Beranda / Romance / Ocean Waves / Kabanata 16

Share

Kabanata 16

Penulis: mirai_desu
last update Terakhir Diperbarui: 2021-12-09 13:13:21

Magkatabi kami ngayon ni Winnie sa bangka. Parehas kaming excited na makauwi rito sa isla at hindi iyon maitatago sa aming mga mukha.

“Grabe! Daig ko pa ang nangibang bansa, pakiramdam ko ang tagal kong nawala rito,” saad pa niya nang natatanaw na namin ang isla.

“Matagal ka naman talagang nawala rito, Winnie,” sambit ko at tinitigan ito ng seryoso.

Magdadalawang taon na siyang nasa siyudad. ‘Di kagaya ko ay hindi na nakatungtong pa ng kolehiyo si Winnie dahil sa pagkakasakit ng kaniyang lolo at lola. Mas pinili niyang magtrabaho na lamang dahil hindi niya raw kakayaning mag-aral ng apat na taon habang inaatake ng sakit ang kaniyang lolo’t lola.

Napakadalang lang din ng pagkakataon na maka-uwi dahil sa pag-iiba iba niya ng trabaho. Aniya’y ‘di siya uuwi hangga’t walang sapat na ipon. Pero ngayong sa Bar na siya nagtatrabaho ay kahit papaano nakaka-uwi na siya rito.

Sinalubong ako nila Nanay at Ali sa may dalampasigan. Pagkababa na pagkababa sa bangka ay agad kong niyakap ang anak ko.

“Nanay ‘wag ka na tatakas ulit, ha!” aniya at binigyan ako ng isang nakasimangot na mukha.

Kinurot ko naman ang kaniyang pisngi, “Sorry na anak, opo hindi na tatakas ang Nanay,” saad ko at hinalikan siya sa pisngi.

“Ay! Nakakatampo naman wala akong hug,” pagpaparinig ni Winnie sa likuran ko.

“Waaah! Nanay kasama mo si Tita Winnie!” tuwang-tuwa ang anak ko nang makita si Winnie. Agad itong bumaba sa pagkakabuhat ko at tumakbo kay Winnie. Yumuko siya para masalubong ng yakap si Ali.

“Wala ka sana pasalubong kung hindi mo ‘ko niyakap,” pananakot pa niya. Niyakap naman siya ni Ali lalo ng mahigpit kaya natawa kami.

“Maigi naman Winnie at naka-uwi ka,” bati ni Nanay sa kanya habang tinutulungan akong kuhanin ang iilang gamit.

“Kaya nga po, e. Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon kaya sinulit na,” sagot naman niya.

Habang naglalakad ay naririnig ko pang nagkakamustahan silang dalawa, natanong din ni Winnie ang lagay kaniyang lolo at lola at sinagot naman iyon ni Nanay.

Nang makarating sa bahay ay agad kong inilapag ang mga gamit sa higaan, inilabas ang mga gamit na binaon at itinabi iyon sa aking cabinet. Lumabas ako para sana tumulong kay Nanay na ayusin ang mga pinamili ko.

“Anong meron at umuwi kayo ni Winnifred dito? ‘wag mo sabihing wala na kayong trabaho?” kinakabahang tanong ni Nanay. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

“Hindi po. Birthday po ng amo namin at anibersaryo ng Bar kaya mag-a-outing daw,” paliwanag ko, nakita ko namang umalwan ang reaksyon niya dahil doon.

“Gano’n ba? Saan naman daw kayo pupunta?” Nanay.

“Uh... sa Langub ho. Doon sa resort nila Miuki,” sagot ko. Oo nga pala, dadaan ako roon kila Miuki para personal na makapagsabi at para na rin mangamusta.

“Kailan naman sila tutulak rito?”

“Sa Linggo pa raw po ng hapon.”

Matapos ang kaunting usapan namin ni Nanay ay nagpaalam ako na tutungo muna kay Miuki. Si Ali ay nandoon ngayon sa bahay nila Winnie, nawili sa pasalubong na laruan. Pinayagan ko na dahil hindi naman malayo ang bahay nila Winnie sa bahay namin.

Nagtawag ako ng habal-habal at sumakay doon, sinabi kong ihatid ako roon sa resort nila Miuki. Maimpluwensya ang pamilya niya rito sa isla kaya naman kilala na siya at ‘di ako nahirapang ituro sa mga driver ang papunta sa kanila.

“Kari!!!” masiglang salubong ni Miuki sa akin matapos ang ilang katok sa kanilang gate.

“Hindi ka manlang nagpasabi na dadaan ka para sana nakapaghanda ako ng merienda,”aniya nang makapasok sa loob.

