Share

Kabanata 3

Kabanata 3

Family

Wala akong pinagsabihan sa nangyari. Ayoko ng may ibang makaalam. Totoong natakot ako sa ginawang 'yon ni Tyrone pero may kasalanan din naman ako. Dapat una palang hindi na ako pumayag kung hindi ko rin naman pala kayang panindigan.

Nagtataka lang ako kung bakit ang dali kong pumayag nung sa amin ni Luther ang may nangyari. Hindi ko alam kung dahil ba sa lasing ako nang gabing iyon o baka dahil sa init na naramdaman ko dahil sa mga halik at bawat paghaplos niya sa katawan ko.

Nakainom din naman ako nang pumayag ako sa gusto ni Tyrone. Naguguluhan ako.

Naging distant ako kay Tyrone simula ng gabing iyon. Nararamdaman kong gano'n din naman ang ginagawa niya ngayon. Hindi na niya ako tinetext o tinatawagan para mangulit pero hindi naging lingid sa kaalaman ko ang mga pambababae na ginagawa niya. Hindi na lang ako nagkomento at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Wala naman akong magagawa eh. As long as hindi pa nakakarating sa mga magulang ko ang nangyayari sa amin ay ayos lang sa akin.

Sabado nang umaga ng makareceived ako ng tawag mula kay Luther. Naghesitant pa nga akong sagutin kanina dahil hindi naman nakarehistro sa akin ang numero niya pero nang maalalang ibinigay ko nga pala 'yon sa kan'ya ay sinagot ko rin kalaunan. Gusto niyang magkita kami ngayon para sa mga disenyong nagawa ko.

Nitong mga nakaraang araw ayon ang pinagkaabalahan kong gawin. Nagdisenyo ako ng para sa living room, dining area, master's bedroom, at guest room. Hindi ko pa nakikita ang blueprint ng bahay niya kaya aayusin ko na lang kung sakali. Hindi pa rin naman niya aprubado ang mga disenyong ginawa ko para sa bahay niya. Sinubukan ko lang magdisenyo agad para may maipakita sa kan'yang samples.

Full time ang trabaho ko sa kompanya ni Mr Dela Merced pero kapag may mga ganito naman ay pinapayagan niya kaming tumanggap ng trabaho galing sa iba na hindi under sa kompanya. Mabait si Mr Dela Merced at malaki magpasahod kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi siya magawang iwan ng mga empleyado niya.

Sa isang restaurant malapit sa kompanya kami nagkasundong magkita ni Luther. Nauna siyang dumating doon kaya nang makalapit ako sa kan'ya ay kaagad akong humingi ng paumanhin.

"I'm sorry, na-late ako," hinging paumanhin ko.

"It's okay. Kararating ko lang din," sagot niya. Iminuwestra niya sa akin ang silya sa harapan niya. Mabilis akong umupo roon at kaagad na inilabas ang laptop ko.

"Can we eat first?" Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kan'ya. Nang makitang nakatingin din sa akin ang hombre ay kinuha ko na lang ang menu at agad na nagbasa ng mga nakalistang pagkain doon.

Hindi ako pamilyar sa mga pagkain na naroon kaya itinuro ko na lang sa waiter na nag-assist sa amin ang gusto kong kainin. Kaagad na umalis ang waiter para sa aming order. Bumalik din ito para maglapag ng isang bote ng wine sa lamesa namin.

Tahimik lang kami pareho ni Luther. Nang makaalis ang waiter ay kaagad na nagsalin ng alak si Luther sa aking kopita, sumunod naman ang sa kan'ya. Marahan akong sumimsim doon. Nag-isip ako ng maaari naming pag-usapan dahil sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Saan nga pala ang bahay mo?" tanong ko. Gusto kong kutusan ang sarili dahil sa naisip na tanong. Pero, wala naman siguro masama sa tanong ko diba?

"Near BGC. Pero ang bahay na pagagawaan ko sa iyo ng disenyo ay ang bahay ko sa Cavite."

"I might check your house in Cavite, personally. Mas gusto ko iyong personal kong nakita ang bahay para sigurado ako sa magiging disenyo ko."

"Give me a beep, then. Sasamahan kita. Malayo ang Cavite."

Muli kaming natahimik nang bumalik na ang waiter dala ang mga inorder naming pagkain. Katahimikan muli ang bumalot sa pagitan namin habang kumakain. Wala naman kasi akong sasabihin.

"Oh, God! Luther?!" patiling ani ng isang babae. Lumapit at yumakap pa ito kay Luther at 'saka hinalikan ang lalaki.

