NARAMDAMAN niya ang paghila sa kanya ni Gerald, at ang paghila rin ng Mommy nito kay Katrina, kaya sila natigil sa pagsasakitan.“Ate, Glad! That woman is crazy, if only you knew!” sambit nito sabay duro sa kanya.“Alam ko, at gusto kong iparanas sa kanya ang kabayaran ng pagiging baliw niya!” wika nito sabay lapit sa kanya, at binigyan siya ng mag-asawang sampal.Nasapo niya ang dalawang pisngi dahil sa sobrang sakit. Tumingin siya kay Gerald na nagtatanong ang mga mata. Ano ba ang nangyayari? Una, alam ni Katrina ang kung anong mayroon sa kanila ni Gerald, at ang pagkagusto niya kay Weston. Pangalawa, ang init ng pagtanggap sa kanya ng Mommy ni Gerald nung nakaraan, puring-puri pa nga siya. Pero ngayon, ay halos hindi niya mailarawan ang galit na nakaukit sa mukha nito.“Ti-tita, Ba-bakit po?” pautal-utal niyang tanong habang umiiyak, dahil hindi na niya maramdaman ang kanyang mga pisngi. Pakiramdam niya ‘y namamaga na ito.“Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na tita dahil hindi
“SANDALI LANG!” sigaw ni Gerald sa kung sinumang kumakatok sa labas ng kwarto, bago ito pumasok sa banyo para linisin ang sarili. Habang siya naman ay ngingiti-ngiti lang at prenteng nakaupo sa ibabaw ng kama nito.Paglabas nito mula sa loob ng banyo, ay agad na itong lumapit sa pintuan para buksan iyon. Bumungad doon ang babaeng ipinakilala nito sa kanya noong nakaraan, iyong Kat.“Ano ba naman ‘yan! Ngayon ka lang yata nag-lock ng pintuan mo, ah? At saka, bakit ang tagal mo pang buksan?!” wari’y naiinis na sambit nito.“Eh, may kasama kasi ako, ate. Si Vivian may pinag-uusapan kasi kaming importante,” sagot ni Gerald sabay tingin sa gawi niya.“About what? Gaano ‘yon kahalaga para magkulong kayo rito sa kwarto? Tungkol ba sa kompanya 'yan? Pero ‘di ba dapat, sa kompanya niyo rin ‘yan pinag-uusapan?” mataray na tanong nito habang nakakrus ang mga braso sa dibdib, at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin.Hindi niya nagugustuhan ang pagiging mataray nito, pero papalampasin na mun
HABANG nagmamaneho ng sasakyan si Vivian patungo sa mansyon nina Gerald, ay samu’t saring mga bagay patungkol sa kasalukuyang nangyayari ang gumugulo sa kanyang isipan. Paano bang bigla na lang nagbago ang pakikitungo ng kanyang tito Juancho at tita Sania kay Saskia?Sa pagkakaalam niya, ay sukdulan ang galit ng mga ito sa sariling anak, at sinigurado niya iyon para lahat ng na kay Saskia dati, ay mapunta lahat sa kanya. Nakuha niya na sana rito ang atensyon at pagmamahal ng mga magulang nito, maging ang posisyon nito sa kompanya, at higit sa lahat, ay ang boyfriend nito. Pero bakit? Bakit bumalik sa dati ang lahat? Ngayon sana ay tagumpay na siya kung pati ang asawa nitong si Weston ay makukuha rin niya. Ang kaso, ay parang hindi tumatalab sa lalaki ang karisma niya.Naputol lang ang sari-saring iniisip niya nung tumapat na siya sa gate ng mansyon. At dahil naabisuhan na pala ni Gerald ang gwardya, kaya agad din naman siyang pinapasok. Sa laki ng mansyon ay hindi alam ni Vivian kung
KASALUKUYANG nasa kanyang sariling silid si Gerald habang paroo’t parito dahil sa bumabagabag sa kanyang isipan. Kahapon kasi, nung puntahan niya ang kinaroroonan na hospital ng tito Juancho niya, ay kataka-takang parang nag-iba ang pagtrato ng mag-asawa sa kanya. Inisip niya na lang, na siguro ay dahil sa nangyari kay tito Juancho.Pero hindi kasi siya mapakali, lalo na sa uri ng mga tinging ipinupukol sa kanya ng mag-asawa. Hindi ganoon ang natural na tingin ng mga ito sa kanya kahit pa may dinadalang problema ang mga ito. Hindi kaya pinagdududahan na sila nito ni Vivian? O, kaya naman ay nahuli na sila? Pero imposible, dahil wala namang sinasabi sa kanya ang mga ito.Baka napa pa-praning lang siya dahil sa kakatago nila ng relasyon nila ni Vivian. Kaya palagi niyang inaakala na baka nahuli o nabubuking na pala sila. Sana naman ay hindi, lalo na ‘t hindi pa niya nababawi sa Saskia mula sa kanyang tiyuhin.Abala pa rin siya sa pagparoo’t parito nang biglang mag-ring ang kanyang cellph
