Share

Kabanata 2

Penulis: sheynanigan
last update Terakhir Diperbarui: 2022-03-06 16:50:05

"You are being bull-headed again, Aviona! Kailan ka ba magtitino?!" Papa's voice thundered. His face flushed red.

I was confined in the hospital for two days. Mayroon akong benda sa ulo dahil sa aparatong tumama sa akin. Putok din ang labi ko at may mga maliliit na sugat sa mukha gawa ng bubog nang tumama ito sa akin.

Ngayon ay kakauwi ko palang sa bahay at sermon agad niya ang bumungad sa akin. He never visits me in the hospital. I don't care, though. His presence seemed to buzz around me. Every word, movement and breath he performed seemed to infuriate me to no end.

My face remained blank. I don't want to show him that I'm annoyed at him right now.

"You are grounded for the whole month! No phone and other gadget! Mag-reflect ka sa mga ginawa mo! You're a disgrace!" Nanggagalaiti pa rin niyang sabi.

Bumuntong-hininga ako. Kinuyom ko ang aking kamao sa galit at nagpipigil sa sariling magsalita sa kaniya pabalik. I was expecting for this to happen kaya hindi na ako nabigla. One month din naman akong suspended sa klase.

Wala na rin akong narinig na balita kay Dion at Paulino pagkatapos ng nangyari. Kinuha nila ang phone ko at mga gadgets ko pagkagising ko. Mom said Paulino tried to visit me pero hinarang ng mga tauhan ni Papa.

"I'm holding a party this evening. Huwag kang lalabas! Huwag kang mag-eeskandalo! I'm warning you, Aviona Serafina!" Nilingon niya si Mommy na nakaupo sa couch. "Pagsabihan mo nga 'yang anak mo, Fina!" He said angrily and then left the room.

Bumuntong-hininga ako. Agad naman akong nilapitan ni Mommy at hinawakan ang kamay. Malamlam ang mga mata niya akong tinignan.

"Just listen to your Papa, Aviona. Para rin ito sa atin. He got the biggest investor from Japan. This is a big break for our company."

Iniiwas ko ang tingin sa kanya at pumikit ng mariin. I'm so tired of listening to this. Palagi nalang. Puro lang sila pagpapayaman, hindi na nila maasikaso ang anak nila.

"Iwan niyo na muna po ako, Mommy. Gusto ko pong magpahinga," pagdadahilan ko.

"Okay," I heard her sighed. "Tumawag ka nalang pag may kailangan ka."

Binitawan niya ang kamay ko. Hanggang sa marinig ko nalang ang pagsarado ng pinto. Hindi ko alam kung pang-ilang buntong hininga ko na ito ngayon. What now? Mabubulok na lang ba ako dito? Anong gagawin ko? I can't live without a gadget!

Bago ko pa matapos ang inisa-isa kong mga bagay na pwedeng gawin dito sa kwarto ay dinalaw na ako ng antok.

I woke up because of the noise downstairs. Tunog ng nagkukwentuhan, mga sasakyan at instrumental music. Tatayo na sana ako upang umusisa sa baba nang maalala ko ang bilin ng tatay ko kanina. I rolled my eyes heavenwards.

Maybe the party has been started. Madilim na sa labas at nang lingunin ko ang orasan sa bedside ay nakita kong alas sais na ng gabi.

Tinungo ko ang banyo para mag-shower. Ramdam ko ang lagkit ng buhok ko pero hindi pa ako pwedeng magbasa ng buhok dahil hindi pa naghihilom ang tahi ng sugat ko. Ang pangit ko tuloy tignan.

Nakakainis!

Gusto kong lumabag sa sinabi ni Papa. Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinagbabawalan. Total ay wala naman akong ginagawa rito. Mabuburdo lang ako.

Prohibition generates different reactions to me. A ban that ignites an attraction entices me more to do it. It makes me happy for unknown reason. Iba ang fulfilment na binibigay nito sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit.