"What the hell, Vanilla?!" tila kulog ang sigaw na iyon ni Luther. Napalingon ako sa mga kalapit naming lamesa at agarang nahiya ng makitang ang ilan sa kanila ay nakatingin sa amin.

"I think na-settle na naman natin ang lahat, Mr Dela Merced. I'll message you soon for the project. Mauuna na ako. Thank you for the lunch, bye," sunod-sunod kong sabi at nagmamadaling kinuha ang bag at laptop ko.

"And, who the hell are you? Isa ka rin ba sa mga babaeng nanlalandi kay Luther?" Ako naman ang binalingan niyong babae. Masama ang tingin nito sa akin na para bang may ginawa ako sa kan'yang masama.

Matamis akong ngumiti sa kan'ya. "I'm Dionne Sy, Miss," pagpapakilala ko. "Mr Dela Merced hired me as an interior designer," dagdag ko pa.

Mukha naman natauhan ang babae. Nawala ang masamang tingin nito sa akin pero inirapan naman ako bago muling ibinalik kay Luther ang atensyon. Ay letse! Umirap din ako pero si Luther lang ang nakakita. Natawa siya ng makita ang ginawa ko. Muling humarap sa akin si Vanilla kaya mabilis na akong umalis doon at baka nakaka-istorbo na ako sa kanila.

Sumakay ako ng kotse ko at nagdrive na pabalik sa condo ko. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang pag-iingay ng phone ko. Mabuti na lang ay medyo traffic kaya madali kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko at sinagot ang tawag.

"Nasaan ka, Dionne?" nangunot ang noo ko ng marinig ang boses ni ate Dominique.

"May kinausap lang akong kliyente pero pabalik na ako sa condo ko, why?"

"Dumiretso ka na rito sa bahay. Gusto kang makausap ni daddy."

"Okay, I'm coming," sagot ko at pinatayan na siya ng tawag.

Bakit naman kaya gusto nila akong makausap ngayon? Hindi kaya nagsumbong na si Tyrone? Bahala na nga... Mabilis kong kinabig ang manobela at 'saka nagdrive pauwi sa bahay naming ilang taon ko ng hindi nauuwian.

Si nana Linda ng unang sumalubong sa akin. Mahigpit niya akong niyakap. Siya ang mayordoma rito sa bahay at ang tumayong nanay at tatay ko habang lumalaki.

"Namiss kita, anak. Bakit ba kasi ngayon ka lang bumisita?" tanong niya sa akin.

"Naging abala po kasi ako sa trabaho, nana," nakangiting sagot ko sa kan'ya at mahigpit na yumakap sa kan'ya pabalik.

"Nasa garden ang mga magulang mo at ang ate mo, kasama nila si Tyrone." Si Tyrone? Kinabahan ako kaagad. Damn!

"Sige po, nana. Pupunta na muna po ako roon." Nang tumango sa akin si nana ay nagdiretso na ako sa garden.

Pagdating ko roon ay mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Kaagad na lumapit at yumakap sa akin si ate Dominique. Gusto kong ngumiwi dahil hindi ko alam kung sinsero ba itong yakap niya sa akin o gusto niya lang magpakitang gilas dahil kaharap namin ang mga magulang namin.

Nauna na akong kumalas sa yakap ni ate Dom. Lumapit ako kay mommy at daddy at humalik sa kanila. Nag-alinlangan pa akong lumapit kay Tyrone pero nang makita kong nakangiti siya sa akin ay mabilis akong lumapit sa kan'ya para yumakap.

"I'm sorry," hinging paumanhin ko. Natawa si Tyrone at ginantihan din ako ng mahigpit na yakap.

"Mabuti naman at maayos ang relasyon niyong dalawa. Baka kaya hindi kayo magbakasyon?" suhestiyon ni mommy.

"May tinatapos pa akong proyekto na under sa mga Dela Merced, my. At may isa pa po na labas sa kompanya," sagot ko.

"After that then?"

"Pwede naman po. Magpapaalam ako sa boss ko."

"Good."

Ipinaghila ako ni Tyrone ng upuan. Magkalapit lang ang upuan namin kaya madali sa kan'ya ang akbayan ako. Nagpadala rin si mommy ng dessert. Tinanong niya pa ako kung nakapaglunch na ako.

"How's work, Dionne?" tanong ni ate Dom.

"Fine, ate. Ikaw?"

"Ayos lang din. I heard your boss is Hessandro Van Ross Dela Merced?"

"Yes, ate."

"Mabait ba?"

"Oo."