“Naku! Hindi na Miuki ayos lang ‘yon,” saad ko.

Kahit pa sinabi kong ayos lang iyon ay nagtawag pa rin siya ng kasambahay at narinig kong inutusan niya iyon na bumili ng pagkain.

“Sensya na, ah. ‘Di pa nakakapag grocery ulit,” sabi pa niya nang makabalik sa sofa. Ilang beses pa kaming nagtalo na hindi na siya dapat pang mag-abala, ako pa nga dapat ang humingi ng pasensiya dahil biglaan ang pagpunta ko.

Nagsimula ang usapan namin at saktong dumating ang kasambahay na inutusan niya. Nagkamustahan lang kami saglit at kaunting kwentuhan na rin at isang bagay lang ang napansin ko, si Ravi. Wala si Ravi at hindi niya rin ito nababanggit pero hindi na ako nag-abala pang itanong iyon sa kaniya.

“Yeah, Ate Michie received a call from that Bar. I didn’t know that you work there,” aniya. Simula kasi nang umalis ako sa resort nila ay nawalan na rin ako ng balita sa kaniya, ni hindi ko rin sigurado kung gumagana pa ang numero na ibinigay ko kay Sir Gio kaya naman hindi ko siya nagawang kumustahin, pero mukhang gumagana pa iyon dahil nasagot naman daw ng Ate ni Miuki ang tawag.

“Uh... oo, e. Doon na ako nagtatrabaho ngayon, bigla kasing na-ospital ang anak ko kaya kinailangan magtrabaho roon,” paliwanag ko. Tumango-tango naman siya.

“At bakit hindi ka nagsabi sa’kin?! Nagkasakit pala ang inaanak ko hindi ko manlang nabalitaan,” aniya na pabirong naiinis sa’kin. Sinabi ko namang hindi na ako nag-abala dahil alam ko noong mga panahon na iyon may problema rin siya.

“I’ll entertain you personally on your stay here, ako na ang bahala pambawi manlang sa’yo,” aniya.

Hindi ako sumang-ayon sa sinabi niya dahil baka maabala lang siya. Sinabi niya naman na wala siyang ibang pinagkaka-abalahan rito sa isla at ang dahilan naman talaga ng pag-uwi niya rito ay para magsanay sa paghawak ng resort nila.

“You said it was you boss’ birthday, right?” tanong niya.

“Oo, birthday nila ni Sir Jed at anniversary din ng Bar kaya manlilibre sila Sir,”pagkekwento ko.

“I see, ako na ang bahala roon, Kari. Do not stress yourself na, okay?” ngumiti naman ako habang tumatango

Matapos ang mahigit isang oras na pagkekwentuhan at kumustahan ay nagpaalam na ako sa kaniya na uuwi na ako. Nagpasalamat ako sa kaniya at humingi ng pasensiya sa abala.

Pagkauwi’y tumulong ako kay Nanay sa paghahanda ng hapunan. Naroon na rin sa bahay si Ali, abala sa paglalaro ng mga laruan na binigay ni Winnie sa kaniya.

“Inimbita ko sila Winnie na maghapunan dito, maya-maya lang ay darating na ang mga iyon,” saad ni Nanay kaya naman nagligpit ako ng kaunting kalat. Hindi pa man nakakatagal ay dumating na nga sila.

Naging masigla ang hapunan na iyon dahil sa dami ng kwento ni Winnie na ikinatuwa naman maigi ng kaniyang lolo at lola pati na si Nanay.

Pati ang mga pangyayari tungkol kay Jed at Aki ay hindi nakaligtas, isiniwalat niya iyon kay Nanay kaya naman binalingan ako no’n at binigyan ng masamang tingin.

“Ni hindi mo ipinaalam sa’kin na amo mo rin si Joaquin!” sumimangot naman ako sa sinabi ni Nanay. Hindi ko na talaga sinabi dahil kukulitin lang niya akong sabihin na kay Aki ang totoo lalo’t sobrang lapit lang pala namin.

“Huwag niyo na ngang pag-usapan iyon, mamaya marinig pa ni Ali,” saway ko sa kanila at hindi naman nga nila pinag-usapan pa.

Nakaupo ako ngayon malapit sa dalampasigan. Hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi pero wala na gaanong tao ang nasa labas pa tanging ang mga mangingisda na lamang na nag-aayos ng kanilang lambat at bangkang gagamitin.

“Mare!” binalingan ko ang tumawag sa’kin, si Winnie. May dalang dalawang bote ng beer. Umupo ito sa tabi at iniabot sa akin ang isa, tinanggap ko naman.