HALOS puro usapan ang nangyari sa paghaharap-harap nila sa hapagkainan. Puro tungkol sa kanila ni Weston ang usapan, kung paano sila aksidenteng nagkakilala, nagpakasal, at kung ano na ba ang kasalukuyang sitwasyon nila.Humingi rin ng tawad ang kanyang Mommy at Daddy sa mga hindi magagandang salita na nasabi nila patungkol sa nangyaring kasal na naganap sa pagitan nila ni Weston, ganoon din si Mommy Diana. Napakasarap lang sa pakiramdam na ngayon ay maayos na sila at nagkakasundo na. Tila ay wala na siyang mahihiling pa.Ipinapanalangin na lang niya na sana, ay palagi na lang silang ganoon; masaya, tahimik, at nagkakasundo. Pagkatapos ng usapan tungkol sa kanilang mag-asawa, ay hindi rin nila nakalimutan ang tunay na pakay; ang kumustahin ang kalagayan ng kanyang Daddy.Himala nga at hindi humarap sa kanila si Vivian sa hapag-kainan kahit na tinatawag ito ng kanyang Mommy at Daddy. Ang sagot nito ‘y busog pa raw siya. Mas mabuti na rin iyon kaysa ang maghasik pa ito ng kalandian.“Na
PAGTALIKOD ng Mommy niya ay pasimple siyang kinausap ni Mommy Diana sa mahinang tinig.“Iyan ba ang sinasabi mong pinsan mo na pinatulan ni Gerald?” tanong nito.“Opo, Mommy.”“Huh, kawawang apo ko. Nagpatukso dahil lang sa tawag ng laman. Kaya naman pala maraming insecurities ‘yan sa ‘yo, kasi hindi naman kagandahan! Puro damit lang ang nagdadala! Napakalayo sa ‘yo, hija. Pati sariling utak ay iniwanan na rin siya,” walang prenong sambit nito na siyang ikinanganga niya. Nakakatakot palang magmasid ito sa isang tao, sinasabi lahat.“Siguro Mommy, ganyan mo rin ako pintasan dati nung una mo ‘kong makita?” nakalabing tanong niya rito.“To be honest, gandang-ganda ako sa ‘yo noon, hija. Sabi ko nga, iba ang beauty nito, ha? Saang angkan ng mga mayayamang pamilya kaya ito nanggaling? Pero syempre, dahil sarado pa ang utak ko noon at nababalot pa ‘ko ng sobrang galit dahil nga hindi kami kasundo ng buong pamilya niya nitong si Weston, ay ipinagsawalang bahala ko na lang ang presensiya at p
“DA-DIANA, ikaw ba iyan?!!!” gulat na gulat na tanong ng Mommy niya kay Mommy Diana pagbungad na pagbungad nila sa pintuan ng kanilang bahay. Ang katulong kasi nila ang sumundo sa kanila sa labas dahil ang sabi nito, ay busy daw ang mommy niya sa paghahanda ng mga pagkaing para sa kanila.“Sania, My dear! Ikaw din pala ‘yan?!!” kunwari’y nagulat din na sagot ni Mommy Diana.Muntik pa siyang matawa sa ginawa nitong pagkukunwari. Samantalang si Weston ay pormal lang ang kilos at ang awra. Ngunit nawala ang saya niyang nararamdaman nang makita niyang katulong pala ng mommy niya sa paghahanda ng pagkain ang pinsan niyang si Vivian. Napakaikli ng suot nitong shorts at napakahapit din ng suot nitong crop top na damit.Muntikan na niyang maitirik ang mga mata sa nakikitang hitsura nito. Baka nalaman nitong isasama niya ang kanyang asawa kaya ito nagsuot ng ganoon. Para magpapansin. Kabisadong-kabisado na niya ang mga ganoong galawan ni Vivian. Pasimple naman niyang tiningnan ang kanyang asawa
“SI MOMMY naman, ginawa mo naman akong bata, eh! Andiyan lang ang asawa ko sa harap!” reklamo ni Weston kapagkuwan.“Nilalambing ka na nga, ang arte mo pa! Hay naku, wala na ‘kong patutunguhan sa ‘yo!” sagot nito at binitiwan na ang kaninang yakap-yakap na si Weston. “By the way, anak. Magpapaalam sana ako sa ‘yo ngayon, pupuntahan ko lang sina Juancho at Sania sa hospital. Gusto kong malaman ang kalagayan niya,” pag-iiba nito ng usapan.“Sumabay ka na lang sa ‘min ni Baby, Mom. Doon din ang punta naming ngayon,” sagot ni Weston.“Hindi ba, ngayon kayo magkikita ni Gerald, hija? Ano ba ang napag-usapan ninyong mag-asawa?”“Hindi na po matutuloy ‘yon, mommy. Kahapon kasi, naroon din si Vivian sa hospital, at sinabing hindi na muna matutuloy ang pagkikita namin ni Gerald dahil sa nangyari kay Daddy,” sagot niya.“Ah, ganoon ba? Mabuti naman at nagbago ang isip ng may sayad na ‘yon!” sambit nito na may kalakip na galit sa tinig. “Sige, sasabay na lang ako sa inyo, pero mag-ayos na muna k
“BABY, hindi ba ngayon ‘yong araw kung kailan kayo magkikita ni Gerald?” tanong sa kanya ni Weston habang kumakain sila. “Alas diyes ang usapan, ‘di ba? Alas onse y media na pala!” dugtong nito sa malakas na tinig.Mabuti naman at nakabalik na rin ito sa kitchen pagkatapos itong habulin ni Mommy Diana.“Ang sabi ni Vivian sa ‘kin kahapon, hindi na ‘yon matutuloy ngayon dahil sa nangyari kay Daddy. Ano naman kaya ang connect? Huwag niyang sabihing concern siya kay Daddy dahil gusto niya ngang lasunin ito at si Mom,” tugon niya.“Oo nga pala, kailangan nating balikan ang Mommy at Daddy mo sa hospital. Kailangan ka nila roon kaysa kay Vivian, lalo na at ikaw lang ang nag-iisang anak nila na aalalay at susuporta sa mga ganoong sitwasyon.”“Oo nga pala! Naku, nakalimutan kong nasa hospital pala ngayon si Dad!” gulat na sambit niya. “Pero, hindi ba tayo pupunta sa kompanya? Kahit ako na lang siguro ang pumunta ng hospital, ikaw naman sa kompanya!” dugtong pa niya.“Baby, kailangan kitang sa