"Have you met his cousin? Si Luther Van Ross."

"Uh. Yes? Nabisita iyon minsan sa opisina kaya nakilala ko, why?" nag-hesitate pa ako kung sasagutin ko.

"I like him..." Nagugulat akong napatingin sa kan'ya. Tinignan ko naman si mommy at daddy, inaabangan ko ang magiging reaksyon nila sa sinabing iyon ni ate.

Akala ko ay magagalit sila pero mukhang masaya pa silang harap-harapang inihayag ni ate Dom ang pagkagusto nito kay Luther.

Wala akong pakialam kung magkagusto si ate Dom kay Luther pero hindi ko maitatangging inggit na inggit ako sa kan'ya. Sariling desisyon niya ang pagkakagusto kay Luther, hindi kagaya ko na kailangan pang ipagpilitan.

"Can you ask your boss for his number, sis? Please," Nakangusong pakiusap pa sa akin ni ate.

"He is my client, ate. Ipinapadisenyo niya sa akin ang bahay niya sa Cavite. I have his number," sagot ko. Nagningning ang mga mata ni ate Dom.

Mabilis na pumunta sa akin si ate Dom at niyakap ako. Nangunot ang noo ko pero hindi na lang nagsalita.

"Can I have his number?" Tumango ako kay ate at kinuha na ang phone ko na nasa bag ko. Mabilis kong hinanap ang numero niya. Nang makita ay inabot ko na iyon kay ate.

"Ang formal mo naman mas'yado," nakangiwing tugon niya ng mabasa ang pangalan niyang nakasave sa phone book ko. Mr Luther Dela Merced kasi ang inilagay ko.

"He is my client, ate. I need to be formal," tanging naisagot ko.

"Saan nga ulit ang pinapagawa niya sa'yo?"

"Sa Cavite?"

"P'wede mo ba akong isama? I wanna see him, again."

Mukhang gustong-gusto nga ni ate si Luther, ah? Tumango lang ako sa kan'ya bilang tugon. Tuwang-tuwa si ate Dom. Napatingin naman ako kay mommy at daddy. Mukhang masaya sila sa pagpayag kong isama si ate Dom sa trabaho.

Sa twenty-two years ko na kasama sila ngayon ko lang nakitang natuwa sila sa ginawa ko. Kahit nga si ate eh. Hindi ako sanay sa pagiging malapit niya sa akin pero natutuwa ako dahil mukhang matatapos na ang hindi namin pagkakaunawaan. If I need to push ate Dom to Luther ay gagawin ko maging ayos lang ang pamilya namin. Para namang close na close kami ni Luther ah?

Nag-usap naman si dad at Tyrone ng tungkol sa negosyo. Maging ang relasyon namin ay kinamusta nila. Laking pasasalamat ko na lang na hindi naman nagkwento si Tyrone tungkol sa nangyari noong nakaraan. Si mommy at ate naman ay panay ang tanong sa akin ng tungkol kay Luther.

"Ate, my, pasensya na pero hindi ko naman gaanong kakilala iyong si Luther. Nakikita ko siyang pumapasyal sa kompanya ng boss ko pero hanggang doon na lang 'yon," nakangiwing sagot ko sa kanila.

"I really like that man for your, ate. Sana magustuhan niya rin ang ate mo," si mommy.

"Oo naman, mommy. Panigurado 'yan. Ate Dominique is a complete packaged. Matalino, mabait, at maganda," turan ko.

"I'm excited. Gusto kong makita ulit siya..."

Habang tinitigan ko si ate Dominique mas lalo kong napagtatanto ang mga pinagkaiba ng features namin. Magkasing tangkad kami ni ate Dom, pareho naming minana kay daddy. Ang katawan ni ate ay mas voluptuous habang ako naman ay petite. At kinaiinggitan ko ang mga curves niyang nasa tamang lugar habang ako ay ayoko na lang sabihin pa. Pareho kaming maputi ni ate na nakuha naman namin kay mommy. Her eyes are hooded, maganda at bagay iyon sa kan'ya habang ako naman habang tumatagal ay mas nadedepina ang pagiging almond shaped nito na kagaya ng kay mommy.

Isa pa sa kinaiinggitan ko habang lumalaki ako ay alam kong mas pabor ang mga magulang ko kay ate Dom kaysa sa akin na bunso. I'm the youngest child yet i'm the neglected one. Paulit-ulit ko 'yang sinusubukang tanggalin sa isip ko pero sa tuwing makikita ko kung gaanong pahalagahan ng mga magulang ko si ate Dom laging bumabalik sa akin. Ang lahat ng sakit at paghihirap ko.