“Nakaka-miss ‘no? Yung mga ganitong oras madalas natin ubusin lang sa pagtambay dito,” pagkekwento niya, sumang-ayon naman ako. Noong kabataan namin ay madalas kaming nagtitipon-tipon dito kasama ang iba pang kaibigan.

Alam kong mahirap ang buhay dito sa isla pero wala akong ibang pipiliin na lugar kundi rito pa rin para manirahan. Kalmado ako kapag nandito, nandito ang puso ko pati na ang buhay ko.

Dito ako lumaki at natuto, gano’n din ang gusto kong maranasan ng anak ko. Pero hindi ko ito pipigilan kung sakaling gusto niyang kumawala rito at diskubrehin ang ibang mundo.

“Nakausap ko nga pala si Miuki kanina,” pag-iiba ko ng usapan.

“Talaga? Nandito na pala siya sa isla, akala ko’y nasa Manila pa rin,” aniya, hindi makapaniwala sa sinabi ko.

“Oo. Tapos na siguro sa pag-aaral, nasabi niyang nagsasanay na siya sa paghawak ng resort kaya personal niya tayong aasikasuhin sa susunod na araw,” saad ko.

“Mabuti naman kung gano’n.”

Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa, kaniya-kaniyang lumalagok sa inumin na dala. Humugot ako ng isang malalim na paghinga saka nagsalita.

“Winnie, anong gagawin ko?” tanong ko habang nakatanaw sa dagat. Kalmado ang dagat ngayon at maliwanag ang sinag ng buwan.

“Ayaw kitang pangunahan sa mga desisyon mo, Kari. Maski ako’y ‘di rin alam ang gagawin. Ang sakit kasi na itatanggi ko ang sariling anak sa maraming tao,” aniya. Hindi ko rin kaya iyon. Ayokong isipin ng anak ko na ikinahihiya ko siya kaya ko siya tinatanggi sa iba.

“Sasabihin ko na ba kay Ali ang tungkol sa tatay niya?” tanong ko ulit. Kailangan ko ng mga opinyon dahil ayokong magkamali sa mga gagawin ko.

“Pwede naman, Kari. Dalawa lang naman ang kalalabasan niyan. Pwedeng kamuhian ka niya dahil itinago at nagsinungaling ka sa kaniya, pwede rin namang hindi.”

Nalilito ako. Hindi ko alam ano ang gagawin ko. Kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa tatay niya ay pwede ngang magalit siya sa’kin dahil sa panloloko ko sa kaniya. Kung sasabihin kong nandito ang tatay niya kaya hindi siya pwedeng lumabas ay hindi rin uubra.

Alam kong lalo lang iyon magpupumilit na makita ang tatay niya. Ayoko rin namang kamuhian niya si Aki dahil wala namang alam iyon sa mga nangyayari.

---

Narito kami ni Winnie ngayon sa daungan dahil ito ang oras na darating sila Sir Gio. Nauna silang dalawa ni Sir Jed na magpunta rito para i-check at ayusin ng personal ang transaksyon kina Miuki.

Tahimik naman si Winnie na pinagmamasdan ang bangkang papalapit at sakay na nga no’n sina Sir Gio at Sir Jed. Sa tabi naman niya ay si Ali na nagpumilit sumama sa amin. Hawak-hawak ni Winnie ngayon ang kamay niya.

“Hi po!” bati ni Ali na nauna pa sa amin ni Winnie. Nakita ko ang ngiti ni Sir Gio at makahulugan akong tinignan.

“Hi!” bati ni Sir Jed sa’kin. Binati ko naman ito pabalik.

Hindi pa sana ako sasama na salubungin sila dito sa daungan dahil sa takot na baka kasama na nila si Aki ngayon, siniguro naman sa akin ni Winnie hindi raw kaya heto ako ngayon sa harap ng kambal.

“Hi, Ali?” tanong ni Sir Gio sa anak ko. Bahagya itong nakayuko ngayon para maging magkapantay sila ng anak ko. Tumango naman ang anak ko na ikinangiti ni Sir Gio sabay pisil sa pisngi nito.

“Sorry, I forgot to bring any gift. Babawi ako next time, ayos ba iyon?” tanong pa niya. Agad naman akong tumanggi.

“Hindi na po kailangan, Sir,” saad ko kaya binalingan ako nito.

“Haha, your Mom doesn’t like it but, but I’ll still get you one, ‘wag ka lang maingay, okay? This is our secret...” bulong niya sa anak ko kaya tinignan ko ito ng matalim ngunit nginitian lang ako at tumayo na.

