Share

Kabanata 28

Pagdating sa parking lot ng isang sikat na condo unit dito ay sabay-sabay kaming bumaba pero pinigilan ako ni Aki.

“I don’t need help, pwede niyo na akong iwan dito,” pagtataboy nito sa amin.

“Bro, look at yourself. Hindi ka nga makatayo ng maayos,” sabat ni Sir Gio kaya mabilis itong tinapunan ni Aki ng matatalim na tingin. “Chill, I’m just saying,” dagdag pa nito habang itinataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko.

“Huwag ka nang magkulit Joaquin, hayaan mong alagaan ka ni Kari kahit ngayong gabi lang,” nakisali na rin sa pangungumbinsi si Winnie.

“Uh... oo nga, wala naman akong gagawin bukas kaya ayos lang,” pag-gatong ko sa usapan pero mukhang lalo lang tumindi ang iritasyon niya.

“See? She’s willing to take care of you. Kaya I’m telling you, kung ayaw mo na mapahiya kay Kari then fix yourself,” ramdam na ang kaseryosohan sa tono ng pananalita

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status