Ang kaso, ayaw kong lumabas nang ganito ang itsura. Nakakababa ng self-esteem. Kaya naman pagbibigyan ko ang Papa ngayon. Dahil iyon ang gusto niya dito nalang ako sa kwarto ko ngayon.

I wore my long sleeve sheer vintage Victorian nightgown. Dumiretso agad ako sa vanity mirror para lagyan ng ointment ang mga sugat.

"What to do now?" I asked myself while looking at my reflection in the mirror.

Maingat akong humiga sa kama. Nagugutom na ako. Bakit hindi pa ako hinahatiran ng pagkain dito?

Maghihintay nalang ako. Kaya ko pa ito. Hindi pa naman nag-aalas siete. Ganoong oras kami madalas mag-dinner. Binuksan ko ang telebisyon para makapanood at malibang man lang.

Pero nakatapos na ako ng isang palabas ay wala pa ring pinapadalang pagkain para sa akin. Tumayo ako papunta sa mini ref ko sa kwarto para tumungga sa tinago ko na beer. Isinalin ko iyon sa tumbler para hindi mahalata ng mga magulang ko.

This will taste better if I have food. I drank once more before returning the tumbler to the bedside table. I'm really hungry!

Pumunta ako sa may pinto at sinilip kung may tao man lang na pwedeng utusan. Gusto kong maiyak. Kung suswertehin ka nga naman at wala ni isang nagagawi na katulong dito. Paano ako magtatawag ng katulong nito kung pinagbabawalan akong lumabas ng Papa ko?

Bumalik ako sa may kama at tumungga ulit ng beer. Maghihintay pa rin ako pero sa ngayon, ito munang beer ang pagtitiyagaan ko ngayon.

Hanggang sa maubos ko ang beer at nakakaramdam na rin ako ng kaunting init sa katawan. Nakadalawa na akong palabas na napanood sa telebisyon. Iba na rin ang tama ng beer sa akin. Mag-aalas nueve na hindi pa rin ako kumakain ng panghapunan!

Pagewang-gewang akong naglakad papunta sa may pinto. Umiikot na ang paningin ko. Panay ang tawa ko dahil pilit kong binabalanse ang sarili ko para huwag lang matumba. Sinusundan ko ang linya sa bawat tiles.

Dumungaw ulit ako sa pinto hanggang sa may namataang lalaking nakatalikod. Buti naman at may umakyat! Nakatitig siya family portrait namin.

"Pst!" tawag ko rito. Pero hindi ako nilingon nito. Ay aba! Nagbibingi-bingihan ba siya o sadyang bingi talaga?

"Hoy pogi!" Natawa ako sa huling sinabi.

Likod palang nakikita ko pero pogi na agad ang tawag. Maganda naman ang body built niya kaya pwede na rin sigurong tawaging pogi. Pogi kapag nakatalikod. Napahagikgik ako sa naiisip. Pagharap siguro nito pangit. Napahagikgik ulit ako.

Pero ang loko, ni hindi man lang ako nagawang lingunin! Sinipa ko ang pinto para mag-agaw pansin dahil sa tunog at saka napaupo at sinapo ang ulo. Kunwari ay nasasaktan. Kahit hindi naman.

"Aray!" Sigaw ko sa tunog nasasaktan na boses.

Muntik akong matawa dahil sa pagtutunog malandi ng boses ko kahit na parang nasasaktan. Naagaw ko rin sa wakas ang atensyon niya at dali-dali akong inagapan.

"What's wrong, Miss? What happened?" Nag-squat siya upang maglebel ang tingin namin.

Muntik na akong matulala nang makita ko ang kabuoan ng mukha niya. Mayroon siyang kayumangging buhok na nagpatingkad pang lalo sa maputing kulay ng kutis niya. Ang mga mata niya ay nakakalunod tignan sa sobrang ganda ng pagkaka-akma sa buhay at kulot niyang pilik mata.