Naiuwi ko na si Ali kaya naman bumalik ako sa kung nasaan sila. Nangako akong sasamahan sila papunta roon sa resort ngayon.

“Hop on, Kari,” anyaya ni Sir Jed na ngayon ay nakasuot ng helmet, nakasakay sa habal-habal at hinihintay ang pagsakay ko.

Nakita ko naman si Winnie na nakasakay na sa likuran ni Sir Gio, parehas silang nakatitig sa akin ngayon at hinihintay ang susunod na gagawin ko. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya agad na tinanggap ang helmet na iniaabot ni Sir Jed sa akin at sumakay na.

Nang makarating doon ay sinalubong kami agad ni Miuki sa may bungad. Binati kami nito isa-isa pagkatapos kong ipakilala sina Sir Gio at Sir Jed. Pagkatapos ng iilang usapan at transaksyon ay agad niyang iginiya ang dalawa sa kwarto na pwede nilang tuluyan ngayon hanggang sa matapos ang bakasyon. Nagpasalamat kami sa kaniya para sa personal na pag-aasikaso nito sa amin.

“It’s fine. It is my pleasure to personally serve the very special guests,” saad pa niya. Bago makauwi nang tuluyan ay pinasalamatan namin siya ni Winnie ulit. Inihatid pa niya kami palabas.

Natigilan kami sa paglalakad nang may tumawag sa’kin, “Kari!”

“I have something for you,” aniya at inilabas ang isang paper bag. Sinulyapan ko naman si Winnie na nanunutyang nakatingin kahit pa na nasa malayong banda namin.

“Ako po ang dapat nagbibigay ng regalo sa’yo, Sir,”  saad ko.

“It’s not my birthday yet, pwede ka pang humabol sa pagbibigay ng regalo if you want haha. For now, accept this... please?” aniya. Matapos ang ilang pangungumbinsi niya ay tinanggap ko na rin ang ibinibigay niya. Isa iyong dress, napakagandang dress na sa tingin ko’y magandang isuot para bukas. Bilang pasasalamat na lang ay napagdesisyunan kong isuot iyon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ocean Waves   Kabanata 45

    Never in my wildest dream I will be in this position. My girlfriend just cheated on me.“This will be the last time I’m saying this, leave the fuck out of this room,” I can’t contain my anger.Anytime soon I’ll burst out in anger and I might do something bad with her, which I don’t want to happen.“I was drunk!” she yelled. I’m trying hard to remain cool and relax but I can’t with this girl.“Solange, you cheated on me for the second time and with the same guy for Pete's sake. Do you really think I am that dumb to forgive you again?”Solange was my everything, we’ve been in a relationship for over 3 years now. I let it slide the first time she cheated but not this time around.“Bakit mo siya pinatawad noon?” she asked.“I don’t know, because I’m dumb? I love her?” I shrugged.Mom and Dad invited me to Cebu with them for business purposes. I grabbed this opportunity to unwind and forget what Solange did to me, and I met this good friend of mine, Kari.We’ve been staying in a resort hot

  • Ocean Waves   Kabanata 44

    Magkahawak kamay kaming bumalik sa hapag kainan at gaya ng inaasahan ko, lahat ng paningin nila ay bumagsak sa mga kamay namin.Pasimple akong sumulyap kay Tita para bigyan siya ng isang ngiti na alam kong makukuha niya agad kung ano ang ibig sabihin.“O... M... G! Did you two just...” ngiting-ngiti si Ate Alina at hindi matapos-tapos ang sasabihin. Dahan-dahan akong tumango bilang kompirmasyon sa gusto niyang sabihin.“This calls for a celebration! Congrats, bro! You finally made it,” bati ni Kuya Aquilles na ‘di na napigilan ang sariling tumayo sa upuan para yakapi si Aki.“I know right, I thought it will take him forever to ask her,” ani Ate Alina na ngayon ay nakatayo na rin at naghihintay ng yakap sa akin kaya dinaluhan ko na.“Shut up,” saad ni Aki na parang nagsisimula na mapikon sa mga kapatid niya.Isa-isa nilang kaming binati sa pagkakabalikan namin ni Aki kaya naging masaya ang simpleng salu-salo noong gabing iyon.“I always thought that waves are too destructive and can si

