat ng tao. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang ginawa ko para mangyari sa’kin ang lahat ng kamalasan sa Mundo.Hindi naman mahirap ang hinihingi ko, ‘di ba? Gusto ko lang naman na i-trato nila ako ng normal.Pero dahil lang sa mataba ako… hindi na nila ako magawang irespeto. Na parang nawalan na ako ng karapatan maging tao oras na lumampas sa 50 kilograms ang timbang ko. Awtomatiko na akong nawalan ng karapatan maging maganda. Ultimo paglalagay ko ng kolorete sa mukha ay nagawan nila ng paraan kutyain. Talaga ba? Baboy na may suot na lipstick. “Tita Ellen!” suway ni Mama sa matanda. Lumapit pa ito at pumagitna sa aming dalawa na akala mo naman ay dadaganan ko si Lola Ellen dahil sa sinabi n’ya. “Grabe naman po kayo sa anak ko. Hindi naman po ‘ata tama na pagsabihan ninyo ng gan’yan ang bata.”Tumaas ang manipis na kilay ng matandang babae. “At bakit hindi? Ilang taon na ba iyan para hindi mak

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 12 | Pig Wearing A Lipstick

    Gabby's POVHindi talaga magandang ideya ang pagpayag kong sumama kay Mama. Wala nang ibang ginawa ang mga pinsan ko kundi asarin ako simula no’ng pagdating ko. “Grabe! Nag-aayos rin pala mga Gabby, ‘no? In fairness, ah? Hindi bagay sa’yo!” “Hahahaha!”Inakbayan pa ako ni Lester na parang lalaki. Napangiwi ako sa bigat ng braso n’ya. “A… Ano ba…” mahinang reklamo ko. Napasulyap s’ya sa’kin habang malawak na nakangisi. Halatang sinasadya n’ya talagang bigatan pa lalo ang braso n’ya. Agad gumuhit ang sakit sa mukha ko nang tatlong beses n’ya akong inalog gamit ang malakas na pwersa. Muntik pa nga akong mataob sa lamesa namin kung hindi lang s’ya nakakapit sa balikat ko. “Ito naman si pinsan! Nagbibiruan lang naman tayo rito. Huwag ka naman mas’yadong seryoso!” Nasundan iyon ng tawanan ng lima pa naming pinsan. Lahat kami ay nakaikot sa table na ito. Bandang sulok kaya hindi ako napapansin ni Mama na mukhang paiyak na. Ayun kasi s’ya kina Tita Olive at nakikipagchikahan. Hindi man

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status