Para siyang anghel. Parang hindi makagawa ng kasalanan.

This man is so handsome! Hindi lang pogi kung nakatalikod! Anghel na ba itong kaharap ko? Teka, nasa langit na ba ako?

Napangisi ako. Ang malandi kong kaluluwa hindi na magkamayaw!

"Miss..." Niyugyog niya ang balikat ko.

Napapitlag ako at umaktong nasasaktan ulit.

"Sumakit ang ulo ko! Aray!" Napangiwi ako kunwari sa sakit.

Umiiyak-iyak pa ako pero wala namang luhang lumalabas sa mga mata. Gusto kong matawa. Gusto kong isisi ito sa serbesang ininom ko kanina!

"Are you alright? Can you stand? I will put you to bed and then I will tell your parents that you are ill," suhestyon niya.

Kinikilig ako. Diyos ko! Pati ang boses ay ang gwapo-gwapo!

Binuhat niya akong pangkasal. Hindi na ako nagreklamo. Maarteng umiiyak-iyak pa rin ako. Ang bango niya! Ang sarap ikulong ang mukha sa dibdib niya at amuyin siya!

Ang gwapo pa sa malapitan! Ano kayang pangalan nito? Saan kaya ito nakatira? Kaninong anak kaya ito? Pwede bang anakan niya rin ako? Diyos ko, hindi ko na talaga gusto ang epekto ng alak sa sistema ko!

"Why are you crying? Does it hurt so bad? Ano pang masakit sa'yo?" He asked when he finally put me to bed.

Oh boy, so innocent.

"Sumasakit ang beywang ko," umupo ako sa kama habang tinuturo ang bewang ko. "Sumasakit rin ang dibdib ko," itinuro ko rin ang dibdib ko.

"Really? I will tell your parents immediately—"

Natigilan siya nang bigla akong tumayo sa kama at dalawang kamay na itinuro ang tuhod ko.

"Sumasakit ang tuhod ko... Sexbomb, sexbomb, sexbomb!" At saka sinayaw ang spaghetti dance craze ng sexbomb. "Spaghetting pababa, pababa ng pababa," kanta ko habang gumiling-giling ako sa harap niya at tawa ng tawa.

Kunot ang noo lang ang ginawad niya sa akin pabalik.

"Do you want spaghetti? Do you want me to get you some spaghetti sa baba?" Tila naguguluhan pa rin niyang sabi.

Nanlumo ako sa narinig. Hindi man lang siya natawa. Ang seryoso naman nito! Hindi man lang mabiro!

Hindi niya siguro alam ang kantang iyon. Masyado siguro itong mayaman. Walang radyo sa bahay? Grabe naman! Sikat kaya itong kantang ito nung bata pa ako. Madalas i-intermission number ng mga kaklase ko ito kapag may event sa school.

"Ito naman hindi man lang natawa! Nagjo-joke ako!"

Napasimangot ako at wala sariling napahiga.

Nanatili naman ito sa pwesto niya at saka nakapameywang akong tinignan. Tumatawa na ngayon.

"Joke iyon," ulit ko sa kanya.

"I'm sorry. I didn't know that song," his playful smile had drawn into a hard line across his face.

Ang gwapo naman talaga! Mapapamura ka. Titigan ko lang ang mukha niya ay nabubusog na ako. Nakalimutan kong nagugutom pala ako!

Ang mga labi niya ay mapula, parang ang lambot at ang sarap sigurong halikan.

Naku naman, Aviona! Uhaw ka ba sa lalaki? Naospital ka lang nagkaganyan ka na!

"Next time, tell that joke to someone who knows that song, okay?" His smile etched its way back into his face.

"Ang yaman niyo siguro ano? Hindi mo alam itong ganitong mga ka-jejehan."

"Oh come on, you're rich too but you know the song. Hindi ko pa talaga yan naririnig. Bago ba yan?"