  • Ocean Waves   Kabanata 43

    Wala akong naging problema sa mga nakalipas na semestre at halos hindi ko na namalayan ang bilis ng panahon dahil isang semestre na lang ay magtatapos na ako.Wala rin naging problema sa pag-aalaga at pagiging magulang namin ni Aki kay Ali. Naging normal na sa amin ang salitan na pag-aalaga dahil nitong mga nakakaraan ay masyado akong abala sa pag-aaral.“Hindi ako sigurado sa oras ko, Aki baka ma-late ako dahil kailangan pa namin i-finalize ang thesis,” nag-aalangang sambit ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan niya at nagmamaneho para ihatid ako papasok.Naging ganito na ang sitwasyon namin sa tuwing magkakaroon siya ng oras at kung hindi tambak ang trabaho sa kompanya.“It’s fine, as long as you’re coming we will wait,” aniya. Nahihiya akong paghintayin sila.Inimbitahan kami ng pamilya ni Aki na sumama sa isang family dinner, aniya’y gusto akong makausap ng Mommy niya. Lalo akong nahiyang magpahuli dahil baka importante ang sasabihin sa’kin ni Tita.“Ito pala ang mga damit

  • Ocean Waves   Kabanata 42

    Tinulungan ako ni Tatay na ayusin ang mga papeles na kailangan ko para makabalik sa pag-aaral. Mabuti at nakaabot pa ako dahil kapag lumagpas ako ng apat na taon sa pagtigil ko sa pag-aaral ay uulit ako muli sa simula, kaya heto at bago mag-apat na taon ay nakabalik ako kaya dalawang taon na lang ang bubunuin ko ay makakapagtapos na ako.Naging maayos na ang lahat matapos ng araw na iyon. Naunang bumalik ng Maynila si Aki dahil opisyal na niyang hahawakan ang kompanya ng kaniyang pamilya. Samantalang kami ng anak ko ay nanatili pa ng tatlong buwan sa isla.Isang buwan bago ang pasukan ay bumyahe na kami ng anak ko patungo rito sa Maynila, ikinuha kami ni Tatay ng maayos na matutuluyan kaya naman hindi ako nag-atubiling isama si Ali dahil ayaw kong malayo siya sa’kin. Isa pa, gusto rin ni Aki na nandito si Ali kaya talagang isinama ko siya.“I enrolled her to the school where her cousins are attending,” ani Aki nang makalabas ng kwarto. Mukhang napatulog na niya si Ali.Isang linggo na

  • Ocean Waves   Kabanata 41

    “My voice is not as blessed as yours, but we worked hard for this song,” aniya habang dahan-dahang ipinupulupot ang mga bisig niya sa baywang ko.Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari, masyado akong nilalamon ng lakas ng pintig ng puso ko dahil sa ginagawa ni Aki ngayon.‘Cause I’ve been thinking ‘bout you latelyMaybe, you could save me from thisThe world we live inAnd I know we could happen‘Cause you know that I’ve been feeling youMarahan niya akong pinihit paharap sa kanya at matamang tinignan sa mga mata. Mga titig na akala mo’y kayang basahin lahat ng tumatkbo sa isip. Mga titig na para bang lulunurin ka sa sobrang tindi at lalim.Kung malulunod man ako ay gugustuhin kong Aki ako mahulog at malunod. Halos hindi ko na marinig ang ingay ng alon at hangin sa paligid pati na ang kumakanta.Storms they will comeBut I know that the sun will shine againHe’s my friendAnd he says that we belong togetherNaputol ang titigan namin nang may kumalabit sa balikat ko mula sa aking

  • Ocean Waves   Kabanata 40

    Ilang araw ko na kinukulit si Miuki na babalik na ako sa pagtatrabaho pero lagi nila iyon kinokontra, anila’y hindi pa raw bumabalik ng husto ang lakas ko kaya wala pa akong kakayahan na makapagtrabaho ulit.Kaya ngayon, kung hindi ko sila mapipilit na payagan ako ay bubulagain ko na lang sila sa biglaang pagpasok ko. Sigurado naman akong wala na silang magagawa kung makita nilang nandoon na ako.Kailangan ko na rin talagang magtrabaho dahil hindi pupwedeng si Aki ang gumastos ng gumastos para sa amin. Bisita namin siya kaya dapat ay siya ang pinagsisilbihan namin.Hindi na ako nagulat kung maagang nagising si Aki. Simula nang magtigil siya rito ay nauuna na siyang magising para paghandaan kami ng almusal.Ilang beses na akong nagsuhestiyon sa kanya na magpa-book sa resort-hotel nila Miuki dahil alam kong hindi siya sanay sa buhay na mayroon kami rito, isa pa wala rin siyang maayos na natutulugan dito. Ilang gabi na siyang nagtitiyaga sa sofa naming gawa lamang sa kawayan kaya sigurad

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status