Ayokong isumbat sa kanila ang lahat ng pinagdaanan ko dahil malaki pa rin ang utang na loob ko sa pamilya ko. Hindi ako mapupunta sa kung nasaan man ako ngayon kung hindi dahil sa kanila. Ngunit alam kong hindi rin ako mapupunta sa kung nasaan ako ngayon kung hindi rin ako nagsikap para sa sarili ko.

Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Lahat kaya kong gawin para sa kanila. Umaasa kasi ako na sana... sana matanggap din nila ako. Sana maranasan ko rin 'yong pagmamahal na ibinibigay nila kay ate Dom. Iyon na lang ang pangarap ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makamit.

Bandang ala-singko nang magpaalam kami ni Tyrone na aalis na. Inimbitahan kasi niya ako na magdinner sa kanila. Natuwa naman si daddy ng marinig iyon galing kay Tyrone kaya mabilis na sumang-ayos si daddy.

Inihatid kami ni mommy at ate Dom sa labas ng bahay. Nagsabi pa sa akin si ate na itetext niya raw kaagad si Luther pagka-alis namin. Ngumiti lang ako sa kan'ya at nagpaalam na.

Nagconvoy kami ni Tyrone pabalik sa condo ko. Nagrequest kasi akong maliligo at magbibihis muna bago kami tumulak sa kanila.

"Dionne... Uh. Pasensya ka na nga pala sa nagawa ko sa'yo... Lasing lang ako niyon," sinserong aniya. Nakasakay na kami ngayon sa lift pataas sa unit ko.

"Naiintindihan ko. Kalimutan na lang natin, Ty. Partly, may kasalanan din naman ako."

"Thank you." Ngitian ko lang si Ty at naglakad ng muli.

Nagtataka naman ako ng makitang bukas ang pintuan ng unit ko. Paniguradong nandito ang mga kaibigan ko. Bukod sa akin ay si Gail lang naman ang may spare key ng unit ko. Minsan kasi ay wala ako rito kapag naiisipan nilang bumisita. Hinihintay pa nlla akong makauwi bago sila makapasok kaya binigyan ko ng spare key si Gail.

Naging tama naman ako nang pagpasok ko sa unit ay nakita ko ang mga kaibigan kong abala sa panunuod ng movie. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila.

"Saan ka galing? Kanina pa kami rito," ani Kira. Ang masayang pagbati niya sa akin ay nauwi sa kan'yang pagsimangot nang makita ang lalaking nasa likuran ko.

"Sa bahay," maikling sagot ko.

"Magkasama kayo?" si Gail naman ngayon.

"Oo. Aalis din kami. Bibisita ako sa kanila."

"Magclub kami mamaya, sasama ka ba?"

"Pag-uwi ko. Sasama ako. Hintayin niyo ako rito."

Hinayaan ko si Tyrone sa salas kasama ang mga kaibigan ko. Pumunta na ako sa kwarto ko para makaligo. Matapos mag-ayos at magbihis ay niyaya ko na si Ty na pumunta sa bahay nila.

Habang nasa daan ay pinag-uusapan namin ni Ty ang pagpunta ko sa club mamaya kasama sila Kira. Ayaw niya pa akong payagan na sumama pero nagpumilit ako. Sinabi niya pa ngang sasama siya pero mariin ang pagtanggi ko dahil alam kong hindi iyon magugustuhan ng mga kaibigan ko.

Alam ko naman na kahit anong pagbabangong gawin ko sa pangalan ni Tyrone sa mga kaibigan ko ay hindi na mababago ang pagkakadisgusto ng mga kaibigan ko sa kan'ya. Ngunit 'gaya ko ay wala na lang din silang magawa kung 'di ang tanggapin na kahit gustuhin kong kumalas kay Tyrone ay hindi maaari.

Ang mommy ni Tyrone ang sumalubong sa amin. Naiiyak na niyakap ako ni tita Dana. Panay naman ang tawa ni Tyrone sa mommy niya. Sumimangot si tita Dana at pinitik sa tenga si Ty dahil ngayon lang daw naisip nitong dalhin ako sa kanila.

"I'm sorry, ma. Busy ako sa trabaho at gano'n din si Dionne," ani Ty. Tumango na lang si tita Dana at niyakag na kami sa hapag kainan.

Nandoon na rin si tito Alex. Lumapit ako sa kan'ya at nagmano. Nakangiting lumapit at yumakap din ako kay Alyanna, ang nakababatang kapatid ni Tyrone.