"Luma na. Teka, bakit tayo naguusap na parang ang tagal na nating magkakilala? Ngayon palang tayo nagkikita. Kilala mo ba ako?"

"I don't know," napakamot siya ng ulo. Parang bigla nalang nakaramdam ng hiya. "I saw your family portrait outside and you're Mr. Ros' daughter, right? I'm Lazarus Alfonse Del Madrid," inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

"I'm Aviona Serafina. Nice to meet you, Lazarus," tinanggap ko ang kamay niya. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko.

"Do you need anything?" Biglang tanong niya. Inalis ang pagkakahawak ng kamay.

"I'm hungry," sagot ko naman.

"I'll go get you some food. Wait for me." Sabi niya at dali-daling lumabas ng kwarto ko.

Napangiti ako. Kung sinuswerte ka nga naman. Kahit nasa kwarto ay nakakalandi pa rin ako!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Of All The Forbidden   Wakas

    "We can finally take a vacation!" Trevor said cheerfully. "Freedom!" he added.We lined up together to pick up our phones. It's the beginning of our semester break. Tatlong buwan din iyon. Ngayon nalang din kami makakalabas ng seminaryo."Let's bet. I'm sure when we come back here, Trevor already have a girlfriend." Finn joked. We all laughed."Sure, Finn. How much?" Sabat ko pa."Mga gago kayo!" Trevor laughed. I don't know if he's annoyed or what because of the tone of his voice. "Sige, mga magkano ipupusta niyo?"Aba'y loko-loko talaga ito! Mas lalo kaming natawa. Kami ang nasa dulo ng pila. Kahit na nag-aasaran ay sinisigurado naman naming hindi kami maririnig ni Fr. Revelos."Ten thousand!""Ang baba naman masyado, Finn. Gawin mo ng fifteen!""Twenty! Sarado na!" sabat ko pa. Para matigil nalang sila.Alam ko lang naman din na magkakaroon 'yan si Trevor at mapapasakin pa rin ang pera. Hindi kaya 'yan mapirmi. Parang hayok na hayop sa gubat kapag nakakakita ng bagong bibiktimahin.

  • Of All The Forbidden   Kabanata 40

    Trigger warning: suicide, depressionHalos maglupasay ako sa narinig. I was stunned for a few minutes. Hindi malaman kung ano ang unang emosyong mararamdaman. Parang gumuho ang mundo ko. Nanginig ang buong katawan ko sa gulat. Hanggang sa emosyonal akong niyakap ni Lazarus, doon na bumuhos na para bang walang kontrol ang luha sa mga mata ko. "W-What happened?! Tell me you're just kidding, Lazarus!" garalgal na ang boses kong sabi. Streams of tears flowed faster than my heartbeat. "I'm sorry for your loss, baby. I won't say it's okay because it's never okay to lose a loved one ... but be strong. I'm just here." Malamlam ang mga mata niyang sabi. Mas lalo akong napahagulgol. Doon ko nakumpirmang hindi nga ito nagbibiro. Itong ganitong mga mata niya ang nakikita ko kapag nagsasabi siya ng totoo- kapag sinasabi niyang mahal niya ako."Hindi pwede! Hindi ito totoo! Panaginip lang ang mga ito!" humahagulgol kong sabi. "H-hindi sila pwedeng mamatay! Hindi ko pa sila nakakausap!" Habang

  • Of All The Forbidden   Kabanata 39

    One thing I know for sure, it's hard...It's hard to forgive someone who hurt us.It's hard to forgive someone we put on a pedestal and they knocked themselves off of it. It's hard to forgive the closest people in our life when they hurt us or abandon us or neglect us or tell us things we can't forget.It's hard to forgive those we sacrificed a lot for.It's hard to look at someone who caused us so much pain and still love them with all our heart or treat them with the same respect but sometimes we have to forgive those people and remember that they're also human.That we have had our days when we erred too and hurt people we loved because we were still healing our own issues, we were still growing and learning how to love again, we were still evolving and we got many things wrong.I think sometimes we get caught up in the wrongs that people inflict on us. We get hurt and we get bitter. Understandably so, but instead of letting that pain dissipate, we keep it close to our hearts. We

