Share

Kabanata 31

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga para mas maka-usap ng maayos si Winnie.

“Hi, mangangamusta lang,” ang babaeng ito talaga.

“Hindi ba makakapaghintay ‘yan bukas? Maayos ako rito, maayos kami,” saad ko at ibinalot ang cardigan na suot ko sa aking katawan at umupo sa upuan sa labas ng aming bahay.

Ang kalmadong dagat at maliwanag na buwan ay nagbibigay ng sobrang kaginhawaan sa akin ngayon.

“Hindi. Alam mo na ba ang nangyayari kay Joaquin ngayon?” tanong nito sa’kin. Para na namang hinampas ng malakas na alon ang puso ko dahil sa pagbigkas ni Winnie ng pangalan niya.

Umayos ako sa pagkaka-upo para mas makapakinig sa sasabihin niya.

Sa ilang araw kong pagpapaka-abala sa trabaho ay hindi ko na namalayang hindi na nga nakakabisita muli si Aki rito.

“Nasa Maynila siya, kahapon lang umuwi. Nagkaro’n ng malaking problema ang kompanya nila dahil sa biglaang pagpull-out ng shares ng pamilya ni Solange sa kanila. Sabi ni Gio may tyansang bumagsak ang kompanya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status