"How's work, Dionne? Mabuti at may oras pa kayo ni Tyrone para sa relasyon niyo?" tanong sa akin ni tito Alex. Hindi ko alam kung paano ko siyang sasagutin.

"My work is fine po, tito. Medyo busy lang nitong nakaraan dahil may malaki po kaming proyekto at... uh..." Hindi ko makumpleto ang sasabihin.

"Maayos naman ang relasyon namin ni Dionne, pa. Pareho kaming abala pero may oras pa naman kami para sa isa't isa." Laking pasasalamat ko ng si Tyrone na ang sumagot sa tanong ng kan'yang ama.

"Mabuti kung gano'n," ani tito Alex at iminuwestra na sa amin ang hapag kainan.

Ipinaghila ako ng upuan ni Tyrone. Ipinaglagay niya rin ako ng pagkain sa plato ko. Kinikilig naman si tita Dana habang naunuod sa ginagawa namin ni Tyrone. Natatawa na lang kami ni Tyrone kahit si tito Alex ay natatawa na lang din.

"Pagpasensyahan mo na ang tita Dana mo, Dionne, ah? She's a sucker for romance," natatawang ani tito Alex. Tumango na lang ako nagpatuloy na sa pagkain.

Matapos ang dinner ay nagpalipas lang ako ng ilang minuto pa bago ako nagpaalam na uuwi na. Alam naman ni Ty ang rason kung bakit uuwi na ako kaagad. Napipilitan man ay hinayaan na lang ako ni tita Dana kahit pa panay ang pilit niyang sa kanila na lang ako matulog.

Mabilis akong nagpaalam kay Ty na aakyat na sa taas nang makarating kami sa lobby ng condo ko. Mabuti na lang ay hindi na rin naman siya nagpumilit na sasama sa akin tulad ng pagpupumilit niya kanina.

"Ang tagal niyo naman," bungad sa akin ni Kira ng mapagbuksan niya ako ng pinto. Umirap ako at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok ko sa kwarto para makapagpalit na ako ng damit. Mas'yadong formal ang suot ko kanina para sa dinner at hindi iyon akma sa club na pupuntahan namin.

Isang itim na sleeveless dress ang suot ko. Pinaresan ko iyon ng itim din na strap sandals. Humarap ako sa salamin pagkatapos at naglagay ng mas dark na make-up at pulang lipstick. Panay na ang katok ni Kira sa pintuan ko kaya nagmamadali ko ng tinapos ang pag-aayos para makaalis na kami.

Ang kotse na lang ni Luke ang dinala namin. Sunday naman bukas at napag-alaman kong may dala silang damit sa bahay kaya roon nila balak umuwi pagkatapos namin sa bar.

Alas-diyes na ng makarating kami sa heaven's gate club. Marami-rami ng tao. Kakaunti lang naman kami ngayon kaya table na lang ang kinuha namin.

"Oh? Sina Luther!" sigaw ng kinikilig na si Kira habang nakaturo sa kinaroroonan ni Luther kasama ang mga kaibigan nito. Kumaway-kaway sa kanila ang mahaderang si Kira. Nang bumaling ako ay nakita kong nandoon si Miss Rayanne ang asawa ni Sir Hessandro. Ngumiti ang babae sa akin kaya ginantihan ko rin siya ng matamis na ngiti.

Ako na ang umorder ng iinumin namin dahil mabilis na naging abala ang mga kaibigan ko sa mga kakilalang nasa malapit na sofa lang. Puro mga alak na may mababang alcohol lang inorder ko at ilang pulutan na rin.

Nagulat pa nga ako ng matapos kong umorder ay nakita kong may apat na waiters ang nagtutulong-tulong sa pagbuhat ng sofa nina Sir Hessandro palapit sa amin. Oh, God! This is awkward. Teka? Bakit ba ganito ako mag-isip? Mukha namang hindi naaapektuhan si Luther. Ako lang naman iyong kung ano-ano ang naiisip.

Matapos ayusin ang mga sofa namin ay nagpadagdag pa si Sir Hessandro ng mga alak sa table namin. Aniya'y sagot na raw niya ang lahat ng oorderin namin para sa gabing iyon.

"Akala ko suplado at gwapo lang itong si Sir Hessandro, galante rin pala," ani Kira at malakas na tumawa. Pati kami ay natawa rin sa sinabi niyang iyon.

"Tss," iritado naman si Luther na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala. Hindi ko siya pinansin at nakinig na lang kay Kira na nag-uumpisa na naman sa mga malalaswa niyang kwento.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status