  • Of All The Forbidden   Kabanata 38

    "A-Aviona?" hindi makapaniwala niyang sabi.Gulat na gulat ang mukha ni Paulino nang makita ako. Napaatras siya, nanginginig at namumutla na ang mukha, habang patuloy sa pagbuhos ang butil ng pawis."Aviona, ikaw ba talaga 'yan?" pilit inaabot ni Paulino ang kamay niya sa akin, nanginginig pa rin."Patawad!" nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko bigla. Hindi ako makapagsalita. Gulat rin sa bilis ng pangyayari at sa mga sinasabi niya. Anong nangyayari? Bakit siya humihingi ng tawad sa akin? Ako nga ang dapat humingi ng tawad dahil nahulog ko ang cellphone niya."Patawarin mo ako! Hindi ko iyon sinasadya!" nakayuko na ito at nagtaas-baba ang balikat. Kunot ang noo kong napatingin lang sa kanya."Napag-utusan lang ako, Aviona! Patawad! Patawarin mo ako!" sabi niya habang nakaluhod pa rin, umiiyak."Anong pinagsasabi mo?!" sa wakas ay nasabi ko na rin. "'Yung nangyari sainyo limang taon na ang nakalipas... Planado iyon ng tatay mo! Tinakot niya akong tatanggalan ng scholarship ku

  • Of All The Forbidden   Kabanata 37

    "Uhm, so..." Mr. Del Madrid started after the long silence.No one dared to speak. Their gazed were all plastered to Alu who's sitting beside me; wondering, like a puzzle that needs to assemble.Lazarus was still holding my hand. Kanina ko pa kinakagat ang pang-ibabang labi ko dahil hindi ako kumportable sa presensya nila."Care to explain everything, Lazarus?" his father finally asked. Tahimik namang nakaupo sa tabi niya ang nanay ni Lazarus na taimtim na nakamasid sa anak ko. Grabe ang tensyon, tunog ng kalabog ng puso ko lang ang naririnig ko.Tumikhim si Lazarus at umayos ng upo. "Surprise? Lolo at lola na kayo!" Lazarus let out a warm hearty laugh. It echoed in the corners of the room. No one dared to laugh or say something though. Mas ramdam pa rin ang tensyon ngayon."Gago. Paano?" Aquilino finally asked after the long minutes of silence.Hindi ito mapakali. Hanggang sa lumingon ito sa akin at tinuro ako. "Akala namin patay ka na, Aviona!""She isn't, obviously, that's why sh

  • Of All The Forbidden   Kabanata 36

    I woke up early to cook breakfast. The two were still asleep when I left. When I finished cooking, I covered it for a while so that I could take a bath already.As the towel hung over the side of my shoulder, I returned to the room to get my working clothes. Nang papalapit na ako sa banyo ay dinaanan ko muna ang dalawang mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon.Nakatalukbong ito ng kumot habang magkayakap at naghihilik pa. Alas singko na sa umaga, may trabaho kami Lazarus at medyo malayo pa ang ibabyahe namin."Lazarus," I lightly shook his body."Hmm?" He stretched his body a bit and then slightly squeezed the side of his eyes. He's still struggling to concentrate in my direction because of drowsiness."Bangon na, may pasok pa tayo sa trabaho." but instead of getting up, he lay on the bed and embraced his sleeping son by his side."Lazarus," niyugyog ko ulit ang balikat niya pero hilik lang ang sagot sa akin.Napakamot ako ng ulo. Medyo inis na. Napagod itong dalawang ito maglaro

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status