Share

Kabanata 10

Tulala ako buong misa. Ito na siguro ang pinakamalungkot at masakit sa puso na simbang dinaluhan ko.

Nang matapos ang misa ay kaagad na lumapit ang mga magulang ko sa mga Del Madrid. Wala sa sariling napasunod ako.

Nalaman kong magkakilala na noon pa ang tatay ni Lazarus at ang tatay ko. Dahil wala naman akong pakialam sa kanila dati, hindi ko alam na madalas palang dumadalo ang pamilya nila sa mga pagtitipon sa bahay.

Ngayon ay may mahalagang parte ang tatay ni Lazarus sa kompanya namin. Tinulungan niya si Papa na magexport sa ibang bansa.

Sinalubong ni Aquilino ang mga magulang ko para magmano. Nagtama ang tingin namin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Aquilino looked at me with a smug on his face. Hindi ko talaga gusto ang awra nito. Masyadong mahambog. Parang palaging naghahamon ng gulo dahil sa mga matang madilim at malalim.

"Mukhang hindi mo naturuan ang anak mong magbigay-galang, Avelino." saad ng matandang babae habang nakataas ang kilay at seryosong nakatingin sa akin.

She has
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status